Chereads / This Magnetic Attraction / Chapter 11 - Chapter Eleven

Chapter 11 - Chapter Eleven

NANINIBAGO talaga si Cassie kay Xander. Naglaho na ba ang pagnanasa nito?

Pagkatapos samahan si Cassie sa bahay, na isinara niyang mabuti para sa isang buwang pagkawala, inaya siyang kumain ng lunch sa isang maliit na restawran.

"It's better here," ang nakangiting wika ni Xander. "Away from the office."

Bahagi ng isang maliit na shopping mall ang lugar. Malayo nga sa opisina.

"Isang buong araw na tayong wala sa opisina. Tumambak na ang mga trabaho sa desk ko."

"Dumating na ang mga assistants ko doon. Bahala na sila."

Nabigla siya. "P-pero hahanapin ako ni—Jose doon."

"You can speak to him anytime." Hinugot ni Xander ang celfone sa bulsa ng blazer.

"Um, alam ba niya ang tungkol sa—sa atin?"

"Gusto mo bang ipaalam?" Parang walang pakialam ang lalaki.

Umiling si Cassie. Bumuntonghininga bago kinuha ang celfone.

"Hello, J-jose? Cassie." Yumuko siya habang nakikipag-usap. Hinayaang lumugay ang mahabang buhok para makagpagtago.

"Hello, Cassie? Nag-aalala ako sa iyo. Hindi mo sinasagot ang telepono sa bahay at sa opisina."

"Um, mawawala ako ng isang buwan. May-may kailangan ako gawin."

Alam niyang nakikinig si Xander kaya hindi siya magbibigay ng detalye kay Jose.

Natahimik sandali ang kabilang linya. Naghintay siya.

"Celfone ni Xander ito. Ibigay mo sa kanya, please."

Walang imik na tumalima si Cassie. Katulad ng inaasahan, walang tinag ang lalaki. Matamang nakikinig sa kanya. Hindi niya namalayang nakahinto ang sasakyan sa loob ng parking lot.

"Yes. No." Tumikhim ang lalaki. "I don't know. We will see."

Ibinigay uli sa kanya ang celfone. Napalunok siya nang makasalubong niya ang masidhing pagtitig.

"Take care, Cassie. I love you, hija."

"You, too. S-same here." Hinawakan pa niya ang celfone matapos pindutin ang 'off'.

"Cassie..." Pabulong. Tila may magneto ang tinig ni Xander.

Luminga siya. Dahan-dahan.

"I want you…"

"H-here?" Kung tumango marahil ang lalaki, wala siyang sapat na lakas para tumutol.

Ang tanging nasa isipan ay wala itong ipinagkaiba kay Ric. Walang respeto sa pagkababae niya…

Ngunit pinaandar lang ni Xander ang sasakyan bilang tugon.

Taliwas pa rin sa inaasahan niya, hindi paharurot ang pagmamaneho ng lalaki. Banayad lang. Para silang namamasyal.

Hinawakan siya sa siko upang alalayan sa paglakad patungo sa elevator. Mas matangkad ang lalaki kaya bahagya siyang nakatingala habang magkahinang ang kanilang mga mata.

May tinitimping emosyon si Xander. Isang munting pulso ang pumipintig sa kaliwang pisngi nito.

Pagdating sa penthouse, masuyo pa rin ang pakitungo nito sa kanya. Nalilito na siya.

Marahang hinagkan ang kamay niya. Isa-isang inilapit sa bibig ang bawat daliri. Ginawa rin sa isang kamay niya.

Nanatiling bihag ang dalawa niyang kamay. Hinila siya patungo sa silid. Mabagal ang paghakbang paatras habang ang mga mata ay nakikipag-usap sa ibang lengguwahe.

Hindi niya mawawaan ngunit hindi nagbago ang lakas ng dating ng lalaki.

Tila lalo pa nga yatang lumakas. Ngayon lang niya naranasan ang masuyong paraan ng pakikipagtalik.

Isa-isang nawala ang mga saplot niya. Walang bakas ng dahas ang pagyapos sa kanya. Mistulang duyan ang mga bisig na bumuhat sa kanya.

Parang sutla ang mga halik na humaplos sa kanyang mukha, leeg, dibdib… hanggang sa hita, binti at pataas muli.

Nanatiling nakadilat si Cassie. Hindi siya tumitinag. Naghihintay lang ng susunod na mangyayari.

Nang dumako ang mainit na bibig sa pagitan ng mga hita, kusang humigpit ang pagkipit. Ngunit dahil sa paulit-ulit na masusuyong paghalik, unti-unting natunaw ang mga buto niya. Naramdaman niya ang paggapang ng mainit na bibig sa kanyang tuhod, sa hita...

Isang pinto ang nabuksan sa isipan niya. Isang silid na pinupuno ng mga alaala ni Xander.

Puno ng kulay. Ng init. Ng pagsuyo. Ng luwalhati…

Hindi namalayan ni Cassie na nakapikit na siya. Na bumabaon na sa kumot ang mga daliri.

At ang kanyang mga labi ay bahagyang nakabuka. Naghahabol ng hininga bago numulas ang isang paos na sigaw.

Isang napakatayog na kasukdulan ang sinukat niya sa unang pagkakataon.

Matagal bago bumalik sa normal ang mabilis na pagpintig ng puso. Namalayan niyang nakahiga si Xander sa tabi niya, paharap sa kanya. Minamasdan ang pawisang mukha niya.

"T-thank you…"

"I'm glad I'm the first to do that," bulong ng lalaki.

Humarap si Cassie.

"Not now, Cassie." Binihag ni Xander ang kamay niya na naglalayag sa dibdib nito. "I need you now, sweetheart…"

Ang nalasap naman niya ay ang malamyos na pag-angkin ng isang lalaki. Ang pakiramdam niya ay birhen pa siya.

Na sinasamba siya. Na iginagalang.

Na iniibig…!

*****

HINDI makatulog si Xander. Maghahatinggabi na. Nakatayo sa ilalim ng mga bituin. Nakatanaw sa mga ilaw ng Maynila.

Ngunit ang isipan niya ay nakatutok sa babaeng nahihimbing sa kanyang kama.

Napakaraming emosyon na ang naramdaman niya sa ilang araw pa lamang na pagkakakilala niya kay Cassie.

Nung isang araw lang ba itinuro sa kanya ang isang babaeng may mapanuksong kagandahan? At naniwala siya sa mga lason na ibinulong sa kanya?

Ipinilig ni Xander ang ulo.

Mali lahat ang mga impormasyon tungkol kay Cassie.

At nagkamali siya sa pakikitungo dito. Naging bastos siya. Naging brusko.

Naging primitibo. Inangkin niya ito nang walang pakundangan.

Gayong isang inosente pa ang babae. Isang ignorante sa larangan ng pisikal na pag-ibig.

Naglaro sa balintataw niya ang naging tagpo nila sa opisina. Napakapusok.

Iyon ang unang pagkakataong pinaghalo niya ang business at pleasure.

Iyon din ang pinaka-erotikong karanasan niya sa sex. Kahit anong oras ay may papasok na tao doon. At makikita sila sa gayong posisyon.

Muling ipinilig ni Xander ang ulo.

Ano'ng klaseng lalaki ba ang naging asawa ni Cassie?

Naalala niya ang pagsigaw nito nang daluhungin siya ng lasing na si Mac-Mac. Ang pangangatal. Ang pag-ika sa paglakad.

Ang mga bangungot.

Ric! Ric ang pangalang binanggit ni Cassie. Isang beses lang iyon kapagkuwa'y mistulang hinahagupit ito. Nakakagat-labi lang habang tinatanggap ang bawat hampas sa katawan nito.

Hindi niya matiis na panoorin lang ang babae. Niyayapos niya ito. Nakakalma ito kapag masuyo niyang hinahagod ang likod at mga balikat.

A, Cassie! Ano'ng misteryo ang bumabalot sa iyo?

Ngunit nahuhulaan na ni Xander. Isang battered wife ito. Sadista ang naging asawa.

Naglatang sa poot ang kalooban niya. Kumuyom ang mga palad niya.

May isa pang katanungan ang umuukilkil sa isipan niya.

Mailap sa mga lalaki si Cassie. Ang kanyang stepfather lang ang nakakalapit.

At siya.

Bakit? Anong kailangan ni Cassie sa kanya?

Hindi ang yaman niya.

Oo, may physical attraction… pero sapat ba iyon para sumama sa kanya ang babae sa unang pagkikita?

Tanging ang pintuang salamin lang ang nasa pagitan ng balkonahe at silid-tulugan. Kitang-kita niya ang malambot na katawang nakahimlay.

Nakadapa si Cassie. Nakalitaw ang mahabang buhok, ang likod, ang beywang, ang balakang at isang makinis na hita.

Naramdaman niya ang muling pagkagising ng dugo. Nasasabik na naman siya.

Humahakbang siya palapit nang mapapatda. Maliksing nagbalik-tanaw.

Ni minsan ay hindi sila gumamit ng proteksiyon.

At tila sinadya ni Cassie na mahibang si Xander sa matinding pagnanasa nung unang gabi nila.

Gusto nitong mabuntis. Gustong magkaanak ni Cassie!

Nang muli siyang humakbang, sa direksiyon na ng wet bar. Nagsalin siya ng whisky.

Anak.

Baby boy o baby girl.

Muli siyang nagsalin ng whisky. Muling tinungga na parang tubig.

*****

NAGISING si Cassie na para bang may nakatitig sa kanya.

Si Xander.

Ganito si Ric noon. Papanoorin siya sa pagtulog. Baka raw tumakas siya…

"Good morning." Isang masuyong halik sa dulo ng ilong niya ang iginawad ni Xander.

"G-good morning…" Tila nalito siya.

"Anong gusto mong gawin ngayon? I mean, we're playing tourists today."

"Breakfast?" tugon ni Cassie nang kumulo ang tiyan.

Tumawa si Xander. "Oo nga pala."

Napatitig siya nang makitang parang natural ang pagtawa nito. Bumata ang anyo.

Ngumiti siya. "Magsa-shower lang ako," paalam niya.

Ibinalot niya ang sarili sa manipis na kumot. Bahagyang namumula ang mga pisngi.

Kagabi, tinunaw ng mga nagbabagang halik ang lahat ng inhibisyon niya. Isinuko niya ang katawan, ang sarili…

Sa pagnanais niyang magkaroon ng anak. A, magkakaanak na siya!

Halos patakbo siyang nagtungo sa banyo. Nangangamba siyang baka rumerehistro sa mukha niya ang iniisip.

At mahulaan ni Xander.

"Mahilig ka ba sa music?" Kasalukuyang nagmamaniobra palabas sa basement garage ang kotse.

"Hmm, hindi masyado."

Tumangu-tango ang lalaki.

"Gusto mong pumunta tayo sa mga museum? I know a few here in Manila."

"Ikaw ang bahala. Hindi pa naman ako naglilibot dito," pag-amin niya.

"Okey, ako ang masusunod." Nakangiti ang lalaki. Lumitaw ang isang biloy sa kaliwang pisngi.

Gumaan ang pakiramdam ni Cassie. Ngumiti rin siya.

"You're beautiful," ang pabulong na papuri nito.

Lumuwang ang ngiti niya. Ngayon lang may pumuri sa kanya.

"Thank you," ang simpleng tugon niya.

Maghapon silang namasyal. Matapos pumasok sa isang museum, isang gallery naman ang pinuntahan nila. Isang painting ng mother and child ang hinangaan ni Cassie.

Kumain ng hamburger habang nanonood ng mini-concert sa park.

Umuwi silang pagod ngunit masaya. Pagdating sa penthouse suite, hinapit niya si Xander sa kuwelyo. Naghinang ang kanilang mga labi.

"Let's take a shower," bulong niya.

Sunud-sunuran ang lalaki, hanggang sa ilalim ng pinong bugso ng tubig. Doon na sila naghubad ng mga basang saplot.

"Do I hurt you?" tanong ng lalaki nang angkinin siya habang nakasandal sa dingding.

"Love me, Xander." Pumulupot sa beywang nito ang mga biyas niya. Yumakap siya sa mga balikat nito. Hinagkan niya ang leeg. "Love me, please."

"You don't have to plead, sweetheart. I will love you…"

I will make you love me, bulong ni Cassie sa sarili. Ngunit alam niyang imposible iyon.

Ang tagpo sa shower ay itinuloy nila sa malaking kama. Madaliang pagsasabon at pagbabanlaw lamang, pagkatapos ay pinangko siya ng lalaki. Buong ingat siyang inilapag sa kama at sinundan.

At muli silang naglunoy sa apoy ng pag-ibig. Walang pagkasawa. Parang bukal ang pagkasabik. Walang pagkatuyo.

Nakatulog sila sa matinding pagod. Hatinggabi. Nang maalimpungatan, sabay nilang inabot ang isa't isa. Nang magdikit ang kanilang mga labi, kapwa sila uhaw. Na naman. Tila walang pagkatighaw.

"I can't get enough of you, Cassie," anas ng lalaki.

"Oh, Xander…"

Laging ganito ang naging tagpo nila. Kung saan-saang panig ng suite nagtatalik. Sa ibabaw ng dining table. Sa sopa. Sa likod ng pinto.

Hindi lang sa balkonahe o di kaya'y sa loob ng kotse.

Hindi na naulit ang sitwasyong katulad sa opisina, kungsaan anumang sandali ay maaaring may makakitang sinuman.

Palaging masuyo at malamyos ang umpisa ni Xander. Na susundan ni Cassie ng mga halik na nakakahibang. Mapusok. Matatapos ang bawat tagpo sa masidhing pagkasabik.

"I'm sorry. Did I hurt you much?" Hahagurin ng lalaki ang buhok at isang pisngi niya.

"No, you didn't." Hahanap-hanapin niya ang mga paglalambing, pati ang mga pag-aalala nito.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang umaga, nakaramdam ng pagkaliyo si Cassie. Naamoy niya ang kape.

Isa lang ang ibig sabihin niyon.

I'm pregnant!

Pero dapat siyang makasigurado.

"Cassie? Bakit namumutla ka?"

"H-ha? Namumutla ba ako?" Nanginginig ang mga tuhod niya habang kunwa'y lumapit sa malaking dressing mirror.

Wala ngang kulay ang mga pisngi niya. Pati ang kanyang mga labi ay nanunuyo.

"May—may nakain siguro ako na hindi kasundo ng sikmura ko," pagdadahilan niya.

Hahakbang palapit sa kanya si Xander nang kumuriring ang hawak na celfone.

"Excuse me, kailangan kong sagutin ang tawag. Wait for me."

Nang makaalis si Xander, saka tumakbo si Cassie patungo sa banyo. Dumuwal siya sa lababo. Nang matapos, dali-dali siyang nagmumog. Kahit nanghihina, nag-shower siya.

Kailangan niyang magpatingin sa duktor. Kailangan niyang uminom ng tamang vitamins.

Oh, magkakaanak na ako!

Napatingin siya sa salamin habang nangangarap nang gising. Nakita niyang hindi pa nakasuklay ang mahabang buhol o naka-lipstick ang mga labi.

Hindi dapat makahalata si Xander.

Dinatnan niyang naghahanda sa pag-alis ang lalaki. Agad siyang nilapitan at buong pagsuyong niyakap para hagkan ang pisngi niya.

"I was about to knock on the door. Hindi ka naman nagla-lock ng pinto, a?"

"Oh. Nakalimutan ko. Um, aalis ka?"

"Sorry. Short notice. Dumating dito sa Maynila ang isang kliyente ko. I have to meet him." Ngumiti ang lalaki ngunit halatang nasa business na ang isipan nito. "Will you be okey until after lunch?"

Tumango siya. "Oo. Manonood ako ng tv o magbabasa."

"Take a nap," suhestiyon ni Xander. "You need it. You're still pale. Would you like to see a doctor?"

Nag-panic si Cassie. Parang nahulaan ang gagawin niya sa sandaling makaalis ito.

"N-no. Wala na ang sakit ng sikmura ko. Iidlip na lang siguro ako."

Hinagkan ng lalaki ang bibig niya. "Babalik ako agad. Bye!"