LUNES ng hapon, kulang isang oras na siyang nakatambay sa loob ng Guildhall pero hindi parin dumarating si JV. Medyo gutom na siya dahil hindi pa siya nagmemeryenda. Dumiretsong uwi kasi si Hara nang maghiwalay sila kanina sa kagustuhang makapagpahinga agad.
Ilang sandali pa nang mapagpasiyahan niyang mauna na sa binata. Itetext nalang niya itong sa canteen na sila magkita.
Nagtaka siya nang mapuna ang ilang matang nakasunod ng tingin sa kanya. Parang hindi normal ang titig ng mga ito. At isa pa hindi naman siya sikat sa university para pagtuunan ng pansin ng lahat kahit pa sabihing madalas niyang kasama si JV.
Nasa entrance na siya ng canteen nang mapuna ang isang estudyanteng lalaki na namimigay ng, flyers? Nangunot ang noo niya kasabay ang pagkabuhay ng di-maipaliwanag na kaba sa dibdib niya.
Huminto siya saka sinuyod ng tingin ang labas ng canteen. Bukod sa lalaking nasa entrance ng kainan ay may namataan pa siyang namimigay rin ng flyers sa may quadrangle. Magkakassunod siyang nagbuntong-hininga sa kagustuhang pagluwagin ang paninikip ng dibdib niya dahil sa hindi maipaliwanag na takot?
Itinulak niya ang glass door. Pagbungad niya ay napuna niyang sa kanya natuon ang paningin ng lahat ng kumakain doon. Sa may gawing dulo kitang-kita niya ang isang grupo ng mga kalalakihang malakas na nagtawanan habang nakatingin sa kanya at sa hawak na papel na ipinamimigay sa labas ng canteen maging sa may quadrangle. Habang sa mesang malapit sa pinto nakita niyang nakangising nakatingin sa kanya si Irene, kasama nito ang tatlong babaeng estudyanteng sa tingin niya'y kaibigan ng dalaga.
"Nice butt, Vinnie" anito saka iniabot sa kanya ang isang flyer.
Mabilis na nag-init ang mga mata niya sa nakita.
Hindi naman pulido ang pagkaka-edit sa larawan dahil malamang sinadya iyong gawing ganoon para magmukhang mas katawa-tawa.
Mukha niya na siyang kasalukuyang profile picture niya sa Facebook ang inilagay sa isang malaswang picture din ng isang porn star na walang suot na anumang saplot sa katawan.
Para siyang naestatwa sa kinatatayuan habang hindi naman niya napigilan ang pagbalong ng kanyang mga luha. Nakabibingi ang tawanan ng ilang naroroon partikular na ng mga kalalakihan. Habang tila siya napapaso sa titig ng ilan namang hindi niya matiyak kung naaawa ba o natutuwa sa sitwasyong kinasasadlakan niya.
Hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang mahinang hikbi dahil sa sama ng loob. Nang tumalikod siya palabas ng canteen ay narinig niyang nagpalakpakan ang ilan, halatang tuwang-tuwa sa nangyayari sa kanya. Parang gusto niyang sumigaw sa tindi ng kahihiyang nararamdaman. At dahil nga nakayuko ay hindi niya napunang kasalubong niya si JV na nakayuko ring nagbabasa ng mensahe sa cellphone nito.
"Miss L! Akala ko ba sa canteen___" hindi na nito natapos ang gustong sabihin nang makita ang ayos niya. "bakit ka umiiyak?" tiim-bagang nitong tanong saka kinuha sa kamay niya ang hawak niyang flyer.
"Who did this? Sabihin mo?" galit na galit nitong tanong.
Hindi siya nagsalita at sa halip ay humahagulhol nalang na yumakap ng mahigpit kay JV. Ilang sandali rin silang nanatili sa ganoon ayos. Wala na siyang pakealam kahit pinagtitinginan sila ng ilang estudyante roon.
"Come" anang binata sa malalaking mga hakbang.
Kinikilabutan siya sa nakikitang galit sa mga mata nito. Pero sa kabilang banda ay thankful siya at may isang katulad nitong nakahandang gawin ang lahat maipaglaban lang siya.
"Hoy ikaw!" sita ng binata sa estudyanteng patuloy parin sa pamimigay ng flyers.
Nakita niyang lumarawan ang matinding takot sa mukha nito, at lalo na itong hindi nakahuma nang galit na hablutin lahat ni JV sa kamay nito ang marami-rami pang flyers.
"Halika na, hayaan mo na baka napag-utusan lang siya" mabilis niyang awat kay JV sa pag-aalalang baka saktan nito ang estudyante.
"Hindi mo ba alam na mali iyang ginawa mo? At hindi mo ba alam na pwede kang mapaalis sa eskwelahang ito dahil dito?" galit na galit pang tanong ni JV.
"Napag-utusan___"
"Sinong nag-utos sayo?!"
Nang ituro nang estudyante ang loob ng canteen ay muling hinawakan ng mahigpit ni JV ang kamay niya kaya napasunod siya.
"May alam ka ba dito?" halata ang pagpipigil ng galit sa tinig ni JV nang harapin nito si Irene na mabilis namang nawalan ng kulay ang mukha.
"Pare sandali lang," awat ni Joey na kapapasok lang ng canteen nang mga sandaling iyon.
"Tumahimik ka muna Joey, okay? O baka naman pareho ninyong pinlano ito?"
Noon mabilis na nagsalita si Irene. Ang itsura nito, para itong isang daga na nakorner ng malaking pusa. "W-Wala siyang alam diyan!"
Nakita niyang gulat na nilingon ni Joey ang nobya. "Ikaw ang nagpakalat ng mga ito?" halatang hindi makapaniwalang tanong nito.
"I can't believe this, hindi ko naisip na kaya mong gawin ang ganito Irene" umiiling na inilapag ni JV ang mga flyers sa ibabaw ng mesa. "lalo mo lang pinatunayang wala akong dapat panghinayangan sayo. Halika na Vinnie" anito saka siya hinila palayo sa lugar na iyon.