Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Indieplay : Strings of Love

🇵🇭Yann_Pineda
--
chs / week
--
NOT RATINGS
16.2k
Views
Synopsis
Serenity Riego was just a normal fan of the local indie band, the Indieplay. But her life started changing when the lead guitarist of the band, Draxter Brian Hidalgo, started talking to her.
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to a person, living or dead, or even actual events are purely coincidental. Songs and lyrics used in this story belongs to their rightful owners. No copyright infringement.

Please be advised that this story contains mature themes and strong language which is not suitable for very young audiences. Read at your own risk.

****

Prologue

"Ready ka na ba?" Nakangiti akong lumingon sa stage manager na nakatayo sa gilid ko. Tumango lang ako bilang tugon sa tanong niya. Tumango lang din siya at bumalik na sa posisyon niya sa gilid ng stage.

Napaharap ako sa full body mirror na nandito sa back stage at inayos ang sarili ko. Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko.Inayos ko ang pagkaka kabit ng earpiece sa tenga ko para malinaw kong marinig mamaya ang pang tugtog.

Habang inaayos ko ang damit kong may gusot ng konti ay nakita ko sa reflection ng salamin ang pagbalik ng stage manager at nakatingin siya sa akin kaya nilingon ko siya.

Hindi ko alam kung bakit bakas ang nerbyos sa mukha niya.

"M-may problema tayo..." Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya kaya napaayos ako ng tindig at agad na lumapit sa kanya. Napaghawak ko ang dalawa kong kamay ng mahigpit.

"Ano po yun?"

"Tumawag ang gitarista. Mala-late daw siya at hindi niya alam kung magagawa niyang makarating dito agad dahil na stuck siya sa traffic." Nanlaki ang mga mata ko at agad na pinanghinaan ng loob dahil sa sinabi niya. Nanghina ako bigla at parang kinapos ng hangin.

"Pero nagpahanap na ako ng substitute. Kumalma ka dyan at hahanapan ko ito ng solusyon." Napatango na lang akong muli saka siya umalis.

Dalawang tao pa ang kakanta bago ako kaya naupo na lang muna ako. Dinig na dinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa tenga ko.

Nakaraan ang ilang minuto ay bumalik siya at alanganing nakangiti. Kasama niya na ang handler slash best friend kong si Ren at hindi ko alam kung mas lalo ba akong kakabahan dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya napatayo ako.

"N-nakahanap na kami ng papalit sa gitarista." Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib kaya nakahinga ako ng maluwag. Deretso pa rin ang mukha ng kaibigan ko kaya nawala ang ngiti sa labi ko.

"Pero may isang problema, Serenity." Napatingin ako sa kanya at bakas sa mata niya na hindi ko magugustuhan ang sunod niyang sasabihin. Napalunok ako bigla at naipag krus ang daliri ko.

"Si Draxter Hidalgo ang papalit na gitarista." Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko at napabalik sa pagkakaupo. Hindi ako makapaniwala!

"A-ano?" Nauutal kong tanong. Of all people, bakit siya? Sa dinami rami ng taong pwedeng tumugtog para sa akin, bakit siya? Kusang nagsibalikan sa utak ko ang mga nangyari sa amin noon kaya napapikit ako at pilit na inalis sa isipan ko ang mga memoryang yun.

"He volunteered. Banda niya ang suprise guest dito at eksaktong narinig niya ang usapan namin ng stage manager. Hindi ko na nagawang tumanggi pa dahil ayokong ilagay sa alanganin ang performance mo." Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa repleksyon ng sarili ko sa salamin.

"Drax?" Muling nanlaki ang mga mata ko nang tawagin siya ni Ren. Lumakas pa lalo ang kabog ng dibdib ko na para bang sasaboga na ito dahil sa bilis na pagtibok ng puso ko. Pumasok siya dito sa backstage at nakatitig sa akin. Parang tumigil ang buong paligid nang magsalubong ang mata naming dalawa.

He's wearing his straight face while staring intently at me.

Those eyes...those emotionless eyes.

"Good evening." Bati niya at ni hindi ko man lang magawang sumagot.

Nakatingin pa rin siya sa akin na parang ngayon lang kami nagkita.

Na parang wala lang nangyari.

Na parang hindi niya ako sinaktan.

Na parang hindi niya ako iniwan.

****