Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Fate and Forever (To Be Unpublished)

🇵🇭Neazaleia
--
chs / week
--
NOT RATINGS
104.2k
Views
Synopsis
Winter Brielle Claveria had an uncanny resemblance with Jewel Elizalde—Noah's late wife. Nang dahil sa pagkakahawig na yun ay nagkaroon ng pagkakataon na magkalapit ang mundo nila Noah at Winter. When tragedy struck on Winter's life, she had no way to run to. Noah offered help then, that is under one condition. Be the mother of his son. She was desperate, she couldn't say no. Winter told herself that she wouldn't fall for Noah lalo na't hanggang ngayon ay ang namatay pa din nitong asawa ang nasa puso nito. Pero sadyang taksil talaga ang puso niya dahil unti-unting nahulog ang loob niya dito. Dahil pareho silang nahihirapan, kahit masakit man sa loob niya ay nagdesisyon si Winter na lumayo. Pagkatapos ng ilang taon ay bumalik ulit siya ng Pilipinas but she's no longer the Winter Brielle Claveria Noah once knew. Sa muling pagtatagpo ba ulit ng landas nila ay magawa kaya siyang makilala ng puso ni Noah?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

NAPATINGALA si Winter sa langit habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Maganda ang panahon ng araw na yun kaya nagpasya siyang bisitahin ang puntod ng ama niya. Matagal na rin siyang hindi nakakadalaw dito.

"Na-miss niyo ba ako itay?" she asked as her lips curved into a small smile. Inilapag niya sa ibabaw ng lapida nito ang dala niyang bulaklak. "Ako lang po ang bumisita ngayon dahil masyadong busy sila nanay at Nathan. Hayaan niyo po sa susunod ay tatlo ma kaming pupunta dito."

She missed her dad. Maaga itong namatay dahil sa nangyaring isang car accident. Bata pa sila pareho ni Nathan ng mawala ang ama nila. What more traumatic was when she saw her dad died right before her eyes. Matagal nang nangyari yun pero pakiramdam niya ay parang kahapon lang.

"Kung nasaan man kayo ngayon, 'tay alam ko pong binabantayan niyo po kami."

Napabuga siya ng hangin. May ilang minuto din siyang nakatayo sa tapat ng puntod ng ama niya bago siya nag-decide na umalis na.

Unti-unting bumagal ang paglalakad niya nang mapansin ang isang lalaking paparating. She didn't know why but she suddenly stopped in her tracks. Busy ang lalaki sa phone nito but when he lifted his head and their gazes met, napahinto din ito bigla sa paglalakad. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat.

And at the moment, biglang humangin ng malakas. Pareho silang natulala ng lalaki sa isa't isa. None of them tried to look away. Para ba siyang na-hypnotize bigla dito. She could even almost hear the loud pounding of her heart. At hindi niya maintindihan kung bakit tila ba nagwawala ang puso niya ngayon.

Siya itong unang nagbawi ng tingin at naglakad ulit. Nilagpasan niya ito pero ilang saglit lang ay tinawag siya nito.

"Sandali, miss!"

Napalingon siya agad dito pero hindi siya nagsalita. She stared at him, waiting for him to speak. Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito. "Yes?" tanong niya ng hindi pa din ito umiimik.

May ilang sandali din bago ito nagsalita. Pero imbes na sagot ang marinig niya ay tanong din ang ibinalik nito sa kanya. "What's your name?"

Nagulat siya sa itinanong nito pero nang makabawi din ay sinagot niya ito. "Winter," nakangiti niyang sagot. "I'm Winter Brielle," pagpapakilala niya sa sarili sa estranghero.

"Oh," anas nito at nagbaba bigla ng tingin. Kita niya sa mga mata nito ang disappointment. But why?

Hindi na ito kumibo kaya nagpatuloy ulit siya sa paglalakad. Nang lingunin niya ito saglit ay nakatalikod na ito at naglalakad na palayo sa kanya. At hindi man lang niya nagawang tanungin din ito ng pangalan nito. Hindi niya binibigay ng basta na lang ang pangalan niya sa kung sino na hindi naman niya kilala. But then why did she gave her name to that stranger? And her heart was acting weird earlier.

"No way," natatawang bulong niya sa sarili. Imposible naman na na-love at first sight siya dito. Hindi siya naniniwala dun.

Napapailing na lang siya. Why was she so bothered by him anyway? Eh, hindi naman sila ulit magkikita pa. Duda siyang pagtatagpuin pa ulit ang landas nilang dalawa.

Or that's what she thought.