[Mongkut's POV]
Tumatakbo ako ngayon papunta sa gymnasium ng school kung saan naghaharap sa mga oras na ito ang kuponan ng Blazing Phoenix at aming basketball team na Taurusian Legacy.
Medyo late na nga ako,ang hirap kasing takasan ng prof namin sa HRM,kailangan pa namang nandoon ako para makita ko ang pagkapanalo ng basketball team ng school at para suportahan ang bestfriend kong si Troy.Last year na rin nya kasi na maglalaro para sa team,graduating na kasi kami this year.Habang patuloy ako sa pagtakbo,pilit kong kinukuha sa bulsa ko ang cellphone ko para itanong kay Clarysse kung ano nang nangyayari sa laban.Nasa gymnasium na kasi siya,nakakainis nga e,sabi ko hintayin niya ako at sabay na kaming pupunta kaso wala e inunahan pa rin nya ako.
Si Clarysse nga pala yung isa pa naming kababata ni Troy.Siya lang ang kaisa isang taong nakakaalam ng lihim ko.
[Convo sa Cellphone]
Ako: Claire,hmmp! Kumusta ang laro?Sino na ang lamang?.
Claire:Beks!Takbong marathon kana gago!Panalo na ang bebe boy mo!
Ako: Tumigil ka nga sa pagtawag sa akin nyan mamaya marinig ka ni Troy!Kung ano pang isipin nun.
Claire: Haynako!Beks!Napakalayo nya!Kaloka ka gurl!Bilisan mo na ang pagtakbo papunta dito!Huwag ka nang mag lava walk!
Ako: Fuck! Ikaw talaga ang magpapahamak sa akin!
Claire: Haha! Tayo lang naman ang magkausap!Love kita beks! Your secret is safe with me.!
Ako:Gago ka!Siguraduhin mo.
ANNOUNCER: LAST TWOOO MINUTES!!
Claire:Beks!Nasaan kana ba?Tambak na ang score!Alam mo na panalo na!!!WOOOH!
Ibinaba ko na ang cellphone ko at hindi na pinakinggan pa ang sinasabi ni Claire.Kailangan ko nang magmadali,wala na akong pake sa mga nabubunggo ko,pasensya na lang sakanila kailangan ko lang talaga agad makarating sa court,gusto ko ako ang unang babati at yayakap kay Troy kapag inannounce na,na siya ang MVP this year.Alam kong mahalaga at pinagpaguran niya ang lahat ng practice nila maging memorable lang ang last year nya sa team.
WOOH! TAURUSIAN! TAURUSIAN!
Habang tumatakbo ako dinig na dinig ko ang hiyaan ng mga tao sa gymnasium ng iaannounce na kung sino ang nanalo sa finals.
"Taurus College wins this years Inter Basketball season 25 Finals."
Napangiti ako ng marinig ko iyon.Napaka galing talaga ng basketball team ng school namin,halos every season sila ang champion at sa huling apat na season si Troy ang nagpapanalo sa buong team kaya siya ang star player,pinaka sikat,pinaka magaling,pinaka matalino,Pinaka hot,pinaka guwapo ,At pinaka mamahal ko.
Humihingal akong nakarating dito sa gymnasium,napaka ingay! Ang lahat ay naghihiyawan,nagpapalakpakan,may mga nagiiyakan pa.Maraming lobo at confetti ang naglalaglagan mula sa itaas .Napaka saya ng lahat.
Nakita ko siya,napaka ganda ng ngiti niya.Kahit basang basa ng pawis at halatang pagod,kitang kita ko ang kasiyahan niya.
Lumilingon lingon siya,waring may hinahanap.
Ako kaya iyon?
Hinahanap kaya niya ako para yakapin at sabihing "I made it."naipanalo ko ang team.
Sesenyasan ko na sana siya para makita niya ako dito sa sulok,ng mag salita muli ang announcer.
"This year season's MVP is Troy Lucas!!"
Naghiyawan lalo ang mga tao dito,pati ako napasigaw na rin habang pumapalakpak,ito marahil ang pagpapakita namin ng suporta at pagbati sa basketball team ng school.
Kitang kita ko na binuhat ng team mates niya si Troy,habang itinaas naman ng huli ang MVP trophy niya.Napakaganda ng ngiti ng bestfriend ko,nang taong mahal ko.Ito na marahil ang isa sa pinaka masayang pangyayari sa buhay niya ngayon.
Alam ko na sobrang saya niya kasi napaka babaw lang ng kaligayahan ng mahal ko.Naalala ko nga noong mga bata pa kami e,natalo niya lang ako sa paglalaro namin ng holen,nag request sa mama nya ng victory party e,as in may handaan.Weird but cute.
Napapangiti ako sa kinatatayuan ko nang maalala ko ang mga bagay na yun.Sa mga sandali na ito,ibinababa na ng kanyang team mates si Troy.
Tulad kanina waring may hinahanap siya.
Ako nga yata iyon...
"Troy!!"
Buong lakas kong tinawag ang mahal ko upang mangibabaw sa ingay ng gymnasium na ito ang boses ko.Agad naman niya akong narinig.
"Mongkut!!!!"-sigaw nya
Pagka kita niya sa akin,tinawag niya ako at itinaas ang napaka laking trophy niya.
"Congratulations!!"-sigaw ko muli
Akma na akong lalapit sa pinakamamahal ko upang yakapin siya at batiin ng mapahinto ako sa paglalakad.
"Babe!You made it!We made it!."
Kitang kita ko na hinalikan ng isang babae si Troy,actually naghalikan sila sa harap ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ito.
Para akong sinasaksak ng paulit ulit.
Ganoon ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Mongkut!See you at the victory party later!"- muling sigaw ni Troy
Agad umalis sa harap ko si Troy at ang babaeng humalik sakanya,kitang kita ko na ipinakilala nya ito sa mga kateam mates nya.
Para akong pinapatay ng harap harapan.
Nanatili lamang akong nakatayo sa kinaroroonan ko.
Tinitignan ko ang pinaka mamahal kong lalake na masaya sa piling ng kanyang minamahal.
Marami akong tanong.
May nobya na pala siya?
Bakit hindi nya iyon sinabi sa akin?
Bestfriend nya ako diba?
Akala ko ba sabi nya sa akin ako ang unang makakaalam kung magkakaroon siya ng girlfriend?E ano itong nakikita ko?
Naging kampante pa naman ako na wala akong magiging kaagaw sakanya,dahil wala naman syang nababanggit sa akin na may nagugustuhan na sya.
[[FLASHBACK HIGHSCHOOL DAYS]]
[Mongkut's POV]
Kasalukuyan kaming nandito sa rooftop ng school,kasama ko ang bestfriend ko.May importante daw kasi siyang sasabihin sa akin.
"Mongkut,I have this realization kanina na mas masaya ang may bestfriend kesa ang magkaroon ng girlfriend."-sabi ni Troy
Napatingin naman ako sa sakanya ng sabihin niya iyon.Yun na ba ang importanteng sasabihin nya kaya nya ako inaya dito sa rooftop?.
Nakatingin siya sa malayo at bahagyang nakangite.Hindi maipagkakaila na napaka guwapo talaga ng taong ito and at the same time napaka sweet nyang tao para sabihin yan sa akin.
"Huwag mo nga akong utuin Troy,sa hitsura mong yan,sa lakas ng dating mo sa mga babae ay hindi maiiwasang may magkagusto sayo at magustuhan mo rin .Ipagpapalit mo din ako na bestfriend mo lang sa mga babaeng yun."-sabi ko
"Hindi kita ipagpapalit sakanila,kung sakali mang mangyari ang sinasabi mo,ang girlfriend pwede akong iwanan pero ang isang matalik na kaibigan tulad mo Mongkut,panatag ako na hindi moko iiwanan."- sabi ni Troy.
Nakatitig ako sa taong ito.Hindi nya alam na may kung anong bagay na syang nabubuksan sa pagkatao ko na kahit ako ay nalilito kung bakit nangyayari iyon sa akin.
Biglang lumingon si Troy sa akin,kaya nahuli nya akong nakatingin sakanya.Agad naman akong umiwas ng tingin.
"Sasabihin ko muna sayo kapag gusto ko nang magka girlfriend,syempre sa lahat ng unang pwedeng makaalam nun,e ikaw ang dapat mauna bago ang iba pang taong kakilala ko."-sabi ni Troy
"Haha!Gago! Sabi mo lang yan."-sabi ko
Sandaling tumahimik ang paligid,hindi ko alam kung anong maramdaman ko sa mga sinasabi ng bestfriend ko,basta ang alam ko ,napaka saya ko ngayong mga oras na ito.
"Salamat Mongkut.Salamat at lagi kang nariyan sa tabi ko.I love you."-Troy
Napatingin ako sakanya na may halong pagkabigla dahil sa sinabi ni Troy.
Mahal niya ako?
"O?Bakit ganyan ka makatingin?Hoy!Hindi masama ang magsabi ng mahal kita sa isang kaibigang lalake."-Troy
Siya naman ngayon ang umiwas ng tingin.Kitang kita sa kanya na nahihiya siya,dahil namula siya ng sobra.Maputi kasi kaya kita agad ang reaksyon nya.
"Haha.Nababakla kana yata sa akin e."-biro ko
"Hindi ah!"-Troy
Buong maghapon ko siya inaasar at pikon na pikon naman sa akin ang bestfriend ko.
[[End of flashback]]
..................
That same day alam kong mahal ko na si Troy,na fall na ako sa bestfriend ko.Pilit ko lamang itinatago dahil baka pagnalaman nya ay layuan nya ako,which is ayaw kong mangyari.
------------------------------------------------------------
**VICTORY PARTY
Hindi ako marunong umin,pero maglalasing ako sa gabing ito.
Kakalimutan ko lahat ng mga taong manhid na hindi nararamdaman ang pagmamahal ko.
Masakit,tanging yan lang ang nararamdaman ko ngayon.
Bakit ba sakanya ako nainlove?
Bakit ba pareho kami ng kasarian?
Bakit hindi pwedeng maging kami?
Bakit sa iba sya nagka gusto?
Bakit hindi sa akin??
Umiikot na ang paligid ko.
Ang sarap sumayaw habang tinutungga ang bote ng inumin na nakakalasing.
"Mahal kita!"-sigaw ko
"Beks!Tama na yan,naparami kana ng naiinom.Pinagtitinginan kana ng lahat."-Claire
"Wala akong pakielam,sakanilang lahat Clarysse!Gago ba kayong lahat na magpapanggap na okay kayo kahit deep inside wasak na wasak ka?Im not a fucking asshole na pati damdamin ko itatago ko pa!Pagod na ako magtago at magpanggap!Tang inaaa!"-Ako
"Beks! Sa bahay na lang natin pag usapan yang problema mo.Iuuwi na kita."-Claire
"Ssssh!Walang uuwi.Hayaan mo akong ganito!Deserved kong mabigo!Deserved ng tulad ko ang masaktan!Bak.." -sabi ko
"Tigilan mo nga yan Mongkut!Baka may makarinig pa sayo."-claire
"Shit!!!Hayaan mo na ng malaman nila!Hayaan mo ng malaman ni Troy!!-sabi ko
"Ano yun Mongkut?."
Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa aking likuran.Si Troy pala ang lalakeng minamahal ko.
"Troy!Iuuwi na natin si Mongkut lasing na sya kaya kung ano ano nang sinasabi alam mo naman ito hindi marunong uminom."-Claire
"Ano bang problema Mongkut?Hindi ka naman umiinom diba?"-Troy
"Gago!Wala kang pakielam sakin!"-sabi ko
Pinilit kong maglakad para lumayo sa mga taong ito ng hinawakan ni Troy ang kamay ko.
" Im Sorry kung hindi ko nasabe sayo ang tungkol kay Joharra."-Troy
Humarap ako kay Troy,Tinititigan ko siyang maige.Alam kong nasira ko na ang masayang gabi nya,na dapat masaya dahil sya ang MVP ng team.Pero masakit pa rin para sa akin na makita at malamang may nobya na sya.
"Im sorry Mongkut."-ulit ni Troy
Tinititigan ko lamang sya.
"C̄hạn rạk khuṇ"- sabi ko (iloveyou)
Habang sinasabi ko yan,hindi ko mapigilang mapaiyak,hindi man niya maintindihan ang sinabi ko ayos na rin yun atleast nasabi ko sakanya na mahal ko siya.
"Mongkut?"-Troy
"C̄hạn rạk khuṇ lā k̀xn"- sabi ko (iloveyou goodbye
Pagkatapos kong sabihin yan ay agad na akong umalis.
Magpapakalayo ako.
Gusto kong makalimot.
Lalayuan ko ang best friend ko,
Ang mahal ko
My love...
"Thī̀rạk"
[[End of Prologue]]