Chapter 6 - Chapter 5

Isang linggo na simula ng magising ako sa hospital. Pagkadilat ng mata ko, si Gwyneth na agad ang nakita ko. Hinanap ko pa sa Neal dahil siya ang huling nakita ko bago ako nahimatay pero ang sabi ni Gwyneth tinawagan lang daw siya ng kuya niya at mag- isa na lang niya akong naabutan dito sa hospital. At isang linggo na rin ang huling paguusap namin ni Neal.

Nakabalik na rin ako sa duty after kong ma-admit. Hindi na lang ako pinapayagan ni Ate Dori na dagdagan ang working hours ko dahil baka daw mahimatay ulit ako, parang ate ko na siya talaga dito sa hospital.

May duty ako mamaya kaya maaga akong pumunta sa school para kausapin si Dean Castañarez, pinasabi niya lang kay Gwyneth na anak niya.

Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag ni Dean pero may sasabihin daw siya.

Tinignan ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob.

"Dean."

"Ipapasok kita sa hospital namin sa Meycauayan. Ayos lang ba sayo?" She said while smiling at me.

"P-po?"

"7-10 lang ang duty ng nursing student don. Nabalitaan ko ang nangyari sayo, studyante pa din naman kita." Sabi niya pero wala ng ngiti sa labi.

"Paano po iyong papers Maam?"

"Nailipat ko na papers mo actually nung isang araw pa. Last day mo na bukas sa BMC."

"Thank you po."

"Okay, you may leave." She said as she pointed the door.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako pinagpawisan kahit aircon ang faculty office dahil pagkabukas ko ng pinto, mukha ng Neal Carreon ang bumungad sakin. Para akong kakapusin ng hininga sa sobrang lapit ng mukha namin.

"Adi, nice to meet you." He's smiling. Ang pogi niyang ngumitiiii.

"Magkakilala kayo ni Neal, hija?" Singit ni din Dean Castañarez.

Bigla akong inakbayan ni Neal at hinapit papalapit sa kanya.

"She's my girlfriend, Tita." Neal said while grinning.

"H-ha?" Gulat na tanong ni Dean.

Lintek lang. Imbis na mainis sa ginawa ni Neal na pagsisinungaling na damay ako, natuwa pa lola mo. Rupoksss.

"Sumabay ka na lang." He whispered.

Tumango na lang ako sa sinabi niya dahil kinikilig pa din ako sa nangyayari.

"Kailan pa? Kaya ba madalas ka dito sa BulSU?" Dean eyed Neal.

"Tita naman!" Sigaw ni Neal na nakapagpabalik sakin sa reyalidad. "Inaayos ko papers ko, may aattendan akong klase dito." Dugtong niya pa.

"Akala ko dahil kay Adi." Sabi ni Dean tsaka tumawa. Ang bata batang niyang tignan kapag tumatawa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita.

"Ang cute niyo po pag tumatawa." I commented dahilan para bumaling sakin ang tingin niga kaya napayuko ako sa hiya.

"I know." She chuckled. "Start ka na sa Meycauayan sa Friday, Adi." Dugtong niya tsaka lumabas.

"Bye, Tita!" Neal shouted.

"Huwag kayo diyan sa office maglandian ha." Dean laughed.

Nagkitinginan lang kami ni Neal sa sinabi ni Dean na nakalimutan kong step- mom niya pala. Ng makaliko na si Dean sa hallway, ako na mismo ang nagtanggal sa braso ni Neal na naka akbay pa din sakin.

"Oh bat mo tinanggal?"

"Mabigat." Sabi ko at nauna ng maglakad sa kaya.

"Nasiyahan ka naman, inakbayan ka ng crush mo." Tinignan ko lang siya ng masama. "Ay ng boyfriend mo pala."

"Tangina kailan pa?" I cursed at him.

"Um...kanina lang?" Nang- aasar nanaman siya.

"Gago ka." I said.

"Gago sayo." He winked at me. "Tara na nga babe. Libre kita mcdo."

Umakbay nanaman siya sakin at hindi na ako umangal dahil libre yon. At isa pa, kinikilig din ako sa ginagawa niya. Kinuha niya pa sakin ang brown korean bagpack ko at siya ang nagdala.

Hanggang sa makarating kami ng Mcdo, dala dala niya pa rin bag ko. Habang nasa pila, nagpaalam muna akong pupuntang cr.

Pagkapasok sa cr, bigla na lang akong napangiti. Tangina naman kase, nakakakilig. Pagkatapos kong ngumiti ngiti sa cr, lumabas na ako.

Agad ko naman nakita kung saan ang table namin dahil hindi naman punuan ang Mcdo ngayon.

Habang papunta ako sa table namin, nakita ko siyang pinipicturan ang bag kong hawak niya sa ibabaw ng lamesa at may kinalikot sa cellphone.

Ng nakifa niya ako, bigla niyang binaba ang cellphone niya na parang wala lang.

"Ginagawa mo?" Natatawa kong sabi.

"Nagreply lang sa kaklase ko, pupunta daw dito." Sabi niya at kumain na.

"Classmate sa CEU? Dadayo dito?" Sabi ko habang inaabot ang bag ko.

"Dito lang sa malapit nakadorm yon." Sagot niya habang pinupunasan ang gilid ng labi.

"Pogi ba?" Tanong ko dahilan para mabulunan siya kunyare.

"Mas pogi ako, boyfriend mo ko e."

"Seryoso ba?" Tanong ko habang tumatawa. Nag aayos pa din ng gamit.

"Medyo."

Sa sagot niyang yon bigla akong nalungkot ng medyo lang din. Sana humindi na lang siya. Epal talaga minsan to e.

Nakaupo na ako sa tapat niyang upuan pero duon daw ako sa tabi niya. Saktong pag tayo ko bigla siyang may tinawag kaya hindi ako kaagad upo dahil tumayo din siya.

"Hoy Tyler!" Sigaw ni Neal doon sa lalaki sa may entrance. Medyo familiar siya pero hindi ko na pinansin.

Gumilid ako ng konti para di nila masagi dahil nagyakap pa sila pang lalaki. HAHA.

"Kasama ko si Madie." Turo nung Tyler sa likod niya.

Agad naman siyang umupo sa tabi ni Neal na upuan ko dapat at kumapit pa nga sa braso niya.

"Di mo ko namiss, Neal?" Sabi nung Madie sa kanya. So close sila kase Neal ang tawag niya.

"Tigil, Madie." Sabi niya tsaka sumubo ng fries.

Nabaling naman ng ang paningin nung Madie sa pagkaing nakalagay sa mesang nasa harap niya.

Kinuha niya ang kutsara tsaka pumiraso ng kaunti para kumain na para sakin naman talaga yung pagkain don.

"Alam mo talaga favorite ko." Sabi pa nung Madie kay Neal pagkatapos ay hinaplos pa ang braso ni Neal.

Napatitig ako doon saglit at bumaling kay Neal ng maramdaman kong nakatingin siya sakin.

Nginitian ko lang siya at umupo na sa tapat niyang upuan. Sumunod din sakin yung isa niya pang kaibigan na si Tyler.

Bago pa makakapit ulit si Madie sa kanya, tumayo na agad si Neal at nagsalita.

"Adi tara sa counter." Tawag niya sakin. Pota magkatunog pa kami ng pangalan. Pero bago pa ko makasagot bigla na lang nagsalita si Madie.

"May bago ka ng nickname sakin?" She asked. Tumayo na rin siya tsaka kinaladkad si Neal sa counter. Lumingon pa si Neal sakin pero tinanguan ko lang siya.

Nagkalikot lang ako sa cellphone habang nag iisip ng paraan para maka alis na doon.

Pagdating nila may dala ng isang tray si Neal na may nakalagay na chicken fillet, same ng order niga kanina.

Ibababa na dapat niya sa tapat ko pero biglang kinuha ni Madie sa tray ang plato at inilagay sa tapat ni Tyler. Inirapan niya pa ko pagkatapos niyang gawin yon. Napabuntong hininga na lang si Neal at napatingin sakin si Tyler.

Buti na lang biglang nagring ang cellphone ko. Lintek na kahihiyan to.

"Hello....ha?" Sagot ko kunyare dahil fake call lang naman yon. Buti naisipan ko kanina habang nasa counter sila.

Napaubo pa kunyare si Tyler dahil nakita niya ang ginawa kong pag activate ng fake call kanina.

"Sige sige papunta na ko." Sabi ko ulit habang nasa tenga pa rin ang cellphone. Nilingon ko yung Tyler tsaka sinamaan siya ng tingin bago ako tumayo.

Tumikhim si Neal ng kinuha ko ang bag ko sa tabi niya.

"Punta lang ako sa shop. Tinawagan ako ni Ika. Papahinga pa ko duty later." Sabi ko sa kanya pero di pa rin tumitingin.

Lumabas na ko sa Mcdo at napatingin sa relo ko. Ala una na pala, sa shop na lang siguro ako kakain.

Dire diretso ang lakad ko hanggang sa mapadaan ako sa glass wall ng Mcdo kung saan tabi lang ng lamesa nila Neal.

Humarap ako don at kumatok, napalingon naman saakin si Neal at Tyler na may gulat ng mukha habang si Madie ay dedma.

Pinakyuhan ko si Neal na nagpaubo sa kanya, tumalsik pa nga yung kanin galing sa bibig niya. Habang si Tyler sinamaan ko lang ng tingin.

At tsaka ako umalis doon ng nakangiti. Pero habang naglalakad papuntang Capitol, hindi ko matatanggi na nasaktan ako talaga kanina.

May girlfriend pala siya tas lalandiin niya ako. Hindi ko rin matatangi na may gusto na talaga ako kay Neal dahil nung mga nakaraan araw lagi kaming magkasama, dun ko na nilinaw sa sarili ko na may gusto na ko sa kanya at hindi na lang biro biro pero hindi lilinawin sa kanya yon nararamdaman ko. Bwisit siya.

Gwyneth's POV

Kanina ko pa tinatawagan si Adi pero hindi siya sumasagot. Nitry ko na din siyang ichat sa Messenger pero hindi siya naka online. Pero naalala kong sa Twitter pala siya madalas nakatambay kaya duon ko siya nimessage at tinanong kung nasaan siya, tama nga akong duon siya naka online dahil nagreply agad na nasa shop siya.

Binalik ko na sa home ang Twitter ko bago patayin ang cellphone pero bago ko nagawa, nakita ko kaagad ang tweet ni kuya Neal na 5mins ago lang.

Napahinto pa ko sa paglalakad dahil sa nabasa ko. May naka attach pang picture ng bag ng isang babae dahil halata na korean style, kita din sa picture ang chicken fillet ng mcdo. Familiar ang bag na yon at kung hindi ako nagkakamali, bag yon ni Adi.

At ang hinala ko ay naging clear dahil sa caption niya.

theclydecarreon: Ms. Nursing's

(photo attached)

iamtyler: lagot ka naman HAHAHAH.

theclydecarreon: epal ka e. nagsama ka pa kasi ng iba.

Alam ko ng si Adi ang tinutukoy niya pero bakit ganon ang reply ni Tyler?

May bigla ulit notification na galing kay kuya.

theclydecarreon: babe, sorry.

iamtyler:napakyu ka lang e HAHAHAH

iamtyler: post ka ng post di ka naman nakafollow sa kanya. HAHAHAH.

theclydecarreon: pakyu ka tyler HAHAHA. duon ka na lang CEU lagi.

iamtyler: easy lang hahahaha

to continued.