Chereads / Beauteous Havoc / Chapter 6 - Chapter 5 Save Her

Chapter 6 - Chapter 5 Save Her

Nico Robin

Nandito lang ako sa tabi habang naghihintay na tawagin ang pangalan ng team ko. It's our PE time and required ang maglaro ng volleyball.

"Miss Alexander."

Napatayo ako ng tuwid nang marinig ko ang pangalan ko.

"Yes Sir?"

"Susunod na ang team mo na maglalaro, so be ready. Ang makakalaban niyo ay ang ibang course, which is the BSA."

"Yes Sir Anthony." Pagsang-ayon ko sa kanya.

Binalingan ko ng tingin ang mga ka-myembro ko. Mga kaklase ko sila pero hindi ko naman sila gaanong close. I don't know why they chose me to be their captain in this team. I know, I have an experience sa paglalaro ng volleyball dahil nilalaro namin ng mga kapatid ko yan kapag wala kaming magawa sa bahay, that means pampalipas-oras lang so I'm not a good player.

"Nics, what's the plan?" The other girl asked me. Halatang kinakabahan ito dahil hindi siya mapakali.

"Jasmine, calm down. Laro lang 'to, huwag niyong seryosohin. Just play with your hearts and enjoy." Saad ko.

Nakatingin lang sila sa akin after kong sabihin ang mga salita na yun.

Tama naman ako diba? Enjoy while playing kasi mas lalo kang matetense kapag sineryoso mo ang laro masyado.

"M-May mali ba sa sinabi ko?"

"No. We're just suprised." Nakangiting tugon ng isa.

"Ang galing mo pala magbigay ng advice. Tunay ka ngang captain."

Napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang ibig nilang sabihin.

"Okay na kami Captain. Thank you."

"Oo nga, salamat sa advice."

Hanggang sa sunod-sunod na silang nagpapasalamat sa akin kaya kahit hindi ko alam kung bakit sila nagpapasalamat dahil lang sa sinabi ko sa kanila ay ngumiti nalang ako bilang tugon at tumango.

"Magready na kayo ah. Malapit na tayo." Paalala ko sa kanila na ngayon ay naghahanda na.

"Yes captain." They said in unison.

Napayuko nalang ako dahil napapatingin sa amin ang ibang tao dito sa loob ng gymnasium dahil sa lakas ng boses ng mga kasama ko.

Ilang minuto rin kaming naghintay bago natapos ang laban ng ibang team. Sabay-sabay kaming tumayo. Nginitian ko sila nang mapansing nakatingin sila sa akin. Pansin ko naman na hindi sila kinakabahan kaya naging panatag ang loob ko kasi magkakamali sila sa oras na sila ay kabado.

Nagsimula ang laro, at kakaumpisa palang ay hindi ko na gusto ang pagtira ng kabilang team. They did it intentionally.

"Kyla, are you okay?" Pag-aalala ng kateam ko sa natamaan ng bola.

"Why did you do that?" Singhal ni Jasmine sa nagserve nung bola.

Lumapit si coach sa amin at halatang hindi niya gusto ang eksena dito.

"Miss Claveria, go back to your place now."

"No Sir, she did on purpose. Tinamaan niya si Kyla sa mukha at sinadya niya yun. I saw her." Pinaglalaban niya talaga ang maling ginawa nang kabilang team.

Habang ako, nakatingin lang ng seryoso sa captain ng kabila na ngayo'y nakangisi sa nangyari at halatang tuwang-tuwa dahil sa nasaktan ang teammates ko.

I want to erased those grin in her face.

"Miss Alexander, patigilin mo itong kateam mo. Kaka-start palang ng laro may ganito na. If you can't do something about it, I'll force you to step outside in this court. And I will give you all five in the card."

Nagpintig ang tenga ko dun. Hindi porque malakas ang captain sa kabilang team sa may-ari ng school na ito ay mas kinampihan niya pa ito kahit mali.

Tinago ko ang pagkainis na naramdaman ko sa professor ko at lumapit ako kay Jasmine bago inaya ito papunta sa iba ko pang kateam.

"Nics, you saw her too right? Sinadya niya iyon."

Para na siyang iiyak habang nagsusumbong sa akin. Wala rin akong magawa dahil malakas talaga ang kapit nito sa may-ari ng school na 'to.

"Jasmine, it's okay. Babawi tayo. Tsaka okay lang naman si Kyla, right?" Baling ko kay Kyla na namumula ang noo.

Ngumiti ito kay Jasmine to make sure na she is fine. Alam kong malakas yung pagtira ng bola buti nalang nasalag niya ito bago tumama sa mukha niya.

"Okay lang ako Jas. Will make it sure na matatalo natin sila."

Ngumiti rin sa wakas si Jasmine. Tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang laro. Pumwesto kami sa lugar kung saan kami nakaassign.

Nasa gitna ako pumwesto at nakipagpalitan ng pwesto kay Kyla. Alam kong may binabalak siya ulit. Isa-isahin niyang patatamaan ang mga kateam ko. Mukhang punterya niya talaga kami, hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako papayag na may masaktan na naman sa kateam ko.

I'm their captain and I should be the one to protect my team.

Nagserve ang kabila, sinalo naman ito ni Sarah na nasa harapan ko lang. Pinasa niya ito kay Kyla, I thought she will spike the ball and throw it to our enemies. Pero pinasa niya ito sa akin, kaya wala akong nagawa kundi gawin ang spike. Sobrang lakas ng pwersa ang pag-spike ko sa bola kaya hindi nasalo ng kabilang team.

Tuwang-tuwa naman ang team ko at nakipag-apear-ran naman sila sa akin isa-isa.

"Nice kill, Captain." Puri sa akin.

Nagtuloy-tuloy ang laban at kami ang mas nakakalamang. Ramdam ko ang inis sa kabilang team kaya medyo nawawala na yung concentration nila.

Nasa kanila ngayon ang bola at binigay ito sa captain nila. Nakita ko kung paano ito ngumisi na nakatingin sa amin.

She will do something.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa bola ng ma-spike ito ng kabila papunta sa amin. Tumakbo ako sa likuran upang salagin ang bola pero laking gulat ko nalang ng lumagpas ito sa akin.

Lumingon ako sa likod at narinig ko pang sabay-sabay na napa-gasp ang mga tao sa loob ng gymnasium dahil mukhang may matataman ng bola.

Tumakbo ako para maabot ang bola. Ilang pulgada nalang ang layo nito sa babae na nakapikit ngayon at handa ng matamaan ng bola. But I'm so lucky, because I hit the ball away from the lady.

"Oh my gosh! That was close."

"Buti nalang mabilis ang captain ng kabilang team."

"Woah! She's cool."

"She save Miss Boa."

"Grabe! Nakaka-intense."

"Ang galing!"

Marami pa akong naririnig na comment pero hindi ko na pinansin pa dahil sa biglaang pagyakap sa akin ni Miss Boa.

"Thank you.... for saving me."

"O-Okay lang po yun Ma'am."

Tinanggal ko ang pagkayakap niya sa akin dahil naiilang ako sa kaniya. She don't need to hug me for saying thank you.

"T-Thank you pa rin dahil kung hindi mo ginawa yun, nasa clinic na sana ako ngayon."

Napansin ko ang pagkabalisa nito at hindi makatingin sa akin ng diretso. Namumula rin ang mukha nito. Naweweird-uhan talaga ako sa kanya minsan.

"Ma'am gagawin at gagawin ko po talaga yun kung mangyayari po yun sa iba dahil responsibility namin na habulin ang bola para hindi kami makakatama kung maaari." Paliwanag ko. Nawala ang ngiti sa labi nito. "But, I'm glad that you're okay Ma'am." Ngiti ko.

"Oh my God! Miss Za-Boa. Okay lang po kayo?"

Muntik na akong matumba dahil sa pagtulak sa akin. Nakita ko ang captain ng kabila ang gumawa nun sa akin buti nalang nahawakan ako ni Sarah sa braso.

"Are you okay, Nics?" Sarah asked me. Ngumiti lang ako dito.

"Oh sorry, hindi ko kasi alam na nandyan ka." Pag-aasar nito sa akin but I don't give it a care.

Lumisan na ako doon baka mapaaway pa ako dahil sa babaeng iyon. Init ng dugo sa akin, sa pagkakaalam ko hindi ko naman siya nagawan ng masama. Hindi ko rin naman siya kilala at hindi niya rin ako kilala.

Alam ko lang ang pangalan niya dahil sikat ito bilang malapit sa may-ari ng school na ito. And my teammates said that she's dangerous and they warned me to stay away from her.

"Waaaa nanalo tayo."

"Nakita mo ba ang mukha nung kalaban natin, parang natalo sa lotto."

"We did it guys. We won!"

I'm just looking at them. They really happy because we won the game. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa bench para kunin ang mga gamit ko.

"Hey! Captain?"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang sigaw nila. Napakamot ako sa ulo dahil nahihiya ako sa pagtawag nilang 'captain'. Tapos na ang laro pero captain pa rin ang tinawag nila sakin.

"Nics." Inakbayan nila ako ng makalapit ito sa akin. "That was fun. Thank you."

"Kahit na nakakapagod, it was worth it naman because we won." Segunda ni Kai-z.

Napangiti ako sa sinabi nila. They're really a good person.

"Why not we celebrate to our victory?" Tanong ni Yeng.

Napaisip naman ang iba at sabay-sabay na nagsitanguan.

"How about you, Captain?" Tanong sa akin ni Kai-z.

"I'm sorry but I can't. May date ako ngayon." Nakangiti kong sabi sa kanila.

Yes, may date ako ngayon with my siblings. Linggo kasi ngayon at family date namin every weekends.

"Ohmy! You have already a boyfriend."

That is not a question, it is a statement. Napailing nalang ako at hindi na sumagot pa. Niligpit ko na ang mga gamit ko at nagpaalam na sa kanila na mauuna na ako.

"It was good to be your captain guys kahit saglitan lang." I sincerely said to them. "So paano ba yan? Mauuna na ako sa inyo. Enjoy kayo. I-celebrate niyo nalang ako."

"Thank you din. Ingat ka and enjoy your date." Nakangiting sabi ni Sarah.

"Bye-bye!" They said in unison.

Naglakad ako palabas ng gymnasium. Hindi ko napansin ang nakalaban namin na team kanina nang makalabas ako baka kapag nagkita kami ay may mangyayaring sakitan.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang init ng dugo sa akin nung captain nila. Hindi ko siya kilala kaya bakit ganun nalang galit nun sa akin. Pinagsawalang-bahala ko na lamang ito at naglakad.

Nakarating ako sa parking lot at hinanap ang kotse kong fortuner na kulay black. Nahanap ko ito at ini-start bago ko ito pinaharurot papunta sa bahay.