Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Rise of Chivalries

🇵🇭FrustratedAngel18
--
chs / week
--
NOT RATINGS
14.7k
Views
Synopsis
Eunice, an heiress of a huge corporation in the country. Despite of this she is diagnosed of a very rare disease called Narcolepsy. Everything started to become a chaos when an extravangant announcement was made by her Mischievous In-Laws through National Television patungkol sa paghahanap nila ng lalakeng mapapangasawa niya. There came the Four Gentlemens coming from Four influencial families in the country. Pag-aagawang makuha ang puso ng isa sa pinakamayamang Heridera sa bansa. Sino ang uuwing inibig Sino ang uuwing luhaan sa laban. The Game is on as The Rise of Chivalries begins with the gamble of money and maybe Love?. [Status: On-Going]
VIEW MORE

Chapter 1 - Prelude

NOTE:

This is a work of fiction

Names, characters, places and events are either the products of the author's imagination or use in a fictitious manner. Any resemblance to actual events is purely coincidental, do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. If so, Kindly ask for a written consent.

**** All rights reserved #2019***

PRELUDE

EUNICE

Aligaga si Eunice pagkababa at pagkababa pa lamang niya ng taxi malayo sa normal niyang hakbang ang ginawa niya para lamang maabot ang main lobby ng Victoria-Guzman Corporation Building.

Hindi niya alintana ang bulto ng mga tao at empleyado na nakukumpul-kumpulan sa lobby ng gusali.

Ang ilan sa mga ito ay napalingon sa biglang paglitaw niya sa main entrance na tila ba hinahabol ng tatlong kabayo sa bilis.

Dinig na dinig niya ang live and full broadcast na pinapanuod nila ngayon sa malaking screen.

Agad naman siyang hinarang ng mga security na nagbabantay sa parameter ng gusali ngunit pinagbantaan niya ang mga ito na huwag na huwag nila siya nitong hahawakan.

Umatras ang mga ito at inilipit ang mga intercom sa mga bibig nila para alertohan ang iba pang security na nasa loob ng gusali.

Nagtagumpay siyang makalusot sa lobby.

Kailangan niyang makarating sa conference room kung saan ito ginaganap, kailangan niya iyong pigilan, dahil kung hindi ay baka tuluyan nang makontrol ng mga gahaman niyang mga In-Laws ang buong buhay niya.

Nasa harap na siya ng elevator

Pinindot niya agad ang button ng elevator.

Tumingila siya sa monitor screen nito na nasa bandang itaas lamang front door.

Napamura na lamang siya nang makitang nasa 10th floor pa lamang ito.

Halos gusto na niyang hilahin ito pababa.

Naglakad siya sa kabilang side ng corridor.

Para tignan kung maari ba niyang magamit ang elevator na ginagamit ng mga VIP ngunit maraming mga security ang nakaabang doon.

Alam na alam niya na pinagbilinan ng kanyang In-Law ang mga ito na huwag na huwag siyang papasukin sa conference room kaya wala siyang choice kundi ang bumalik sa main elevator ng gusali.

"Good afternoon, this is from Victoria-Guzman Corporation. First of  all we would like to thank everyone for your unfailing support on us although this is very sudden but we reach out to all of our national viewers at this moment..."

Napalingon si Eunice sa anunsyong nagaganap sa wide screen na nasa lobby ng gusali.

Nagsisimula na kailangan na niyang magmadali.

Lumingon siyang muli sa monitor screen ng elevator. Nasa 9th floor pa lamang ito.

"We are so glad to announce at this very moment to the public that we, the Victoria-Guzman family are in search of  candidate Bachelors  suitable to marry our family heiress Ms. Samantha Eunice Victoria-Guzman..." tila ba gumuho ang mundo ni Eunice sa mga narinig niya.

Biglang nangatog ang mga tuhod niya.

Nangyari na ang bagay na kinatatakutan niya.

Nagtagumpay ang mga gahaman niyang tiyahin.

Narinig na niya ang pagtunog nang elevator, nagbukas na ito.

Pumihit siya at pumasok sa loob nito.

Pinindot niya agad ang 5th floor button.

Iyak siya ng iyak habang umaandar ito.

Kung nandito lamang ang Papa niya ay hindi magkakaganito ang buhay niya.

Hindi magiging miserable ng ganito ang sitwasyon ng buhay niya.

Nakarating siya sa 5th floor sa pag-aakalang maabutan pa niya ang live broadcast pero hindi, bumukas na ang pintuan ng conference room inuluwa niyon ang kumpol ng mga reporters galing sa iba't-ibang television networks.

Ilang metro ang layo ng mga ito mula sa kanya, kalauna'y nagkagulong muli ang mga reporters noong lumabas mula sa conference room ang isa sa mga taong kinaiinisan niya.

Ang In-Law niyang si Elizabeth.

Huminto ito sa gitna ng mga reporters.

"Ms. Elizabeth, how does it feel to announce this news to the public?" tanong sa kanya ng isa mga reporters.

"Actually, I am very happy that the public supported ua in this matter although this is very sudden it is with the full consent of our family heiress Samanthe Eunice, I'am just helping her out as her guardian" sagot ng kanyang In-Law na para bang kung sinong Anghel na walang dungis.

Lumingon ito sa gawi ni Eunice at pagkatapos ay ngumiti ng makahulugan.

GUARDIAN? Ang kapal ng mukha nitong sabihin sa mga reporters na she is doing this to help me out as my guardian? sa isip ni Eunice.

"But how is it? do you think it will be successful? will there be Bachelors who will be interested to marry your niece?" dagdag pang katanungan ng mga reporter.

Kumunot ang noo ni Eunice.

Sagad sa buto ang pagkagahaman nito.

"Our Samantha Eunice is elegant and gorgeous as it is, I think no birdbrained Man who could resist her charm... do you agree with me?" sagot ni Elizabeth at lumakad na papunta sa dereksyon ni Eunice habang ang mga reporters ay nakabuntot parin sa kanyang likuran.

Ilang segundo silang nagkatitigan.

Kulang na lamang ay sumugat sa mga mata ni Elizabeth ang matalim na titig ni Eunice.

Nakipagbeso pa ito sa kanya at tsaka inilipit ang labi sa tainga ni Eunice

"Just act just as what we expect you to do Eunice? Look at the camera and smile! okay? it'll be alright honey" bulong nito sa kanyang tainga.

Lalong sumidhi ang inis ni Eunice dito.

Niyukom niya ang kanyang mga palad.

Gustong-gusto niyang magprotesta dito.

Gustong-gusto niya itong sampalin.

Sabunutan o hampasin manlang ngunit hindi niya magawa.

Gigil na gigil siya dito ngunit wala siyang magawa.

She is powerless, she is just a crowned heiress of their family.

They are just taking care of her dahil sa kanya ipinamana halos 90% ng mga ari-arian ng Victoria-Guzman.

Kung tutuusin ay walang habol ang mga ito sa pamana niya dahil mga sampid lamang ang mga ito.

Ngunit dahil sa wala pa siyang kaalam-alam kung papaano i-manage ang mga pamanang ito sa kanya ng kanyang Lola ay ito ang tini-take advantage sa kanya ng kanyang mga gahaman niyang mga In-Laws.

Kinokontrol ng mga ito ang lahat-lahat ng mga properties ng angkan nila.

And the truth is, all of them knew about her health condition.

Isang maling hakbang niya lamang ay maaring tuluyan na siyang i-condemn ng mga ito sa kanyang kinalakihang buhay.

Humarap ang In-Law niyang si Elizabeth sa mga reporters na abala sa pagkuha sa kanila ng mga litrato.

Walang magawa si Eunice kundi gawin ang gusto nito kahit na labag ito sa kalooban niya.

Ngumiti siya sa mga reporters, kahit mapait.

Ngumiti siya, kahit punong-puno ng pagkamuhi ang puso niya.

"Good! you're such a good girl" komento sa kanya ng kanyang In-Law, hinila pa siya nito papalapit sa kanyang katawan at buong giliw na ngumiti habang kumakaway pa sa mga reporters na abala sa pagkuha kanila ng footage.

Sunod-sunoran nalang si Eunice.

Gusto na lamang niyang kainin ng lupa sa pagkakataong iyon.

Nanlulumo siya.

Nanliliit siya sa kanyang sarili dahil wala naman siyang magagawa para labanan ito.

Pagkatapos ng ginawang public exposure sa kanya ng kanyang tiya Elizabeth ay nag-iwan pa ito ng ilang mga kataga na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.

"You are powerless Eunice, lets make it clear honey, just enjoy your life of being a wealthy heiress okay? or go against our plan and live a miserable life " anito at tuluyan siyang iniwan sa gitna ng corridor.

Bumuntot parin sa tiya Elizabeth niya ang mga reporters.

Wala siyang ibang marinig kundi ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Not now.

Nagsimula nang umikot ang kanyang paningin kasabay nang unti-unting paghina nang kanyang katawan.

Hindi narin siya makahinga ng maayos.

Hinawakan niya ang kanyang dibdib pinilit niyang pakalmahin ang sarili ngunit hindi niya ito makontrol.

Muli sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay inatake siya ng kanyang pambihirang sakit.

Nabuwal na siya ng tuluyan sa kanyang kinatatayuan.

"Miss! are you okay? Hey?!"

Ngunit bago pa man siya saluhin ng sahig ay naramdaman pa niya sa kanyang ulirat ang malalaking braso na sumalo sa kanya bago siya tuluyang pumikit at mawalan ng malay.

-

-

-

-

--

-

-

-

Itutuloy...