Chapter Four
I'm so tired! Sobra ko pang namimiss si Nanay. Bakit ba naman kasi naalala ko na naman siya.
Iniiwasan ko na ngang balikan ang mga sandali na yon.
Natupad ko ang mga pangarap ni Nanay para sa akin.
Pwera sa hanapin ang mga magulang ko. Ayoko na, para saan pa? Masaya na ko na si Nanay Mildred ang naging Nanay ko. I don't need them.
Pagbaba ko ng taxi, nakita ko si Khaile na nakaupo sa harap ng kotse niya na nakaparada sa harap ng gate ng bahay ko.
"Kanina ka pa?"
"Medyo. You're not answering your phone." malamig ang tono nito.
Kinabahan ako sa aura ni Khaile. It seems something will gonna happen tonight.
"Pasok ka. Coffee?"
"You know that I dont drink coffee Tammie."
Natigilan ako. How could I forget that. --.-- "I'm sorry. Igagawa kita ng gatas."
"No, dont bother. I wont take long."
"Sit."
Naupo kami sa magkabilang sofa. He look straightly into my eyes. Lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Tammie, something's wrong between us. Hindi ba?" diretsong pahayag niya.
"Khaile .. hindi ko din alam kung ano yung something na yon .. na.. naguguluhan din ako."
"Nagkukulang na ba ako?"
"You're too much. Khaile, believe me. Hindi ko alam ang gagawin ko .. ang sasabihin ko .. wala ako maintindihan."my tears began to flow.
Ang lakas ng kaba ng puso ko. Para itong sasabog sa lakas ng tibok. Hindi ko alam kung anong pinaggagalingan ng problema namin pero ayoko rin ng komprontasyon dahil ayokong maging solusyon ang maglayo kami.
"Sshh . Don't cry. I can't stand to see you crying. Mahal kita Tamara. I only wants what's best for you."
Lumipat ako sa kaniyang tabi. Yumakap ako sa kaniyang mga bewang. I feel him hugging me back.
"K-khaile .."
"Nararamdaman ko lahat. Pero ayoko magpadalos dalos. Pero kailangan may gawin tayo para masiguro na tayo nga talaga. We can't stay like this forever. Ugatin natin ang problema. Why the sparks is gone.."
Banayad lamang ang tono niya. Tila pinag-isipang mabuti ang lahat at ramdam ko, in between his words may desisyon na siyang nabuo.
"W-what do you mean .. ?"
"Aalis muna ko. Mag aaral ako sandali sa New York para magpakadalubhasa pa. A year? Or two. Let's part ways muna .. Hanapin natin ang mga sarili natin .. Remember, I love you, Tammie. Ikaw ang buhay ko. Pero gusto ko mapasaakin ka ng buo. Siguro sa pagbabalik ko alam na natin kung mahal nga talaga natin ang isat isa. Magmahal ka ng iba. If you fail and still love me after, at ganoon din ako; I'll marry you .."
Umagos na ng masagana ang mga luha ko. "No, K-khaile no, please. Dont do this!"
Nagsisisi ako. Sa panlalata sa relasyon namin, sa mga sandaling pinagsama namin ni Aldrich. Pinagsisisihan ko na lahat! It pushes Khaile away.
Pakiramdam ko muli ako nawalan ng mahal sa buhay. Parang dinakot ang puso ko at piniga piga. Para akong mauubusan ng hangin at kinapos sa paghinga.
Sobrang sakit maiwan Muli kong naramdaman ang pag iisa ko. Muli kong naramdaman na kailangan kong patigasin ang puso ko para kayanin nito ang pag-atake ng kirot na walang katulad. Sakit na umuubos ng lakas ko at dahilan para magpatuloy.
The only thing that holds me is, Nanay expects me to be tough so I need to be one for her.
After all, it was all my fault!
Naramdaman ko ang marahan niyang pagkalas ng mga braso ko sa kaniyang katawan. Even his fingers feel cold in my arms...
I did nothing but to watched him stand on his feet and walk away.
The love of my life is now gone..
The spark is gone, but definitely not the love. It's still here. Damang dama ko ang kirot at kahugkangan sa espasyong inalisan niya sa buhay ko.
Mahal ko si Khaile. Dapat ayusin namin ito hindi ba? Dapat diba lagpasan namin ito? Bakit kami maghihiwalay?
Bakit niya kailangang umalis at dumistansiya sa akin? Did we really need space?
I tried to stand kahit sobrang nangangatog ang buo kong katawan. Lumakad ako palabas, ngunit wala na roon ang kotse ni Khaile.
"K-khaile..." nanginig muli ang mga tuhod ko at naramdaman ko ang pagbagsak ko paupo sa lawn.
That moment, I feel my heart breaks into pieces!