[Troy's POV]
[[ Flashback before the basketball finals]]
Kasalukuyan akong nakasakay sa elevator papunta sa condo unit ng aking bestfriend na si Mongkut.Isosorpresa ko siya ngayon.May ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita o nakakapag bonding dahil na rin sa halos araw araw na training ng team.Pursigido kasi kami sa team na ipapanalo namin ang season na ito,dahil karamihan sa amin graduating na sa taong ito at huling laro na namin ito sa kuponan.Alam ko na naiintindihan ng bestfriend ko na hindi muna kami magkikita ng madalas,busy rin naman si Mongkut sa mga exams at thesis kaya hindi rin nun mapapansin na matagal na kaming hindi nagkikita.Buti na lamang at maaga natapos ang training namin ngayon,mapapasyalan ko ang matalik kong kaibigan.
"Excuse me Sir?Anong floor ka po?"
Napalingon naman ako sa babaeng nagsalita,yung elevator girl lang pala,tinatanong ako kung anong floor ako paparoon.Hindi ko pala napindot kung saang floor ako pupunta.
" Sorry,18th floor po ako."- Sagot ko
Ngumite lamang sya sa akin at siya na mismo ang nagpindot ng floor na pupuntahan ko.
Habang umaandar pataas ang elevator,lalo akong na excite na makita si Mongkut,sobrang namimiss ko na sya,Hindi ko naisip na magiging busy kami sa buong college life namin,Ako sa basketball at siya naman sa mga group studies na pinamumunuan niya.
Mga bata pa lamang kaming dalawa palagi na kaming magkasama,kaya sa tagal naming hindi nagkita for sure marami na kaming pagkukwentuhan.Mag aasaran,kakain ng paborito naming shawarma at walang katapusang pustahan kung sino sa aming dalawa ang mananalo sa paglalaro ng video games partikular sa larong mortal combat.
Tiiiiing!!!!
Napatingin ako sa itaas na bahagi ng pintuan ng elevator nandito na pala ako sa 18th floor.
"Ingat po sir."-elevator girl
"Thanks."-sagot ko.
Muling ngumite sa akin ang babae sa elevator bago sumara ang pinto.
Parang napaka saya ng araw na ito,parang lahat ng nakakasalubong ko ngayon ay masasaya,for sure ganoon din si Mongkut.
Naglalakad na ako papunta sa unit ni Mongkut ng bigla na lamang akong nakadama ng kaba.Bigla akong napahinto sa paglalakad.Ano bang nangyari sa akin?Mabilis ang pagtibok ng puso ko.Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko ngayon.
Agad kong kinuha sa gym bag ko ang cellphone ko,nagtext ako kaagad sa parents ko kung nasa maayos ba silang kalagayan.May ilang minuto akong nag antay sa mga reply nila sa akin,at nang malaman kong okay naman sila,napanatag na ako at muli nang naglakad.Guni guni ko nga lang ba ang pakiramdam na yun o may mangyayari nga talagang masama ?Bahala na.
Nasa tapat na ako ng pinto ng unit ni Mongkut.Kakatok na sana ako ng mapansin kong nakabukas ng onti ang pintuan ng condo unit nya.
Tamang tama ito,sosorpresahin ko na lamang sya at gugulatin.After ilang buwan na hindi pagkikita nagkaroon din ako ng pagkakataon na bisitahin sya.
Dahan dahan akong pumasok.Pagkapasok ko palang ay may mga nakita na akong mga nagkalat na damit.Damit ng babae at lalake.
Puting polo,pantalon,short shorts,brief,panty at bra.May kasama ba dito si Mongkut?Mukhang ako yata ang nasorpresa.
Dahan dahan pa rin akong naglalakad sa hallway ng unit ng kaibigan ko.
Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko,pinagpapawisan ako ng malamig,nangangatog din ang buo kong katawan.
Tama nga ba itong ginagawa ko?Hindi ba mali ang alamin ko ang pribadong buhay ng kaibigan ko?May kung sa isip ko na nagsasabi na mali ang ginagawa ko at meron din namang sumasagi sa isip ko na alamin ko kung sino ang kasama ni Mongkut.
Pero mas nangingibabaw sa akin ang malaman kung sino ang kasama ni Mongkut?
Patuloy ako sa paglalakad ng halos walang yabag,gusto kong makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ni Mongkut.
Bakit ba parang may sakit akong nararamdaman?Bakit ko ba ginagawa ang kinikilos ko ngayon?Alam kong mali ito.
Bahagya akong tumigil sa paglakad ng makarating ako sa tapat ng mismong pinto ng kwarto ni Mongkut.
Hindi ko kayang makita ang kung anoman ang meron sa likod ng pintong ito.Akma na sana akong aalis ng may marinig akong boses na nagsalita.
"Matagal ka pa ba diyan?"
Muli akong napatingin sa pinto ng kwarto ng matalik kong kaibigan.May kasama nga siya sa loob.May kirot sa puso ko sa mga oras na ito,nakakaramdam din ako ng galit.Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito.
Diba dapat matuwa ako para sa kaibigan ko dahil may nagpapasya na sakanya bukod sa akin na kaibigan lang niya?Muli akong lumapit sa pinto,nakabukas pala ito ng kaunti kaya masisilip mo ang nasa loob,kaunting siwang.
"Wait lang,patapos na ako."
Lalo akong nagulat ng marinig ko ang tinig ng isang babae na nasa loob din ng kwarto ni Mongkut.Tanging ilaw lang na nagmumula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa buong paligid,Nakita ko si Mongkut,nakatayo sa tapat ng isang malaking glass cabinet.Walang pang itaas na damit at tanging tuwalya lang na kulay puti ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan nya.
"You want to join me in the shower?"
Napaatras ako ng muli kong marinig ang boses ng kasamang babae ni Mongkut.Marahan kong isinara ang siwang ng pinto ng kwartong ito.
Ano bang nangyayari sa akin?Bakit ako nasasaktan?Para saan ang sakit na ito?Marami na ba akong hindi alam sa kaibigan ko?Tumalikod na ako sa pintuan ng kwarto ni Mongkut,aalis na ako,ayaw kong makaistorbo sa kung ano mang gagawin nila.Nang muli kong makita ang mga nagkalat na damit dito sa hallway ng condo unit nya.Pinulot ko ang polo ni Mongkut,school uniform nya ito.Tinititigan ko itong maige.Nagbalik sa alaala ko ang isang pangyayari na pinanghahawakan ko.
[[Flashback Highschool]]
"O?bakit ka ganyan ka makatingin?Hoy!Hindi masama ang magsabi ng mahal kita sa isang kaibigang lalake."-sabi ko
Nagtataka na tumingin sa akin si Mongkut ng sabihin ko sakanya na mahal ko siya.Nahiya tuloy ako at agad ng umiwas ng tingin.
"Haha.Nababakla kana yata sa akin e?"-biro ni Mongkut na may tawang nakakaloko
"Hindi ah."-sagot ko
Tumawa naman ang bestfriend ko ng akala mo e may nasabi akong nakakatawa.Masama bang magsabi ng mahal mo ang isang kaibigan?O awkward lang dahil pareho kaming lalake at bibihira lang magsabi ang mga kalalakihan ng "iloveyou" sa kapwa nila.
Patuloy lamang sa pagtawa si Mongkut,habang ako bahagya ng naglakad palayo sakanya.
"Hoy!Saan ka pupunta?Biro lang ito naman masyadong pikon."-Mongkut
"Hindi ako pikon,may klase pa tayo.Kailangan na nating bumalik sa classroom."-sabi ko
"Oo na!Basta ako,kung magkaka girlfriend din ako,tulad mo,Ikaw rin ang uunahin kong makaalam.Pero sa ngayon mas masaya akong kasama ka."-Mongkut
Napangiti naman ako ng bahagya.Patuloy naman ako sa paglalakad.Masaya na marinig mo rin sa isang kaibigan na isa ka sa mga taong tinuturing nyang pamilya.
"Troy!!!!"
Sigaw ni Mongkut,may kalayuan na kasi ako sakanya.
"Ano?!!"-sigaw ko
"Mahal din kita!!"-Mongkut
Bigla akong napahinto sa paglalakad.
Bigla akong nakadama ng kaba.
Mahal niya ako?
Bakit ganito ba ako lately?Parang lahat na lang ng sinasabi at ginagawa ni Mongkut sa akin ay parang lahat may kahulugan.
Ano ba itong nararamdaman ko?Normal ba ang ganito sa dalawang lalake na matalik na magkaibigan?
Nakakaramdam din ba si Mongkut ng ganitong pakiramdam?
******
Pare mahal mo raw ako
Yan ang sabi mo raw
Nang minsan ay malasing tayo
Hindi kita sinisisi galit ay wala ako
Pare pag-usapan natin to
Pare ako raw ang yong gusto
Yan ba ang lihim na sa aki'y sasabihin mo
Hindi ako iiwas di lalayo sa yo
Pare pag-usapan natin to
******
Papalingon na sana ako kay Mongkut ng bigla nya akong itulal sanhi para ma out of balance kami pareho.
*****
Wala namang mababago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ron pasensya na
Di ko makakaya
Pare kaibigan lang kita
*******
Kasalukuyan kaming nasa isang awkward na position ni Mongkut.Nakahiga sya sa sahig habang nakapatong naman ako sakanya.
Nagtatama ang aming mga mata.
May kung anong kuryenteng kumukonekta sa aming dalawa.
"Troy?"-Mongkut
*****
I've known you for so long
You are a friend of mine
But is this all we'd ever be?
I've loved you ever since
You are a friend of mine
But babe, is this all we ever could be?
You tell me things I've never known
I've shown you love you've never shown
But then again, when you cry
I'm always at your side
You tell me 'bout the love you've had
I listen very eagerly
But deep inside you'll never see
This feeling of emptiness
It makes me feel sad
But then again I'm glad
********
May ilang minuto na kami sa posisyong hindi kaaya aya.Walang may gustong bumasag ng katahimikan,kaya ako na mismo ang gumawa nito.
Inayos ko ang aking sarili at umupo sa sahig ng rooftop,gumaya rin si Mongkut.
"Sorry."-sabi ko
"Hindi mo kailangan mag sorry ako yung tumulak sayo kaya tayo na out of balance."-sabi ni Mongkut
Tumingin ako sakanya,nakayuko sya.Siguro nahihiya ito dahil sa nangyari,Alam ko naman na hindi niya sinasadya yun.Muli na aking tumayo at nagpagpag ng pants at polo ko naalikabukan kanina nung natumba kami.Nananatiling nakaupo si Mongkut,kaya inilahad ko ang aking kanang palad at iniabot ko sakanya.Napatingin naman si Mongkut sa akin.
"Tara na?Baka malate na tayo?"-sabi ko
Ngumite rin naman si Mongkut at humawak rin sa kamay ko,pagkatapos ng araw na ito naging mas malalim pa ang pagkakaibigan naming dalawa.
[[End of flashback highschool]]
Hawak ko pa rin ang school uniform ni Mongkut na pinulot ko sa sahig.Halos mapilipit ko ito sa sobra kong pagkainis.
"Nilock mo ba yung pinto?"
Narinig kong sinabi yan ng babaeng kasama ni Mongkut kayat mabilis akong lumabas ng condo unit nya.Sa pagmamadali kong makalabas,hindi ko nabitiwan ang uniform ni Mongkut kayat inilagay ko na lamang ito sa loob ng gym bag ko.Nagtago ako sa isang sulok dito sa labas ng unit ng kaibigan ko,mula rito kitang kita ko na isinara at nilock ni Mongkut ang pintuan ng kanyang condo.
Gaganti ako.
Ipaparamdam ko kay Mongkut na nasaktan ako sa hindi nya pagtupad ng sinabi nya noon sa akin na sasabihin nya sa akin,kapag may nobya na siya.
Sobra akong nasaktan.
Mabilis lumipas ang mga araw,
Dumating ang araw ng finals,
Nanalo kami,
At ang unang taong hinanap ko ?walang iba kungdi si Mongkut.
Sa araw na ito,alam kong masaya siya para sa akin dahil nanalo ang team at sa araw ding to ako gaganti sakanya.
Hindi nya talaga ipinaalam sa akin na may nobya na sya kahit pa minsa ay nagkakasalubong kami sa mga hallway dito sa school.
Gusto ko makaganti sa ginawa nyang paglilihim sakin na may nobya na sya.
Gusto kong maramdaman nya yung sakit na naramdaman ko nung araw na malaman ko yung lihim nya.
At nangyari nga iyon.Nakita ko sya,Tinawag nya ako.
"Troy!"-sigaw nya
"Mongkut!!"-sigaw ko
Ipinakita ko sakanya ang trophy na natanggap ko.
"Congratulations!!!"-sigaw nya
Lumalapit sya sa akin nung araw na iyon,napaka saya nya ngunit biglang dumating ang magpapabago sa relasyon naming magkaibigan.
"Babe !You made it!We made it!"
Hinalikan ako ng girlfriend ko infront of my best friend.Kitang kita ko ang pagkabigla ni Mongkut,hinalikan ko rin ang nobya ko habang nakatingin ako sa matalik kong kaibigan.
Sa mga oras na iyon alam kong nakaganti na ako sakanya,sa ginawa nyang pagtatago sa akin na may girlfriend na sya.
Halos hindi gumagalaw sa kinatatayuan nya si Mongkut,sa wakas naramdaman na rin nya yung sakit na naramdaman ko nung malaman kong nagtago sya ng lihim sa akin.Para maasar pa sya lalo ay iniwanan ko sya ng salitang...
"Mongkut!See you at the victory party!"-muli kong sigaw
Pagkasabi ko nyan ay umalis na kaagad kami ng girlfriend ko,ipinakilala ko sya sa mga kateam mates ko at si Mongkut?Kitang kita ko ang pag wo-walkout nya.
...…...
Nakaganti nga ako pero ito pala ang magiging dahilan ng pagkasira naming magkaibigan.
Gabi ng victory party,masaya ang lahat,maliban sa isang taong ginantihan ko,dahil naging makasarili ako hindi ko alam na mas masasaktan pala sya sa ginawa ko.
Iniwan ko ang team mates ko na nagkakasiyahan sa isang sulok dito sa bar.
Nakita ko kasing lasing na lasing na si Mongkut alam kong hindi nya gawain ang uminom ng alak..Lumapit ako sakanya.
Shit!!!Hayaan mo na ng malaman nila!Hayaan mo ng malaman ni Troy!!-sabi ni mongkut
"Ano yun Mongkut?."-tanong ko
Tinignan ako ng best friend ko ng makahulugan.
Troy!Iuuwi na natin si Mongkut lasing na sya kaya kung ano ano nang sinasabi alam mo naman ito hindi marunong uminom."-Claire
"Ano bang problema Mongkut?Hindi ka naman umiinom diba?"-Sabi ko
"Gago!Wala kang pakielam sakin!"-sabi ni Mongkut
Pilit na umaalis si Mongkut sa kung san kami naguusap waring iniiwasan ang tanong ko.Hinawakan ko sya.
" Im Sorry kung hindi ko nasabe sayo ang tungkol kay Joharra."-Sabi ko
Muling humarap sa akin si Mongkut.
"Im sorry Mongkut."-ulit ko
Tinititigan lamang nya ako.
"C̄hạn rạk khuṇ"- sabi ni Mongkut (iloveyou)
Nagulat ako ng marinig ko na sinabi nya yan.Hindi ko akalain na sasabihin nya ang mga salitang iyon.Nang malaman ko na pareho kami ng nararamdaman sa isat isa,Alam ko na ngayon kung ano talaga ako at si Mongkut ang naging sagot sa mga katanungan kong iyon.Higit sa pagiging magkaibigan pala ang turingan namin.Kaya pala.Ang tanging naisip ko.
"Mongkut?"-sabi ko
Sasagot na sana ako sa sinabi niya kanina para matapos na ang lahat ng kaguluhan na ito ng muli syang magsalita..
"C̄hạn rạk khuṇ lā k̀xn"- sabi ni Mongkut (iloveyou goodbye)
Ngunit hindi pa man ako nakakapag salita ay mabilis na syang umalis,akala ko maaayos pa namin ito,pero hindi na pala.Dumating ang graduation namin na hindi sya nagpakita sa akin.Nalaman ko na lang paalis na sya papuntang Thailand ng araw ding iyon.
Masakit pala,
kapag nalaman mong mahal ka din ng taong mahal mo kaso wala kang lakas ng loob na ipag sigawan ito dahil pareho kayo.
Parehong lalake na may pusong babae na syang nakakulong sa hawla ng mapanghusgang lipunan.
Lipunang hindi tanggap ang pakikipag relasyon ng magkatulad na sekswalidad.
Kaso namin ni Mongkut?
Tadhana na ang pumigil sa hindi pangkaraniwang pagmamahalan.
Minabuti kong itago na lang ang tunay kong nararamdaman sa best friend ko.Mas mabuti nang wala nang makaalam pa ng lihim ko.
Pangangatawanan ko na,na Straight ako.
...........
Sampung taon na ang lumipas ,
Nandito ako ngayon sa harap ng altar,
Kasama si Joharra,Ikakasal na ako sa taong hindi ko tunay na minamahal,Napikot lang ako ng sabihin ni Joharra sa lahat na buntis sya.Minadali ang plano ng kasal namin at wala na akong nagawa pa.Marahil ito talaga ang itinakda sa akin ng Diyos,ang itama ang baluktot kong pagkatao.
"Troy?Do you take this woman to be your wife?"
Tinitigan ko si Joharra,tama ba itong ginagawa ko?
Tumingin ako sa pintuan ng simbahan,hindi talaga sya dumating.
Siya ang best man ko,Siya din ang mahal ko.Ngunit kinalimutan na nya ako.
"Troy?"-tanong ni Joharra
Muli akong tumingin sakanya at sa pari sasagot na sana ako,kahit hindi ko gusto gagawin ko na lang kesa mapayhiya ako at si Joharra sa mga taong nandito
Muli akong lumingon sa pintuan ng simbahan.
Wala talaga si Mongkut.Aalisin ko na sana ang paningin ko sa lugar na iyon ng biglang dumating ang taong nasaktan ko.Ang taong nagpaalam kung sino talaga ako.Ang bestfriend ko.Ang best man ko.
Si Mongkut...
Walang sabi sabi ay tumakbo ako,iniwan ko sa altar si Joharra,mas gusto ko na lang na mapahiya ako sa mga tao kesa muling iwan ulit ng tunay kong minamahal.
...
[End of Troy's POV]