"Nga pala, sa favourite restaurant na lang tayo kakain"
"Okay, tara na"
Habang binabyahe namin ang direksyon papuntang restaurant, pumabagabag parin sa'kin kong sasabihin ko ba o hindi.
"Andito na tayo" wika nito. Lumabas na kami't pumasok sa restaurant. Enorder lang namin ang juice at cake.
"Here" saad nito't balak akong subuan nang cake. Ackk. Ang favourite kong cake.
"Ahh"nakaka kong tugon susubuan na sana niya ako pero lumayo ako sa kanya.
"Ang baho naman niyan, Chry-" hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko ng makaramdam ako na para bang bumabaliktad ang sikmura ko.
"Ayos ka lang ba?" Taranta nitong tanong habang hinahagod ang likod ko.
"Buntis kaba miss?" Tanong nong waiter na babae sa'kin. Tinignan lang siya ni Chrys ng nakakamatay na tingin.
"Imposible yan" masungit nitong tugon.
"N-n-n-naku hindi ako buntis" pagtatangi ko, hindi nga ba?
"O-o-okay lang ako, Chrys. Siguro ay nag ka acid reflux lang ako" wika ko sa kanila.
"Magpa check up kaya tayo?" Saad ni Chrys na kinagulat ko.
Winasiwas ko ang dalawang kamay ko't umiling "w-w-wag na, okay naman na ako"
"Bilisan na natin kumain, para naman makapasyal pa tayo" pagiiba ko ngusapan.
"Ah, sige. Mamayang gabi may dinner na magaganap kasama ang parents ko sa sikat din na restaurant" wika nito. Pinalitan ko nalang ang pagkaing naka handa sa'kin, hindi ko talaga kayaa ang baho.
Ng matapos na kaming kumain ay namasyal naman kami sa park kong saan siya nagtapat sa'kin. Matagal narin, pero para bang kahapon lang nangyari 'yon. Ang pangarap kong kasal ay parating na, ewan ko lang kong matutuloy ba.
Pagkatapos namin sa park ay pumonta naman kami sa Garden house. Napapanatag ang loob ko sa tuwing nagpupunta ako do'n.
"Na miss mo ba dito?" Tanong nito habang hawak-hawak ang bouquet of flowers na inabot sakin.
"Flowers pala" dagdag pa nito.
Kinuha ko naman 'yon sa kanya
"Samalat, upo muna tayo do'n sa bench" pag-aaya ko sa kanya. Tumango naman ito.
"Chrys?" Pagtawag ko sa pangalan niya.
"Hmmm?" Taas kilay niya akong tinignan.
"Nakalimutan kitang bilhan nang regalo nong birthday mo. Ano ba gusto mo?"
"What I want for my birthday? I don't know. I've already got the best gift ever" tugon nito. Na kina-kunot noo ko, wala pa naman akong binigay ah.
"Ehh? Ano naman 'yon? Kunot noo kong tanong sa kanya.
Hinawakan nito ang kamay ko" You, ikaw ang regalong natanggap ko. At yong oo mo kahapon" tugon nito't hinalikan ang kamay ko. Nginitian ko lang siya sa ginawa niya.
Magsasalita na sana ako ulit para sabihin sa kanya yong nangyari nong gabing 'yon pero may biglang nag-text.
"Huh? Ba't ang aga naman?" Tanong nito habang nagty-types sa cell phone.
"Ang ano?" Tanong ko ng matapos na siya.
"Pumonta na daw tayo do'n sa restaurant" aniya nito.
"4 p.m. pa, ba't napaaga?" Takang tanong ko dito. Tinaas baba lang nito ang balikat niya.
"Oh, sige. Halika na baka naghihintay na sina tita't tito" pagtugon ko sa kanya.
Sa tingin ko'y hindi umaayon sa'kin ang oras, na sabihin ko 'yon kay Chrys.
"Chrys, huminto ka muna d'yan sa pharmacy. Bibili lang ako nang gamot" Wika kot habang hinihilot ang gilid ng noo ko.
"Bakit? Maysakit kaba?" Sunod-sunod nitong tanong habang hawak-hawak ang isa kong kamay.
"Kong may sakit ka 'wag nalang muna tayong pumonta sa dinner nila mom at dad" salaysay pa nito.
Umiling lang ako't ngumiti " No, nahilo lang ako. Siguro dahil sa anaemia ko lang to"
"Nah, nagiging masakitin ka ngayon, ah" pagalala nitong wika.
"Napapabayaan ko na lately ang kalusugan ko, dahil narin sa pagiging busy ko kakahanap nang trabaho" tugon ko sa kanya.
Gaya ng sabi ko huminto siya sa tapat ng pharmacy, at nagprisenta nadin s'ya na lang ang bumili. Para hindi na ako mahilo lalo.
Napaka-swerte ko na maging asawa siya. Ilang minuto lang ay nakabalik na siya dala-dala ang paper bag na may gamot.
"Salamat"
"Your welcome" tugon naman nito at hinalikan ako sa noo.
Mga ilang oras din sa biyahe ay nakarating nadin kami sa restaurant kong na saan kami magdi-dinner. Katulad no'ng birthday ni Chrys ay napapalibutan parin ako ng nga mamahaling tao, gamit.
"Let's eat" wika ng ina n'yang nakasuot ng dark blue na drees na bumagay naman sa kanya.
Umupo na kamibg lahat at nagsimulang pagusapan ang tungkol sa upcoming na kasal namin ni Chrys.
"So, the wedding will be held in the garden of Clamire, tita" seryosong ani ko.
"Garden? Ba't sa sikat na garden kayo magpapakasal? Why not in church?" Sunod-sunod nitong tanong sa'kin.
"Mas gusto ko po kasi yong simple wedding lang, tita. Nagpag-usapan nadin namin ni Chrys 'yon, tita" magalang na sagot ko sa mama ni Chrys. Aishhh. Kaya kong makipag plastikan sa mata pobreng to.
"Kylly, ayoko ng simpleng kasal lang para sa anak kong si Chrys" mataray na usal nito sa'kin.
"Ma, gusto ko naman yong naisip ni Kylly para sa kasal namin" sabat ni Chrys sa usapan namin ng ina n'ya.
"Ana-
"Ma, please, papalapit na ang kasal namin ni Kylly. Sana naman ay maging maayos ang pakikitungo mo sa kanya" pagpuputol nito sa sasabihin ng ina n'ya. At hinawakan ang kamay ko.
"Kumain na nga lang muna tayo"singit naman ng ama ni Chrys. Na agad naman naming sinonod.
"Ito oh, masarap to" wika nito at aktong susubuan ako. Kinain ko naman ang sinabe n'ya na masarap daw.
[Cough, cough]
"Pangit ng lasa" bulong ko sa sarili ko.
"Ayos ka lang?" Alalang tanong nito. Tumango lang ako.
"Ito napo ang desserts n'yo"wika ng waiter.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong maduwal dahil sa sobrang baho ng desserts na hinanda. Tatayo na sana ako pero bigla akong nanghina at para bang mabigat ang mga mata ko hanggang sa purong itim nalang ang nakikita ko.