Zamara Boa Hancock
"Babe, where are you? I was calling you many times pero nakapatay ang phone mo. Saan ka ba? Kagabi ka pa hindi ko ma-contact."
I am upset of my boyfriend. Palagi nalang ganito yung set up namin when we started our relationship. Minsan lang siya present, we're always talking on the phone.
It's been a year nung sinagot ko siya at akala ko magbabago siya pero ganun pa rin talaga. He was my schoolmate way back in college. Sikat siya sa school ko noon, a basketball player and captain in the team, that is why I was falling in love with him because he's hot and famous.
Nang makapagtapos ako ng college hindi ko na siya nakita pa kaya nakalimutan ko rin yung nararamdaman ko para sa kanya.
But, I believe in destiny when I met him in the caffe. Doon nagsimula ang lahat hanggang sa niligawan niya ako at naging kami. Matagal-tagal ko din siyang pinahirapan sa panliligaw sa akin.
"Babe? Are you still there?"
"Yeah and I hate you. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin na may business trip ka pala sa Italy."
Kaya pala hindi ko siya mareach kahapon dahil nasa Italy daw siya tapos hindi man lang ako sinabihan. Sinong hindi magagalit dun. For Pete's sake, I'm her girlfriend. I should know where he is or what he's doing.
"I'm really sorry babe, biglaan din kasi. I was about to call you yesterday but my client arrives so early kaya nakalimutan ko. Promise, I'll make it up to you when I come back in the Philippines. Okay?"
Promise? Promise na naman. Tsk.
"Suits yourself." Malamig kong tugon bago pinatay ang tawag.
He's always like that. Kapag nakakalimutan niya ako, he is always says that 'I'll make it up to you or Promise, babawi ako sayo'.
Nakakainis na.
Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Quarter to seven na pala, I need to go. Ayaw kong nalelate sa klase ko. I am a professor on my own school, Hancock University. It derives from my surname, Zamara Boa Hancock.
I'm on my way to my school. Gamit ko pa yung sports car ko na Ferrari dahil hindi ako nakauwi kagabi sa bahay. Nasa condo ako natulog kagabi dahil hinintay ko nga si Mark, boyfriend ko, pero hindi siya dumating dahil nasa business trip nga raw siya.
Naiinis pa rin talaga ako kaya binilisan ko ang pagmamaneho ng kotse ko. Dito ko nalang ilalabas ang inis ko sa lalaking yun.
Natanaw ko na yung school kaya mas binilisan ko pa ang pagmamaneho. Nang paliko na ako para magpark ay nakita ko na may tatawid. Hindi ko naapakan agad ang break kaya muntikan ko na siyang masagasaan, buti nalang talaga at napansin niya agad yung kotse ko, kung hindi, makukulong pa ako nito.
Dali-dali akong bumaba ng kotse para lapitan yung babaeng nakaputi na shirt upang magsorry sa nangyari pero hindi ko na siya makita kung saan siya nakatayo kanina.
Hinanap siya ng mga mata ko at dun ko lang nakita na naglalakad na siya papunta sa loob ng University.
Hindi man lang ba siya nagalit sa nangyari? Is she okay?
Mamaya ko nalang iisipin yun kapag makita ko ulit siya. I'm sure, she's a student here in the University pero ngayon ko lang siya nakita. Because she's not seems familiar to me.
A transferee? Pero hindi naman ako nakapag-interview ng transferee. Or Wela is the one who did it for me.
Pinark ko na ang kotse ko bago pumasok sa University. My first class, as usual, Fourth Year- BSBA. Dadaanan ko muna ang office ko bago ako tutuloy sa first class ko.
Binuksan ko ang pinto and I saw my cousin sitting pretty in the couch. She's early today, that's new.
"Good morning couz." Masigla nitong bati.
"What are you doin' here Welalain?"
Nilipag ko ang mga gamit sa table bago ko siya tiningnan na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko.
"Good morning to me too. Umagang-umaga, ang taray mo. What happen? Did you wake up on the wrong side of the bed? Or it's about your nonsense boyfriend, again." Tiningnan ko siya ng masama. "Oh! I am right."
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw na ayaw niya sa boyfriend ko simula nung nanligaw ito sa akin. Mabait naman si Mark pero hindi niya talaga ito gusto.
"Let's not talk about that. You? What brings you here at my office? Mamaya pa ang klase mo but you're already here at this early morning."
"Nothing. Just checking you here." She devilishly smiled.
"Checking me? O gusto mo lang maghasik ng kalandian dito sa University ko." I raised my eyebrow.
Malandi talaga itong pinsan ko. She's always flirting with the students here in the University. Mas bata pa sa kanya ang nilalandi niya, take note, it's a girls not boys. She's bisexual anyway, but more into girls than boys.
"You really know me couz. So, mauna na ako sayo. Maghahanap pa ako mg bibiktimahin. Ciao!"
Aangal pa sana ako pero nakalabas na siya ng pinto. Aist! Itatanong ko pa nga kung siya ba ang nag-interview sa mga bagong-lipat na students.
That lady! Pssh.
Lumabas na rin ako ng office ng saktong 7:20 at pumunta na sa first class ko.
Pagpasok ko palang ay nagsitayuan na ang mga estudyante ko. They know me very well. Sino ba naman ang hindi pa nakakakilala sa akin dito, eh they called me the-terror-professor.
I'm strict? Yes, because I just want to know them that I am the superior here inside the classroom. Minsan kasi, kapag hindi mahigpit ang professor laging nabobola ng mga estudyante. And I don't want to be that kind of professsor.
"Good morning, Miss Boa."
"Good morning. Please be seated." Lapag ko sa mga folders na dala ko. "You already know me, right? So I don't need to introduce myself to all of you. Let's start the roll call if everyone's present today."
Nagsimula na akong magtawag. Nagtaas naman ang mga ito ng kamay gaya ng sinabi ko. Sunod-sunod ang tawag ko sa kanila when someone knocked from the door.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng room at nakita kong may bakanteng upuan sa dulo. So that's explain me why there is an available seat in the back.
"Come in."
Narinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto.
"You're 1 minute late."
Tumaas ang boses ko, hindi naman masyadong malakas sapat lang upang marinig sa estudyanteng nakatayo sa may pinto.
I'm not looking at her directly. I just know that she's one of my students because I can see her through my peripheral vision especially when she startled.
Is she one of the transferee? So thats explain me why she's late. Maybe, nahirapan siyang hanapin ang room niya.
Pero wala akong nakuhang sagot mula dito kaya tumingin ako sa kanya ng seryoso na may halong pagkainis and the same time, ako'y napatayo. I hate those people who are dumb and slow. It irritates me so much.
"Are you mute or what? And please, look at me when I'm talking to you."
Matigas na utos ko sa babaeng nakatayo pa rin habang nakayuko. Dahan-dahan nitong inangat ang ulo at nagulat ako sa nakita.
She's the lady that I almost hit by my car.
Mukhang hindi naman niya ako nakilala kaya pinagsalawang-bahala ko na lamang ito tutal I can clearly see her that she's totally fine.
"I'm..." Pumiyok ito. "I'm sorry Ma'am for being late. Transferee po ako."
I'm looking at her with my stoic face pero wala na yung inis na nararamdaman ko kanina. I don't know why but my irritation towards her fades away in that instant.
"Okay, I'll let you to get away for being late this day, just because you are a transferee. Give me 1/4 index card with your name written on it. And introduce yourself, state what school you from and how young are you."
Pagkasabi ko nun ay muli akong umupo sa upuan ko. Naglakad ito papunta sa harapan. Naghintay akong magsimula siyang magsalita pero ilang segundo rin ang nasayang pero mukhang wala ata siyang balak na magsalita.
"Are you just standing there all day? Or you'll start talking?" Malamig kong tanong dito.
"Y-yes Ma'am. I'm s-sorry po." Napansin kong tumaas-baba ang balikat niya na halatang humugot muna ito ng malalim na hininga. "H-Hi! Ahm.. Nico Robin Jane Alexander is my name. I'm from Stanford University and 22 years of age."
Napasingit ako sa pagpapakilala nito.
"Stanford University? Isn't that a prestigious school? Why did you transferred here in Hancock University?"
Napatingin ito sa akin.
"I'm sorry Ma'am but it's a private matter. I can't tell you why."
Bakit naman?
I wanted to ask her that but I respect her reasons. But then again, nagawa ko pa rin itong titigan to make sure that she's not lying to me. Mahirap na baka ino-uto lang ako nito.
"Okay, I understand. You can take a sit now."
This is the first time that I felt awkward na makipagtitigan sa isang tao, especially to a student. What's with me?
I chose to ignore kung ano man yung kakaibang pakiramdam na bago lang para sakin. Sinundan ko ng tingin ang transferee hanggang sa umupo ito sa likuran.
Sinimulan ko na ang pagtuturo. I explained the subject and give them some information about it para kahit papaano ay alam nila kung ano ang ituturo ko this first semester.
Habang nagsasalita ako sa harap, napansin ko ang estudyante ko sa likod na nakayuko at parang nagbabasa. As I remembered, wala naman akong pinapabasa na libro.
Nilibot ko ang tingin ko at siya lang ang bukod-tanging nakayuko and not giving her attention in my class.
Naglakad ako papunta sa kanya. Sinundan naman ako ng tingin ng mga estudyante ko at mukhang hindi pa niya ako napapansin kahit na nagkaroon ng katahimikan.
Hawak-hawak ko ang stick na lagi kong dala kapag ako ay nagtuturo. Pinalo ko ito sa desk niya, hindi malakas, tama lang to get her precious attention.
"Miss Alexander."
I look at her directly. Nabigla naman ito sa biglaang pagpalo ko ng stick. Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya but I manage to stay serious.
Ghad! She's so cute.
Did I compliment my student?
Binura ko na lamang sa aking isipan ang sinasabi ko tungkol sa estudyanteng nakatingin sa akin ngayon na halatang gulat na gulat sa nakikita.
"Miss Alexander, are you with us? Late ka na nga kanina tapos hindi ka pa nakikinig ngayon sa klase ko. You're not interested in my subject, are you? If you don't want to listen, get out because I won't tolerate a student like you."
I'm not annoyed or irritated for what she did. That's really new dahil mabilis ako ma-annoyed at mairita sa estudyanteng hindi binibigyang pansin ang subject ko.
But she's really different. Sa tuwing nagtatama ang mata naming dalawa, parang bula na nawawala yung inis na nararamdaman ko para sa kanya.
Weird right? Or it's just me?
"I'm sorry Ma'am, pero nakikinig po ako sa inyo simula kanina when you are started to talked in front."
"Really?" I raised my one brow because I was amazed. I thought she's going to say sorry but she did the opposite. "Okay then, answer this."
May sinulat akong given sa board. Tinitest ko lang siya if she did an advance reading kasi gawain ko yun way back in college. Hindi naman ako umaasa na ganun din ito kaya okay lang kahit hindi niya masagot.
Nakatayo ito sa tabi ko. Tiningnan ko siya pero wala akong nakikitang doubt sa mga mata niya. Kumuha siya ng pen at sinimulan ang pagsagot.
May naririnig akong bulungan pero hindi ko ito pinansin dahil nasa board ang buong atensyon ko at sa estudyante kong mabilis na nasagutan ang given na binigay ko.
"I'm finished Ma'am."
Nakailang beses na ba akong nagugulat dahil sa transferee na ito. She's great. Her answer is right. Ngingitian ko sana ito nang biglang naisip ko, why should I need to smiled at her.
Because she's got the right answer? Or I'm happy that she's intelligent.
Nagiging weird na ako. Talking to my inner self is weird and crazy. And this is not so me. I am not in myself anymore.
"You can go back to your seat now. Thank you Miss Alexander."