[Mongkut's POV]
**Bangkok,Thailand
Id spend,the last 10 years of my life here in Thailand,sa bansa kung saan ako pinanganak,sa bansa ng aking ama.Noon hindi ko pinangarap mag base dito,dahil akala ko nasa Pinas ang kaligayahan ko,mali pala.Mahal ko ang Pilipinas dahil isang pinay ang nanay ko,ngunit sa lugar palang iyon ko mararanasan ang masaktan.
After college,pumunta na ako agad dito,una para magbakasyon at makalimot sa sakit na naranasan ko ngunit sa bawat araw na tinitignan ko ang mga social media accounts nya na masaya kasama ang girlfriend niya nawalan na ako ng rason para bumalik sa Pilipinas.Una nasaktan ako,Pangalawa ni hindi nya ako hinanap,hinayaan nya talaga akong umalis,at Pangatlo,nakilala ko si Gamon tulad ko isang Thai-Filipino,nainlove ako sakanya dahil siya ang bumuhay sa patay kong pagkatao ngunit sa loob nh dalawang taon na pagkakaroon ng relasyon,nanatili lamang itong lihim dahil hindi alam ng mga magulang namin na mga bakla kami.Sa loob din ng dalawang taon,tinuruan niya akong maabot ang mga pangarap ko.Nakapagtayo akon ng una kong bar dito sa Thailand.
Akala ko okay na ang lahat,
Natupad ko na ang pangarap ko na magkaroon ng mga bar,kasama ko si Gamon sa lahat ng tagumpay ko.
Sinamahan na din ako ng pamilya ko dito sa Thailand after living independently for 2 years.
Pero nagkamali ulit ako.
Naghiwalaya kami ni Gamon dahil nalaman daw ng pamilya niya ang tungkol sa amin.Hindi na rin daw niya kayang lokohin ang mga mahal niya sa buhay sa ginagawa naming patagong relasyon.Sobrang sakit dahil naramdaman ko na naman yung sakit na naramdaman ko mula kay Troy,yung hindi ko maipaglaban yung mahal ko dahil bawal ang pagmamahalan ng dalawang lalake.Umalis sya ng Thailand at nag migrate sa Australia,matapos ang ilang buwan,nalaman ko na lang na nagpakasal na pala siya sa isang transwoman.Gagong yun!Nagdrama pa na hindi daw alam ng pamilya niya na bakla siya,hindi daw niya kaya pang magtago pero nung nasa Australia na sa isang retokadang bakla din babagsak.Naisip ko tuloy na ako lang ang niloloko niya noon kaso kasi,ang tingin ko sakanya,siya ang hero ko coz he save me from my heartbreak.
Sa ngayon,naka move on na ako sa ex kong yun,may isang taon na akong single at patuloy pa rin sa pagpapanggap na straight.Ang hirap magpanggap pero no choice ako,ayoko naman mapahiya ang pamilya ko sa ibang tao dahil lagi nila akong pinagmamalaki na sa gandang lalake ko daw ay maraming babae ang naghahabol sa akin lalo na ang mga anak na babae ng kanilang mga kumpare at kumare na pilit inirereto sa akin.Ngunit hanggang ngayon wala pa rin akong nagugustuhan at nagiging nobya sa kanila.
********
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko ng makarecieved ako ng personal message mula kay Claire.May importanteng sasabihin daw siya sa akin.Kahit matagal na akong nandito sa Thailand constant pa rin ang communication naming dalawa.Pilit niya akong pinapauwi sa Pinas o dikaya ay kahit magbakasyon lamang daw.Sobra na daw nya akong namimiss pero lagi kong sinasabi na next year ako uuwi ngunit inabot na ng 10years at hindi pa rin yun nangyayari.Nagreply naman ako agad sakanya.
[[Personal message]]
Claire: Beks! May importante akong sasabihin sayo.
Ako: Ano yun?
Claire: (Typing)
Claire:(Typing...)
Ako: ???
Claire: (Typing..)
Ako: Gaano ba kaimportante ang sasabihin mo?
Claire:(Typing..)
Claire:Beks!
Ako:May meeting ako in 5minutes.Tungkol saan ba yun?At sa tinagal tagal na pagtatype mo e "Beks"lang na type mo haha.
***SEEN***
[[End of personal message convo]]
Wala naman talaga akong meeting ngayon at nasa bahay lamang ako.Gusto ko lang na sabihin agad sa akin ni Claire ang pakay niya,for sure tsismis na naman ang sasabihin nun,tungkol sa kung sino sinong tao,minsan about sa mga schoolmate namin nung college o kaya mang aasar lang.Lumipas ang ilang oras at hindi na nga nagreply pa si Claire,Kahit nakikita ko naman siyang online,kayat minabuti kong magchat ulit.
[[Personal message]]
Ako: Still there?
Claire:(Typing)
Claire: Nasa work ako beks!Paguwi ko sa bahay mag chat ako sayo.
Ako:Alright
**SEEN**
[[END OF PERSONAL MESSAGE]]
Ano bang problema nitong kaibigan ko at parang hindi niya sa akin masabi yung gusto niyang sabihin?May pakiramdam ako na importante ito at nakapagtataka lang na parang pasuspense pa nya itong sasabihin sa akin.Ano nga kaya iyon?
Lumipas ang mahigit isang linggo magmula ng nagchat sa akin si Claire pero until now hindi pa niya ako binabalikan,busy ba kaya siya?nakikita ko naman siyang online ngunit nahihiya na lang ako na kulitin pa siya.Baka hindi naman talaga iyon importante.Papunta ako ngayon sa Pathumwan isang lugar dito sa Bangkok,sa lugar kasing iyon mapupuntahan ang isa sa mga sikat na shopping mall dito sa Thailand,walang iba kungdi ang Siam Paragon,napakaganda ng lugar na iyon,halos ang buong paligid ay gawa sa mamahaling salamin.Sa mall na iyon ako madalas mamili ng mga branded na damit tulad ng Louis Vuitton,Prada at Versace.Kasalukuyan akong nagdadrive ngayon,less than 30minutes lang ang layo ng condo unit ko papunta sa Siam,excited na ako na magspend ng Holiday season ngayon,mag dadalawang Christmas na akong walang karelasyon mas naging enjoyable ang pag sashoping ko unlike nung may jowa ako nakaka stress.Mabilis akong nakarating sa Siam,nag park lang ako sa parking lot at agad ng pumunta sa isang sikat na coffee shop.Makapag kape na muna bago mag ikot ikot.Pagka kuha ko ng order ko agad akong pumunta sa isang vacant chair malapit sa smoking area ng shop na ito nang biglang...
"Mongkut?''
Napatingin ako sa lalakeng kasabay kong naglapag ng kape sa table.Hindi ko ineexpect na magkikita kami dito after 2 years.Ang alam ko kasi sa Australia na siya nakabase kasama ang asawa niya.
"Gamon?"-sabi ko.
"Kumusta?"-sabi niya.
Papasagot na sana ako ng may isang magandang babae ang papalapit at tinawag ang ex ko.
"Hubby!"
"Wifey!Come here,I would like you to meet my former business partner and my long time friend,Mongkut."-Gamon
Napangite naman ako ng bahagya ng marinig ko ang terms of endearment nilang dalawa.Sa pagkakatanda ko ito rin ang tawagan namin before.Sounds weird ngunit baka coincidence lang.
"So you are my hubby's friend and ex business partner?"-Nakangiting sabi ng asawa ni Gamon
"Uhmm?Friend?"-Nakangiti kong tanong
Napatingin naman sa akin si Gamon,feeling ko iniisip nya na maooffend ako o naoffend dahil ang pakilala pala niya sa asawa nya ay kaibigan lang nya ako.Nginitian ko siya tanda na walang kaso sa akin yun,naka move on na ako sakanya at nagpapasalamat ako sakanya na kungdi niya ako tinulungan noon maging business minded hindi ko matatamasa ang mga bagay na meron ako ngayon.
"Yes!Were friends back here in Thailand,2years ago?hehe"-sabi ko
"Its nice meeting you here!Gamon has a lot of good words about you."
Pagkasabi niyan ng asawa ni Gamon,agad niya rin ako niyakap.Maswerte tong ex kong ito,nakapangasawa ng isang transwoman na napaka ganda,napaka yaman at mabait.Sigurado ako na mahal na mahal niya si Gamon.
Habang nakayakap sa akin ang asawa nya,nakatingin sa akin ang ex ko.pabulong na nagsabi ng thankyou.Ngumite naman ako.May ilang oras din kaming nagkwentuhan nina Gamon at ang wife nyang si Arrie Murray Chanthara.Nalaman ko na papunta sila ng Pilipinas para mag adopt,plano rin nilang magbased na sa Manila dahil mag oopen ng isang business si Gamon sa isang sikat na lugar sa Pilipinas,inaalok nya nga ako na maging business partner ulit kaso sabi ko hindi pa ako handang bumalik sa Pilipinas.Naintindihan naman nya ako at sinabi nyang anytimen na magbago ang isip ko welcome na welcome ako na makipag partner ulit sakanya.
Pagkatapos ng mahabang kwentuhan,nauna nang umalis ang mag asawa,magreready pa daw kasi sila ng mga gamit dahil bukas na ang alis nila dito sa Thailand.Sabay sabay kaming lumabas ng coffee shop.Habang naglalakad sila palayo sa akin narealize ko na may mga tao tayong makikilala o mamahalin na magtuturo lang sa atin ng mga bagay na hindi natin alam,pinagtagpo pero hindi tinadhana ika nga nila.Tulad namin ni Gamon sa iba palang tao siya mas sasaya at sa pagiging magkaibigan pala kami mas magiging okay.
Ako kaya?kanino ako nakalaan?Meron nga ba?nandito ba sya sa Thailand o naiwan ko sa Pilipinas?
"Imposible!Kaibigan lang turing nun sakin..."-sabi ko sa sarili ko
Akma na akong aalis dito sa kinatatayuan ko ng mapansin kong nagva-vibrate ang cellphone ko.Nang kunin ko ito sa aking bag,nakita ko na tumatawag pala si Clarysse at marami na siyang missed call sa viber.Agad ko itong sinagot.
[[Viber convo]]
Claire: Ang gaga lang talaga!
Ako:Ano?
Claire:Gumaganti kaba beks?Kakainis ka!
Ako:Hindi ah.Nasa mall kasi ako ,hindi ko napansin na tumatawag ka nasa bag ko yung phone ko.
Claire:Sows! Magmula nung umuwi ka diyan sa Thailand,marami ka ng dahilan sa akin.
Ako:Nagtatampo ka?Diba dapat ako ang magtatampo sayo dahil siniseen mo yung chat ko?
Claire:Sorry na.Baka kasi badmood ka that time kaya,hindi ko muna sinabi.
Ako:Ano ba yun?Tungkol saan ba?
Claire: Ipangako mo sakin na hindi mo ako bababaan ng phone.
Ako:Oo,Ano nga yun?
Claire:May kumukuha sayo bilang brides maid.
Ako: Tang ina! Sino?Gago ka sino?Ipinagkalat mo na ba ang sikreto ko?
Claire: Haha Charot lang beks! yiee!Kunwari galit pero umasa na mag ga gown siya haha.
Ako: Gago!Ano nga kasi yun?
Claire: Kalma girl!Tungkol talaga ito sa kasal ng isang taong hate mo at ikaw ang kinukuhang best man!
Ako:Ang gulo?Hate ko?pero kinuha akong bestman?Sino ba kasi yun?Bakit ko siya hate?
Claire:May amnesia ka ghorl?Sino pa bang pwedeng kumuha sayo as his bestman sa kasal niya?
Ako: Ikaw?
Claire:Ayy tanga!
Ako:Hahaha.Sino nga kasi ?ang dami mo pang paikot ikot e!Sino nga haha.
Claire:Eh di si Troy...
Napatigil ako sa pag tawa ng marinig ko ang pangalan ni Troy.Ikakasal na pala siya.Ilang taon na rin ang lumipas pero sariwa pa rin sa akin yung sakit na naranasan ko sakanya,Siya ang firstlove ko at kahit hindi siya aware dun,siya pa rin ang pinaka mamahal ko,mas nasaktan pa ako nung malaman kong nagka girlfriend siya kaysa nung naghiwalay kami ni Gamon.Hindi pa ba halata na broken hearted pa rin akl sakanya?Nananatili pa rin ako dito sa Thailand kahit miss na miss ko na ang Pilipinas.Hindi ko pa kayang makita si Troy.
Claire: Beks?Okay ka lang?kaya ayaw kong sabihin sayo ito e.
Ako:Kanino siya ikakasal?
Claire:Eh di duon sa maarteng Si Joharra.
Ako:Ang swerte niya kay Troy.
Claire:Chosera ka!Ano uuwi kaba?sinend ko ngayon yung invitation ng kasal nila sa email mo.
Ako:Hindi ko alam.Hindi.siguro.
Claire:Palalampasin mo pa rin ba ito Mongkut?Ilang beses ng nagtry si Troy na ireach out ka?Baka naman this time pwede mo ng pagbigyan ?Kasal niya?Bestman ka niya?Pagisipan mo.
[[End of viber convo]]
Na cut na ang usapan namin ni Claire,hindi ko alam kung nawala na lang yung call o binaba nya.Naging seryoso kasi yung huli nyang sinabi.
Tama nga ba si Claire na dapat na akong umuwi para makadalo sa kasal ni Troy?Handa na ba akong makitang muli ang bestfriend ko?ang mahal ko?Special na araw kay Troy ang kasal niya pati ba iyon ipagkakait ko sakanya na makita at makasama ako ulit ?
Kaya ko na ba na ilet go siya sa mapapangasawa niya tulad ng nagyari sa amin ni Gamon?
Hindi siguro.
****
[Mongkut's Condo Unit]
"Hindi niya kailangan pumunta dun!Martyr lang?Yung taong mahal mo?makikita mong ikinakasal sa iba.Hindi ka uuwi ng Pilipinas Mongkut."-Joshua
"Haynako Josh!Kaya bitter pa rin tong si Mongkut e,kasi tinutulad mo siya sayo na hindi pa rin maka move on sa ex mong koreano na pinagpalit ka sa 60 years old na matandang babae.Kailagan ng umuwi ni Mongkut dahil yung Troy na mismo ang nagrereachout dito sa kaibigan natin,pagbigyan na diba?kasal naman nung tao e.Si Mongkut pa ang bestman."-Dominic
"Haynako!Mami-Miss Colombia lang si Mongkut dun!"-Joshua
"What if hindi?What if mag align yung mga stars tapos si Mongkut pala ang piliin?."-Dominic
"Gaga!Sa pelikula lang yun!"-Josh
"Gaga ka rin!Sa beauty contest lang din yung sinasabi mo."-Dom
Nakatingin lamang ako habang kumakain ng popcorn sa dalawang kaibigan kong ito.Pareho kong nagegets ang mga opinion nila sa tanong ko kung uuwi ba ako o hindi sa Pilipinas para umattend sa kasal ni Troy?
"Tama na yang pagtatalo niyo,I agree with Josh,ayaw ko na ulit masaktan."-sabi ko
"See ?Dominic?nag agree siya sa akin dahil takot na siyang masaktan."-Josh
"Mongkut?Tingin mo ba wala kang magiging regrets in the near future sakaling hindi ka dumalo sa kasal ng bestfriend mo?"-tanong ni Dom
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa sofa.Mas tama ba si Dominic?Hindi ko ba pagsisisihan ang gagawin kong ito?Lalo akong naguguluhan.Gusto ko na ayaw ko umattend sa kasal ni Troy,Hindi ko kayang makita na ikakasal siya sa iba,mahal ko siya.Pero diba kung mahal ko talaga siya mas pipiliin kong mas maging masaya siya kahit masaktan ako,ganon naman ang nagmamahal diba?
Matapos ang bangayan ng dalawang ito, tumabi sila sa akin.Parepareho kaming nakadungaw sa glass window ng condo unit ko.Nasa kaliwa si Josh nasa kanan ko naman si Dominic.
"Kahit ano pang maging desisyon mo friend susuportahan ka namin.Kahit pa magpaka tanga ka."-Josh
"What are sisters are for diba?"-Dom
"Gago!Haha!Salamat sa inyong dalawa."-Ako
Natapos ang drama naming tatlo,naghanda na si Josh ng dinner namin ngayong gabi,Ang walang katapusang Tom Yum Goong isang spicy shrimp soup na kilala dito sa Thailand,the best magluto niyam si Josh kuhang kuha niya ang lasa ng authentic thai cuisine na ito.Dati hindi ako mahilig sa hipon pero simula ng ipagluto kami niyan ni Josh kaya ko ng umubos ng dalawang kilo haha sarap kasi.
Habang naghahanda sina Dominic at Joshua ng dinner namin napaisip ako,kilala ang Thailand sa mga tawag na Land of the free at Land of smiles pero bakit feeling ko nakakulong pa rin ako sa pagkabigo at hindi ko pa ganap na nakakamit yung kaligayahan ko.Dahil nga ba pilit kong tinatakasan ang dapat masaya ko sanang buhay kasama ang bestfriend kong si Troy?Sa Pilipinas ba talaga ako mas magiging masaya?Kailangan ko na bang harapin muli si Troy?
Kakayanin ko ba?....
********
Lumipas ang isang buwan simula ng malaman kong ikakasal na si Troy,at ilang araw na lang ito mula ngayon ay magiisang dibdib na sila ni Joharra.Hindi pa rin ako makadecide kung dadalo ba ako ?Nahihirapan pa rin ako magdesisyon.
Ginawa kong busy ang sarili ko sa trabaho at sa pag mamanage ng mga bars ko.Pilit kong inaalis sa isipan ko ang kasal ni Troy.Hindi ko sinasagot ang mga chat,calls video calls ni Claire.Siguro nga hindi pa ako handa.Yan ang tinatak ko sa isipan ko.Hanggang isang private message ang natanggap ko mula sa Mommy ni Troy.
[[Private message]]
Hi Mongkut,Hanggang ngayon pala ay hindi mo sinasagot ang lahat ng messages ni Claire regarding sa kasal ng bestfriend mo.Inaasahan ka ni Troy na darating bukas ,ikaw diba ang bestman niya?.Kung may tampo ka pa rin sa anak ko sana maisantabi mo muna?Ever since na nalaman kong umalis ka ng Pilipinas na walang pasabi sa amin lalo na kay Troy,We respect you kahit nakikita kong sobrang apektado ang anak ko.But this time sana kahit ako na lang pagbigyan mo ako na umattend ka sa kasal ng bestfriend mo bukas.Kung nakikita mo lang si Troy,sobrang lungkot niya,siya na ang pinaka malungkot na groom na nakita ko,please Mongkut,dumating ka sa araw ng kasal ng bestfriend mo.
Love Tita Karencitta.
[[End of Private message]]
Matapos kong mabasa ang message ni Tita Karen,para akong binuhusan ng malamig na tubig,bigla akong natauhan na kailangan ako ngayon ni Troy.Kailangan nandun ako sa kasal niya ,kahit masakit.Agad akong tumingin sa orasan 5am na pala in the morning,sa madaling salita madaling araw ng kasal ni Troy ngayon,Ala sais na ng umaga sa Pilipinas at ang oras ng wedding ay 9am.Kailangan akong makahabol.Tinawagan ko si Joshua.
"Hello?"-Josh
"Mag madali kayo ni Dominic,magdala kayo ng kahit anong damit na pwedeng gamitin sa kasal."-pagmamadali kong sabi
"What?Mongkut?Madaling araw !"-Josh
"Sasamahan niyo ba ako o hindi?''-Ako
"Sasama!Tang ina!"-Josh
"Magkita na lang tayo sa airport!"-ako
"Madaming airport dito sa Thailand!Saan?"-Josh
"Bangkok Don Mueang International airport.Bye!"-Ako
Nagmamadali akong umalis ng condo para bumyahe papunta ng airport.Agad naman akong nakarating duon,ganoon din sina Joshua at Dominic.May dala dala rin silang damit na pwedeng isuot sa kasal.Pagka bili ko ng mga tickets pa Manila.Naging mabilis na ang mga pangyayari.Isasantabi ko na muna ang nararamdaman ko para kay Troy,ang importante sa ngayon ay makadalo ako sa pinaka importanteng yugto ng buhay niya.Kailangan akong nasa tabi niya dahil ako ang bestman niya sabay naming hihintayin sa altar ang bride nya.
"Nakikita ko na si Mongkut bilang kauna unahang haggard na bestman."-Josh
"Di bale na!Ang mahalaga magampanan niya ang pagiging bestman niya sa bestfriend niya.Yun ang importante."-Dom
"Sana umabot ako."-Sabi ko
********
**Manila,Philippines
Kasalukuyan na kaming nasa biyahe papunta sa simbahan saan ikakasal si Troy,isang grab car ang sinakyan namin 30minutes lang daw ang magiging biyahe namin,maaga pa naman daw kaya wala pa gaanong traffic.Dito na rin pala ako nagpalit ng damit,isang longsleeve na white,ayos na ito,buti na lang talaga at hindi nalimot ni Joshua na magdala kungdi pambahay lang ang suot suot ko,nataranta na kasi ako kaya hindi ko na nakuha pa sa cabinet yung polo na pwede konh isuot.
"I Think wala na tayong aabutang kasal "-Josh
"Okay lang naman yun,ang mahalaga makita ni Troy si Mongkut."-Dom
"What if hindi sila magkita?"-Josh
"Ayos pa rin naman atleast diba,dumating pa rin si Mongkut,Wala siyang magiging regrets na sana pumunta ako etc.Nagawa pa rin nya yung part niya bilang bestfriend bilang bestman."-Dom
"Haynako walang iiyak mamaya ah."-Josh
Sa pagkakataong ito,nilingon ako ni Josh na nasa front seat,nandito kasi kami ni Dominic sa backseat.Hindi na lang ako kumibo sa sinabi ni Josh.Bahala na.Alam ko naman na masasaktan ako kahit anong gawin ko e.Ang mahalaga lang talaga ay makarating ako.Gusto ko na rin talaga makita ulit si Troy,magpapaliwanag ako sa lahat ng ginawa kong pagiwas,Kahit magalit siya ay sasabihin ko na sakanya yung tunay na dahilan ng pag alis ko.Kasal na naman siya sa mga oras na makakapag usap kami,hindi na siguro yun magiging issue pa.
"Mongkut?okay ka lang?"-Josh
"Oo,Kinakabahan lang ako."-Sabi ko
"Haha,Ano feeling bride lang?Hinihintay kana ni Troy sa simbahan yiee!"-Dom
"Kung pwede lang e."-Ako
"Baklaaang twooo!!"-Josh
"Nandito na po tayo sa simbahan."-Driver
Sabay sabay kaming napatingin sa bintana ng sasakyan,Ng huminto ito sa tapat ng isang simbahan.
"Ito na ba ang San Agustin Church?"-Dom
"Ito na po iyon"-Driver
Nagmamadali na akong bumaba ng sasakyan,hinayaan ko nang sina Dominic at Joshua ang magbayad ng sinakyan namin.Patakbo akong pumunta sa pintuan ng simbahan.
"Troy?Do you take this woman to be your wife?"
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pagsasalita ng Pari,na late ako ng dating,nagumpisa na ang kasal.Nandito ako ngayon sa likod ng pintuan ng simbahan naghihintay sa isasagot ni Troy.Parang hindi ko kayang marinig ang isasagot ng taong mahal ko.Parang mali yata ang ginawa kong pagpunta dito.Hindi ko maiwasang mapaiyak.Naramdaman ko naman na lumapit sa akin sina Dominic at Joshua.
"Kaya mo ba?"-Josh
Tumingin lamang ako sakanya.
"Mali ba na pinush pa kita?"-Dom
"Hindi dom,choice ko ito."-Ako
Niyakap naman nila ako.
"Pero kanina pa si Troy tinanong ng pari ah?Bakit hindi pa siya sumasagot?"-Josh
"Silipin mo kaya Mongkut?"-Dom
Dahan dahan akong sumilip sa pinto ng simbahan,nakita ko si Troy,nasa altar napaka guwapo niya pa rin.Parang walang pinagbago.Patuloy lang ako sa pag iyak.Hindi ko na kaya pang manatili dito.Ayos na itong ginawa ko na pagdating sa kasal niya kahit hindi pa niya malaman.Masyadong masakit ito para sa akin.
Tumalikod na ako at naglakad na palayo mula sa simbahan.Sumunod naman sina Joshua at Dominic sa akin.
Habang naglalakad ako may isang boses akong narinig.
"MONGKUT!!!!"
Agad ko itong nilingon at laking gulat ko ng makita ko si Troy.Agad napalitan ng kasiyahan ang aking mukha ng makita ko siyang muli.
"Thirak.."-bulong ko
Patakbong lumapit sa akin si Troy,patakbo ko rin siyang sasalubungin ng mangyari ang hindi inaasahan.
BEEEEEEP!!!!
Nakahiga ako ngayon sa kalsada,
Nakatingin ako kay Troy na nakahandusay din.Nakakakita ako ng dugo mula sa damit niya,pilit niyang inaabot ang kaliwa kong kamay,ganun din ang ginagawa ko.Masakit ang buo kong katawan.Pero pinipilit ko ding hinahawan ang kanyang kamay.
"Chan k rak khun hemuxn kan"-Troy
(Iloveyoutoo)
Nagdidilim na ang paningin ko,hindi ko na kaya....
"Troy"...-sabi ko
(End of Mongkut's POV)