Chereads / Beauteous Havoc / Chapter 2 - Chapter 1 Her Story

Chapter 2 - Chapter 1 Her Story

I woke up to the sunlight peaking through the curtains.

"Ma.." I mumbled softly while I kept waking up slowly. Once I was able to open my eyes and blink several times, I glanced around me and frowned.

It has been one and a half year since that nightmares happened to my family. Hanggang ngayon ay minumulto pa rin ako ng nakaraan.

I pushed myself off the bed. I knelt down on the edge of my bed and pray, like I always do in the morning. Then, get my towel before entering the comfort room. And doing my everyday routine.

A few minutes passed, I even got out of the bathroom when suddenly someone knocked on my bedroom door.

"Come in."

Narinig ko pa ang pagbukas-sarado ng pinto. And I didn't looked who's the person coming inside my room dahil nag-aayos ako ng damit ko at alam ko naman kung sino ito.

"Gising ka na pala iha. Alas singko palang, napaaga ka yata."

Dun lang ako napabaling ng tingin sa taong nagsalita and I smiled when I saw that person.

"Good morning 'Nay. Nakasanayan na rin siguro. Kayo po? Bakit po ang aga niyo nagising?"

She's always wake up exactly at 6 am to prepare our foods for breakfast, kaya nagtataka ako kung bakit maaga siya ngayon.

"Aba! Syempre, hindi pupwedeng malate ang mga anak ko sa unang araw ng pasok, kaya inagahan kong magising. Gusto ko nakaready na lahat sa mesa kapag nakababa na kayo."

Nakangiti siyang nakatingin sa akin. She's our nanny, si Nanay Ersa. Matagal na siyang nagsisilbi sa amin, at lalo na kila Mama at Papa. Kaya tinuring na namin siyang pangalawang ina nang mawala ang parents namin.

Maswerte pa rin kami dahil nararamdaman pa rin namin ang yakap at alaga ng isang ina. Thanks to Nanay Ersa for not leaving us until now.

"Thanks 'Nay." Lumapit ako sa kanya na nakaupo sa gilid ng kama ko. "Thank you for taking care of us. Hindi kami magiging okay kung wala ka." Nakaluhod na ako at yumakap sa kanya.

"Palagi akong nandito sa inyo. Mahal na mahal ko kayo at nangako ako sa magulang ninyo na hindi ko kayo pababayaan." She tapped my head. "O siya! Tama na itong drama natin. Maghanda ka na dahil mag-aalasais na. Magluluto muna ako."

Sabay kaming tumayo. "Sabay na tayo 'Nay, gigisingin ko na din ang mga kapatid ko." Tumango ito at ngumiti.

Lumabas kami ng kwarto at dumiretso ako sa kwarto ng kapatid ko na limang taon ang agwat sa akin. While si Nanay, bumaba ng hagdan.

When I entered her room, there's a lot of posters of Miss Yeng Constantino in her wall. Makikita talagang fan na fan siya nito. Everything is all about her idol, buti nalang talaga at makikita pa rin ang pagkahilig niya sa violet and books.

Nabaling ang tingin ko sa babaeng peaceful ang tulog. She's so beautiful like our mother. Kamukhang-kamukha niya kasi ito. Habang ako, kamukha ni Mama at Papa.

Ayaw ko man itong gisingin but she needs to wake up. It's already 6 in the morning at ayaw kong malate sila sa klase.

"Hey, wake up Gwy." Nakailang tapik na ako rito but no response from her. Tinapik ko itong muli. "Gwyneth, wake up."

She blink several times and stretched her arms bago ito dumilat at tumingin sa akin.

"Morning 'te Jane." Ramdam ko pa na inaantok ito. "What time already?" Kusot nito sa mata at bumangon sa higaan.

"Six in the morning."

"Thank you for waking me up. I'll take a bath." She was lazily stand up.

"Be sure to make it fast. Matagal ka pa namang maligo baka matutulog ka sa bath tub." Paalala ko.

Nakita ko itong lumuhod sa tabi ng kama at pumikit. Lumabas na ako dahil nagdadasal siya.

Every morning when we wakes up, we are always grateful to God for giving us a new life everyday. That's what my mom taught us.

Next kong pinuntahan ay ang pintong kulay red. Kumatok ako ng tatlong beses before I entered his room. Ayaw niya kasing bigla nalang papasok sa kwarto niya without knocking.

Ang arte niya po but I love him so much.

Pagpasok ko pa lang ay halos pula na ang nakikita ko. His things, toys and even his bed. Mabuti nalang talaga at kulay puti ang pintura ng wall niya. Magiging kwarto na ito ng bampira.

Napailing nalang ako sa mga kwarto ng mga kapatid ko. Well, sa akin kasi simple lang. Yung light lang siya sa paningin ko at maliwanag.

Lumapit ako sa batang lalaki na ang himbing ng tulog. He's sleeping peacefully like his sister, Ruth Gwyneth Hyacinth Alexander. Masaya akong nakikitang nakakatulog na sila ng mahimbing after the death of my parents.

Ayaw ko pa sana itong gisingin because he's dreaming. He's smiling like he's still in his dreamland. But I have no choice, he needs to wake up para makapagready na.

"Wake up, sleepyhead. Lourd, gising na." Tinapik-tapik ko ito sa pisngi at buti nalang nagising ito agad. Hindi kagaya ni Gwy na mantika kung matulog.

Kinusot-kusot pa nito ang mata niya bago niya ako tiningnan.

"Good morning ate Nic." Tamad niyang bati sa akin.

"Hmm. Good morning din. Bumangon ka na dyan at kumilos." Nakapameywang akong tiningnan siya.

"Maaga pa naman ate. Give me more minutes, please."

He was about to sleep again when I called his name, completely.

"John Lourd Nicolo Alexander, I don't want to repeat myself because I hate it. Get off your ass in your bed right now and take a bath." Utos ko dito.

I saw his irritation while he get out of bed. Kahit ayaw pa niyang bumangon ay pinilit niya. He knows me very well. Lumuhod siya sa gilid ng kama at nagdasal. I heard his pray na ikinatuwa ng puso ko.

Hinintay ko siyang matapos magdasal dahil baka uupo lang ito at mamaya pa kikilos. Nakatayo na siya ngayon but he's lazily walking through the bathroom.

Umiling nalang ako at lumabas ng kwarto niya.

Sunod kong pupuntahan ang bunso. Huminto ako sa pink na pinto at may nakalagay pang pangalan niya. Napangiti ako dahil ito yung iniregalo ko sa 8th birthday niya last November.

I was about to open her door but someone did it for me.

"Good morning ate Robin."

Nagulat ako sandali. Gising na pala ang bunso namin. Tumingin ako sa batang babaeng super taas ng energy every morning. She's smiling widely. I can feel her happiness.

"You're early babe. And then you already take a bath."

Napangiti ako sa pagiging responsible ng mga kapatid ko lalo na itong bunso.

"Of course ate Robin, I'm excited dahil first day of school today. And meron po akong bagong mga gamit." Malaki ang ngiti nito na umabot pa sa mga mata niya.

I tapped her head bago ko siya hinalikan sa pisngi ng magkabilaan. She's Ella Lovely Rose Alexander, our adorable bunso.

"Let's? Naghahanda na si Nanay sa baba."

Humawak siya sa kamay ko at nauna nang maglakad.

Umiinom ako ngayon ng hot chocolate when I heard two people's footwear coming here.

"Good morning bunso."

"Good morning, Love."

Sabay na bati ng dalawang kakarating lang on time.

"Good morning Kuya John and ate Ruth." Masiglang bati ni Lovely sa kanila.

Humalik muna ito sa akin sa pisngi bago humalik kay Lovely. At umupo pagkatapos sa kanilang upuan. Si Gwyneth sa tabi ko at si Lourd naman sa tabi ni Lovely.

"Ate, may school bus ba kami?" Lourd asked me. Napatingin naman ang dalawa sa akin.

"Gustuhin ko man but I didn't accept it." Hinto ko, they curiously looking at me. "Dahil natatakot na ako na mangyari ulit ang nangyari dati. Gusto ko ako ang maghahatid sa inyo sa school palagi. Pero kapag susunduin na kayo, it's either me or Manong Samuel if I'm free."

"Okay lang ate, gusto ka rin naman namin ikaw kasabay papuntang school." Wika ni Gwyneth.

"Yup, para mabantayan ka rin namin."

"What do you mean about that, John Lourd Nicolo?" I raised my eyebrow on him.

Narinig ko pa ang paghagikhik ng dalawa sa tabi ko.

"Ate, baka kasi may manliligaw sayo dun sa bago mong school. Mahirap na, kaya kelangan alam namin baka drug lord pala iyang manliligaw sayo."

Napailing nalang pero napangiti.

"Oo nga ate Robin, babantayan ka rin namin. Kaya sabay-sabay tayong papasok sa school." Ginatungan naman ng bunso naming super cute.

"Thank you guys. Ayaw ko lang na mapahamak kayo. You know how much I love you." Hinawakan ko ang kanilang kamay at ngumiti kami sa isa't isa. "We'll always stick together, walang bibitaw. Okay?" They nodded in unison.

Sakto lang ang pagdating ni Nanay Ersa na galing sa kusina at may dala-dalang tray na gatas.

"Mabuti naman at nandito na kayo. Hala at magsikain na para hindi kayo malate sa pagpasok."

I glanced at my watch. It's already 6:30 in the morning.

Sinimulan na naming kumain. Tumabi si Nanay kay Gwyneth. Sinandukan ko naman si Love ng ulam at kanin.

Masaya kaming nagsalo-salo sa pagkain nang may naalala ako.

"Excuse me," sabay silang napalingon sa akin. "Just want to remind you three, if you want to go somewhere, you have to tell me so I can allow you. I need to know where you're going and who's with you or kay Nanay Ersa. BUT, do your things muna bago gumawa ng ibang bagay." Nakatingin lang sila sa akin. "Do I make myself clear?"

"Yes ate."

"Understood."

"We will ate."

Napangiti ako sa sagot nila. They won't disappoint me. I know them so well.

"Promise?"

"Promise." They said in unison.

"And promise is a promise." Ngiti ni Gwyneth sa akin.

Nakangiti din si Lourd at Lovely. Napatingin naman ako kay Nanay na nakangiting nakatingin sa amin ngayon.

Ano pa bang hihilingin ko? I have my siblings and Nanay. Ayaw ko lang mawala sila sa akin at baka hindi ko na kakayanin pa.