"Anak nandito na si Chrys. Bumaba kana d'yan" sigaw nito.
Inayos ko muna ang itsura ko bago ako bumaba at do'n ko nakita si Chrys nakasuot ito ng itim na tuxedo na bumagay sa kanya, mula sa buhok nitong blonde at sa mata nitong singkit at sa makapal nitong kilay i dagdag mo pa ang pula nitong labi.
"Halika na Kylly. Hinihintay na nila tayo do'n" usal nito at inabot ang kamay ko.
"Mauna napo kami tit- mama" ngumiti ito at kumindat kay mama. Lumabas na kami sa bahay't sumakay sa Mercedes-Benz nito at tinungo namin kong saan gaganapin ang birthday nito.
"Nga pala Chrys, happy birthday" bulong ko sa kanya nang nakangiti.
"Salamat Kyl" tugon nito't hinalikan ako sa pisnge. At nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok sa hotel.
Nang makapasok kami sa hotel agad na bumongad sa'kin ang mga magagara nilang mga damit. Habang binabaktas namin ni Chrys ang daan papunta kong saan ang parents niya ay naririnig ko naman ang mga bulong bulongan nang iba.
"Here's my birthday boy" aniya ng kaibigan ni Chrys at niyakap siya nito.
"Is this your Fiance?" Pagtatanong nito kasabay ng pagtaas nang kilay niya habang sinusuri ako mula paa hanggang ulo.
"Oh, yes, this is Kylly my soon to be wife" may galak naman nitong tugon kasabay nang paghila nito sa'kin papalapit sa kanya.
"Hi" ika ko sabay bow sa lalaking kaharap ko ngayon.
"Maganda pala 'tong fiance mo Chrys"
"Oh, btw I'm Caesar Friend ni Chrys. Nice meeting you " pagpapakilala nito at inabot sa'kin ang kamay niya.
"Nice meeting you Caesar"
"Come with me" sabat ni Chrys at hinila ako sa stage. Kinuha nito ang mic at nagsimulang mag salita.
"First of all, Thank you for coming to my birthday, today will be the one of the best day in my life and I want y'all to witness this day" wika n'ya sa lahat. Lumingon 'to sa'kin at lumuhod kasabay nang pagkuha n'ya sa box galing sa bulsa niya.
"Kylly Dawn, will you marry me?"tanong nito, kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Kylly"
"Yes, I do, I do Chrys"tugon ko sa kan'ya at niyakap siya nang mahigpit.
"Thank you" naibulong nito sakin.
------///-------
"Sunduin nalang kita bukas dito" wika nito't hinalikan ako sa noo.
"Hmmm, ingat"tugon ko naman, hinintay ko muna siyang makalayo bago ako pumasok sa bahay.
"Hi, ma" bungad ko kay mama na naghahanda nang pagkain namin.
"Oh, anak lika umupo kana dito't kumain"
"Magbibihis po muna ako, ma" wika ko't umamakyat na.
Dali-dali kong hinubad ang heels ko at pabagsak na humiga sa kama.
"Hayst, tama naman siguro yong ginawa ko kanina" pagsasalita ko sa sarili ko.
Bumangon na'ko at naligo, hindi parim mawala sa isipan ko ang nangyari ng gabing 'yon. Isang gabing sisira sa engagement ko kay Chrys, sasabihin ko nalang kaya sa kanya bukas? Arghh, ayoko na sa hotel na'yon.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako para kumain.
"Ma, ano po 'tong niluto mo? Ba't parang may kakaiba dito?" Tanong ko kay mama na sarap na sarap sa luto niya.
"Huh? Natural na adobo lang naman 'yan kylly, anak" wika nito't inabot sa'kin ang basong tubig.
"Ayaw mo ba? Gusto mo bang magluto ako nang bago?" Sunod-sunod nitong tanong. Umiling lang aki kasabay nang pagwasiwas ko sa isa kong kamay.
"Wag na ma, magluluto nalang ako nang ramen" tugon ko't tumayo nang makapagluto ako ng bigla akong nahilo.
"Ayos kalang ba? Anak?" Tanong nito, tumango lang ako bilang sagot. Pumonta na ako sa kusina para makaluto nang ramen.
"Ano bato? Napapagod ako sa kakaisip sa nangyari no'ng gabing 'yon, kainis" wika ko sa sarili ko.
NG MATAPOS akong kumain ay agad naman akong natulog dahil may pupuntahan na naman daw kami ni Chrys para sa kasal namin.
"Should I tell Chrys, what happened that night?" Tanong ko naman sa sarili ko habang sinusuklay ang mahaba at megyo kulot kong buhok.
"Bahala na" wika ko ulit sa nahiga sa kama.
"Anak, nandito sa labas si Chrys" sigaw ni mama habang kumakatok sa pintuan ko.
Agag ko mng binuksan ang pinto at bumulaga sa'kin si mama na hanggang langit ang ngiti.
"Bababa po ako maya, magaayos po muna ako" sagot ko. Tumango naman ito't umalis. Bumalik naman ako sa pwesto ko kanina tinignan ko muna ang sarili ko kong okay naba ang nilagay kong make-up.
Simple lang ang nilagay ko foundation, at liptint lang aaminin kong may itsura naman ako mula sa makapal kong kilay mala hugis bilog na mukha kinulang nga lang sa height. Nakasuot lang ako fitted na damit at ripped jeans na bumagay naman sa hugis ng katawan ko.
"Kylly?" Tawag nito sa pangalan ko.
"Lalabas na" tugon ko't lumabas na nakita ko si Chrys na nakasuot ng formal attire, sa tingin ko'y galing pa siya sa company nila.
"You look beautiful"