Chereads / Unopened Letter / Chapter 2 - Chapter Two

Chapter 2 - Chapter Two

Chapter Two

"Welcome back!" masayang salubong sakin ni Zinea. "Mukhang maganda ang naidulot sayo ng bakasyon ah, you look fresh."

"Thanks friend." sagot ko then kiss her on her cheek. "Here's your keys. Sinara kong mabuti ang lahat ng bintana at pinto. Binunot lahat ng saksak ng kuryente at sinigurong sarado ang LPG tank."

Natawa ito. Yun kasi ang exact na bilin nito over and over bago ako umalis para magbakasyon.

"No more hugasan and left over foods?"

"No more Madam!' :)

"Very good Tamara!"

Habang nagtatrabaho, napapansin ko na panay ang sulyap sakin ni Zinea. Pinilit ko na lang na ignorahin at magfocus na lang sa trabaho.

Lunch break at coffee breaks in between ay hindi kami nakapag chikahan dahil sa dami ng trabaho. Hindi din kami sabay umuwi.

Pagdating sa bahay. I check my phone, may isang miscall at isang text galing kay Khaile.

Tam, come home safe. I love you.

I type my reply. Home already. Be safe. God bless :* ILYtoo.

I text him back. Not because I want to, but because I feel like I have to.

The sparks were gone.

Two weeks ago, maaring wala na nga kaming spark. But after meeting Aldrich? Did the love is gone, too?

I put my phone back inside my bag. Nilabas ko yung purse ko at pouch ng make up kit sa bag at pinasok sa aparador ang bag.

I get the other bag. Regalo ito ng Tita ni Zinea ng umuwi from States last year. Parang feel ko gamitin ito ngayon.

Isinilid ko doon ang make up kit at purse ko.

Nag shower ako at naghanda na para matulog.

"I'm glad to know na kumakain ka ng street foods."

Makislap ang pilyong mga mata ni Aldrich.

"Oo naman. Prinsesa ba ako. Noong college ako sa mga street foods lang ako nakasurvive."

"Hmm. You live in Lopes Vill. Only rich ones could afford a house there. Lalo't vacation house lang."

"Ah. Yun ba. Sa friend ko 'yon. Si Zinea. Pinahiram lang."

Napatango lang si Aldrich. "Zinea Paredes?"

"Yuph. You know her?"

"Yea. Paredes din kasi ang mga may ari noong address na yon. At first, I thought nabenta na sa'yo."

"Ang dami mo ng na-research about me ah." sabi ko at sinubo ang huling fishball sa plastic cup na hawak ko.

"Medyo. Actually maliit lang ang San Florencio. Halos magkakakilala na ang mga matatanda dito. So, hindi naman mahirap tuntunin kapag may bagong mukha." he drinks his samalamig. "Ihaw ihaw naman?"

"Grabe naman ang bituka mo! Hindi ba napupuno yan?" kanina pa kami kain ng kain ng kung ano ano.

"Napupuno naman. Matagal nga lang! Hahaha" sumampa itong muli sa motorsiklo nito. "Tara, may alam akong bilihan ng masasarap na ihaw ihaw."

Wala ko nagawa. No choice kundi umangkas dito. No choice? Eh gusto ko din naman. Hahaha

Ang huling sampung araw ko sa San Florencio ay naging masaya because of Aldrich. Although, very vocal ito sa pagsasabing gusto niya ko hindi naman ito bumabanggit ng anuman about sa 'panliligaw' thing. So ayoko mag assume. Mahirap kaya yon! Masakit. Hehehe.

Tinrato niya kong tropa. Madaming bagay kaming napagkakasunduan and slowly, nailalabas ko ang dating ako. No! The REAL ME. Yung ako bago ko nakilala ang Dentist ko'ng boyfriend. Si Khaile. When I'm with Aldrich, I could eat whatever I wanted. I could laugh loudly. I could back ride in a motorcycle.. Ako yung jologs, balahura at cowboy na si Tamtam.

Mga bagay na hindi uubra kay Khaile. With him I should be prim and proper always.

"Ang ganda dito, Aldrich!"

dinala niya ko sa burol. Mula doon tanaw ang kanayunan ng San Florencio.

"Masaya ka ba kapag kasama ako Tamara?" nanibago ako sa seryosong tinig nito.

I look at him. "Of course.. A-aldrich .. w-what's wrong?"

"Tam.. " before I knew, his lips met mine. Tila huminto ang lahat sakin. That moment, siya lang at ako.

"A-ldrich .. "

"Tam .. I like you .. at first!" he hold me at my hips. Lalo akong dinikit sa kaniya. "But as time goes by, unti unti .. I fell in love with you. You feel the same for me too? Right?"

"A-aldrich .. It isnt right." kinalas ko ang mga kamay niya. "May boyfriend na 'ko."

"I know." puno ng pagsuyo ang mga mata nito. "Nakita ko sa gallery ng phone mo may mga pictures kayo. But, I don't care. Nagtitiwala ako sa nararamdaman ko. We have spark."

"Spark is not enough."

"But we could start there. Will you give me a chance?"

Naguguluhan ako. Nakaka overwhelm ang mga pangyayari. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Nagpahatid na lang ako sa bahay ni Zinea at sinabi kong pag iisipan ko ang lahat. Hindi ako makatulog ng gabing yon. Ng magising ako kinabukasan naroon na sa harap ang kotse ni Khaile, blowin' his horn.

Natataranta ko pang chineck ang date sa cellphone ko. Today na pala ang araw ng balik ko sa Manila. On time lang si Khaile sa usapan.

Mabilis akong nag empake habang hinahain nito ang dalang take out breakfast.

Good bye Aldrich. Salamat sa masayang bakasyon .... at sa masarap na kiss ...