Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 1 - First Day

Boy in Denim Jacket

🇵🇭iboni007
  • 150
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 119.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - First Day

June na ngayon, first day ng pagiging grade 12 student ko at pang PM shift na ako. Mabuti na lang at nasa AM shift pa rin ung mga taong ayaw ko nang makita ang mga pagmumukha nilang nakakasira agad ng araw ko at marinig ang mga nakakairita nilang mga boses ng limang beses sa isang linggo. Andito na kami ngayon nila Violado, Juliana, Chin at Christina sa Engineering Building dahil dito raw gaganapin ung orientation day namin. Sayang walang pogi sa section namin. Joke lang ahahahaha!


"Anong nangyari dyan sa buhok mo Ibon?"


Tanong sakin ni Violado habang magkatabi kaming nakaupo at naghihintay sa iba pa naming magiging kaklase at sa magiging adviser namin this school year. Huh? Ano kaya nakita ni Violado sa buhok ko? Makapa nga. Habang kinakapa ko na ung buhok ko ay napalingon na sakin si Christina dahil katabi lang siya ni Violado at narinig niya ang sinabi nito.


"Wuahahahhaahha! Ba't mukha kang walis Ibon?!"


Natatawang sabi sakin ni Christina nang makita niya ang buhok ko na patuloy ko pa ring kinakapa. Nakakainis naman, oh! Ba't ba kasi kulot 'tong buhok ko?! At saktong naiwan ko pa ang pang-ipit ko ng buhok sa bahay. Nakakairita naman!


"Paheram nga ng pang-ipit. Naiwan ko ung akin sa bahay, eh."


Sabi ko sakanila habang hinahawi ko na ang buhok ko at tinitignan na silang apat. Teka… may mga pang-ipit ba 'tong mga kaibigan ko?


"Okay na yan Ibon~ Bagay naman sayo, eh. Ayusin mo na lang sa bandang kaliwa mo."


Sabi sakin ni Juliana habang nakatingin na rin siya sakin. Napalunok na lang ako habang patuloy pa rin ako sa pag hawi ng buhok ko. Sana nga tama si Juliana. Ba't ba kasi kulot buhok ko? Hays… ayusin ko na nga lang 'to mamaya sa cr. Ilang saglit pa ay meron nang babaeng teacher na hula ko ay nasa 20+ ung edad ang pumasok sa classroom na kinaroroonan namin habang may dala-dala siyang bag, dalawang clear folder at isang brown envelope. Oh? Siya adviser namin? Ang ganda naman niya~


"Ba't ang onti niyo pa lang? Malapit na mag-ala una, ah."


Sabi ng babaeng teacher na may makapal na pulang labi, nakasuot ng salamin, may straight black medium length na buhok habang iniikot na niya ang tingin niya sa loob ng classroom at nilapag na ang gamit niya sa lamesa at upuan. Ano naman kayang klaseng mga kaklase ang maka kasama ko ngayong school year? Sana hindi na katulad nung last year. Ugh! The horror! Inaalala ko pa lang ung mga nangyari sakin last school year kinikilabutan na ako.


"Baka late lang po ung iba, Ma'am."


Sagot ni Violado sa tanong ng teacher samin habang tinitignan na niya ito. Naupo na sa upuan ung teacher, uminom ng tubig at saka tinignan na si Violado.


"Hindi ko itotolerate sa klase ang pagiging late, ha."


Sabi ng teacher saming mga nandito sa loob ng classroom. Agad na nagsi sagutan sila Violado, Christina, Chin, Juliana at pati na rin ang iba pa naming magiging kaklase ngayong school year ng 'opo' sa teacher, habang ako naman ay napa isip na lang. Kakayanin ko kaya na hindi ako malate palagi ngayong school year lalu na't PM shift na ako?


"Sana mas matitino na ung mga kaklase natin ngayong school year, noh. Hindi katulad nung dati na hindi masaway sa isang sabihan lang."


Sabi sakin ni Violado habang tinitignan na niya sila Mhenard, Dexter at iba pang mga binata na malapit sa tapat ng pintuan ng classroom na kinaroroonan namin. Naku Violado, hinding-hindi talaga maiiwasan sa loob ng classroom ang mga magugulong kaklase, noh.


"Wag mo nang isipin ung mga un. Ang ipagdasal mo na lang na sana hindi na ulit natin maging kaklase si Arvin."


Sabi ko kay Violado habang tinitignan na siya. Bigla nang umayos ng pagkakaupo si Violado at saka tinignan na ako. Sana talaga hindi na ulit namin maging kaklase si Arvin! Pasaway un, eh! Pero… hindi ko rin naman siya masisisi kung un ung coping mechanism niya sa problemang pinagdaraanan niya. Lahat naman ng tao may kaniya-kaniyang mga problema diba?


"Hoy! Mag-aala una na! Magsi pasok na kayo sa mga klase ninyo!"


Sabi ng teacher namin sa mga estudyanteng nagkatipon-tipon malapit sa tapat ng pintuan ng room namin. Sinu-sino pa kaya ung iba naming mga kaklase? Sana may pogi ahahaha! Kelan ka ba magiging taken, ha, Yvonne?


"Ay! Good afternoon po Ma'am~!"


Nakangiting bati ng pumasok na matangkad na binata na may makapal na labi nung nakita niya ung teacher namin. Wow… sana all ganyan labi. Tinignan lang ng teacher namin ung binatang bumati sakaniya at saka ibinalik na ulit ung tingin niya sa mga estudyanteng nasa labas pa rin. Pft! Sure ako na buong school year ganto mararanasan neto sa teacher namin.


"Bilisan ninyo! Magsi pasok na kayo!"


Sabi ng teacher namin sa iba pang mga estudyanteng nasa labas pa. Napasimangot na lang ung binata at saka naghanap na ng puwesto para umupo. Ilang saglit pa ay nagsi pasukan na rin sa wakas ang iba pa naming mga kaklase matapos silang sabihan ng teacher namin ng ilan pang beses.


"Nandito na ba lahat?"


Tanong na ng teacher namin samin nang isarado na niya ang pintuan habang nakatingin samin. Inikot ko lang ung tingin ko habang ung iba naman ay sumagot na ng 'oo' at 'opo' sa teacher namin. Tumango na lang ung teacher namin, naglakad na pabalik sa teacher's table at saka kinuha na ung listahan siguro ng mga estudyante sa klase niya.


"Abeleda?"


"Present, Ma'am!"


"Amistoso?"


"Andito po Ma'am."


"Antipuesto?"


Walang sumagot.


"Antipuesto."


Wala pa ring sumagot. Baka late lang un? Ano kaya itsura nung Antipuesto na un? So after matawag ng teacher namin ang halos lahat ng kaklase namin ay malapit na rin akong matawag sa wakas!


"Santos?"


"Ma'am!"


"Sedano?"


"Andito Ma'am!"


"Tagum?"


"Present po."


Sagot ko sabay taas ng kanang kamay ko para makita ako ng teacher namin. Nang tinignan na niya ako, chineck na niya ung papel na hawak niya at binaba ko na ang kamay ko. Ano na kaya itsura ng buhok ko? Kasi naman nakalimutan ko pa ung pang ipit ko sa bahay kakamadali, eh!


"Villegas?"


"Present."


"At Violado."


"Ma'am."


Sagot ni Violado sa teacher namin sabay taas niya ng kamay niya. Tinignan na siya ng teacher namin at saka chineck na ulit ung papel na hawak niya, binaba na rin ni Violado ang kamay niya at hinawakan na ang braso ko. Sobra ata ung nararamdaman nitong kaba ngayon, ah. Binalik na ng Teacher namin ung papel na hawak niya sa pinag kuhanan niya nun sa mga gamit niya saka kumuha na ng chalk at nagsulat na sa blackboard. Bakit nga ba blackboard ang tawag sa blackboard kahit na kulay green naman un? Sorry po! Nacurious lang po ako!


"Okay. Good afternoon class. You can call me Ma'am ----- and I will be your adviser for the rest of this school year."


Pagpapakilala ng teacher namin matapos niyang isulat sa blackboard ung pangalan niya. Agad na kumuha si Violado ng notebook at ballpen tsaka sinulat na dun ung pangalan ng adviser namin. Mamaya ko na lang isusulat name niya. Naiirita na talaga ako sa buhok ko! Kainis naman! Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko sinabi ang name ng adviser namin… well, eto ang dahilan… hindi ko siya natanong kung pepwede bang isama ang name niya and since hindi ko na siya mahihingan ng consent dahil out of touch na siya or let's just say ano… wala kaming communication sa isa't isa, mas minabuti ko nang wag na lang i-include ang name niya for her privacy. At kung iniisip niyo na nababaliw na ako rito kasi nagnanarrate ako sa isip ko, well, sorry guys but I don't care. Gusto ko lang i-share ang story na 'to and wala na akong paki kung ano pa isipin niyo tungkol sakin because I've already been through the worst.


"So ngayon magkakaron tayo ng botohan sa kung sinu-sino ang mga magiging officers ngayong sem. Any volunteers sa kung sino magsasabi ng 'I open the nomination for' at magbibilang ng mga boto?"


Sabi ng adviser namin habang iniikot niya na ang tingin niya samin. Nang magtama na ang tingin naming dalawa ng adviser namin ay agad kong iniwas ang tingin ko at tinignan ko na ung iba pa naming mga kaklase na umiwas rin ng tingin sa adviser namin. Ayoko ngang tumayo sa harapan tapos karamihan pa sa mga kaklase namin 'di ko pa kilala. Baka kung ano pang magawa ko dun dahil sa sobrang kaba. No, thank you na lang po. Ilang saglit pa ay kinuha na ulit ng adviser namin ung listahan na chineckan niya kanina at saka pumili na ng tatawagin.


"Chavez. Nasan ka? Ikaw na lang mag bilang ng boto at mag sabi ng 'I open the nomination for', ha."


Sabi ng adviser namin kay Chavez habang nginingitian na niya ito at akma na sanang maglalakad papalapit sa kinauupuan ni Chavez nang bigla na itong tumayo at naglakad na papalapit sa adviser namin. Buti na lang hindi ako ung pinili ng adviser namin. Yvonne Tagum, you're saved! Well, for now, at least. Sana hindi ako ung isa sa mga magiging nominees mamaya.


"Ma'am naman! Sa dinami-rami ng mga pagpipilian mo dyan, ako pa pinili mo!"


Pabirong reklamo ni Chavez sa adviser namin nang kunin na niya ung chalk sa kamay nito. Natawa na lang ung adviser namin at tinignan na kaming klase niya.


"Sisimulan na natin ung election, ha! Chavez, simulan mo na!"


Sabi ng adviser namin sabay tingin na ulit nito kay Chavez. Tinignan na ni Chavez kaming mga kaklase niya at itinaas na ung chalk na hawak niya.


"I now open the nomination for President!"


Sabi ni Chavez habang nakatingin pa rin siya samin at marami nang nagsitaasan ng mga kamay nila. Nagtagal ng halos kalahating oras at natapos na rin ang botohan namin para sa mga officers ngayong sem. At ang result ng election namin ay…


"So ang president natin ngayong first sem ay si Chavez! Hahaha! Nagpa-assist lang ako sayo naging president ka na!"


Natatawang sabi ng adviser namin kay Chavez habang nakatingin na ito sakaniya. Pft.


"Kasi naman Ma'am ako pa pinili mo, eh!"