Chapter 1
The Manifestation of Love Vs. Conflict
EUNICE
Sa ilalim nang tirik na araw ay nasa gitna ng open field ng school ang buong class section ni Eunice.
Paypay siya ng paypay sa kanyang sarili dahil sa naiinitan siya.
Nang hindi matiis ang matinding sikat ng araw ay isinuot na niya sakanyang mga mata ang kanyang shades na may 400 UV Protection.
Ngising-ngisi ang dalaga dahil nakaupo lamang siya sa bleachers habang ang mga kaklase niya ay nandoon sa gitna ng open field na parang mga batang paslit na binibilad sa araw.
May advantage and benefits din naman talaga siyang nakukuha sa pagkaka-diagnose niya sa rare health condition niyang narcolepsy.
Ang numero doon ay hindi siya manga-ngamoy pawis every P.E. class nila which is iyon ang gustong-gustong niya at talagang sini-savor niya talaga ang privilege na iyon even so.
Sa dinami-dami din ba kaseng pwedeng ipamana sa kanyang good traits ng kanyang lola ay ang narcolepsy pa nito.
Ayon sa diagnosis sa kanya ng doktor heridetary daw ito.
Which is true dahil iyon din ang naging dahilan ang maagang pag-iwan sa kanya ng pinakamamahal niyang lola.
Inatake nalang ito bigla nang kanyang narcolepsy at dahil matanda narin ito hindi na ito nagising pa mula sa pagkakatulog nito.
Naistorbo ang pagmumuni-muni ni Eunice nang magtilian ang mga babae field sa pagdating ng binatang inaabangan ng lahat during P.E. class.
No other than, Simon ng kabilang section.
Ibinaba ng bahagya ni Eunice ang kanyang shades at sinilip ng kaunti ang kaguluhang nangyayari sa open field.
She just chuckled.
Para siyang nanunuod ng isang eksena sa sikat na seriesn ng F4 kung saan naglalakad ang mga ito sa gitna ng maraming estudyante at halos maputol na ang litid ng mga babae pati narin ang litid ng mga binabae sa kakatili sa mga ito.
Naputol ang moment ni Eunice nang may biglang humarang sa view na pinapanuod niya sa ibabaw ng bleachers.
"EUNICE! BAKA NAMAN GUSTO MONG SUMALI DOON SA ACTIVITY NATIN? KAYSA NAKAUPO KA LANG DIYAN AT NANUNUOD?" Ani ng leader ng team nilang si Lislie.
"Oo nga!" sabat pa ng dalawang babae na kasama nito.
Walang pake si Eunice sa tatlong ito.
Alam naman ng mga ito ang health condition niya pero tila gusto lang ng mga ito na pestihen siya.
"Ayoko" sagot niya sa mga ito na walang gana.
Nagulat siya ng bigla nalamang hawakan ng kasama nitong dalawang babae ang mga braso niya.
"Hey! bitawan niyo nga ako! sinabing ayokong sumali eh!" protesta niya.
"Sumali ka na kase, dahil sa'yo bababa ang grades na makukuha namin sa activity na ito eh!" ani ng mga ito.
Nagtagumpay ang mga ito sa pagkalakad sa kanya sa gitna ng open field.
Ayaw niya lang talagang mabully ng tatlong ito kapag mababa nga ang grades na makuha ng mga ito sa activity kapag hindi niya ito pinagbigyan.
Pero paano naman siya?.
Baka bigla na naman siyang atakehin ng kanyang sakit.
Nasa tabi ng team nila ang team ni Simon.
And obviously ay heto na naman, nagpapansin na naman ito sa kanya.
Tinanggal ni Eunice ang suot nitong shades at iniripan ang nakangising si Simon.
Pero hindi ito naapektuhan sa ginawa niya sa halip ay lalo itong nagpacute sa kanya.
Tilian na naman ang mga babaeng nakakita sa ginawa nitong pagpapacute kay Eunice.
tsss.. akala mo naman.. eww mas gwapo pa nga sa kanya si kuya Clark eh sa isip ni Eunice.
"Okay Class you already know the rules! Unahan kayo sa finish line okay?.... oh Eunice akala ko ba hindi ka sasali?" tanong sa kanya ng kanilang teacher.
"Eh kase po----" Eunice.
"Ay kase sir sabi ni Eunice okay naman daw ang pakiramdam niya ngayon kaya sasali po siya hehe" biglang singit ni Lislie kay Eunice.
Inirapan niya ito.
Pasimple nama siyang benelatan nito.
"Are you sure Eunice? " pagkompirma sa kanya ng kanilang teacher.
Alanganin pa ang pagtango niya dito.
"Okay! On my cue! 1...2....3..." sabay pito ng kanilang P.E. teacher.
Todo cheer naman ang mga kaklase ni Eunice sa mga naunang player sa track and field activity nila.
Middle player siya at isa pa kaya hindi siya mapakali sa puwesto niya ay kaharap niya si Simon na kanina pang nakangiti sa kanya.
Aminado si Eunice na may ibubuga naman ito kahit kakarampot sa itsura at kagalingan sa pagiging athlete nito.
Pero sa katalinuhan at attitude hindi ito talaga papasa sa kanya.
May pagka-presko kase ito kung kumilos at higit sa lahat playboy din.
Which is not her ideal and type of guy.
"Oy! baka matunaw na ko niyan kakatitig mo sa'kin" anito sa kanya.
"Phew, as if na naman! wag kang assuming" sagot sa kanya ni Eunice.
"Anyway balita ko crush mo daw ako?" Simon.
"Huh? ikaw crush ko? never! never ever!" deklara ni Eunice dito.
Tumawa lang ito.
"Biro lang, ikaw talaga napakaseryoso mo... bawas-bawasan mo naman 'yong pagiging mataray mo hindi bagay sa ganda mo" dagdag pa nito.
"Eh? tigilan mo nga ako Simon?! grrr... nandidiri ako sa pinagsasabi mo" Eunice.
"Grabe na man 'to oh?!" Simon.
Hindi na niya ito pinansin pa, inilipat niya ang kanyang tingin sa player na papalapit na kanya at hawak-hawak ang stick na ipapasa nito sa kanya.
Matagumpay niya itong nahawakan at tsaka mabilis na tumakbo.
Nasa likod niya si Simon.
Ilang segundo lang ay naabutan na siya nito.
What did she expect, athlete nga ito kung ikokompara sa kanya na naging talent lang ang pagtakbo sa tuwing tumatakas ito sa kuya Clark niya.
"Hmmm... I think much better if gumawa tayo ng deal para mas lalong maging exciting ang activity natin..kapag naunahan kita sa finish line ipagkakalat ko rin na crush kita and you have to go out with me on a special date !" sigaw nito habang tumatakbo.
"In your dreams! hindi mangyayari 'yan" sagot naman ni Eunice dito.
" Okay, we'll see" sigaw pabalik ni Simon sa kanya.
Lalo pa niyang ginalingan ang pagtakbo para maungusan si Simon.
Nababaliw na yata ito, kapag naunahan siya nito sa finish line siguradong sasakit na naman ang ulo niya pagkatapos lalo na kung gagawin nga nito ang mga sinabi nito sa kanya.
"Hey! bilisan mo naman haha" ani ni Simon na kumaway pa sa kanya at unti-unti na siyang nilalagpasan.
Pinilit niya itong habulin ngunit ilang metro na lang nang matanaw na ni Eunice maabot na nito ang finish line.
Nataranta siya noong tumunog bigla ang kanyang heart rate watch na suot-suot.
Lumagpas na sa normal heartbeat ang puso niya.
Napapikit siya ng mariin.
Iisa-iisa lang ang ibig sabihin niyon.
At tama nga ang hinala niya.
Hindi na siya makahinga ng maayos.
Kalaunay napahinto siya sa gitna ng field.
Nawalan ng lakas at nabuwal sa lupa.
Bago pa man siya tuluyang pumikit ay nakita niya ang tumatakbong si Simon palapit sa kanya.
"Eunice! hey! oh god! Call an ambulance! siir! " Simon.
Naramdaman pa niya ang pagbuhat nito sa katawan niya gustuhin man niyang umayaw dito ay wala nang initial reaction ang katawan niya.
Hindi na niya makontrol ang alin mang bahagi ng kanyang katawan.
Nag-eecho na lamang ang boses ng mga kaklase niya sa loob ng kanyang utak.
Ang kasunod na mga pngyayari ay hindi na niya alam.
Pumikit na nang tuluyan ang mga mata niya.
Nagising si Eunice sa pag-uusap ng dalawang tao malapit sa paanan ng kanyang hospital bed, agad naman siyang inilalayan ng kanyang first cousin na si Clark.
Alalang-alala mukha nito.
Kausap pala nito ang kanyang doktor simula pagkabata.
Agad niya itong tinanong kung ilang araw siyang walang malay.
" Two days Eunice, habang tumatagal ay mas lalong tumatagal ang nagiging epekto ng kondisyon narcolepsy mo iha" sagot sa kanya ng kanyang doktor.
"Po?" Eunice.
Isinugod siya ng hospital during their P.E. class.
Kasalanan kase ito ng mapilit nilang leader sa activity nilang track and field.
Nagpaliwanag naman kase siya dito na hindi siya pwedeng sumali sa mga strenous activity gaya niyon dahil baka maaring mag-trigger ito sa pag-atake ng kanyang narcolepsy.
Dahil ayaw niyang masisi na baka bumaba ang makuha nilang marka sa activity na iyon ay isinugal niya ang sariling kalusugan.
Hayst. I wonder if nakokonsensya ang kaklase kong iyon ngayon sa nangyari sa'kin sa isip ni Eunice.
And for once in awhile naalala niyang muli ang deal na ginawa ni Simon sa kanya during that time.
Oh god! anong gagawin ko sa hambog na 'yon sa isip ni Eunice.
Napahilamos na lamang siya ng kanyang palad sa kanyang mukha.
"Eunice, You should've called me okay? alam mo namang hindi biro ang kondisyon mo, I've already informed your class adviser na hindi ka pwedeng sumali sa alin mang physical activities" turan sa kanya ng nag-aalala niyang cousin na si Clark.
Halos kuya narin niya ito kung ituring.
Ito kase lagi ang nag-aalaga sa kanya sa tuwing naoospital siya.
Besides they were both keeping her condition as a secret.
Dati siyang nakatira sa bahay ng kanilang lola pero simula noong mamatay ito ay ang pinsan niyang si Clark ang naging guardian niya simula noon.
Pasaway talaga siyang bata at aminado siya doon.
Ni hindi nga ito nalungkot noong malaman niyang namana niya sa kanilang lola ang health condition nitong narcolepsy.
She just continued her life as it is, na para bang normal na teenager lang.
"Kuya.. you don't to worry okay? look I'm fine para lang naman akong si sleeping beauty you know na natulog for two days eh, and here you are ang ever handsome prince charming ko 'diba nagising naman kaagad ako?" buong giliw niyang pagmamayabang kay sa kanyang kuya Clark.
Nagpacute pa nga ito dahilan para tumawa nalang sa kanya ang kanyang Doktor.
"Alam mo Eunice, you are one of my patients na possitive parin ang response kahit na very rare ang health conditions nila and that's good for the mean time habang inaalam pa natin kung paano natin mapapadalang ang pag-atake ng narcolepsy mo ay you should continue living a positive and happy life" komento sa kanya ng kanyang natutuwang Doktor.
"Pagpasensyahan niyo na po talaga siya Doc." pasubali ni Clark dito.
"No its fine, natutuwa lang talaga ako sa pinsan mo, napaka-energetic" dagdag pa ng Doktor.
"Oo nga kuya Clark.. huwag na po kayong masyadong mag-aalala okay? Next time mag-iingat na po ako, Besides look nothing has changed I'm still your pretty cousin" biro nito sa knyang kuya Clark at tsaka dinampot ang earplugs na nakapatong sa side table pagkatapos ay bumaba nang kanyang hospital.
"Hey! Eunice saan ka pupunta?! bumalik ka nga dito!" sigaw sa kanya ni Clark.
Pero hindi siya dito nagpapigil.
Bungis-ngis siyang tumakbo palabas ng kanyang kwarto.
"Just let her be sir Clark.. she's fine as long as she's cautious" pagpapaliwanag ng doktor sa kanyang kuya Clark.
Pasayaw-sayaw na naglalakad si Eunice sa corridor ng Hospital.
Binabati siya ng mga Nurses na nakakasalubong niya.
Kahit walang suot na tsinelas ay patuloy parin siya hanggang makarating niya ang main lobby ng hospital.
"Goodmorning Nurse Liza!" nakangiting pagbati niya sa isang nurse na si Liza.
Isa sa mga pinaka-paborito niyang nurse sa hospital.
Napakabait kase nito at ganda-ganda pa.
Marami pa ngang mga lalakeng pasyente ang humahanga sa kabaitan at kagandahan nito eh.
"Goodmorning Eunice, kumusta ang sleeping beauty namin hehe, ka balita ko two days ka daw na nakatulog?" sagot nito habang tinutulak ang wheel chair ng kanyang pasyente.
Sinabayan siya ni Eunice sa paglalakad papunta ng garden.
"Ito po, looking fresh parin Nurse Liza ikaw ba naman ang may enough sleep for two days" pagmamayabang nito sa Nurse.
"Well, sana all nakakatulog ng straight two days ano? ako kase halos wala nang maayos na tulog sa kaka-asikaso sa mga pasyente dito sa hospital" sagot nito.
"Hay nako Nurse Liza, kahit wala naman kayong tulog eh maganda parin naman kayo" tukso niya dito.
"Naku ikaw talagang bata ka... napakabolera mo" Nurse Liza.
"Hindi kaya totoo naman kase, madaming nagkaka-crush na pasyente sayo dito eh" Eunice.
Tumawa lang ang nurse sa kanya.
"Nurse! Naiihi ako! Dalhin mo nga ako sa CR!" reklamo ng matandang pasyente ni nurse Liza.
"Ay maiwan muna kita Eunice.. nagagalit na naman itong si tanda eh" bulong sa kanya ni Nurse Liza.
Humagikhik lang si Eunice dito.
"Oh sige po Nurse Liza take your time baka sigawan ka naman ni tanda eh" sagot niya dito.
Nagpatuloy siya paglalakad habang si Nurse Liza at ang matanda namang pasyente nito ay bumalik sa loob ng hospital.
Hindi pa naman masakit ang sikat nga araw sa balat, buwan na ng Disyembre kaya naman malamig na ang simoy ng hangin sa paligid.
Abala sa kakatingin si Eunice sa mga namumukadkad na bulaklak sa garden ng hospital.
Malapit lamang ito sa lobby kaya may iilan din siyang nakikitang pasyente na na namamasyal at nakaupo sa mga benches na nasa garden.
Halos dito na siya nagkaroon ng muwang.
Simula pagtuntong niya ng 10 years old ay lumabas na ang mga sintomas ng nacrolepsy niya, kasa-kasama niya noon ang first cousin niyang si Clark na siyang tanging nakakaalam lang ngayon ng sekretong kondisyon ng kanyang kalusugan.
Two years ago when she turned 16 years old naging madalang narin ang pag-atake sa kanya ng sakit niyang ito.
Pero ang malala ay mas humahaba ang oras o araw ng kanyang pagkakatulog.
Kung noong bata pa siya ay 5-10 hours lang siyang nasa deep sleep ngayon inaabot na siya ng isa hanggang tatlong araw bago magising.
As much as she can do, iniiwasan niyang maexpose sa matinding ingay, maraming tao, stress at higit sa lahat matinding emosyon na maaring nakakapagpapabilis ng tibok ng puso niya at daloy ng dugo sa kanyang utak.
Isinuot niya ang earplugs sa kanyang tainga.
Ngayon, bumabangon siya at sinusubukang maging masaya at positibo lagi sa kabila ng mga pangamba sa kalusugan niya.
Nakuha ang atensyon ni Eunice ng may makita siyang pugad ng ibon sa ibabaw ng isang Fern.
Umakyat siya sa bench at sinubukang dungawin ang pugad na iyon.
May nakita siyang pumapagaspas ns maliit na ibon sa loob nito.
Palagay niya'y hinihintay nito ang inahing ibon na dumating.
At dahil sa suot-suot niyang earplugs ay hindi namalayan ni Eunice ang pagdating ng inahing ibon sa pugad na dinudungaw nito.
Sa gulat niya ay bigla siyang napaatras.
Hindi naman niya aakalaing mawalan siya ng balanse sa ibabaw ng bench.
Ilang segundo bago siya mahulog ay naramdaman niya na mayroong mga brasong sumalo sa buong katawan niya.
Napapikit siya ng mariin.
"Miss okay ka lang ba?"
Boses nang isang hindi pamilyar na lalake.
Iminulat ni Eunice ang kanyang mga mata.
at Dahil sa sinag ng araw na tumatama sa dereksyon nila ay hindi niya gaanong makita kung sino ang estrangherong sumalo sa kanya mula sa pagkakahulog niya sa bench.
Ang tanging napansin niya lamang dito ay ang well built nitong katawan, perpektong guhit ng labi at ang matangos nitong ilong.
Napakurap pa ng ilang beses si Eunice bago sumilay sa mga mata niya ang napakaamong mukha ng lalake na sumalo sa kanya.
Napakagat labi pa siya sa nakita.
Ngayon lang siya ulit nakakita ganoong uri ng tanawin sa tanang buhay niya.
"Hey miss! are you okay?" tanong nitong muli sa kanya.
" Uhm huh?" Eunice.
Hindi niya ito marinig dahil sa earplugs na nakasaksak sa magkabilang tainga niya. Nakikita niya lang ang pagbuka ng labi nito.
Napalunok na lamang siya ng laway.
Ibinaba siya ng lalake mula sa pagkakabuhat nito sa kanya.
Doon niya lang tinanggal ang earplugs na kanyang suot.
"Uhm yes I'm okay hehe thank you" sagot ni Eunice dito, inayos pa nga nito ang kaunting hibla ng kanyang nagulong buhok sabay ipit nito sa isa niyang tainga.
Tila kinakagat ng langgam ang paa niya.
Hindi niya alam ang gagawin kung paano magrere-react sa gwapong lalake na nasa harap niya ngayon.
Palagay niya'y kasing edad niya lamang ito, Matangkad,Singkit ang mga mata nito, katamtaman ang mga namumulang makinis at maputi nitong pisngi at higit sa lahat ang perpektong guhit nitong kulay mansanas na mga labi.
Nakasuot ito ng casual attire, bagay na bagay sa aura niya ang fusia pink nitong polo.
Napasinghap pa si Eunice ng muli itong magsalita.
"Muntik ka nang mahulog miss" anito.
wow grabe ang bait naman nito sakin. sa isip ni Eunice.
" Uhm ako nga eh nahulog na rin sa'yo.." Eunice.
Tinakpan niya agad ng palad ang kanyang matabil na labi.
"Huh?" ani ng binata.
" Ah wala.. hahaha ang sabi ko Salamat sa pagtulong mo sa'kin baka kung wala ka baka nabailan na rin ako" palusot niyang sagot dito.
"Ako nga pala si Marcus" pakilala nito sa kanya habang nakangiti ay iniangat pa nito ang kanang kamay sa ere para makipag-shake hands kay Eunice.
Okay kalma lang heart! kalma lang! kalma ka lang okay? oo gwapo siya matulungin at tsaka mabait pero huwag kang masyadong titibok ng mabilis hah? not now! ayokong maging si sleeping beauty ulit nang hindi nakakapagpakilala sa gwapong lalake na ito pagpapaalala ni Eunice sa kanyang sarili.
Ngumiti siya at buong giliw hahawakan na sana ang kamay ng binata nang....
"Ako nga pala si Eu---"
Nang may biglang tumawag sa pangalan niya.
"Eunice!"
Ang kuya Clark niya.
Nilingon niya ito at inirapan.
Naku kahit kailan wrong timing talaga itong si kuya Clark oh! sa isip ni Eunice.
"Eunice, you need to go back here... idi-discharge ka na daw ngayon sabi ng doktor!" ani ng kanyang kuya Clark.
Hindi niya ito pinansin sa halip ay muling tumingin sa kausap niyang binata.
"Ako nga pala si Eun--"
"EUNICE!!!" muling sigaw sa kanya ng kanyang kuya Clark noong hindi niya ito pinansin.
Gusto na niya talagang bugbugin ng kurot ang kuya Clark niya, sinisira kase nito ang moment niya.
"Uhm I think ikaw ang tinatawag niya am I right?" sabi ng binata sa kanya.
"Ah sige! alis na ako ah? at salamat ulit!" Eunice.
"No problem, Eunice..." sagot naman nito sa kanya.
Kahit na naiinis sa pagkakaudlot ng moment niya kasama ang binata ay napangiti naman siya nito noong sambitin nito ang pangalan niya habang nakangiti.
"Sino ba 'yong kausap mo doon ah?" tanong sakanya ng kuya Clark niya.
Pasilip-silip pa ito sa dereksyong pinanggalingan niya.
"Wala! tss... kainis ka talaga kuya Clark tara na nga!" nakangusong reklamo nito sa kuya Clark niya.
"What? tinatawag lang naman kita ah tapos hindi mo ako pinapansin" paliwanag sakanya ng kanyang kuya Clark.
Hinila na niya ito papasok ng hospital.
"Oh bakit namumula 'yang pisngi mo?" nakangising tanong sa kanya ng kanyang kuya Clark.
Tinakpan niya ng kanyang palad ang pisngi niya.
"Wala.. syempre malamig sa labas kaya namumula!" palusot na lamang niya.
"Weh? Nakita ko 'yong kausap mong lalake doon eh, bagay kayo haha" dagdag pang asar sa kanya ng kanyang kuya Clark.
"Tss... tara na nga kuya!" aniya pero kinikilig parin.
"O-okay?" patay malisyang sagot ng kanyang kuya Clark.
Pagkatapos niyang mai-discharge sa hospital ay dumeretso muna sila sa Victoria-Guzman Corporation Building gawa nang mayroon daw munang aasikasuhin ang kanyang kuya Clark sa Clothing Line nito.
Later this afternoon pa raw sila uuwi ayon dito.
Nagrereklamo nga siya dahil hindi siya nito pinayagang lumabas mag-isa.
Umaandar na naman ang pagiging over concerned nito sa kanya.
Wala naman siyang magawa kundi sundin ito.
Si kuya niya Clark niya lang kase ang nakakapagpasunod sa kanya, wala nang iba.
Mabait ito, pasyensyoso and at the same time nakakatakot din kapag nagagalit.
Natanaw na niya sa 'di kalayuan ang gusaling pupuntahan nila pati narin ang mga security nitong isang dekada na yatang hindi nagbibihis kase lagi na lamang naka tuxedong itim.
"Kuya... minsan ba naiisip mo ding i-suggest na palitan ng pink ang uniform ng mga security na 'yan? so plain kase parang isang dekada na yata nilang suot ang black tuxedo na 'yan eh hindi ba sila nagpapalit kuya?" komento niya habang pinapark ng kanyang kuya Clark ang kotse nito sa harap ng gusali.
Pinitik siya nang kanyang kuya Clark sa tainga.
"Aray ko naman kuya!" daing ni Eunice.
"Wala ka talagang maisip na matino Eunice, balak mo bang gawing hello kitty land itong buong building natin?" sagot sa kanya ng kanyang kuya Clark.
Pakamot-kamot na lamang si Eunice sa tainga niyang napitik ng kanyang kuya.
"Hehe... para maiba naman kuya hindi puro black it's so plain" palusot niya dito.
"Ah by the way pwede mo naman akong hintayin sa entertainment room okay? baka matagalan ako... at huwag na huwag kang magbabalak na tumakas ibibilin ko sa mga security na huwag kang papalabasin ng gusali nang hindi ako kasama" deklara nang kanyang kuya Clark habang papasok sila ng lobby.
Nagmaktol na lamang siya dito.
"Ag harsh mo talaga kuya.. hmp!" Eunice.
Pina una siya nito sa paglalakad, tinungo naman ng kanyang kuya Clark ang elevator for VIP's.
Naghiwalay sila ng elevator dahil ang entertaiment room ay nasa 9th floor at isa pa siya hindi pa siya maituturing na VIP although pag-aari nila ang malaking kompanya na ito hindi pa siya allowed na gumamit ng elevator na iyon, marami kase iyong pwedeng puntahan tanging ang mga nakakatanda lamang sa kanya ang may alam kung para saan special elevator na iyon.
Well isa lamang siguradong alam niya.
Maaring maaccess ang secret chamber na nakatago sa alin man floor sa gusaling ito gamit ang elevator na iyon, kaya naman hindi iyon pwedeng gamitin ng kahit na sino at tsaka isa pa 24/7 iyong binabantayan ng mga designated security.
Pinindot niya ang 9th floor button ng main elevator na ginagamit naman ng lahat ng mga pumapasok na gustong marating ang ibat-ibang palapag ng Victoria-Guzman Corporation Building.
Ilang segundo bago ito nagbukas ay nakita niya ang isang matangkad na lalake ang nakasakay dito na may hawak-hawak pang starbucks coffee.
Humakbang ito palabas ng elevator nang hindi manlang tumitingin sa dinadaanan nito, iniwasan siya ni Eunice pero dahil hindi ito nakatingin sa nilalakaran ay nabunggo nito si Eunice kasabay ng pagkatapon ng chocolate frappe na hawak nito sa damit ni niya.
"HEY! HINDI MO BA TINTINGNAN ANG DINADAANAN MO?" bulyaw nito kay Eunice.
Kumulo ang dugo niya sa narinig mula sa lalake.
Tumingala dito si Eunice.
Nakita nito kung gaano naniningkit ang mga mata nito sa kanya.
They were both stuck in the middle of the elevator.
"EH IKAW NGA 'TONG HINDI NAKATINGIN SA NILALAKARAN MO EH?! KITA MO NATAPON SA DAMIT KO ANG CHOCOLATE FRAPPE MO!" bulyaw din naman sa kanya ni Eunice.
"TSSS.. STUPID GIRL!" Ani ng lalake at tsaka pinahid ang kaunting chocolate frappe na natapon sa kanyang kamay.
At walang kaabog-abog na nagpatuloy sa paglalakad na parang wala manlang nangyari.
"Hoy! won't you say sorry manlang? dahil natapunan mo ng kape mo ang damit ko?!" sigaw ni Eunice dito.
Huminto ito at muling humarap sa kanya.
Napasinghap na lamang si Eunice noong makita ang kabuuan nito.
"Tssk, Mind if I say sorry to your stupidity miss?." anito sabay i
"HOY! HINDI MO BA AKO KILALA AH? ANG BASTOS MO AH...ang gwapo mo pa naman din sana" sigaw ni Eunice sa lalakeng iyon ngunit ang huling parte ng sinabi niya ay pabulong na lamang at may kalakip na kilig.
Totoo ba ang nakita ng mga mata ko? si Franco iyon! ang kumakailan lang na nanalo ng Gold Medal sa Asia Swimming Olympics?! sa isip ni Eunice.
Pero bakit ganoon?.
Parang kabaliktaran naman yata ang inasal nito sa kanya.
May Charity Foundation pa nga ito ayon sa balitang napanuod niya sa T.V.
Bakit ganoon na lamang ito kung mambulyaw sa kanya kahit na ito naman ang may kasalanan.
Ngunit nanlalagkit na talaga ang pakiramdam niya kailangan na niyang magbihis.
May araw din ang lalakeng iyon sa'kin sa isip ni Eunice.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Itutuloy....
Note:
Update Will be every Sunday.
Please support also my other published novel. Kindly check my profile.
#SayThatYouLoveMe- BL
#YellowHeart- Romance