Chapter 4 - Chapter 3

Ngayon ang last 200 items exam namin bago magduty sa ibang ibang hospital. Pero kahit isa, wala pa kong narereview.

Kaya heto ako ngayon naglalakad papunta sa building namin habang nagbabasa. Wala na akong pake sa makakarinig saken dahil sa lakas ng pagkakabasa ko para sure na pumasok sa isip ko.

Dire diretsong lakad habang nakatingin sa notes ko nang bigla na lang akong mabunggo sa kung sino at masaklap nabasa pa ng coke ang notebook ko.

"Ay shit!" Sabi ko sa sobrang taranta dahil basa talaga ang notes ko, ang nipis pa naman ng notebook na yon dahil filler lang, buti hindi ako.

"Ayos ka lang?"

"My gosh!" Gulat kong sabi at biglang napahawak sa dibdib ko.

Nasa harap ko si Neal ngayon, basa ang damit dahil sa coke. Napansin ko kaagad ang suot niyang white shirt na nagpabakat sa mga muscles niyang sobrang defined at sa khaki shorts niya na bumagay dahil ang puti ng kutis niya at original adidad slippers, idagdag mo pa ang abs niya na umaakat dahil sa basang damit niya.

"Nabasa ka ba?" He sounds concerned.

"S-sorry!" Nauutal kong sabi. "May klase ka pa ba, basa damit mo!" Dugtong ko pa sabay tingin sa relo ko. Shit, 10 minutes na lang klase ko na, sa dulo pa building namin.

"Wala ako dito ngayon kung may klase ako." He said habang tinuturo ang damit niya.

Umiling na lang ako sa hiya at tumakbo na para hindi malate. Iniwan ko na rin yung notebook ko don sa lapag, basa na rin naman na.

"Hoy san ka pupunta?" Neal shouted habang tumatakbo para mahabol ako.

Tinignan ko ulit ang relo ko, 8 minutes left.

"Male-late na ko, mamaya na lang babe. Argh." Sabi habang hinihingal pa.

"Let's go." Aangal pa sana ako sa sinabi niya ng pumunta siya sa likod at hinawakan ang magkabilang balikat ko na para bang tinutulak ako para mas bumilis ang takbo.

I find it sweet pero nakakapagod. Pero mas napabilis akong nakarating sa building namin. Pafall si crush, bwisit. Kala mo naman pogi. Char, super pogi lang.

Tumakbo kaagad ako sa hagdan dahil 2nd floor ang room namin pero naalala ko si Neal, at hindi pa ako nakakapagthank you kaya pagka-akyat dumungaw ako sa baba at tinawag si Neal na naglalakad na palayo.

"Babe! Thank you."

Lumingon lang siya saken at parang sumaludo na okay lang lahat habang nakapasok sa bulsa ang isang kamay.

"Gaga muntik ka na malate halos sabay kayo ni Dean oh." Sabi ni Princess habang tinitignan akong papaupo, seatmate ko.

"Pakopya?" Bulong ko at hindi alintana ang Dean na nag- aayos ng project sa harap.

"Sige lang, duty naman na after neto." I just smiled to her.

"Hoy gaga balita ko muntik ka na malate sa exam niyo ha?" Tanong ni Gwy.

Nandito kami ngayon sa Federizo Hall, nakatambay habang kumakain ng Jollibee.

Si Gwyneth ang pasimuno nito, umorder siya kanina habang hinihintay ako.

Kinuwento ko ma rin sakanya lahat ng nangyari kanina. Kinilig naman si gaga dahil sa takbo takbo na eksena kanina at sa kdrama niya lang daw napapanood yung ganong eksena. Naimagine pa nga daw niya si Park Seo Joon, iba din ang tama nito sa utak e.

"Saan nga pala nag- aaral si Neil? Napansin ko kase iba ID lace niya tas uniform." Tanong ko sa kanya ng naalala na iba ang kulay ni unif ni Neal ng nasa Mcdo kami.

"CEU."

"Infairness, bagay sa kanya color pink." Sabi ko habang ngumunguya HAHAHAH. Jollibee is life but Clyde Neal Carreon is lifer HAHAH. Landi amp.

"Lilipat din yon dito sa BulSU." Gwyneth said with a grin on her face, parang may ibang meaning pero hindi ko na pinansin.

"Ano na ganap sa kanila ni Janna?" Curious kong tanong ng maalala ang babae na yon.

"After nung sa Mcdo, nakikita ko si Janna samin, pero nitong nakaraan hindi na." She just shrugged.

"Girlfriend na ba ni Neal?"

"Ayaw nga non sa commitments, Adi." Sabi pa niya na parang naasar na dahil naiistorbo ang pagbabasa niya ng wattpad nanahimik na lang din ako at sumandal sa inuupuan namin.

Start na ng duty ko next week, sa Bulacan Medical Center at gabi ang schedule ko, 6pm to 1am. Hanggang 3rd sem na ganon ang schedule ko.

Hindi ko na makikita madalas si crush. Wala naman akong number niya at hindi ko rin alam social media accounts niya. Ang poor ko naman. Hina ko naman sa crush ko.

Wala bang isang date man lang bago ako magduty? HAHAHAHA. Hear me Neal, please. Char.

Aayain ko na lang si gumala si Gwyneth. Wala din naman ng klase ng isang linggo ang mga Tourism Student. Balita ko OJT na rin nila nextweek.

Gwyneth's POV

Nandito ako ngayon sa Federizo Hall, nakatambay habang nagbabasa, si Adi naman heto tulog nakahiga pa sa hita ko.

Kahit namamanhid na ang binti ko, hindi ko na lang ginising si Adi. Puyat din to lagi kakareview kase more on memorizing ang nursing e, isingit mo pa yung mga paintings at ibang products na ginagawa niya para ibenta sa shop niya.

Kung nagtataka kayo kung bakit sa 19 years old na si Adi ay may isang successful na shop na siya ay dahil siya na lang ang nagpapa- aral sa sarili niya. Bakit? It's not my story to tell na.

I stared at my bestfriend's face. She has a beautiful features, na pinakagusto ko sakanya.

Adi's face shape is not so round. She has a long natural eyelashes, radiant brown eyes, natural shaped eyebrows, reddish plump lips, at kahit ang ilong niya ay hindi matangos at medyo pango, bumagay pa rin iyon sa mukha niya idagdag mo pa na morenang kutis niya.

Kaya siguro nagkaron ng konting attraction si Kuya Neal dito— paano ko nasabing parang may gusto si kuya kay Adi?

Dahil nakita ko ang tweet niya kanina tungkol kay Ms. Nursing na tugma sa kwento ni Adi kanina na natapunan niya si Kuya.

theclydecarreon: I accidentally spilled my coke to Ms. Nursing's notes, sorry. Ur cute naman.

replies:

iamtyler: bro gala na rin ako sa BulSU HAHAHAHA. future BulSUan here.

theclydecarreon: find your own nurse, i don't share e hahahaha.

to be continued.