****
CHAPTER 2
"Alam mo? mukha kang tanga dyan. Ano ba ine-emote mo at mukha kang pinasahan ng daan daang problema?" Napatingin lang ako kay Ren pero hindi tumugon sa tanong niya.
Bumuntong hininga lang ako at pinatuloy ang pagsulat ng ginagawa namin para sa English Lit. na subject. Hindi ko talaga ma gets ang ibang subjects sa course namin! Ano naman ang connection ng greek mythology sa paggawa namin ng system?
Ilang araw na ang nakalilipas pero ramdam ko pa rin ang lungkot dahil sa nasaksihan ko nung gabing yun. Kung paano magmaka awa si Drax sa babaeng yun na wag makipag break. Kung paano tumulo ang luha niya habang naglalakad papalayo si ate girl.
Grabe! Akala ko dati masakit makita ang babaeng umiiyak pero mas masakit pala kapag nasaksihan mo mismo kung paano umiyak ang isang lalaki.
Nakakasakit ng dibdib yung makita ang pagkawala ng mga luha sa mata niya. Ang pagmamakaawa niya na wag siyang iwan. Pakiramdam ko, nanood ako ng isang heavy drama nung gabing yun!
"Hoy! Ano ba?! Makinig ka nga sa sinasabi ko! Nakakainis ka naman e!" Natigil ako sa pag rereminisce nang tapikin ako ni Ren.
Inis ko siyang tinignan.
"Ano ba! Kitang nag eemote ako sisirain mo?! Panira ka talaga palagi!" Singhal ko sa kanya. Inirapan ko lang siya saka tinapos na ang sinusulat ko.
Hindi ko naikwento sa kanya ang nakita ko kaya hindi niya alam kung ano ang nangyari nung gabing yun. Wala naman kasi ako sa tamang posisyon para ikwento yun lalo pa't hindi ko naman inaasahan na ma wi-witness ko yun. Tsaka, privacy na ni Drax yun.
Pagkatapos naming gawin ang pagsusulat ay lumabas na kami ng library at tumungo ng faculty office para ipasa ang pinagawa sa amin.
"Alam mo ba? Ilang araw na raw hindi nakikita si Drax dito sa campus. Ano kaya nangyari sa kanya?" Umiwas lang ako ng tingin at kunwaring nag s-scroll sa facebook.
Tumahimik na lang din siya habang naglalakad kami sa corridors. Lahat ng social media accounts ni Drax ay inistalk ko pero wala na akong nakita. Dineactivate niya yata lahat kaya hindi ko na siya makita sa kahit anong social media account niya.
"Ay Drax!"
Napatigil ako sa paglalakad nang mabunggo ako sa isang tao! Ngunit agad akong natameme nang makitang si Drax ito at nakatitig siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang matitigan ko ang mukha niya.
Nakakapanibago. Ang dating masiyahin niyang mukha ay napalitan ng emotionless. Lalo na ang mga mata niya. Tila walang buhay ito kung pagmamasdan mo nang matagal.
"So-sorry." Nasabi ko na lang saka gumilid. Tahimik lang si Ren sa gilid ko at tila nanonood kung ano ang susunod na mangyayari.
"Tch." Umismid lang siya saka nagpatuloy na sa paglalakad na parang walang nangyari. Sinundan namin siya ng tigin hanggang sa nawala na siya.
"Hala! Anyare dun? Bakit para yatang malungkot mukha nun?" Curious na tanong ni Ren pero hindi na ako sumagot.
----
May isang oras kaming vacant dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga teachers kaya nandito kami sa open field. Nakaupo lang kami sa ilalim ng shed house habang nanonood sa mga nagp-practice na football players.
"Alam mo, nakakapagtaka talag kanina si Draxter. Bakit kaya ganun mukha nun? Mukhang malungkot na ewan? Parang conshipated?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bobo, constipated." Natawa siya at tumango tango. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa kinakain kong chips.
"Yun na nga. Alam mo ba nangyari sa kanya? Tutal ikaw naman ang number 1 stalker niya." Tinignan ko siya ng masama saka inirapan.
"Ulol! Maka stalker ka ha! Hindi ba pwedeng avid fan lang?" Nag make face lang siya saka dumikit pa lalo sa akin.
"Ano na nga! Anong meron at parang ganun siya ngayon?" Nagkibit balikat na lang ako. Ayokong sabihin sa kanya dahil madaldal pa naman ang babaeng to. Baka mamaya, habang nag uusap sila ng mga kasama niya sa student council ay bigla niyang ma kwento.
Hirap kasi sa babaeng to walang preno ang bunganga. Kahit sinasabihan na minsan na wag sabihin o ipagkalat, nawawala sa isipan niya at nagagawa niya. Kaya nakakainis to minsan sabihin ng sirekto e!
Natahimik kaming pareho pero nabasag din agad nang mag ring ang phone niya.
"Hello? Talaga? Mamaya? Saan? O sige ba!" ilang segundo lang yun at ibinaba niya rin agad. Curious akong tumingin sa kanya dahil mukhang nasayahan siya sa narinig niya. May pa 'yes!' pa siya at palakpak palakpak habang nakaupo.
"Sino yun?"
"Si Xai! Inom daw tayo mamaya. Libre niya!" Ano nanaman pumasok sa kokote ng babaeng yun at nagyaya uminom?! Broken hearted siguro yun! Hindi yun magyayaya ng inuman sa ganitong peak ng sem lalo pa't sigurado akong marami silang ginagawa ngayon!
"Kayo na lang. Wala ako sa mood uminom." Buntong hiningang sabi ko pero hinampas niya ako sa balikat at hinatak ako papalapit sa kanya.
"Ulol! Ikaw tatanggi sa inuman? Lokohin mo lolo mo!" Natawa na lang ako sa sinabi niya at tumango bilang sagot.
----
Alas nuebe na ng gabi nang matapos ako sa pag-aayos. Isang itim na off-shoulder dress ang sinuot ko. 1 inch above the knee ang ikli nito at sneakers na puti na lang ang sinuot kong sapatos. Hindi na ako nagtali ng buhok at hindi na rin ako masyadong naglagay ng kolorete sa mukha.
Nandito na ako sa sakayan ng jeep habang nag aantay kay Ren. Ang sabi niya 9 daw kami magkita pero hanggang ngayon wala pa rin ang loka.
Napatingin ako sa suot kong wristwatch. Nakakabagot talaga antayin ang babaeng yun! Magsasabi ng oras tapos sya naman palagi ang hindi tumutupad. Tatawagan ko na sana siya nang marinig ko ang boses niya.
Paglingon ko ay napairap na lang ko. Naka croptop siya na pink at highwaist na black jeans. Naka flats lang siya at cinurl niya pa talaga ang buhok niya.
"Hindi ka naman masyadong naghanda no?" Irita kong sabi sa kanya. Nag pose pa talaga siya sa harapan ko, flaunting her attire for tonight.
"Hindi naman masyado. Tara na nga andun na daw sila kanina pa!" Minadali niya ako at hinatak pasakay sa jeep.
Habang nasa byahe kami ay na e-excite na ako. Ngayon na lang ulit kami magkikita nila Xai at ng iba naming kaibigan.
Magkakaibigan na kami since highschool mula first year hanggang fourth year. Ngayong college lang kami nagkahiwalay. Sa isang State University kasi kami ni Ren nag-aaral, one city away while they're studying at St. La Salle University.
Xaibelle, Denise and Florence are taking BS in Information Technology. Almost the same sa course namin pero may kaibahan din. IS has no generalization while IT has majorings.
"Omg!" Napalingon ako kay Ren pero agad siyang sumimangot. Natawa na lang ako dahil nasampal ko pala siya ng buhok ko dahil sa paglingon ko. Nag peace sign lang ako sa kanya.
Sumilip ako sa tinitignan niya sa phone niya at napa 'omg' din ako with nanlalakihang eyes. Inagaw ko sa kanya ang phone niya at zinoom ko pa talaga ang picture.
It was a photo message from Xai at sigurado akong Indieplay yung pinicturan niya! Blurred ang kuha pero alam kong sila yun dahil kitang kita ko ang naka sideview na mukha ng drummer nilang si Damon Buenavista.
Pagkababa namin sa Lacson St. ay tumawid na kami at sumakay ng tricycle papuntang Akasya.
Pagdating ay hindi na ako nanibago nang makitang maraming tao ngayong gabi. Halos mapuno na ang buong lugar at marami nang nakatayo dahil sa kawalan nang mauupuan.
Hinanap agad ng mga mata ko sila Xai at nang makita namin sila ay nagtilian agad kami at nagyakapan.
"Girllll!!!! I miss you!!!" Nag beso beso lang kami saka tumungo na sa pwesto nila. Pagkaupo ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang napakaraming alak sa lamesa.
May emperador, may The Bar, may mga bucket ng red horse at smirnoff. May iilang kaha din ng yosi.
"Hoy! Anong meron bakit ang daming alak?" Curious kong tanong sa kanya pero imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nginisian niya lang ako.
Agad na hinanap ng mga mata ko ang Indieplay pero hindi ko sila nakita. Naka ilang beses na rin akong nag ikot, nagkunwaring naghahanap ng ibang kakilala pero hindi ko talaga sila natagpuan.
"Nandun sila sa VIP room. Sila yata ang tutugtog mamaya!" Napatili ako dahil sa sinabi ni Xai.
"Grabe mas lalo silang pumogi!" Singit ni Denise saka ibinigay sa akin ang tagay. Inistraight ko ito at agad na ininuman ng iced tea na chaser. Napapikit pa ako dahil nanguna pa rin ang lasa ng emperador.
"Grabe ang kasikatan nila kahit local band lang sila no? Hindi na ako magtataka kung sa huli tuluyan na silang sumikat." Saad naman ni Florence na may pahithit pa ng yosi.
"Hoy bruha! Kumusta ka pala? Ano nang balita sayo? Leche ka! Nag Bora ka lang nawalan ka na ng koneksyon sa buhay ko!" Inis kong singhal sa kanya at pabirong hinampas.
"Wala naman. May nakalandian lang akong ilang boys pero they're too boring for me kaya bumalik na ako dito." Sabi niya at agad na tumawa.
Nag kwentuhan pa kaming magkakaibigan. Malakas ang tugtog kaya halos magsigawan na kaming lima.
"WHAT'S UP YO!" Bati ng dj sa mic kaya nagsigawan ang lahat bilang tugon sa kanya. Humarap na kaming lima sa maliit na stage.
"ARE YOU GUYS ENJOYING THE NIGHT?!" Sigaw nitong muli kaya sumagot naman ang karamihan. Napasindi ako bigla ng yosi dahil sa kabang nararamdaman ko.
"O bakit bigla kang na tense?" Natatawa nilang sabi sa akin pero inirapan ko sila.
"ARE YOU READY FOR OUR SPECIAL GUEST TONIGHT?!" Marami ang nagsigawan ng 'yes!' at kahit ang mga kaibigan ko ay nakisigaw. Ni hindi ko magawang gumalaw man lang dahil kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.
Bumukas ang pinto ng kwartong itinuro ni Xai sa akin at lumabas na silang lima. Mas lumakas ang tilian sa paligid at halos lahat ay kinakalampag ang kani-kanilang mga lamesa.
Umakyat na sila sa maliit na stage. Napunta kay Drax ang atensyon ko at nagtaka ako nang makitang wala siyang hawak na gitara ngayon. Sa halip ay si Kiel, ang bokalista nila, ang may hawak ng gitara.
"Omg! Si Drax ang kakanta ngayong gabi?" Gulat na sabi sa akin ni Ren. Ni hindi ko siya magawang lingungin. Sa lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon lang napunta ang buong atensyon ko.
He's wairing a plain black t-shirt at jeans. Medyo magulo pa ang buhok niya pero ganun pa rin ang tindig niya. Kahit walang emosyon ang mukha niya ay napaka gwapo niya pa rin sa mga mata ko.
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang saglit magtama ang mata naming dalawa. Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko ang malakas na tambol nito.
Deretso lang siyang nakatingin sa crowd. Malamig pa rin ang mga mata niya at ni hindi man lang magawang ngumiti.
Tumango lang siya saka tumingin sa dj. Tumango lang rin ito at naglakad na pababa bago muling nagsalita.
"Let's all welcome, INDIEPLAY!"
****