"Nasaan ka?"
"Nasa Meycauayan, bakit? Kanina pa namin labasan e."
"Yung payong ko nasayo, tanga."
"Hala sorry, umuulan ba diyan?" Gwyneth asked.
"Oo, lakas."
"Pasundo kita sa driver?"
"Huwag na, dadaan pa kong shop." Sabi ko at pinatay na ang tawag.
Palakas na ng palakas ang ulan at nababasa na rin ako dito sa sinisilungan ko. Bakit pa kase ako sumama sa kagroup ko, e magpapasa lang naman ng project? Ligalig masyado e!
Linga linga ako sa paligid para tignan kung may kakilala akong dadaan para makisabay, nilalamig na talaga ako dahil halos kalahati na ng katawan ko ang basa.
"Adi hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Trisha, kagroup ko.
"Wala akong payong e."
"Sabay ka na?" She showed her umbrella to me.
"Hindi na, Baliuag ka pa, diyan lang ako sa Capitol." I gave her a smile.
"Sige una na ko."
"Pwede ba favor?" I asked. "Pwedeng iuwi mo muna bag ko? Tatakbuhin ko na papuntang Capitol." Pagpapatuloy ko.
"Sige sige. Kunin mo na lang sa duty?"
"Oo, salamat. Una na ko." Sabi ko na tinanguan niya lang.
Nagtanong muna ako sa guard kung may plastik ba siya para doon ko mailagay ang cellphone ko, pagkatapos, tumakbo na ako kaagad papuntanv Capitol, nanginginig ang tuhod.
Habang tumatakbo naghanap ako ng masasakyan o masisilungan man lang.
Swertehan dahil may nakita akong tindahan sa malapit kaya sumilong ako para matawagan si Ika na nasa shop, utusan ko lang magpakulo ng tubig.
Pagkatapos noon naisipan kong picturan ang kalsadang basang basa dahil sa ulan at ipost sa IG ko. Nagcaption lang ako ng "sundo." at isinilid na ulit sa plastik ang cellphone.
Balak ko na sanang magpatila na ng ulan sa tindahan na iyon kaso magsasarado na pala sila.
Kaya kahit malakas pa din ang ulan, no choice ako, tumakbo na ulit ako para makapunta na ng shop.
Malapit na ako sa Capitol ng biglang may humawak sa kamay ko dahilan para mapatigil ako sa pagtakbo. Napansin ko din na wala na akong nararamdamang patak ng ulan kaya tumingala agad ako pero gulat ko lang ng puting payong ang tumambad sakin pagkatingala ko.
"Hindi ka ba nilalamig? Basang basa ka." Sabi niya sabay hatak sakin papalapit sa kanya.
"H-ha?"
"Hawakan mo to." Utos niya at inabot sakin ang payong na hawak niya. Malaki ang payong na may tatak na Mercury Drugs sa gilid.
"Suot mo to." Inabot saken ni Neal ang jacket niya.
Hinintay niyang masuot ko yon at tsaka niya hinawakan ang balikat ko para higitin ako papalapit sa kanya.
"Lintek ka crush, pafall ka masyado!"
"Masyado ba akong pafall?" Napahinto ako sa tanong niya habang naka smirk naman siya sakin.
"Oo, sobra!" Tanong ko ng nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nagkibit balikat lang siya pero nakasmirk pa den siya. Shit, apaka pogi.
"Pasok ka." Aya ko sa kanya nang makarating kami sa shop.
Maluwag ang shop ko, kasing luwag siguro ng isang floor ng Jollibee. Nahati sa iba't ibang side; maong section, tees section, souvenirs, and paintings. May isang counter at room kung saan ang Working Area na parang apartment ang loob.
"Ayos lang ba sa may- ari?" Tanong niya habang iniikot ng tingin ang loob.
"Ayos lang naman sakin."
"Sayo to!?" Medyo gulat niyang tanong.
"OA." Bulong ko, pasalamat siya, crush ko siya.
Hindi naman na niya narinig ang sinabi ko dahil busy na siya kakatingin ng mga tinda sa shop.
"Magpalit ka na, Ate Adi."
"Timpla ka kape, Ika. Kopiko Blanca a." Utos ko kay Ika bago ko lapitan si Neal.
"Babe papalit lang ako, hingi ka na lang kailangan mo kay Ika."
"Okay." Sabi niya at nilibot ulit ang tingin sa loob.
Kumain lang kami saglit dahil umorder na pala si Neal sa Mcdo, pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na siyang uuwi na dahil tumila na rin naman ang ulan at hapon na rin.
"Ms. Nursing uwi na ko."
"You don't know my name ba?" Tanong ko sa kanya.
"Nope." ani Neal. "Magkano to?" Turo niya sa maliit na dalawang canvas na ginawang keychain. Isang blue color na sky at pink color.
"150, pairs na." Sagot ni Ika.
"Okay." Baling niya kay Ika. "Kunin ko na lang sayo jacket ko." Sabi niya at ibinalik sa sabit at kinuhang keychain at lumabas na ng shop, sinundan ko naman siya.
"Bye."
Papasok na ako sa loob ng maalala kong hindi pala alam ni Neal pangalan ko.
"Babe! Saglit lang!" Sigaw ko sa kanya na nakatawid na sa kabilang kalsada.
"Amara Deille Castañarez! Just call me Adi!" Sigaw ko sa kanya habang nakangiti.
"Okay, Adi!"
"Ingat." Sigaw ko pa bago tumalikod.
"Ika may detergent ba tayo?"
"Nalaban ko na iyong jacket!" Sigaw niya pabalik sakin. Kaya lumabas na lang ako ng Working Area at ako na ang nagbantay sa counter at pinauwi na si Ika.
Sa shop na lang din ako natulog para malapit sa MBC, duty ko na bukas e. Buti nasa hospital pa ang susuotin namin kaya civilian na lang ako papasok bukas.
Kinabukasan, ang bigat bigat ng pakiramdam ko at sumasakit ako ulo ko kaya hindi na muna ako bumangon sa kama.
"Ate Adi may duty ka diba? " I heard Ika, pumasok sa Working room kung nasaan ang tinutulugan ko.
"Anong oras na ba?" Tanong ko ng nakapikit pa din.
"Alas singko na po." Sabi niya pero hindi ko pinansin. "Ate alas sais duty mo diba? Nilalagnat ka." Dugtong niya pa ng niyugyog ang braso ko.
Tumayo naman ako at pumasok ma sa banyo kahit ang sakit ng ulo ko, idagdag pa ang kumukulo kong tyan dahil hindi nga pala ako kumain ng umagahan at tanghalian.
"Papasok ka ate? Keri mo ba?"
"First day ko, Ika." Sabi ko at tumawa ng konti para makita niyang okay lang.
Ng makaligo at makabihis, lumabas na kaagad ako ng shop. Bumili na muna ako ng biogesic sa tabing tindahan para inumin.
"Ikaw ba yun isang magduduty?" Tanong sakin ng nurse ng makarating ako sa Emergency Room ng OPD.
"Opo."
"Eto ang uniform ng Student Nurse dito." Binigay niya sakin ang paperbag na naglalaman ng damit. "Mababago nga pala schedule niyo kase may isanh studyante na lumipat. 6pm pa rin ang start tas 2 na ang out."
Nagpalit na ako ng uniform at pumunta sa naka assign sakin. Nagchecheck ng blood pressure, kumukuha ng dugo, nag aassist ng pasyente, at paulit ulit lang. May isang doctor pa na isinama ako sa Delivery Room para i- assist siya sa loob, ng itinanong ko kung bakit ako, dahil nakita niya raw ang grade scale ko. 11 pm na nagstart ang operation na yon at 4 am na natapos. Sumobra na sa schedule ko kaya pinatulog muna ako saglit ni Ate Dori, registered nurse sa BMC, bago niya ako pinauwi dahil namumutla daw ako. Nakalimutan ko na ngang nilalagnag ako sa sobrang busy e.
Bandang alas sais mg gisingin ako ni Ate Dori para pauwiin, mas makakapagpahinga daw ako ng maayos sa bahay, kaya sumunod na lang ako. Iniwan ko na lang sa kanya yung bag ko na kinuha ko kay Trisha kanina. Ang dala ko lang ay cellphone.
Habang naglalakad pauwi sa dorm na medyo malapit sa MBC, unti unting lumalala ang hilo na nararamdaman ko, idagdag mo pa ang gutom dahil buong araw akong hindi nakakain kahapon.
Ilang lakad na lang papalapit sa gate ng dorm ay nakasalubong ko si Neal pero hindi na muna inuna ang landi.
"Adi, jacket ko." Sabi ni Neal habang nakalahad ang kamag sakin.
Hindi ako nakasagot sa kanga kasi bigla namang tumapat sa gawi namin ang init ng araw kaya lalo ang nahilo.
Napahawak ako sa braso niya ng biglang umikot ang paningin ko.
"Namumutla ka— Shit!" I heard Neal cursed when I lost my balanced dahilan para mapaupo na ko sa kalsada. Agad akong inalalayan ni Neal papatayo ng sobrang hilo na ang naramdaman ko.
"Huwag sa... huwag s-sa hos-pital. P-ple-ase." Paalala ko sa kanya ng maramdaman kong buhat na niya ko.
"Shhh. Pumikit ka na lang." He said.
Then I heard him talking to his phone, he sounds nervous, bago pa ko tuluyang mawalan ng malay.