Chereads / Hell's Card / Chapter 3 - Chapter 3 : Hustisya

Chapter 3 - Chapter 3 : Hustisya

--- (Halena's POV)

"Dito po, maam Halena" sabi sa akin ng isang guwardiya na nakasabay namin papuntang Chief's office.

Kasabay ko ngayon itong nakamaskara na nakasalamuha namin kanina. Hindi namin alam ang nangyari kung paano siya nakapasok dito sa area na ito.

Ako nga pala si Halena, Halena Madrigal. Ako ang isa sa mga researchers para hanapin at suriin ang laman at kabuuan ng Djinn's Deck.

Madaming mga haka-haka ang naririnig sa labas kung totoo nga ba ang Djinn's Deck at ang kapangyarihan nito. Ngunit napatunayan ito ng Research Team of Russia na totoo ang kapangyarihan ng Djinn's Deck.

Una itong nakita noong 1993 nang may bumagsak na bulalakaw (meteor) sa Pangasinan, Pilipinas. Nakita ito ng isang babae na hindi pa namin nalalaman ang pangalan ngunit siya ang kauna-unahang may ari nito, tawagin na natin siya sa ngalan na Maria.

Noong na angkin ito ng babae, tila nagbago ang atmosphere ng Pilipinas. Madaming kaso ng sunog sa buong Pilipinas, Luzon, Visayas at Mindanao. Oo, sunog ang pinaka-naging sanhi nito. Isinuri rin ito ng BFP (Bureau of Fire Protection) at halos lahat ng nakasalanta ng sunog ay napatunayang walang sanhi. Wala namang mga electric shock o kaya electric explosion ang nangyari, o kaya sumabog ang gasol o sumabog ang iba pang mga appliances. Pero sabi ng mga naka-survive ng sunog ay may bigla nalang daw sumabog sa bahay nila.

Pangalawa dito ang kalamidad. Simula na nangyari ito ay lalong uminit ang Pilipinas at lalo naman lumalakas ang ulan at WEEKLY ay merong nangyayaring malaking trahedya. Isa sa nangyari ay ang tsunami.

At ang panghuli ay ang bilang ng taong namamatay buwan buwan. Tuwing ika-27 na araw ng buwan ay may laging namamatay. Oo, may laging namamatay sa araw na iyon. Pinakamalaking bilang ng namatay ay 1,200 mahigit. Umalerto ang Pilipinas at inisip na isa lang itong outbreak, pero isinuri ito ng ibang laboratories sa Pilipinas at wala namang dalang sakit o virus ang mga taong namatay. Isinuri din ito sa Korea para malaman talaga ang sanhi ngunit wala.

Ngayon umalerto ang gobyerno na baka sanhi ito ng bumagsak ng bulalakaw. Hinanap ng PNP at NBI ang babaeng unang nakahawak nito at nang ma-encounter nila ay parang ang aksyon niya ay para din sa isang tao nakasalamuha namin na si William Astueras. Sumisigaw, may mga parang mga mahika, may gumagalaw na lupa, at kayang magpasiklab ng apoy.

Ngunit namatay na ang babae at hindi manlang ito nalaman ang kanyang pangalan o kaya ang kanyang uri.

Ngunit nakuha nila ang siyam na baraha na nasa loob ng Djinn's Deck. Ngunit bigla itong sumabog ng malakas habang binuksan nila ito at nawala na isa isa ang mga baraha.

Nang matapos ay bigla nalang nagbago at hindi na nangyayari ang mga nangyari dati. Wala nang namamatay at kaunti nalang ang kaso ng sunog at habang maayos naman ang kalamidad.

Pero nung isang taon nakalipas ay nangyari ulit ang nangyari noong 1993. Mataas na kaso ng sunog, sunod sunod at sabay sabay na pagkamatay ng mga tao sa ika-27 ng bawat taon at ang malakas nanaman ng kalamidad. Muling nagsuri ulit ang NBI na baka ito nanaman ang mga baraha. Ngunit ang pinagtataka nila ay bakit nangyari nalang ito ulit.

"Maam andito na po tayo."

Pumasok na kami sa opisina ng Chief, siya si George Regelio. Ang head ng NBI.

"Maligayang pagdating, Halena Magdrigal... at, sino naman itong parang nakamaskara na ito?" tanong niya.

"Kung ako'y iyong tatanungin, sabi niya ay galing siya sa Pransya..." sabi ko pa.

"Hoy, maari mo bang tanggalin ang iyong maskara?" tanong niya sa nakamaskarang nakasama namin.

"Pasensya na ngunit hindi ko ipapakita ang mukha ko sa inyo." sagot ng naka maskara.

Wala nang nagawa ang head kaya kinonsidera nalang ito.

"Ano ang meron dito sa babaeng ito?"

"Ako ang magbibigay impormasyon tungkol sa barahang nakuha ni binibining Halena." sagot niya.

Nagulat ang hepe at napatayo ito. Tinanong niya kung maari ba niyang makuha ang kalahatang impormasyon sa barahang nakuha namin ngunit-

"Ibibigay ko ang buo at katotohanang impormasyon... sa isang kondisyon." sabi ng naka-maskara

"Sige kahit ano..." biglang sagot ng hepe.

Nagulat naman kaming lahat na kasama niya. Paano kung pera ang hihingin niya, o kaya buhay ng tao o mas lalala pa?

"Pasensya na hepe, ngunit hindi ako papayag sa kanyang kahilingan." sagot ko.

"Manahimik ka lang Halena, sagot naman ito ng gobyerno at para rin sa tao ito upang may makuha pa tayong impormasyon"

"Ngunit hepe, hindi tayo lagi ay titingin sa gobyer-" sagot ko ngunit nagdabog ang hepe at sinabing tumahimik ako. Wala akong magagawa dahil siya ang may mataas na posisyon.

"Kailangan ko ng isang bilyong piso" biglang sagot ng nakamaskara.

Bigla itong tinapatan ng baril ng mga kasamahan ng hepe. Mukhang hindi din sila papayag sa kanyang kondisyon. Isipin mo, isang bilyong piso, hindi naman ganoon kayaman ang Pilipinas para ibigay lang iyon sa taong magbibigay lamang ng impormasyon.

"IBABA NIYO ANG BARIL NIYO!" utos ng hepe at sumunod naman sila.

"Sige, isang bilyon..."

Nagulat naman kaming lahat habang mukhang natutuwa itong nakamaskarang ito. Naiinis ako sa kanyang kondisyon...

Pinapunta kami, kasama ang hepe at ang nakamaskara para pumunta sa meeting room at doon magusap.

Nang makarating kami ay bigla itong inilock ng nakamaskara dahil siya ang panghuling pumasok. Bigla nalang ito nagpatabla ng usok, mukhang ito ang tinatawag na smoke bomb. Bigla naman inilabas ang mga baril ng mga kasama namin kasama na ang hepe, ngunit isa isa silang namamatay. Katabi ko ang hepe at bigla itong pumunta sa harapan niya.

"T-TRAYDOR KA!!!" sigaw ng hepe at sabay binaril niya sa harapan ng naka maskara.

Ngunit...

Hindi ito natamaan...

"Nasaan na ang isang bilyon, o pag hindi... buhay ng pamilya mo ang mawawala..." sabi nito sa kanya...

Wala akong dalang baril pero akong stun gun na nasa bulsa ko. Bigla ko itong inilabas at itinusok ko ito sa braso ng naka maskara. Ngunit hindi ume-epekto ang stun. Nagulat kong bakit hindi ito tumatabla sa kanya...

"Mukhang malakas ka... " sabi niya sa akin at bigla niya akong isiniko sa mukha...

"Dumid-"

"Ilim-"

"Ang.."

"Paningi-"

"ngin... ko..."

--- (Joseph's POV)

Nasa kotche kami ngayon naka alis na kami ng ospital. Ngunit si Lilith, ang doktor na nakasalamuha ko noong isang araw. Nasa front seat ako... at kinakabahan ako. Napaka-ganda niya kasing babae. Ngunit sabi nga ni papa, wag ma fall agad...

"Andito na tayo anak!"

Sabay niya akong ibinaba sa kotche at nakita ko ang mga bata tumitingin sakin. Ramdam ko ang mga sinasabi nila-

"Diba ayan yung anak ng kriminal?"

"Siya nga, wag tayo lumapit diyan baka awayin tayo."

Mukhang galit na nga sakin lahat ng tao...

Maya maya ipinasok nako at ipinakilala sa ibang mga bata. Mukhang masungit sila sa akin kita pa naman sa mukha...

"Ako nga pala si Fiona, ako ang caretaker niyo" sabay ngumit siya sa akin.

"Sige na maiwan ko ba po siya sa inyo. Please lang ingatan niyo po siya." sabi ni Ate Lilith.

Tumango naman si Ate Fiona at maya maya kumaway na sa akin si Ate Lilith para magpaalam.

Pagtapos ay nakasalamuha ako sa mga batang naglalaro sa playground, ngunit-

"Umalis ka nga dito! Hindi ka karapat-dapat dito!" sigaw sa akin ng isang batang lalaki.

"Hoy ikaw, tandaan mo na hindi kami nakikisalamuha sa mga taong kriminal tulad mo!" sigaw pa ng isang batang lalaki.

Sabay tumawa ang mga kasama niya at pinagtatawanan ako...

"HINDI AKO KRIMINAL!!!" sigaw ko sa kanila...

"Wow hindi daw kriminal mga pre? Eh sino yang tatay mong walang hiya mga magulang ko ha?!" tapos bigla niya akong itinulak...

"Tandaan mo na hindi lang yung tatay mo ang kriminal. IKAW DEN!" sigaw ng batang lalaki.

Naiinis na ako sa mga batang ito at patuloy parin silang tumatawa...

"Ano angal ka?! Duwag ka lang naman eh. Kriminal pero duwag... HAHAHAHAHAHAHA!!!" sabi niya pa at biglang tumawa...

Tumayo ako at itinulak ko siya para makaganti. At bigla itong natumba at biglang umiyak...

"ARAY!!! MAMA!!" sigaw nito at dumating si Ate Fiona...

Pumunta agad si Ate Fiona at tinignan niya ang batang lalaki. Ito ay nagkaroon ng sugat sa braso dahil siguro tumama ito sa bato.

"ANONG GINAWA MO KAY RAY?! IKAW KAKARATING MO LANG DITO GANYAN NA GINAGAWA MO! SINO ANG MAY SAKUNA TALAGA NITO?!" tanong niya sa mga bata...

"Siya po!" sigaw nila at itinuro nila ang daliri nila sa akin.

"ATE FIONA! SIYA NAMAN PO NAGSIMUL-"

"WALA AKONG PAKE! LUMAYAS KA DITO NGAYON DIN! NGAYON WALA KANG PAGKAIN MAMAYANG GABI! LAYAS AT DOON KA SA SALAS!" sigaw ni Ate Fiona sa akin.

At habang umaalis ako dahan dahan ay naririnig kong tumatawa sila sa likod ko.

Alam ko naman na mangyayari ito sa akin. Mukha na nga talaga akong kriminal.

Kriminal na ako.

Ako na yung masama.

Habang palakad ako sa salas ay umupo ako sa tabi at umiyak. Hindi ko alam kung kailan namatay na si papa ay nangyari na sa akin ito. Bakit... bakit ako lang. Bakit ayaw maniwala ni Ate Fiona sa akin... Nangako siya na iingatan niya ako ngunit hindi. Para din siyang katulad ng ibang tao.

Ayoko na mabuhay...

Maya maya may tumabi sa aking batang babae. Bigla akong tumabi pero lumapit lang ito lang lumalapit...

"Uy, ayos ka lang?" tanong niya.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko siya. Maputi siya at kulay yellow ang kanyang buhok...

"O-okay lang ako..." sagot ko.

Pero bigla niyang ipinunas ang luha ko gamit ang kanyang bimbo...

Nagulat ako bigla. Bakit siya? Bakit hindi siya galit sa akin?

"Diba dapat galit ka sa akin?! Kriminal ako diba?!" sigaw ko sa harap niya.

"Ano ka ba? HAHAHAHAHA!!!" tawa pa niya.

"Ikaw, kriminal? Edi dapat hindi ka nandito? Diba dapat nasa kulungan ka kung kriminal ka?" dagdag pa niya habang nakangiti siya.

Biglang tumigil ang luha ko na para bang may yumakap sakin. Buti nalang siya ay naintindihan niya ako. Kaso ang ibang tao ay hindi.

Namasdan ko lang na para siyang foreigner. Kitang kita na tunay na kulay ng kanyang buhok ay yellow talaga at maputi pa siya.

"Taga ibang bansa ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo, galing akong U.S., pero napunta ako sa Pilipinas kasama mommy ko" sagot niya.

"Nasaan na mama mo? Diba dapat hindi ka nandito kasi para lang ito sa mga nawalan ng magulang?" tanong ko pa

Tumahimik ito ng unti at-

"Inabandona ako ni mommy..." lungkot niyang sabi.

Bakit? Bakit siya inabandona. Ayoko na magtanong pa dahil baka lang lumala ang kanyang emosyon. Kitang kita ko ang kanyang emosyon noong inabandona siya.

"Inabandona ako dahil hindi ako sumusunod sa utos niya..." sabi niya pa.

"U-uhm. Di mo naman kailangan sabihin yan kasi mukhang nakiki-tsismis ako..." sabi ko sa kanya.

"Ayos lang naman eh! AHAHAHAHA" tawa niya pa, at tumawa na din ako.

"Ano nga pala pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Joseph, Joseph Astueras."

"Ako nga pala si Seraph, Seraph Viola" sabi niya at ngumiti siya.

Maya maya nagkwentuhan kami tungkol sa mga planeta dahil nalaman ko na mahilig siya sa siyensiya o science. Pangarap din niya maging isang astronaut ngunit mukhang hindi na niya makakamit dahil sa lagay niya ngayon dahil nasa Care center kami pero chi-neer ko siya na balang araw ay makakamit niya din ang buhay niya.

Ikiniwento ko din na gusto ko maging isang mahikero dahil nga sa papa ko. Ngunit mukhang di na talaga mangyayari iyon dahil baka mangyari ulit ang nangyari kay papa...

Nagusap pa kami tungkol sa mga bata dito sa center na ito. At ngayon ko lang nalaman na binu-bully din siya dito ngunit sinusuportahan siya ni Ate Fiona. Bakit sa sobrang ganda niya ay binu-bully siya?

"Tanong lang... Para sakin napaka-ganda mo naman, bakit ka nila ina away?" tanong ko.

Maya maya ay biglang tumawa si Seraph-

"HAHAHAHAHAHAHA!!! Salamat ha, pero hindi talaga ako maganda..." sagot niya.

Ipinipilit ko na maganda siya. Pero totoo naman na napakaganda niyang tao. At napaka ganda din ng ugali niya. Pero bakit siya binu-bully.

"Noong una kasi akong napadpad dito ay madami nang nagkaka-crush sakin... Ngunit ayoko silang makasalamuha dahil para may gagawin sila saking masama. Nakipaglaro ako sa kanila nang bigla nalang nila ako hawakan sa maseselang parte ng katawan. Ayoko naman maging isang babaemg tulad ng iba. At siguro nagalit sila dahil nagalit din ako sa kanila. At noong araw na iyon, hindi na nila ako pinapansin at ayaw na nila makipaglaro sa akin" kwento niya.

"Bakit hindi mo isinumbong kay Ate Fiona?"

"Ayaw niya maniwala sa akin. Mataas ang kanyang tiwala sa mga batang iyon. Kaya wala na akong magagawa..." sagot niya.

Ramdam ko ang kanyang naranasan sa kanya. Napaka-bastos nga naman na bata. Di ko alam kung bakit pinagkakatiwalaan iyon ni Ate Fiona. Sana masolusyonan niya ito...

"Hayaan mo Seraph! Andito lang ako para sayo!" sabi ko sa kanya at sabay ngumiti ako.

"Talaga?" tanong niya.

"Oo naman! Tandaan mo na lagi akong nasa side mo! Alam natin ang kung sino ang tama at mali." sabi ko sa kanya.

Bigla ito napaluha at ipinunas ko din ang kanyang luha. Naalala ko pa ang turo sa akin ni mama na-

"Anak, kung may nakikita kang tao na nagdudusa at kailangan ng tulong. Tulungan mo sila dahil sa huli, may matatanggap kang biyaya"

Maya maya ay itinawag na si Seraph para kumain. At nalaman ko na gabi na nga pala at hindi ako pinayagan kumain. Kaya umupo nalang ako.

Buti nalang...

May nakakaintindi din sa akin...

--- (???)

Nakatago ako sa sanga ng puno at nakikita ko sa bintana ang isang lalaki na naka-upo sa tabi. Mukhang-

"Siya na nga..."

"Siya na ang susunod na hari..."