Chereads / This Magnetic Attraction / Chapter 9 - Chapter Nine

Chapter 9 - Chapter Nine

NATULIG si Xander sa tinuran ni Cassie dahil tutoo. Hindi nga naman legal na pag-aari niya ang babae. Mag-lovers lang sila. Walang commitment. No strings attached.

Gusto ba niya ng ganoon?

"I--I'm sorry," agap ni Cassie. Tila nagimbal rin sa ipinakitang puwersa ng damdamin. "Excuse me!" Dali-dali itong tumalikod at patakbong nagtungo sa comfort room.

Mabibigat ang mga hakbang ni Xander nang pumasok sa private office ng stepfather. Gusto rin niyang mapag-isa.

Parang latang-lata ang buong katawan nang maupo siya sa swivel chair. Lapat na lapat ang kanyang likod sa sandalan. Nakaunat sa harapan ang kanyang mga binti. Nakapikit nang mariin ang mga mata.

Kailangan mong mag-isip na maigi, Xander Kyrios, utos niya sa sarili. You will choose in between two evils. Ang pakawalan si Cassie--o ang pakasalan siya para may karapatan ka nang magselos!

Isusuko mo na ang iyong pinakaiingat-ingatang personal freedom? panunuya niya sa sarili.

Padaskol na tumindig si Xander. Nagpalakad-lakad sa palibot ng silid habang iwinawaksi ang huling opsyon.

Hindi siya dapat malabuan kahit masyadong mabilis ang mga naging pangyayari. Kahit pulos taliwas sa mga pinlano niya ang mga nangyari.

Wala sa plano niya ang magkaroon ng physical attraction para kay Cassie. Lalong wala rin ang magnasa siyang angkinin nang paulit-ulit ang sensuwal na katawan nito.

Kaya hindi siya dapat nag-iisip na pakasalan ang isang babaeng kay dali niyang nakuha at naangkin sa kama!

Ngunit pinukaw rin ni Cassie ang pagkamakasarili niya. Ang pagiging primitibo niya. Parang gusto niyang ikulong sa isang kuwarto ang babae upang siya lamang ang lalaking makikita nito. Upang hindi na maakit sa ibang lalaki si Cassie.

Is that you, man? bulalas ni Xander sa sarili, sabay bayo ng mga kamao sa ibabaw ng lamesang sulatan.

Nagugulat siya dahil hindi siya naging seloso kailanman. Kapag napansin niyang namamasyal na sa ibang lalaki ang mga mata ng mga dating girlfriends, agad na nakikipag-break si Xander.

Ngunit ngayon ay hindi niya ma-imagine na makakaya niyang palayain si Cassie.

Damn, damn, damn!

Yamut na yamot sa sarili si Xander. Sa sandaling panahon lang, napapagbuhul-buhol na ni Cassie ang buong pagkatao niya. Paano na kapag nagtagal pa ang kanilang relasyon?

"I must go away. This is crazy!" bulalas ni Xander.

Tila isang paalala, kumuriring ang teleponong may label na 'private line'. Halos pahaklit na dinampot ang receiver at idinikit sa teynga.

"Hello?" Pa-brusko upang maitago ang magugulong isipin.

"Hello, Xander?" anang hesitanteng tinig ng stepfather.

"Dad." Bumuntonghininga si Xander bago nagpatuloy. "Kumusta na kayo ni Mom?"

"Mabuti naman. We were invited for dinner by the ship's captain and we enjoyed every minute of it. Your Mom, especially."

"Good, good." Iyon lang ang nasabi niya dahil blangko na ang utak. "Tumawag ka raw kay Cassie kagabi?" Bigla na lang sumulpot ang tanong dahil natanaw niya sa bintanang salamin na lumalabas mula sa comfort room si Cassie.

"Sinabi niya sa 'yong tumawag ako sa kanya?" Halatang gulat na gulat si Jose Montes.

"Oo." Sinseryo ang tono ni Xander dahil tutoo.

Narinig niya ang pagbubuntonghininga ni Jose. "Cassie is sometimes so refreshingly honest. I'm not sure if I should be glad."

"How d'you know that?" Sumirit agad ang panibugho ni Xander bago pa makapagkontrol. "I mean, her being so honest." Mas gusto niyang maniwalang isang sinungaling at mapaglarong babae si Cassie.

"She's a candid woman. Ipapaalam niya agad sa 'yo kung ano ang talagang nararamdaman niya. And yet you'll be always guessing on what she's gonna do next," ang mahabang paliwanag ni Jose. "She could disarm with her openness."

Bahagyang napakunot ang noo ni Xander. Nagtataka siya sa mga impormasyong sinasabi ng stepfather tungkol kay Cassie. Para bang inirereto pa nito ang babae sa kanya...

"And I always believe that honesty is the best policy," dugtong pa ni Jose.

"Do you?" ang pauyam na sambit ni Xander. "Still?"

Isang mabigat na katahimikan ang saglit na naghari. Si Jose ang unang bumasag.

"I still do, son," ang seryosong tugon. "Kaya nga pumayag akong magbakasyon kami ni Elizabeth. Gusto kong magkaroon ng sapat na panahong maging matapat sa kanya muli."

"Somehow, I believe you, Dad," sambit ni Xander.

"Please do, son. I still love your mother very much."

"Thank you for loving my mom."

Isa na namang katahimikan ang namayani. Si Jose uli ang unang nagsalita.

"What are your plans for Cassie, Xander?" Lalong sumeryoso ang tono.

Parang inaasahan na ni Xander ang tanong na iyon. Ni hindi siya nagulat.

"I still don't know... but I--I'm attracted to her." I desire her, ang gustong sabihin ni Xander pero nag-alangan siya. Aywan kung bakit.

Naulinigan niya ang mahabang buntonghininga ng stepfather mula sa kabilang kawad.

Was it a sigh of relief or grief? tanong niya sa sarili.

"I give you my blessing, son. Try to be gentle and careful with her, okey? She had led a very hard life. Goodbye for now."

Naparalisa si Xander nang biglang maputol ang linya. Hindi na hinintay ni Jose ang tugon niya.

I give you my blessing... Bakit binasbasan siya ng stepfather? Nahulaan na ba agad nito ang pagnanasa niyang maangkin ng buung-buo--pati ang kaluluwa--si Cassie?

Parang napaso nang bitawan niya ang awditibo. Ang intercom naman ang pinindot niya.

"Yes, sir?" Impersonal ang tono ni Cassie.

At aywan kung bakit labis na ikinayamot ni Xander iyon.

"Bring me a cup of coffee," ang pa-bruskong utos niya.

Isang tasa ng umuusok na kape ang nasa silver coffee tray na dala ni Cassie nang pumasok sa loob ng pribadong opisina, makaraan ang ilang sandali.

"Lock the door," utos ni Xander. Nakatutok ang mga mata sa hugis-pusong mukha ng babae.

Saglit lang na natigilan si Cassie. Nakatitig rin ito sa kanya nang pakapang pinindot ng mga daliri ng isang kamay ang lock sa metal door knob.

"Come here." Halos paos na ang baritonong boses niya.

Labis na nakaantig sa pagkalalaki ni Xander ang tahimik na pagsunod ni Cassie sa gusto niya.

"I want you, Cassie," anas niya. "Here. Now."

Bahagyang bumuka ang mga labing hubad na naman sa kolorete ngunit matingkad ang pagkakulay-rosas. Unti-unting pumungay ang mga matang nagpapahayag ng lubos na pagpapaubaya.

"Cassie?" Mistulang estatwang walang katinag-tinag si Xander. Ayaw niyang kumuha hanggang hindi kusang ibinibigay.

"Yes," bulong ng malamyos na tinig-babae.

Nanginig si Xander. Para kasing hinaplos ng mga daliri ang kanyang gulugod. Sari-saring sensasyon ang gumapang sa buong katawan niya. Nagkakaganito na siya, hindi pa man nagdidikit ang kanilang mga balat. A, alipin na siya ng pagnanasa para kay Cassie!

Inilapag ng babae ang coffee tray sa office desk bago lumapit sa swivel chair. Bumuka ang mga hita ni Xander upang ipahiwatig ang direksiyong nais niyang puntahan ni Cassie. Walang imik na naupo ito sa kandungan niya.

"Ano'ng gusto mong gawin ko, Xander?"

Purong kahibangan ang naging epekto ng pabulong na tanong na iyon.

Napapikit si Xander.

"Halikan mo ako," ungol niya.

Dumilat siya nang dumampi ang malalambot na labi sa kanyang bibig. Si Cassie naman ang pumikit nang simulan ni Xander ang pasisid na paghalik.

Kapwa sila hinihingal at nababaliw na dahil sa labis na pagkapukaw nang saglit na naputol ang maalab na halik.

Inilipat ni Xander ang kaniig sa ibabaw ng lamesa. Hinila ng mga daliri ang laylayan ng makitid na palda hanggang sa beywang. Kinalas ang mga butones ng puting blusang uniporme, pati ang front hook ng bra.

Nang lumantad ang mayamang dibdib at ang nakakabighaning kambal na korona, lalupang nag-umigting ang mga kalamnan ni Xander. Sabay na sinakop ng bibig at isang palad ang tig-isang buton na kulay rosas.

Napaliyad si Cassie habang impit na umuungol.

Ang isa pang kamay ni Xander ay nagdudumaling kalasin ang belt buckle at ang zipper ng pantalon.

"Oh, woman, I need you!" bulalas niya. Halos hindi na makilala ang sariling boses dahil sa sobrang pagkapaos.

"I need you, too," daing ni Cassie. Kusang nagpatangay nang hilahin ng katalik pabalik sa kandungan.

"Oh, Xander!" Napasinghap nang magdaiti ang mga nagbabagang init. "Take me, take me..." Pangamol na ang mga kataga dahil nakasiksik ang bibig sa tagiliran ng leeg ni Xander.

Hindi na siya naghintay ng ikalawang imbitasyon. Hinawi muna ng mga daliri ang manipis na silk panty bago papisil na hinawakan ang maliit na beywang upang alalayan sa tamang posisyon.

Ilang sandali pa, kapwa na sila nakakulong sa isang munting daigdig na punum-puno ng mga umaalimpuyong sensasyon.

Naghari ang katahimikan sa paligid, na panaka-nakang binabasag ng mga sensuwal na kaluskos. Ng mga damit na nagugusot at nababanat. Ng mga paimpit na daing.

Sa kabila ng kahibangan, hindi pa rin nila nakakalimutang nasa loob sila ng isang pormal na opisina...

*****

Nabingi si Xander nang isa-isang sumasabog ang mga munting bomba sa loob ng isipan. Winawasak ang katinuan. Ang tanging naghahari ay ang masidhing pangangailangan.

At ang mas masidhing luwalhati habang ibinubulusok sila patungo sa kasukdulan.

Hindi na niya mapipigil ang paghulagpos ng malakas na ungol kaya siniil ng mariing halik ang mga labi ng kaniig habang niyayanig ng matinding climax ang kabuuan ni Xander.

Muli siyang napaungol nang maramdaman ang pagpitlag ni Cassie bago umalon ang panginginig sa buong katawan.

Matagal bago nagbalik sa normal ang paghinga at ang pagpintig ng pulso. Pati ang kakayahang magsalita.

"You're fantastic, honey." Pinuri ni Xander ang babae nang matagpuan ang boses.

Ngunit hindi man lang nagpasalamat si Cassie. Halatang hiyang-hiya ito nang magdumaling umalis mula sa payupyop na pagkakaupo sa kandungan ni Xander.

Hindi tumitingin sa kanya habang maliksing hinihila ng isang kamay ang paldang pumulupot sa beywang at tarantang hinahapit ng mga daliri ang bukas na blusa upang matakpan ang hubad na dibdib.

"E-excuse m-me..." Pahikbi na ang pagsasalita ni Cassie. Yukung-yuko ang ulo kaya nakatago ang namumutlang mukha sa mahabang buhok na kinalas ni Xander mula sa maayos na pagkakapusod habang nasa kainitan ng pagtatalik kanina.

"Cassie--" Napahinto si Xander dahil wala na siyang maapuhap na sasabihin. Blangko ang utak niya. Parang naging isang malinis na papel.

Hindi siya pinansin ng babae. Kahit pasuray, dali-dali itong humakbang patungo sa adjoining door ng comfort room.

Mas mabagal ang pagkilos ni Xander nang ayusin ang sariling pananamit. Dumaranas na siya ng delayed shock reaction.

Bago pa lamang humuhulas ang pamamanhid ng isipan. Bago pa lamang siyang nabibigla sa mga kabaliwang naganap.

Ngayon lang siya nakalimot nang husto sa sarili. Kailanman, hindi pa niya napaghalo ang business at pleasure.

A, Cassie, Cassie... Ano bang dapat kong gawin sa 'yo?