Chereads / Unopened Letter / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

Chapter Three

"You look haggard! Aga aga. Stressed sa traffic , Be?" salubong ng workmate ko na si Jill. Katabing desk ko siya.

"Medyo. Si Zinea?" I took a glace at her desk. Maayos pa ito. Wala pa siya.

"Hindi papasok." tugon ni Jill.

Naupo ako. Gusto ko sana itext si Zinea kaso wala nga pala akong dalang cellphone. I start working. Madami akong nakatenggang work, I have to divert my mind para hindi na maisip si Aldrich.

"Hmm. Jill .."

"Yes?"

"Bakit daw hindi papasok si Zinea?"

"Uuwi daw yung parents niya from States.. I'm not sure ah, na-eavesdrop ko lang."

"Uhm. Thanks. Wala kasi akong dalang phone."

Tumango lang siya at muling ngumiti. Well, yun ang wala ako. Si Nanay Mildred na lang ang nakagisnan kong pamilya. She's not my real mom. Labandera lang siya at sa squatter lang kami nakatira.

Hindi siya caring at masasabing mapagmahal. Lagi siya nakasinghal.

Istrikto din siya sa lahat ng bagay. Maaga ako natuto ng mga gawaing bahay at mag asikaso sa sarili ko dahil sa turo niya.

Gusto niya din seryosohin ko ang pag aaral ko, walang halong relaxation at konting pag eenjoy ng kabataan.

She also taught me how to be street wise and dont trust anyone. Wag papaloko at wag papalamang sa kapwa.

Hindi din daw dapat maging humble palagi, kailangan itaas mo din minsan ang sarili mo para hindi apakan ng ibang tao.

Tinaguyod niya ko sa pag aaral ko hanggang college ng hindi ako pinayagang mag part time job.

Alam ko, hindi lang siya showy, pero mahal niya ko. Inaruga niya ako kahit hindi niya ako kaano ano.

Minahal ko siya na para kong tunay na ina. Gusto ko ialay sa kaniya ang aking diploma.

Pero hindi siya nagpunta sa graduation ko sa college. Pag uwi ko sa aming maliit na bahay, walang tao. Medyo magulo sa loob. Sabi ng kapit bahay sinugod daw sa ospital si Nanay Mildred.

Agad naman akong sumugod don. Nakita ko ang bestfriend ni Nanay, si Tiya Lena. Umiiyak ito. Inabot niya sakin ang isang sulat. Nanginginig ang kamay na binuklat ko yun para basahin .. sulat kamay ni Nanay.

Tamara anak,

Patawad hindi ko sinabi na may taning na ang buhay ko.

Gusto kita makita na nagtatagumpay sa buhay, hanapin ang mga walang kwenta mong magulang na nag iwan sayo sa tambakan ng basura at ipamukha sa kanilang

matagumpay ka na.

Patawad anak. Hindi ko na kaya. Mag iingat ka palagi at wag mo hahayaang hamakin ka ng kahit na sino.

Lagi mong tatandaan ang mga pangaral ko. Hindi ko man nasasabi, sana nararamdaman mo MAHAL NA MAHAL KITA anak. Ikaw na ang naging buhay ko.

Patnubayan ka ng Maykapal. Panatag na ko maiwan kang nag iisa, hinanda na kita na hindi umasa kaninuman.

Salamat at dumating ka sa buhay ko. Paalam.

Nagmamahal,

Nanay

Tigmak na ang luha ko. Hindi ko maabsorb ng buo ang mga pangyayari. "T-tiya .. kamusta si Nanay k-ko?"

She just cried. Umiling iling ito. Hindi na makapagsalita.

Agad umakyat ang panic sa akin. "A-anong nangyayari Tiya?! Speak up! Please! Tiya!"

"W-wala na s-siya .. ---"

Tila nanlaki ang ulo ko sa narinig. "N-no! Nannnaaayyyyy"

Tila ako pinagsakluban ng langit at lupa pero hindi ako pinalaking mahina ni Nanay Mildred. Tumayo ako at pinahid ang luha. "Pwede niyo po ba ako samahan sa kaniya?"

"Kaya mo na ba? Pwede namang ako na muna roon, anak." nag-aalalang alo ni Tiya Lena.

"Kaya ko po." I tried to control my voice. Tatapusin ko munang asikasuhin si Nanay bago ako magluksa.

Matatag kong nalampasan ang pagluluksa. Nabuhay ako ng maayos at nakaalis sa squatter's area dahil sa iniwan sa aking diploma ni Nanay.

Binenta ko ang rights ng bahay namin para kumuha ng apartment na malapit nakuha kong trabaho.

And my life had another shade of color when Khaile came to it. Naging masaya ako sa mga sumunod na taon ng buhay ko, pero minsan naiisip ko din ang sinabi ni Nanay sa sulat na gusto niyang makilala ko ang mga magulang ko at ipakita sa kanilang ito ang sinayang nilang anak.

Napahugot ako ng hininga habang tinitignan ang mga patong patong na papel sa harap ko. Nawalan na ako ng ganang tapusin ang mga nabinbin kong trabaho ng maalala si Nanay Mildred. I miss her so much.

"Kape, Be." ibinaba ni Jill ang isang coffee mug sa desk ko. Natakam akong bigla sa samyo ng mainit na kape.

"Thank you ha."

"Ang lalim ng iniisip mo eh. Ayusin mo ng sarili mo para makalahati mo man lang 'yan." she smiled.

I smiled at her too saka muling pinilit na ituon ang isip sa trabaho. I love my job and I don't want to lose it. Ayoko rin mawala sa kompanyang ito. I love it's ambiance and it feels like a second home to me.