Chereads / Indieplay : Strings of Love / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

****

CHAPTER 1

Pagbaba ko ng jeep ay nagmamadali akong pumasok ng gate. Inayos ko ang pagkakasuot ko ng ID ko at ibinaba ng konti ang paldang suot ko. Tinaasan lang ako ng kilay ng gwardya at pinadaan na.

Umabot ako sa flag ceremony kaya nakahinga ako ng maluwag. Hinanap ko agad ang mga blockmates ko at nang makita ko sila ay pumila na ako sa likod nila. Hingal na hingal pa ako nang makaabot ako sa kanila kaya napahawak na lang ako sa dibdib ko upang mahabol ang hininga ko.

"Himala hindi ka ata na late?" Natatawang sambit ng kaibigan kong si Renesme. Inirapan ko lang siya at sinenyasan na makinig sa mga sasabihing announcements sa harap namin.

Pagkatapos nung ceremony at announcements ay nagsi alisan na lahat. May 10 minutes pa naman kami bago magsimula ang unang klase kaya naisipan kong hatakin siya papuntang canteen.

"Umuwi ka ba sa inyo?" Tanong ko sa kanya pero umiling siya.

"Sa dorm ako nag stay. Kailangan kong tapusin yung management system plan na pinagawa sa atin. Ikaw natapos mo?" Ngumisi lang ako at flinip ang buhok ko. Inirapan niya ako at nauna nang maupo.

Bachelor of Science in Information System ang course naming dalawa. Hindi naming alam kung bakit ito ang napili naming course. Pero finally, ilang buwan na lang, ga-graduate na kami.

Dalawang hotdog sandwich at tubig lang ang inorder namin. Pagkatanggap ay nagsimula na kaming kumain habang naglalakad.

"Ay oo nga pala! May kailangan pala akong ichika sayo." Untag niya pagkasakay namin ng elevator papunta sa 3rd floor kung nasaan ang magiging room namin.

"Tungkol saan?"

"Sa University week. Magkakaroon daw uli ng battle of the bands!" Nanlaki ang mga mata ko at talagang napa palakpak pa ako dahil sa narinig ko! Tutugtog nanaman ang bandang kinagigiliwan ko!

"Sabi ko na nga ba matutuwa ka e! Pasalamat ka parte ng student council ang kaibigan mo." Nagmamayabang niyang sabi kaya inirapan ko lang siya.

Nag usap pa kami hanggang sa makarating sa classroom. Pagkapasok namin ay nandun na ang mga blockmates namin at tila may pinagkakaguluhan.

"Anong meron?" Naguguluhan kong tanong.

"Mag qu-quiz daw!" Nanlaki ang mga mata ko at agad na naupo sa puwesto ko. Inilabas ko ang cellphone ko at hinanap sa WPS ang presentation na ipinasa sa amin nung weekend.

Dali dali akong nagbasa ng notes pero hindi ko magawang makapag concentrate. Nasa utak ko pa rin ang napag usapan namin ni Renesme lalo na ang patungkol sa Battle of the Bands na gaganapin.

Hindi nagtagal ay dumating na ang guro namin at agad na nagsimula sa quiz. Nilabas ko ang yellow pad ko at nagsimulang sumagot.

Pagkatapos ng halos 30 minutes ay natapos na kami. Chineck ko muna ang papel ko kung nasagutan ko ba ang lahat. Ni review ko saglit ang mga sagot ko at nang sure na ako ay ipinasa ko na ito.

Nag discuss na ang guro namin tungkol sa System Analysis. Habang nagtuturo ay hindi ko alam kung bakit parang may naririnig akong kumakanta at tumutugtog somewhere. Pinilit kong mag focus sa guro naming nasa gitna pero nakukuha ng tugtog ang atensyon ko.

Napansin rin yata ng ilan sa mga kaklase ko at kahit ng guro namin kaya napatigil din siya. Nangunot ang noo niya at agad na lumabas ng classroom.

Napasunod kaming lahat at napatingin sa kung saan nanggagaling ang tunog.

Sa kalagitnaan ng field ay may isang bandang tumutugtog. Kahit masilaw ay nagawa kong titigan kung sino yun.

Agad kaming nagkatitigan ni Renesmee at patakbong bumaba papuntang field. Hindi na kami nagabalang mag elevator pa dahil sa excitement!

Marami na ang nagkukumpulan sa harap nila kaya nakaramdam kami nang pagka dismaya. Narinig ko pang tinatawag kami ng guro namin mula sa 3rd floor pero hindi ko na ito pinansin pa dahil nasa bandang sa harap ko na ang atensyon ko.

Habang papalapit kami sa kanila ay kitang kita ko na siya. Ang paraan niya pa lang ng pagkuskos sa gitarang hawak niya ay ang nagpakilig agad sa akin.

Ang bandang tumutugtog sa harap naming lahat ay ang sikat dito sa campus na kilala sa pangalang 'Indieplay'. They are composed of 5 members at may kanya kanya silang talent sa instrumento.

Mula first year college ako ay crush ko na ang gitarista nilang si Draxter Hidalgo. Bukod kasi sa gwapo ay napakagaling niyang tumugtog ng gitara. Ang cute pa kasi BS in HRM ang course niya.

Matangkad, moreno, may kabilugan ang mga mata, may katangusan ang ilong, at makapal ang mapupulang labi. Pero what's more attractive is yung way niya nang pag-gigitara. Makikita mo talaga sa kanya ang passion niya sa pagtutugtog.

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya. Panay tili ang mga babaeng nasa paligid namin pero wala akong ibang magawa kundi namnamin ang tinutugtog nila.

Nang matapos ang kanilang pagtugtog ay nagpasalamat sila sa lahat ng nakinig at inayos na ang mga gamit nila.

Umakyat na rin kami ulit ni Renesme at nag sorry sa guro namin. Pinagalitan niya lang kami saglit saka bumalik na sa discussion.

Hindi ko na nagawang mag concentrate pa dahil pabalik balik sa isipan ko ang itsura niya kanina habang tumutugtog.

Ang pagngiti niya sa bawat taong nanonood sa kanila.

Ang pag ayos niya ng buhok niya sa tuwing natatakpan nito ang kanyang mata.

"Miss Riego may plano ka pa bang makinig sa mga itinuturo ko?" Inis na singhal sa akin ng guro namin kaya napaayos ako ng pagkakaupo at pinilit ang sarili kong makinig sa lesson.

----

Makaraan ang tatlong subjects ay sa wakas lunch time na. Naisipan naming sa labas ngayon kumain.

Pagkalabas mo kasi ng Campus ay napakaraming karinderia ang nagkalat sa tawid. Meron ding burger stand at convenience store.

"Parang gusto ko ngayon kumain ng barbecue." Natatakam kong sambit kaya hinila ko si Ren sa paborito naming kainan na nag se-serve ng masarap na barbecue.

Pagdating namin doon ay umorder na agad ako ng 6 na tocino at 4 na isaw. Ganun na din ang inorder ko para kay Ren tutal pareho naman kami ng gusto.

Habang hinihintay ang pagkakaluto sa uulamin namin ay inilabas niya ang laptop niya dahil ifa-finalize niya daw yung ginagawa niyang plan.

Nakinig na lang muna ako ng music dahil hindi ko rin naman siya makakausap. Pasulyap sulyap lang ako sa mga dumaraang tao sa harap namin nang mapangiti ako bigla.

"Babalik lang ako." Paalam ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako kaya agad kong kinuha ang wallet ko sa bag at tumawid papuntang convenience store.

Pagpasok ko ng convenience store ay agad akong dumeretso sa beverages. Pagbukas ko ng glass door nito ay sumulyap ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang nag iisip kung ano ba ang kukunin.

Hinihintay na sya ng mga kasama niya sa counter kaya napakamot na lang siya ng ulo at kinuha kung ano ang una niyang nahawakan.

Pagkaalis niya ay lumipat ako sa kabila at kinuha ang kagaya ng kinuha niya. Pagdating ko sa counter ay nandun pa rin sila at nakangiti akong pumila sa likod niya.

"Its you right?" Napa angat ako ng tingin nang magsalita siya. Akala ko nung una hindi ako ang kausap niya pero nang magkasalubong ang mga mata namin ay natameme ako.

His round hazel brown eyes staring at me. Napalunok ako bigla at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Its you right? Yung napagalitan dahil nakinig ka sa pagtugtog namin kanina?" Napa nganga ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Ngumiti siya at biglang ginulo ang buhok ko!

Paano niya naman nalaman yun? Kita ba kami mula sa baba at dinig? Nakakahiya naman!

Nagbayad na siya at nagpaalam sa akin. Tumingin sa akin ang mga kasama niya at ngumiti din saka nagsilabasan.

Nakapagbayad na rin ako at nakalabas pero hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyari. Pagbalik ko sa kainan ay doon lang ako natauhan.

"Putcha! Kinikilig ako!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw.

Napatingin ang lahat sa akin pero binalewala ko ito. Kinikilig ako at hindi pa rin ako maka move on!.

"Bakit? Anong nangyari?" Curious na tanong ni Ren sa akin na nanlalaki pa ang mga mata.

"Ren! Pinansin ako ni Drax! Pinansin niya ako at ginulo niya ang buhok ko!" Napanganga siya at natigilan ng ilang segundo. Nang ma realise niya ang sinabi ko ay napatili din siya.

Pareho kaming nagtilian hanggang sa napag sabihan na kami ng may ari ng kainan. Humingi lang kami ng pasensya at nag ngitian na lang.

----

Patapos na ang araw. Hinihintay ko na lang si Ren dahil may ipapasa lang siya. Dito lang ako naupo sa isa sa mga shed house sa open field.

Isusuot ko na sana ang earphones ko upang makinig ng music nang may mapansin akong naglalakad sa second floor. Naningkit ang mga mata ko upang matitigan nang mabuti kung sino ito.

Nang makilala ko kung sino ito ay bigla akong kinutuban. Inayos ko ang gamit ko sa bag at agad na umakyat ng second floor para sundan siya.

Pa tingin tingin siya sa paligid pero hindi niya ako nagawang makita dahil magaling akong magtago. Hello? Future ninja ata to!

Hindi nga ako nagkamali. Siya nga! Siya yung rumored girlfriend ni Drax dito sa campus.

Jusko sa tatlong taon kong pag hanga sa kanya siyempre nagagawa ko siyang i-stalk minsan lalo na sa social media. Lagi kong nakikita sa instagram niya na may babae siyang kasama pero lagi itong nakatalikod.

Nakilala ko lang ang mukha niya nang minsang mapunta ako ng library. Nandun din siya at kasama niya ang Indieplay. Nasa may tagong bahagi sila ng library at doon nakatambay.

Inaasar sila ng mga ka banda ni Drax at halata sa mukha ng babae ang kilig lalo pa't inaakbayan siya nito.

Maganda naman siya. May kaliitan na babae. Maikli ang buhok. May kaputian, chinita, matangos ang ilong at pinkish ang manipis na labi.

Mas lumapit pa ako sa kanilang dalawa. Sa isang classroom sila nagkita at sigurado akong tumakas lang si Drax dahil naririnig ko di kalayuan ang pagtugtog ng mga kasama niya.

Hinihingal pa siya halata na nagmamadali. Nakayuko lang ang babae sa harap niya habang siya ay pilit nitong pinapa tingin sa kanya ang babae.

Finally, nag tinginan na sila. Kinilig ako ng slight dahil isipin mo na lang, ikaw kaya makipag titigan sa kanya kung hindi ka rin kiligin! Lalo pa't magkalapit ang mukha niyong dalawa.

Sana lang hindi sila mag kiss!

Lumipat ako ng pwesto para mas makita ko silang dalawa nang maigi. Nakangiti si Drax sa kanya pero napansin kong seryoso ang mukha ng babae.

"May problema ba tayo?" Nakangiti pang tanong ni Drax sa kanya. Bumuntong hininga lang si girl bago magsalita.

"I'm breaking up with you."

****