Chapter 2
The Bad Boy vs. The Prince
EUNICE
Narcolepsy is a neurological disorder that affects the control of sleep and wakefulness of a person. People with narcolepsy experience excessive daytime sleepiness and intermittent, uncontrollable episodes of falling asleep during the daytime. These sudden sleep attacks may occur during any type of activity at any time of the day
The cause of narcolepsy is not known as of to date there has been no found cure...
Ito ang binabasa ni Eunice na excerpt mula sa medical blog ng isang renowned doctor sa US through her phone habang naglalakad sa loob ng school ground.
She was checking it the whole time umaasa na magkakaroon narin siya ng ideya kung paano magagamot ang kanyang rare health condition.
Hindi naman kase habang buhay ganito na lamang lagi ang set up niya.
She always misses almost half of her life falling asleep with no firm assurance kung kailan siya magigising or worse baka hindi na.
Ini-scroll down niya pa ang blog ng medical doctor na iyon pero wala naman siyang nakitang bagong article mula doon na makakasagot sa problema niya.
Natigil siya sa pag-iisip nang may biglang tumama likurang bahagi ng ulo niya.
Bote ng soda.
Hindi lang isa kundi dalawa.. tatlo..apat.. at ang ilan ay laman pa dahilan para madumihan ang kanyang school uniform.
Naiparap siya sa inis Ang aga-aga hah? sa isip ni Eunice.
Hinarap niya ang grupo ng mga babae sa kabilang section na gumawa niyon sa kanya.
Nagtatawanan ang mga ito at kitang-kita niya sa mga mukha nito ang pagka-disgusto sa kanya.
Pansin din niya ang mga dumadaang estudyante na panay ang tingin sa kanya pagkatapos tumingin sa kani-kanilang mga mobile phones.
"Hoy! kayo ba ang bumato sa'kin?" pagtatanong niya sa mga ito.
"Aba! ang lakas naman ng loob mo!" ani ng isa.
"Slut!"
"Malandi" dagdag pa ng isa at tsaka muling nagtawanan ang mga ito.
Nagtataka talaga si Eunice kung bakit ang aga-aga ay siya pinagtritripan ng mga babaeng ito.
Hinawi niya kanyang ang buhok na bahagyang tinangay ng malakas na hangin at ngumiti sa mga ito.
"How dare you para ipagkalat na nililigawan ka ni Simon? and it seem like you are enjoying it?!" patutsada sa kanya ng isang chubby girl na ngumunguya pa ng candy sa bibig.
Natawa na lamang si Eunice sa sinabi nito.
Oh damn! muntik na niyang makalimutan.
Ito na nga ang sinasabing deal ni Simon noong isang araw sa kanya.
"Hah? ako ipinagkakalat ko na nililigawan ako ni Simon? patawa kayo alam niyo 'yon?" mataray na sagot ni Eunice dito.
Hindi pa nakontento, lumapit pa ang babaeng may bangs sa harap niya at pinandilatan si Eunice ng mata.
"Huwag ka nang magmaang-mangan pa Eunice, huling-huli ka na namin!" anito sabay duro ng daliri nito sa noo ni Eunice.
"Pfftt... wahahaaha!" bulalas sa pagtawa ni Eunice sa maling linya nito.
"Wooh! grabe nakakatawa "Eunice.
Bumalik ito sa pwesto niya sabay bulong ng kasama nitong babae sa kanya.
"Girl mali.. mag maang-maangan pa dapat 'yon?" anito.
Lumapit ito ulit sa harap ni Eunice.
"Ay soryy.. Hmp! Huwag ka nang mag maang-maangan pa Eunice you do note?" anito.
"Cassie?" dugtong ni Eunice sabay tawa ng malakas.
"Tse! Malandi ka ! malandi ka! inaagaw mo sa amin si Simon!" natigil ang pagtawa niya ng bigla siya nitong itulak.
"Amin lang siya! amin lang siya!" ani ng mga kasama nitong babae.
Inirapan niya ang mga ito.
"Oh eh di sa inyo na isaksak niyo sa baga niyo!"Eunice.
Oh no! trouble ito -- sa isip ni Eunice.
Tatakbo na sana siya
Pero pinalibutan siya ng mga ito.
"Aba at sumasagot ka pang malandi ka ah?"
Hindi na siya nakapalag pa.
Anim sila. Mag-isa lamang siya.
Hinablot ng isa ang buhok niya.
"Bitawan niyo nga ako! aray ko! ugh! 'yong buhok ko!"
Habang ang iba ay hinawakan ang mga braso at binti niya.
"Hoy! mga walang hiya! tigilan niyo ko! Tulooong! tulungan niyo ko"Eunice.
"Malandi ka! sulutera!" anito.
"Eunice!"
Natigil ang komosyon ng biglang dumating si Simon.
Nagsimula nang maipon ang mga estudyante sa lugar kung saan nangyayari ang kaguluhan.
Hinawi nito ang dalawang babae na humihila sa buhok niya.
Umiiyak na ngayon si Eunice.
"Bitiwan niyo nga siya!" bulyaw ni Simon sa apat pang babae na nakahawak sa braso at binti ni Eunice.
"Eunice okay ka lang ba?" iniangat niya ang mukha ni Eunice pero tinabig niya ang mga kamay ni Simon.
"I hate you!" Eunice.
Hahakbang na sana siya papalayo dito pero hinawakan siya ni Simon sa kanyang kamay.
"Sandali lang Eunice, it's not what you think! hindi ako ang gumawa ng ganong issue sa'yo" pagpapaliwanag nito.
Pero kahit na sa kahit anong anggulo mang tignan ni Eunice, si Simon lamang ang may kakahayang gumawa niyon dahil sila lang namang dalawa ang nakakaalam ng naging deal nilang iyon.
Napalingon si Eunice nang biglang may isa pang palad ang dumapo sa kamay niyang hawak-hawak din ni Simon.
"Bitawan mo na bro.." anito kay Simon.
Tiningnan ni Eunice kung sino ito.
"And who are you? ang angas mo ah?"
Akmang susuntukin ni Simon ang lalake ngunit mabilis din namang nasalo nito ang kamao niya.
Umani ito ng samo't-saring reaksyon mula sa mga estudyanteng nanunuod.
Bigla siya nitong hinila papalayo sa kumpol ng mga estudyante sa school ground.
Nakatingin lamang si Eunice sa likod ng lalakeng humihila sa kanya papalayo.
Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata.
Doon niya lamang ito namukhaan.
They stopped in the middle of the school garden.
Inabutan siya nito ng puting panyo.
"Here!" anito.
Nakatitig lang si Eunice sa kanya.
It was him, ang lalakeng nakilala niya noong nasa hospital siya two days ago.
'yong sumalo sa kanya mula sa pagkakahulog sa bench sa garden.
Oo, tama. Siya nga iyon.
"Uhm... Hi!" ani ni Eunice sabay tanggap ng panyo nito at inayos ang nagulo niyang buhok at pisngi na puno na pa ng uhog at luha.
"Oh! We meet again.. you're the girl from the hospital right?" manghang tanong nito kay Eunice.
Ang swerte naman talaga niya.
Hindi niya alam na magkikita pa pala sila ng lalakeng ito.
Ganoon parin ito, walang pinagbago ang istura nito noong una silang mag-meet sa hospital at ang mas lalong nakapagpangiti kay Eunice ay ang suot nitong school uniform na katulad din ng kulay ng suot niya.
It means, dito ito nag-aaral.
"Uh oo ako nga iyon... by the way thank you for saving my life again" nakangiting sagot ni Eunice dito.
"Ah oh! wala 'yon, ah ako nga pala si Marcus ulit" anito sabay abot ng kamay nito ng kamay Eunice.
"I'm Eunice, nice to meet you" magiliw nitong pagpapakilala sabay abot ng kamay ng binata.
"Madumi 'yong school uniform mo... teka-teka huwag kang gagalaw..." anito sabay lapit at titig nito sa mukha ni Eunice.
Bigla siyang napaatras ngunit hindi naman ganoon kalayo sa binata.
Sobrang lapit kase ng mukha nito sa mukha niya.
"May natapong cake sa noo mo" anito.
Napaawang na lamang ang mga labi ni Eunice ng magsalita ito 3cm near her.
Nalanghap pa niya ang mabangong hininga nito mula sa kulay mansanas nitong mga labi.
Pakurap-kurap na lamang si Eunice na animo'y na ibabaw ng alapaap.
"Uh ganon ba?" Eunice.
Ipinakita pa sa kanya ng binata ang tinanggal nito piraso ng cake sa buhok ni Eunice.
"Salamat sa panyo mo, hayaan mo lalabhan ko nalang 'to at tsaka isusuli sa'yo" Eunice.
"Ah no it's okay kahit hindi na sa'yo nalang 'yan" anito.
Lihim na lamang na ngumiti si Eunice sa sinabi nito.
"How was it, nasa hospital ka two days ago am I right? are you okay now?" tanong nito sa kanya habang naglalakad sila sa school garden.
Lalo pang kiniliti ang damdamin ni Eunice nang ipakita nito ang concern sa kanya.
" Yes I'm okay now ikaw bakit ka nasa hospital din?" tanong din ni Eunice sa binata.
"Ah ako? Binisita ko lang ang kapatid ko" sagot nito pagkatapos ay tumungo ang ulo.
Napansin ni Eunice ang biglang pag-lungkot ng mukha nito.
"Maari ko bang malaman kung bakit?"_ curious na tanong ni Eunice dito.
Tumungin sa kanya si Marcus ng seryoso.
"She has severe cataplexy" malungkot na tugon nito.
Nalungkot din si Eunice sa sinabi nito.
Ang cataplexy kase ang end point ng narcolepsy, kung saan nagkakaroon na nang severe sleep paralysis ang isang individual so far from her narcolepsy na sudden deep sleep with temporarily incapabilty of muscle control.
"Ah ganoon ba, sorry for asking..." pasubali ni Eunice dito.
"Wala 'yon, okay lang ano ka ba haha" sagot naman nito habang nakangiti na pati ang mga mata nitong kaninang malungkot ay ngumiti na rin.
"Mind if I ask kung ilang taon na siya sa ganoong kondisyon? " Tanong ni Eunice.
Nag isip pa saglit si Marcus bago tuluyang magsalita.
"I think mula pagkabata niya, siya lang kase ang tanging nakamana ng cataplexy ng late father ko" sagot nito.
"Ahm. You mean because of Cataplexy your dad..." sabi Eunice leading Marcus into one thought that his father already passed away.
"Oo ganoon na nga" sagot naman nito.
Marami-rami na ang napag-usapan ng dalawa. Kahit na noong isang araw niya lang nakilala ang binata pakiramdam niya'y napakagaan nito kausapin.
Ewan nga ba ni Eunice kung bakit dahil sa mga nai-kwento nito sakanya ay mas lalo pa siyang nagiging interesado dito.
She was caught in the middle again dahil sa pagkakatitig niya sa mukha ni Marcus nahuli siya nito ng kanyang tingin.
"You're blushing" biglang komento nito kay Eunice.
Mabilis niyang tinakpan ang sariling pisngi.
"Hah? mainit kase hehe" palusot ni Eunice dito.
"Ah kaya pala, Bakit ka nga pala ginugulo ng mga babaeng iyon kanina?" anito.
"Ewan ko ba sa mga 'yon... hayaan mo na wala lang talaga silang magawa sa buhay naiingit siguro sa kagandahan ko... joke" ani ni Eunice sabay aktong pang-kikay.
Tumawa lang ang binata sa ginawa nito.
"I guess you're right?" Marcus.
"Na maganda ako...? " biro dito ni Eunice.
"Nope" pabirong sagot naman ni Marcus sa kanya.
"Ay grabe naman 'to sa'kin oh" Eunice.
"So I guess we're friends now?" sabi ni Marcus sa kanya.
Ngumiti si Eunice sa kanya and nodded.
"Yes--- yes we're friends now" magiliw pa niyang sagot sa binata ngunut may isang banda naman sa puso niya ang biglang nanamlay dahil sa pagdeklara nito sa kanya na bilang isang kaibigan lamang.
Nagkatawanan na lamang ang dalawa ang patuloy sa paglalakad sa school garden para tunguhin ang kaniya-kanyang schedule ng klase.
FRANCO
He is obnoxious dere-deretso siyang pababa ng hagdan ng kanilang mansyon ng hindi manlang pinansin ang kanyang Ama na nakatayo sa sala at hinihintay ang pagbaba niya.
Hindi niya alintana ang nakakapasong tingin ng kanyang Ama.
"FRANCO!" sigaw sa kanya ng kanyang Ama.
Isang hakbang nalang at makakalabas na siya ng main door pero huminto siya nang marinig ang malakas na tinig ng kanyang Ama na umugong sa apat na sulok ng kanilang sala.
He smirked at habas na humarap sa kanyang Ama na iretable ang ekspresyon sa mukha.
"WHAAT?!" iretableng tugon niya sa kanyang Ama.
"SAAN KA PUPUNTA?!" ma-awtoridad nitong tanong kay Franco.
"Sa mga kaibigan ko, may lakad kami kaya pwede ba? just let me go?!" tahasan sagot nito sa Ama.
Lumapit sa kanya ang kanyang Ama at agarang inambahan ng malakas na suntok ang kanyang mukha.
"ANONG SABI MO? LALABAS KA NA NAMAN NG MGA KAIBIGAN MO?! BAKIT HINDI MO AKSAYAHIN ANG ORAS MO MAKIHALUBILO SA PAMILYA VICTORIA-GUZMAN AH?!" Ani ng kanyang Ama.
Inis na hinilahil ni Franco ang kanyang gilagid at labi na nagdurugo mula sa pagkakasuntok dito ng kanyang Ama.
Nainis siya sa isiping gusto na namang ipagawa sa kanya ng kanyang Ama.
Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong ipagsiksikan ang sarili sa pamilya Victoria-Guzman na 'yon.
Kung tutuusin mayaman din naman sila at may kakayahan ding tumayo na wala ang pamilyang iyon.
"Hindi ko maintindihan, bakit gustong-gusto mo talagang ipagsisikan ako sa pamilyang iyon! " protesta ni Franco sa kanya.
Muli sana siyang pagbubuhatan nito ng kamay ngunit mabilis niyang nasangga ang kamay nito.
"HOW DARE YOU! HINDI MO BA NAIINTINDIHAN FRANCO? KUNG ANONG PAGSISIIKAP ANG GINAGAWA KO? WITH ALL COST, SA AYAW AT SA GUSTO MO MAKIKIPAGKILALA KA SA SUCCESSOR NG PAMILYA NILA?!" Anito.
Kumunot ang noo ni Franco at nakipagtitigan sa nakakapasong tingin sa kanya ng kanyang Ama.
"Nababaliw na yata kayo?! ni hindi ko nga kilala 'yon eh and I don't even care okay?!"matapang na sagot ni Franco sa Ama.
Tasahan nitong binitawan ang sinangga niyang kamay ng kanyang Ama at umalis sa harap nito.
"SUBUKAN MONG LUMABAS SA PINTUANG IYAN NA HINDI SINUSUNOD ANG GUSTO KO FRANCO?! SUBUKAN MO LANG! HINDI KA NA ULIT MAKAKATAPAK SA PAMAMAHAY NA ITO!" Sigaw ng kanyang Ama.
Huminto saglit si Franco at napaisip sa sinabi ng kanyang Ama.
Tuluyan nang nasira na ang kanyang mood, Wala siyang magawa kundi ang sundin na lamang ito kahit na tutol na tutol siya sa pinapagawa nito.
"FINE! I'LL DO IT! WHAT EVER YOU WANT!" sagot niya dito at itinaas pa sa ere ang dalawang kamay. Suko na siya dito. Wala siyang mapupuntahan kapag itinakwil siya nito sa pamamahay nila.
Inihatid siya sa gusali ng Victoria-Guzman Corporation.
Iritable parin itong pumasok sa lobby ng gusali at deretsong sumakay sa elevator.
He has to meet that successor, the one that his father is pertaining to.
He doesn't even know who ever it is and besides he didn't even have an interest para kilalanin ito.
Gagawin niya lamang ang pagpunta rito para sundin ang utos ng kanyang Ama.
Pagbukas ng elevator ay tinungo niya ang reception sa 5th floor.
"Nariyan ba ang tagapag-mana ninyo?" walang kainte-interes nitong tanong sa receptionist.
"Po?" sagot nito kay Franco.
"Are you stupid!? o bingi ka lang! ang tagapagmana! the successor of this f**king corporation!" anito.
Nataranta naman agad ang receptionist at agad na kinuha ang intercom.
"Ah sir! I think you should leave for a moment Miss. Samantha Eunice is not here right now" dagdag ng receptionist.
"What?! Damn! So that means?did I just waste my time coming here tapos wala naman pala siya dito?!" Franco.
Maya-maya pa ay dumating na ang mga security at agad na hinawakan ang kanyang braso.
"Sir, for your convinience we urge you to leave this building or else..." security.
"Or else what?! kakaladkarin niyo ko at itatapon sa labas? hindi niyo ba ako kilala?! anak ako ng Congressman!" Franco.
Pero hindi nakinig sa kanya ang mga security at hinila siya ng mga ito pabalik sa elevator.
"Bitawan niyo ako! Matatapon ang kape ko! I can leave this f**king building on my own okay!" Franco.
Hinayaan naman siya ng mga security.
Pumasok siya ulit sa elevator at pinindot ang ground floor button.
Nakangisi si Franco habang hinihintay na dumating sa ground floor ang elevator.
Siguradong sa ginawa niya ay sasakit na naman ang ulo ng kanyang Ama.
Kahit papaano ay nakaganti siya dito.
Ang hiyain ang pangalan nito mismo sa gusali pa ng Victoria-Guzman Corporation ay sapat na para makaganti siya dito.
Bumukas ang pinto ng elevator.
Dere-deretso ang lakad niya palabas dito nang hindi namalayan ang nakatayong babae sa harap ng nito.
Nabunggo niya ito and what makes him more irretable ay ang pagkatapon ng chocolate frappe na ini-inom niya.
Tinignan niya lang ng masama ang babae na nabunggo niya.
"HEY! HINDI MO BA TINITINGNAN ANG DINADAANAN MO?"iretable niyang sabi sa babae.
Tumingala ito at tinignan din siya sa mga mata.
Bigla siyang nahiyaa noong masilayan ang napakaamo nitong mukha.
Pakiramdam ni Franco ay napaso siya sa tingin nito.
Napasinghap pa siya noong bahagya itong lumapit sa kanya.
"EH IKAW NGA 'TONG HINDI NAKATINGIN SA NILALAKARAN MO EH?! KITA MO NATAPON SA DAMIT KO ANG CHOCOLATE FRAPPE MO!" sigaw din nito sa kanya.
"TSSS.. STUPID GIRL!" ani ni Franco at pinahid ang kaunting frappe na natapon sa kamay niya.
At walang kaabog-abog na nagpatuloy sa paglalakad na parang wala manlang nangyari.
"Hoy! won't you say sorry manlang? dahil natapunan mo ng kape mo ang damit ko?!" sigaw ni Eunice dito.
Huminto siya at muling humarap sa babae.
"Tssk, Mind if I say sorry to your stupidity miss?." ani Franco at tsaka lumakad palabas na ng lobby.
Hinawakan niya ang kanyang dibdib at huminga ng malalim.
Hindi niya alam kung bakit siya sobrang naapektuhan ng presensya ng babaeng iyon.
Hinaplos-haplos niya ang kanyang dalawang tainga na namumula.
Damn! who's that girl? sa isip ni Franco.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy....