August 20 ngayon, tapos na ung first subject namin, tapos na rin kaming kumain nila Chin, Christina, Juliana at Violado sa canteen, nakabalik na rin kami sa classroom namin at hindi pa rin siya pumasok… hindi na siguro tuloy ung usapan namin na gumala. Argh! Nakaka kaba at nakaka baliw naman 'to! Ba't ko ba kasi naisipan un?!
Anong problema sayo Ibon?! Nagpapakatanga ka nanaman ba, ha!? Hindi ka na nadala sa mga dati mong nagustuhang lalaki! Bahala ka na nga sa buhay mo! Pisti kang babaita ka! Tsk! Makapag-online na nga lang! Lilibangin ko na lang sarili ko hanggang sa matapos na 'tong breaktime na 'to.
"O-oh?! N-nag chat na siya!"
N-nag chat talaga si Jervien sakin? Edi… edi tuloy pa rin ba ung usapan namin? Hala! Ba't ako kinabahan bigla?! Nakakatuwa na nakakabaliw na nakakataranta na ewan!
Teka! Hindi ko keri 'to! Pahingahin mo muna ako rito heart! Masyado akong kinikilig dito! Habang pilit kong pinipigilan ung kilig ko ay bigla na akong nanamlay nang maalala ko na…
"Hala… hindi ko pala alam kung pano pumunta sa Lucky leaf Mall…"
Naku naman, oh! Ba't ba kasi hindi ako nag-gagagala masyado last school year? 'Di ko tuloy alam kung saan un. I need help!
Ah! Baka alam ni Paul kung pano pumunta sa mall na un! Tutal, madalas naman silang magkasabay ni Jervien umuwi, eh. Agad akong nabuhayan ulit ng loob at saka mabilis ko nang nilingon si Paul na nagse-cellphone lang sa upuan niya.
"Paul, alam mo kung san ung Lucky leaf Mall?"
Tinignan na ako ni Paul nang merong bakas ng pagtataka sakaniyang mukha. Please sana alam mo, sana alam mo, sana alam mo…
"Ah, oo. Bakit? Kikitain mo ba dun si Anthony?"
Sagot at tanong pabalik sakin ni Paul habang patuloy pa rin niya akong tinitignan at tinaas baba na niya ung kilay niya. Alam niya! Saved na ako! Kaso nakakainis! 'Di porket kaklase kita nung grade 10 at alam mo kung sino crush ko dati gaganyanin mo ako, ha!
"Ikaw, puro ka Anthony! Ikaw ata may crush dun, eh!"
Sabi ko kay Paul sabay tingin na ulit sa teacher naming tuloy pa rin sa pagtuturo. Tsk! 3 years ago na nung nagka-gusto ako sa unggoy na un, noh! Tsaka hindi kami bati nun! Kainis naman!
"Edi sino ung kikitain mo dun?"
Tanong ulit ni Paul sakin, hindi ko na siya nilingon at inantay ko na lang ung reply ni Jervien sa reply ko sakaniya. Kulit mo, ah. Wala ka na dun kung sino man ung kikitain ko sa mall na un.
"Wala."
Inis na sagot ko sa tanong sakin ni Paul habang patago ko nang nirereplayan si Jervien nang nag reply na siya ulit sakin. Please lang wag mo na ako kulitin kung sino kikitain ko Paul! Please!
"Weh~"
Pangungulit ni Paul sakin habang kinakalabit na niya ako. Please lang Paul! Potek na yan! Dapat pala iba na lang tinanungan ko, eh! Kainis naman!
"Si ano! Masaya ka na?!"
Inis na sagot ko ulit kay Paul sabay tingin ko na sakaniya ng masama at agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa phone ko. Wag mo na akong pilitin pa! Please lang!
"Sino nga~"
Aba'y kay kulit naman pala nitong lalaking 'to! Need ko lang naman malaman kung pano pumunta sa Lucky leaf Mall, eh. Ba't ba ang daming nagtatanong sakin kung sino kikitain ko roon?
"Si Jervien! Okay na?"