Chereads / Alcie Is My Name / Chapter 3 - The Betrayal

Chapter 3 - The Betrayal

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Amy pero hindi siya sumasagot. Pinuntahan ko siya sa apartment niya kahit ganitong oras na. Hindi ko lang talaga kaya na magstay muna sa bahay. Mukhang wala siya sa loob kaya hinintay ko siya sa labas. Naisipan kong tawagan ang boyfriend ko. Oo,meron akong boyfriend. Three years and a half na din kami pero hindi ko siya masyadong nakakasama dahil pareho kaming busy. Kapag free ako busy siya,kapag free niya naman busy ako. Hindi nagkakasundo ang schedule naming dalawa.

"Bakit hindi siya sumasagot?"

Pinanghihinaan na ako ng loob. Ang daming nangyari ngayong araw. Aalis na sana ako ng makita ko si Amy na paparating. Pero may kasama siya.

"Al, a-anong ginagawa mo dito?"

"Justine? Bakit magkasama kayo? Tinatawagan ko kayong dalawa pero ni isa sainyo hindi sumasagot. May dapat ba akong malaman?"

"Mali ang iniisip mo babe. Nagkita lang kami sa daan kaya sabay na kaming umuwi tutal pareho lang naman ang daan namin."

Iba man itong nararamdaman ko, pinilit kong alisin sa isip ko. I trust him.

"Ahh ganoon ba? Pasensya na, stress lang ako."

"Ano ba kasi ginagawa mo dito? Tingnan mo naman ang kalagayan mo."

"Kailangan ko lang ng makakausap."

"Ah sige,pasok ka muna."

Inalalayan niya ako papasok.

"Sige mauna na ako."

Paalam ni Justine. Hindi man lang siya nag alala sa akin. Kahit nga pagkumusta lang noong nasa hospital ako,hindi niya nagawa. Sanay na rin naman ako sa kanya eh. Hindi ko nga alam kung bakit pinatatagal ko pa ang relasyon namin. Siguro mahal ko lang talaga siya. Sweet naman siya dati eh kaya lang noong nagkatrabaho palagi na lang yun ang inaatupag. Minsan lang kung tumawag. Pero nakakabawi naman siya sa akin.

"Maupo ka muna diyan,oh dahan dahan. Ano gusto mong drink?"

"Tubig lang."

"Pasensya ka na pala Al kung hindi kita nabisita sa hospital, araw araw na kasi ang praktes nila Julia para sa contest. Bukas na ang laban nila. And sorry nga pala sa nangyari sayo,hindi ka na makakasali sa contest."

"Oo nga eh, sayang noong pera na mapapalanunan ko sana."

Narinig kong may sinasabi si Amy pero hindi ko naintindihan.

"Ano yun Amy?"

"Wala. Sabi ko oo nga,sayang din noon. Oh heto ang tubig mo. Ito nga pala yung cd na tugtog nila Julia sa sayaw. Gusto mong pakinggan?"

"Ay talaga ba? Sige."

"Kumusta?"

"Maganda yung beat, Siguradong mananalo sila diyan."

"Sana nga. Sayang nga at hindi ka makakasali."

"Oo nga eh. Hindi ko nga alam kung bakit nangyayari to sa akin. Naalis ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko,tapos nabangga pa ako."

"Oo nga pala. Ahm, May balita ka ba sa nakabangga sayo?"

"Sabi ng pulis kay tatay nakita daw sa cctv yung kotse pero mabilis na tumakas. Hindi masyadong kita ang plate number."

"Ahh ganoon ba?"

"Oo. Pero hindi naman daw titigil ang mga pulis sa pag iimbestiga."

"Mabuti pang huwag niyo nang hanapin. Sigurado nakatakas na yun ngayon."

"Huh? Ayaw mo bang pagpanagutin yung nakabangga sa akin? Tingnan mo nga ang nangyari sa akin."

"Hindi naman sa ayaw. Pero baka kasi mahirapan pa kayo. Magpapakorte pa kayo niyan. Gagastos pa kayo. Inaalala ko lang naman ang kalagayan mo."

"May point ka naman pero kahit man lang makonsensya sya."

"Anyway, bakit ka nga ba nandito? I'm sure hindi lang yan ang gusto mong sabihin sa akin."

"Kasi-- narinig ko si nanay at tatay na nag uusap-- ampon daw ako."

"What?! Panong-"

"Nakita lang daw ako ni tatay sa may simbahan. Ang sakit lang kasi parang walang balak sabihin sa akin ang totoo."

Naiiyak na naman ako. Hindi ko kasi lubos maisip na ampon lang ako. Maraming tanong ang bumabagabag sa akin ngayon.

"Nakakalungkot namang balita yan Al, so ano nang balak mong gawin ngayon?"

"Hindi ko alam. Napamahal na sila sa akin at saka sila lang ang tinuturing kong pamilya. Ayokong mawala sila sa akin."

"Yun naman pala eh, huwag mo na lang sabihin na narinig mo sila. Huwag mo na lang pansinin yun."

"Kaya pala ganoon na lang ang turing sa akin ni nanay." (~_~)

"Huwag mo nang intindihin ang nanay mo. Mahal ka naman ng tatay at mga kapatid mo eh. Mabuti pa magpahinga ka na. Bukas ka na umuwi."

Magdamag kong inisip ang gagawin ko.

--- Kinabukasan ---

"Sige alis na ako Amy, thank you ah. Mabuti ka talagang kaibigan. Goodluck nga pala sa laban niyo ngayon. Ihingi mo na lang ako ng sorry sa kanila."

"Wala yun. Ikaw pa ba. Mag iingat ka sa pag uwi. Pasensya na at hindi kita mahahatid, kailangan na kasi ako doon eh."

"Naku okay lang. Sapat na yung pagdamay mo sa akin."

Umuwi na ako at nakita ko si tatay na nasa labas, nakatulala.

"Tay, hindi po kayo puma-"

"Saan ka galing? Magdamag kitang hinanap. Ayos ka lang ba? Saan ka natulog? Hindi mo sinasagot ang tawag ko."

Nakita ko ang pag aalala ni tatay. Kahit ampon niya lang ako, minahal niya ako ng parang tunay na anak. Kaya't napagdesisyonan ko na ipagpapatuloy ko pa rin ang pagiging anak at kapatid sa kanila.

"Ayos lang ako tay. Pumunta ako kay Amy para maglabas ng sama ng loob. Pero okay na po ako."

"Sa susunod sabihin mo sa akin para hindi ako nag aalala sayo. "

"Opo tay."

Hindi na pumasok si tatay sa trabaho niya. Sinigurado niya na magiging okay ako.

"Tay,sabi ko naman sainyo na ayos lang ako."

"Baka kasi ano na naman ipagawa ng nanay mo sayo, alam mo naman yun,haha."

"Si tatay talaga."

"Hoi kayong mag ama, wala na tayong bigas. Gabi na at wala pang pangsaing."

"Sige bibili ako."

"Ako na po tay. Gusto ko rin naman ilakad ang mga paa ko para mas mapadali ang paggaling."

"Sigurado ka?"

"Oo naman tay."

Naglakad na ako papuntang tindahan. Medyo malayo ang bahay namin sa tindahan. Pero nakaya ko naman.

"Manang,pabili nga po ng bigas."

"Ilan ba?"

"Isang ki-"

"Hoi Alcie!"

Familiar ang boses. Nasa likod ko siya kaya hinarap ko.

"Oh Julia? Kumusta ang laban niyo? Nanalo ba kayo? Sorr-"

"Ang kapal din ng mukha mong magtanong eh kung hindi ko pa malalaman sinabotahe mo yung music namin!"

"Huh? Anong sinasabi mo?"

"Magmamaang maangan ka pa! Sinira mo yung cd namin kaya hindi kami nakapagperform! Ang sama mo talaga!"

Bigla niyang sinabunutan ang buhok ko.

"Aray ko Julia! Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo."

"Hindi mo alam? Sinabi sa akin ni Amy na pumunta ka sa apartment niya at hiniram yung cd. Hindi niya daw alam na sisirain mo yun habang natutulog siya! Di ba ? ano magdedeny ka pa?!"

"Teka lang! Oo pumunta ako doon pero hindi ko sinira yung cd. Gusto ko ngang manalo kayo eh. Hindi ba sinabi ni Amy na ginudluck ko kayo at humingi ako ng sorry?"

"Wow! Humingi ng sorry?! Hindi yun ang sinabi mo sa kanya! Ang sabi niya galit na galit ka daw sa groupo namin at sinabi mo pa na sana ay matalo kami! Ang sama sama ng ugali mo! Porket ba nagkakaganyan ang buhay mo,idadamay mo kami?! Wala kang kwentang tao! Mabuti nga na nagkaganyan ka!"

"Hindi totoo ang mga sinabi ni Amy."

"So gagawin mo pa siyang sinungaling? Grabe ka talaga. Siya na nga lang ang may pake sayo! Wala kang awa!"

Patuloy niya pa rin akong sinasabunutan. Mabuti na lang at may umawat sa kanya.

"Sana hindi ka na gumaling! Tandaan mo to,kakarmahin ka rin sa mga pinaggagagawa mo!"

Umalis na siya habang ako ay nakaupo sa daan na umiiyak.

~bakit sasabihin ni Amy ang mga kasinungalingan na yun? kailangan ko siyang puntahan~

Pinilit kong tumayo at inayos ang buhok ko. Wala na akong pakialam kung dumudugo ang mga sugat ko dahil sa pagkalampaso ko sa semento. Pupuntahan ko si Amy.

Pagkadating ko doon ay nakita kong bukas ang pinto niya.

"Amy,amy, anong sinasa-"

Nagulat ako sa nakita ko. Si Justine at Amy ay naghahalikan. Nabigla sila sa pagpasok ko.

"Ahm,babe let me explain."

Sabi ni Justine habang nagbubutones. Bigla ko siyang sinampal.

"Explain? Ayan na oh, may proweba na! Ano pa ang ipapaliwanag mo?! Kailan pa to?! Amy!!Traydor ka! Tinuring kitang kaibigan!"

Pilit kong nilalapitan si Amy para samplan pero inaawat ako ni Justine.Siya tuloy ang nasampal ko.

"Hindi ka ba aalis sa harapan ko?!" Ano Amy? Hindi ka magsasalita?! Magsalita kang malandi ka!"

"Hindi ko naman sinasadya na mahalin si Justine. Sorry Al."

Nagpapaawa pa ang mukha niya.

"Huwag mo na akong gaguhin dahil alam ko na ang totoo mong kulay! Magpapakaangel ka sa harap ko pero pagnakatalikod ako ang haba haba ng sungay mo!"

"Amy anong sinasabi niya?"

"Hindi mo alam ang ugali ng babaeng yan na pinalit mo sa akin?! Huh Justine? Papatol patol ka diyan pa sa may sungay."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Al, huwag mo naman akong sirain sa harap niya,please."

Best actress. Naiiyak pa talaga.

"Mabuti pa Justine,ako na ang kakausap kay Al. Umalis ka na muna. Mainit pa ang ulo niya."

"Pero bak-"

"Okay lang ako. Sasaluhin ko ang mga sampal niya para lang maging mahinahon siya."

~abay lintik lang talaga. ito pala talaga ang ugali niya~

Umalis nga si Justine at kami na lang ang natitira. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak.

"Huwag ka na ngang magkunwari! Wala na si Justine at pwede ba,wag mo akong artehan dahil bisto na kita!"

Nakakagigil din ang mukha nito.

Pagkasabi ko noon ay biglang nag iba ang aura niya. Pinunasan niya ang mga luha niya at inayos ang sarili.

"Al, relax. Bakit ka ba nandito? Nagulat ka ba sa amin ni Justine? hahahaha. Pasensya na ,wala na siyang gana sayo eh, wala na daw excitement sayo kaya sa akin pumatol. Ikaw naman kasi, palaging pamilya mo ang inuuna mo kaya tuloy naghanap ng iba ang boyfriend mo."

"Ahas ka!"

"Opps, hinay hinay sa pagsasalita. FYI, hindi ako ahas, hindi ko naman inagaw sayo si Justine. Siya ang kusang lumapit sa akin. Ikaw ang ahas, una siyang naging akin."

"Huwag kang assuming Amy, hindi siya naging sayo. Una mo nga siyang nagustuhan pero ako ang minahal niya!"

"Well it doesn't matter kasi ngayon nasa akin na siya. Hindi mo naman siya naalagaan eh kaya pwede ba wag kang umastang good girlfriend ka,dahil hindi. Napapabayaan mo siya!"

"Mahal niya ako."

"Talaga? Eh bakit nasa akin ngayon? Wala ka naman nang magagawa eh."

Nanghina ako. Napaupo ako sa sahig.

"By the looks of you,I assume na pinuntahan ka na ni Julia. Oo Al,binilog ko ang ulo mo. Sinisiraan kita sa kanila."

"Bakit mo ba ito ginagawa? Tinuring naman kitang kaibigan ah."

Patuloy ako sa pag iyak. Hindi ko matanggap ang mga nangyayari ngayon.

"Mayabang ka kasi! Hindi mo iniintindi ang nararamdaman ng iba. Selfish ka! Pwede ba,umalis ka na lang! Naiirita ako sa pagmumukha mo eh!"

"Isang tanong lang?"

"Ano yun?!"

"Tinuring mo ba akong kaibigan? O lahat ng mga pinakita mo sa akin ay fake?"

"Magaling ba ang acting ko?,hahahaha. Ni minsan hindi kita tinuring na kaibigan!"

Tumayo ako at hindi na nagsalita. Lumabas ako at nagpakalayo layo. Hindi muna ako umuwi ng bahay baka makita ni tatay ang kalagayan ko. Sa sobrang sakit,namanhid na ako. Sumakay lang ako ng taxi. Tulala lang ako.

"Saan po kayo?"

"Kahit saan po."

Ibinaba niya ako sa may malapit sa dalampasigan. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makaabot ako malapit sa dagat. Sa sobrang pagkamanhid ko ay wala na akong pakialam kung saan ako pupunta. Ni wala na akong marinig. Gusto ko na lang magpakalunod sa dagat.