Chereads / Arrogant Ceo is my husband / Chapter 4 - Chapter 3; break up

Chapter 4 - Chapter 3; break up

Nagising nalang ako sa kwarto ng hospital, hinawakan ko ang ulo ko ng makaramdam ako ng pagkahilo na ilang segondo ay wala naman.

"Sinong ama n'yang batang dinadala mo?" Nagulat ako sa bungad na tanong ng mama ko na seryosong nakatingin sa'kin.

"M-m-mama, hindi ko po alam" hagolgol kong wika at tinakpan ang mukha ko gamit ang kamay. Wala na'kong mukang ihaharap sa kanila sa nagawa ko.

"P-p-pagising ko w-wala nakong damit" pagpapatuloy ko.

"Jusmeyo, naman Kylly. Ikakasal kana" pigil galit nitong wika.

Umupo ito upang mapantay ang aming pwesto at hinawakan ang isa kong kamay habang ang isa naman ay hinahagod ako sa likod. 

"Anak, alam na ni Chrys ang tungkol  sa bata. Mabuti pang ipalaglag mo ang batang 'yan at mamuhay ng payapa tulad ng dapat na mangyari sa inyo ni Chrys" mungkahi nito. My eye's got wider after hearing those words.

"No mom, I will take care of this child. This child in my womb is innocent" paglalahad ko.

"Ma, palalalihin ko 'tong batang to ng maayos" dagdag kopa. Nagkamali nga ako pero hindi ako papayag na mawala ang batang 'to.

"Anak nam-

Hindi natuloy ang sasabihin nang mama ko ng biglang iniluwa ng pintuan ang sila Chrys at ang mommy Celine.

"Mommy Celin-

Hindi ko na naituloy ang pagtawag ko sa kan'ya nang isang sampal ang binigay n'ya sakin.

"Disgrasyada, katulad karin pala ng mama mong disgrasyada" pangmamata nito sa'min.

"At wag mo akong matawag-tawag na mommy" bulyaw pa nito.

"Wala naman po kayong karapatan para idamay ang mama ko sa nangyaring 'to" singhal ko. Magsasalita na sana ito pero senenyasan s'ya ni Chrys na lumabas na.

"Kylly" tawag sa'kin ni Chrys. Lumapit ato sa'kin na para bang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha nito.

" Kyl, I want you to get rid of that child as soon as possible" wika nito na wala paring emosyon.

"Kyl, mamumuhay tayo ng payapa katulad ng pinangako ko. Kong ipapalaglag mo 'yang batang 'yan"

"Chrys, kong hindi mo matatangap ang batang 'to. Mabuti pang tapusin na natin 'to" walang emosyong wika ko na kinagulat n'ya.

"No, Kyl-

Hindi ko na s'ya pinagpatuloy pa.

"matagal naman tayong nagsama, kaya siguro tama na ang pitong taon na naging parte tayo ng kanya-kanya nating buhay" pagpapatuloy ko. Lumuhod 'to sa'king harapan at hinawakan ang talawa kong kamay.

"Kyl, itutuloy pa natin ang kasal natin, kaya please" pagmamakawa nito.

Umiling lang ako habang tinatangal ang mga kamay niyang nakahawak sa'kin.  " Sorry, Chrys"

"Ayoko talagang ipalaglag ang bata, sorry" aniya ko ulit. Pinilit ko ang sarili kong makatayo at umalis umalis sa hospital.

Wala na akong maihaharap pa sa kanila. "Baby, 'wag kayong mag-alala hindi kita iiwan aalagaan kita sa abot ng makakaya ko" pakikipagusap ko sa  baby ko habang hinahaplos ang t'yanan ko.

(Mama's calling)

"Hello, ma?"

"Pasaway ka talagang bata ka, bakit hindi mo nalang pinalaglag ang batang 'yan?" Sigaw nito sa kabilang linya, halatang galit ito sa ginawa ko kanina.

"Ma-

"Paniguradong magiging mababa na naman ang tingin nila sa atin" dagdag pa nito.

"Ma, naman. Huwag niyo na silang intindihin tatapusin ko na ang kuneks'yon natin sa kanila mula ngayon"

"At isa pa ma, hindi ko ipanalaglag ang bata kasi ayokong mabuhay na may pinatay na inosenteng baby. Katulad niyo ma, pinalaki niyo ako ng maayos kahit galing ako sa pagkakamali ninyo" pagpapatuloy ko. Ibababa ko na sana ang cell phone ko pero nagsalita siya muli.

"Umuwi kana dito, malamig sa labas baka mapano kapa" mahina nitong sabi na agad niyang pinatay ang tawag.