Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 62 - Come hell or high water

Chapter 62 - Come hell or high water

Rion's POV

I removed my headset and shut the system down.

Damn you Vaughn! And damn your father's team!

Malinaw kong narinig ang usapan sa pagitan nila ni Mr. Wooster kani-kanina lang dahil sa mga devices na matagal ko ng inin-stall sa bahay niya, particularly in his room, sa tuktok ng headrest ng kama nya. And I even bugged his cellphone.

That bastard really thought that he can get the better of me?

Humigop ako ng kape at sumandal sa railings ng balcony.

Napansin ko sa kabilang bahagi ng bahay si Shamari na nakadungaw sa bintana ng kwarto nya. I knew that she's suspecting me now and she started making stupid things to know my secret. At alam ko din kung gAano niya kagustong ipaghiganti ang nagyari sa ina namin.

Leave it to me little sister.

Pero alam ko kung gano katigas ang ulo niya. Well, it obviously runs in the family.

Napansin din ako ni Shamari at pagkatapos akong bigyan ng mapagdudang tingin ay umalis na sa bintana.

One day, I will have to ask a favor from Zilv to protect you little sister...

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa kape at mahinang inikot-ikot ang tasa.

Everything goes according to my plan... I smiled lazily.

Nakuha ko na ang tiwala ng grupo.

Three more to go.

Una ay kumalas sa grupo ni Uncle Al.

Pangalawa ay sumapi ng tuluyan sa grupo ni Vladimir St. Martin, Vaughn's father.

And lastly will be party time.... I'll serve the justice for my mother in her grave. Come hell or high water.

At bibigyan ko ang sarili ko ng anim na taong taning na gawin lahat ng iyon.

But because of Vaughn's stupidity I have to make some adjustments!

Sh*t!

The team now know about Dollar...

I'm wrong... It'll be five things to go, not three....

And I'm willing to put Dollar at the top of my list...and if I'll come out alive through all of this...it will be a plan again about the future. With her...

Tinanaw ko ang walang katapusang kagubatan na nasa harapan ko at mayamaya ay pumasok na ng kwarto. It's christmas time and the temperature is dropping and I don't wanna freeze my ass out here.

Binitbit ko ang laptop at isasara ko na sana ang sliding door nang tumunog ang cell phone ko. Number lang ang rumehistro at ang message ay Charonte Cafe, 3:30 pm. This was obviously an invitation.

I very well knew who have this number. I smirked in mixed emotions. Tiningnan ko ang wristwatch ko. May isang oras pa 'ko para makarating sa lugar pero pinag-iisipan ko kung pupunta ako.

That man really had the balls to come here in town, I'm impressed. And I'm wondering kung anong gagawin ni Lolo kapag nalaman niya.

Binasa ko ulit ang message. This was one of his many attempts for years...

At bakit di ko kaya pagbigyan? Curious din naman ako sa magiging speech niya.

Sure I'll meet you, Dad...