Mag iisang linggo na ako dito sa hospital at ngayon g araw ay napagpasyahan ko na umalis na dahil sa lumalaking bayarin.
"Oh Al, saan ka pupunta?Hindi ka pa masyadong magaling."
Pag aalala ng doctor ma tumitingin sa akin.
"Aalis na ho ako doc kasi kapag tumagal pa ako dito ay baka hindi ko na mabayaran ang bills dito. Kaunti lang po kasi ang naipon ko. Kaya aalis na po ako."
"No need Al, may sumagot na lahat ng bayarin mo dito sa hospital,pati nga mga gamot na dapat mong itake ay binayarana na rin."
"Ho? Sino po?"
"Walang pangalan na sinabi. Basta nagbayad lang. Phone number lang ang ibinigay. Kaya dito ka lang muna para mas gumaling ka pa. Hindi ka pa masyadong nakakalakad. Sundin mo na lang ako. Para din sayo yan."
"Ahm, sige ho doc."
Hindi na ako umalis pero napapaisip talaga ako kung sino ang nagmagandang loob para bayaran ang mga bills ko.
~ Si Amy ba? Pero hindi eh. May kaya naman siya pero sa taas ng babayaran ko dito ay hindi niya kakayanin~
Magdamag kong inisip kung sino ba talaga siya. Pero wala talagang pumasok sa isip ko. Bilang lang ang mga taong malapit sa akin at tinituring kong kaibigan.
"Speaking of kaibigan, wala man lang tumawag o nagtanong sa akin kung okay lang ba ako. Mag iisang linggo na ako dito ah. Hmmm, baka busy lang sila."
At yun nga,nagtagal pa ako dito ng ilang linggo at nakakarecover na rin ako. Pero yung mga paa ko kailangan pa rin ng tungkod para makalakad.
"Congratulations Alcie,pwede ka nang umuwi sa inyo. But palagi pa ring mag exercise para diyam sa binti mo para hindi mo na kailanganin ang mga tungkod na yan. Always be careful."
"Salamat po Doc. At kung may update po kayo doon sa nagbayad ng bills ko,makitawagan po ako. Kailangan ko po siya makausap para makapagpasalamat."
"Sure."
"Sige po Doc,alis na ako."
Umalis na ako ng room at dumiretso sa counter para hingin yung number ng taong tumulong sa akin.
Habang pauwi ako sakay ng Taxi ay tinawagan ko yung number,sumagot naman pero hindi nagsalita.
"Hello? Ikaw po ba yung tumulong sa gastusin ko sa hospital? Hello? Hello?"
Hindi sumagot ang nasa kabilang linya at binaba ito. Tinawagan ko ulit pero pinapatayan ako. Tinext ko na lang.
>magandang umaga po. salamat po sa malaking tulong na ibinigay mo sa akin. Kung may time po kayo sana ay magkita po tayo para personal akong makapagpasalamat sayo<
Walang reply.
Nakauwi na ako at nakita ko ang mga kapatid ko na nag aaral.
"Ateeee, nakalabas ka na. Kumusta ang paa mo? Nay,tay nandito na po si ate."
Nakita kong papalabas ng kusina si tatay.
"Anak! Bakit hindi mo sinabing ngayon ang labas mo? Nasundo sana kita. Upo ka muna dito."
"Okay lang tay. Maabala ko pa kayo. Galing pa naman kayong trabaho. Saka kaya ko naman eh. Hindi pa masyadong magaling ang mga binti ko pero I'm sure gagaling din ito. Kakailanganin ko pa nga nito eh,hehe."
"Basta sabihin mo lang kung may kailangan ka."
"Opo"
"Asus. wag mo ngang binibaby yan . Kakasabi lang na makakalakad siya gamit yang tungkod. Bukas pumasok ka na sa trabaho mo dahil nakaupo ka lang naman diba bilang cashier. Hindi yan makakasagabal mga paa mo. Kailangan na ng pera dito sa bahay. Palagi na lang akong talo sa sugal."
"Gloria naman! Kakarating lang ng anak mo pagtatrabahuhin mo na agad."
"Okay lang tay. Hayaan niyo po bukas,magtatrabaho na ako."
"Hindi! Dito ka lang. Ako munaang magtatrabaho. Magpagaling ka muna dito sa bahay."
"Pero tay kaya ko naman po eh. Tama naman si nan-"
"Pagsinabi kong hindi,hindi. Dito ka lang. Ayokong mabinat ka."
Hindi na lang nagsalita si nanay at pumasok sa kusina.
Pagkatapos maghapunan ay pumasok na ako sa kwarto ko para makapagpahinga.
--- Kinabukasan ---
"Anak alis na ako. Gloria wag mo munang pagtatrabahuhin si Al dito sa bahay."
"Tay na-"
"Pagpahinga ka lang at magpagaling. Sige mauna na ako."
Pagkaalis ni tatay ay dahan dahan akong tumingin kay nanay. Ang talim na naman ng mga mata niya. Pumasok na lang ako ng kwarto ko.
Habang nakahiga ay may narinig akong nagkukuskos ng damit. Lumabas ako at nakita kong naglalaba si nanay. Ngayon ko lang siya nakitang maglaba kasi ako ang palaging gumagawa noon.
"Nay ako na po diyan. Kaya ko po maglaba. Wala po akong ginagawa eh"
"Okay. oh ayan. Mabuti naman at nakonsensya ka. Bakit kasi ginawa kang baby ng tatay mo hindi ka pa naman lumpo,tsk! Makapagsugal na nga."
Umalis saglit si nanay at pagbalik ay may dala dalang iba pang labada.
"Oh ayan pa. Wag mong sasabihin sa tatay mo na naglaba ka kundi malalagot ka sa akin!"
"Opo nay."
"Ay siya nga pala may pera ka ba diyan? wala akong pangsugal. Bigyan mo nga ako."
"Nasa kwarto po nay,sandali lang at kukunin ko po."
"Huwag na. Ako nang kukuha,maglaba ka na lang diyan."
Umalis na si nanay at nagsimula na ako maglaba. Naabutan ako ng gabi. Medyo nahirapan ako sa pag igib ng tubig dahal may saklay pa akong gamit at hindi ko alam kong pano buhatin yun. Pero sinubukan ko pa rin ngunit na tumba ako at natapon yung inigib kong tubig. Tuloy basang basa ako.
"Al! Ano bang ginagawa mo?!"
Lagot. Nakita ako ni tatay.
"Ahh,hehe. Wala lang to tay. Nadulas lang po ako."
"Ehh ano yang mga labahan na yan? Ikaw ba ang gumagawa niyan? Asan ang nanay mo?"
"Ahhh,ehhh,kasi tay ahm-"
"Bakit ka sumisigaw Canor?"
Sakto naman na pagdating ni nanay. Naku,mag aaway na naman sila nito.
"Bakit? Nakikita mo ba itong anak mo?! Bakit siya ang pinaglalaba mo? Alam mo naman ang sitwasyon niya. Gloria naman!!"
Ramdam ko ang sobrang galit ni tatay. Habang tinutulungan niya akong tumayo ay lumapit naman si nanay.
"Oh bakit sa akin ka nagagalit? Tanungin mo muna kaya yang magaling mong anak. Eh sabi niya siya na ang maglalaba! Ikaw babae ka,kung hindi ko pa alam ginawa mo to para magaling sa akin ang tatay mo! Halika nga dito!"
Pilit na inaabot ni nanay ang buhok ko para sabunutan pero hinaharangan ni tatay.
"Tay, ako naman po ang may gusto nito. Huwag na po kayong magalit kay nanay."
"Oh tingnan mo! Wala akong kasalanan!"
"Kahit na! Tinganan mo naman ang kalagayan niya!"
"Tay tama na po."
"Haaaay!! Halika na nga Al,pumasok ka na sa bahay. Ako na magtatapos niyan."
"Pero tay galing ka ng traba-"
"Ahhh basta. Ako na. Halika na."
Inalalayan ako ni tatay sa loob. Nakita ko kung pano siya kaconcern sa akin. Ramdam ko kung pano niya ako kamahal. At sobrang nagpapasalamat ako dahil kahit gusto ko nang umayaw sa buhay ay pinapakita niya ang pagmamahal niya sa akin. Kaya hindi ako nawawalan ng pag asa. Mas pinursige ko pa na magtrabaho para sa pamilya ko.
"Sorry po tay."
"Ikaw naman kasi. Dapat hinayaan mo na ang nanay mo ang gumawa noon. Tingnan mo tuloy nangyari sayo. Pumasok ka na sa kwarto mo at magpalit,basang basa ka oh."
"Sige tay. Salamat po."
Nang pagpasok ko ng kwarto ay nagulat ako dahil nagkalat ang mga gamit ko doon. Nakita ko ang pinagtataguan ko ng ipon ko na nakabukas at wala nang laman. Dali dali akong lumabas.
"Nay, ikaw po ba ang kumuha ng pera ko dito."
Mahinahon kong tanong.
"Oh bakit? Sabi mo kumuha lang ako sa kwarto mo. Anong pinuputok ng butchi mo?"
"Eh kasi nay ipon ko yun para sa mga kapatid ko. Kaunti lang po sana ang kinuha niyo."
"So kasalanan ko pa? Eh kakaunti nga lang yung nakuha ko. "
"Eh kasi nay-"
"Ikaw bata ka, huwag mo sa akin isusumbat yan. Hindi ko kasalanan na kakaunti lang ang naipon mo!"
"Nay naman. Yun na nga lang perang naitabi ko para sa pag aaral ng mga kapatid ko,kinuha niyo pa. Hindi naman po ako nagdadamot pero sana naman po nagtira kayo."
Medyo lumalakas na ang boses ko.
"Ahh ganoon! Sinisigawan mo na ako. Palibhasa may pera ka kaya nagkakaganyan ka!"
"Hindi naman nay kaso-"
"Anong problema dito?"
Singit ni tatay na galing banyo.
"Ahm,wala tay. Labas po muna ako."
Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa sama ng loob. Ang tagal kong pinag ipunan yun tapos isang araw lang biglang mawawala. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganyan si nanay sa akin. Parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Habang naglalakad ay di ko namalayan na nasa harap na ako ng simbahan. Umupo muna ako doon para magpalipas ng sama ng loob.
"Lord,bakit? Bakit nangyayari 'to sa akin? May ginawa ba akong kasalanan? Hirap na hirap na po ako"
Ako lang ang nandoon kaya't walang nakakarinig ng iyak ko. Isang oras din akong nagstay sa simbahan pagkatapos ay naisipn ko nang umuwi. Nakita kong bukas pa ang ilaw sa may sala. Paglapit ko ay narinig kong nag uusap si nanay at tatay. Hindi muna ako pumasok dahil mukhang seryoso ang pinag uusapan nila. Aalis na sana ako nang marinig ko si nanay na magsalita.
"Bakit ka ba nagagalit sa akin? Dahil ba sa anak anakan mong yun?"
Nabigla ako sa narinig ko. Hindi ako makaalis.
"Huwag ka ngang maingay, baka marinig ka ng mga bata."
"Oh bakit? Dapat kasi sabihin mo na sa kanya. Pabigat lang siya. Nagdagdag pa ng problema dito. Tapos ikaw naman itong super tatay na masyado kapag alala sa hindi niya naman tunay na anak!"
"Kahit ano pang sabihin mo, anak pa rin natin siya. Simula nang makita ko siya sa hagdan ng simbahan, naging anak ko na siya. Akala ko ba tanggap mo siya?"
"Anak mo lang. Ni minsan hindi ko tinuring na anak yang si Al. Dapat kasi hindi mo na lang kinuha noon para wala tayong problema ngayon."
"Huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi ba siya pa ang tumutulong sa para makapagtapos yang mga kapatid niya. Huwag mo naman iparamdam sa kanya na ayaw mo sa kanya. Gusto niya rin makaranas ng pagnamahal ng isang ina na mula noon ipinagkait mo na sa kanya."
~ano? ampon ako? Hindi ko sila kadugo? Hindi pwede~
Pinipigilan kong umiyak pero hindi ko kaya. Umalis na lang ako para hindi nila ako marinig. Hindi ko kaya ang mga natuklasan ko.