Chereads / Alcie Is My Name / Chapter 4 - I've met an Alliance or an Enemy?

Chapter 4 - I've met an Alliance or an Enemy?

^ I'm drowning at parang wala akong balak na umalis sa tubig. Laht lahat ng nangyari ay nagflashback sa isip ko. Ang mga inaakala kong kaibigan ang siya pang maglulugmok sa akin. Trinaydor nila ako. Iniisip ko na wala atang magandang maidudulot kung mabubuhay pa ako. Pero bigla kong naisip si tatay. Tiyak na malulungkot siya kapag nawala ako sa kanya. Trinay kong umahon pero huli na. Malayo na ako sa surface. Nalulunod na ako. . .^

Bigla akong nagising. May nakita akong isang lalaki na nakatalikod at parang may kausap na doctor.

~nasa hospital ba ako? bakit?~

Nilinga linga ko ang mga mata ko nang makita ko na papalapit ang lalaki.

"Gising ka na pala. May masakit ba sayo? Tell me so that I can call the doctor."

"Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?"

"Obviously nasa hospital ka. At muntik ka nang malunod. I saw you on the beach,you were just walking towards it and I tried to call you but you couldn't hear me. At inisip ko na gusto mo nang magpakamatay pero sinagip pa rin kita dahil sayang ng buhay mo."

"Hinayaan mo na sana ako!"

"Yeah right. Noong makita kita under water,nagsta-struggle ka na parang gusto mong makaahon. You should've thank me for saving you."

"Sino ka ba?!"

"My name is Yves Salvatore and you are?"

Ayoko siyang kausapin. Naninibago pa ako.

"Fine. Curious lang ako, bakit gusto mo magpakamatay?"

"Wala ka nang paki doon."

"Well,kasi kung gusto mong magpakamatay bakit gusto mong umahon? Para kasing nagdecide ka na mawala na lang sa mundo then suddenly may naisip ka kaya gusto mo ulit mabuhay! Eh pano kung wala ako doon?!"

~Bakit nagagalit 'to?~

Hindi na lang ako nagsalita. Feeling close naman to.

"I'm so sorry. Kasi galit lang ako sa mga taong gustong magpakamatay. Kasi hindi sila nag iisip ng mabuti. Kung gusto nila gagawin nila. Pano yung maiiwan nila?"

Nagdecide ako na magsalita dahil ang kulit at isa pa tama naman siya,sinagip niya ako at dapat akong magpasalamat.

"Tama ka naman. Hindi ako nag isip noon mabuti. Masyado lang akong nasaktan kaya't parang naging manhid na ako. Pero huli na nang marealize ko na kailangan ako ng pamilya ko. At kung wala ka doon,wala na rin sana ako. Kaya thank you talaga."

"You're welcome."

Bigla kong naisip si tatay.

"Asaan nga pala ang phone ko?"

"Wala akong nakitang phone sayo. Ikaw lang at ang saklay mo ang nakita ko. Pero iniwan ko yung saklay mo kasi minadali kitang sinakay sa kotse ko. Bakit?"

"Tatawagan ko si tatay. Baka nag aalala na yun. Pwede pahiram ng phone mo."

"Ayoko. Magpagaling ka muna."

"Please. Baka isipin noon na patay na ako."

"Actually, iniisip na talaga nila na patay ka na kasi mag lilimang araw ka nang nandito."

"Ano?! Lagot. Masasaktan si tatay nito ng sobra. Kailangan ko nang umuwi."

"Oppsss. Hindi pwede. Hindi ka pa magaling,pati yang mga paa mo. Dito ka lang."

"Hindi,okay na ako. Asan ang saklay ko?Kaya ko naman umuwi ehh. "

"Kakasabi ko lang na naiwan ko sa beach, hindi ka ba nakikinig? Anyways, malayo ang lugar niyo. At isa pa wala ka naman nang maabutan sainyo."

"Huh?Bakit? Anong ibig mong sabihin?"

"Nagsearch ako tungkol sayo. Kinausap ko yung taxi driver na nasakyan mo and saan ka niya sinakay. Pumunta ako doon para magtanong tanong at nalaman ko na pinaghahanap ka nga ng tatay mo. Nagsumbong siya sa pulis station at ipinahanap ka. To make it short,nakita ang sangkay mo sa may beach at inisip na nagpakalunod ka na. At narinig ko rin na nagpakamatay ka raw dahil sa lalaki. Pinagchichismisan ka ng mga tao doon, at ang source ng balita ay nanggaling sa pangalang Amy Guttierez. Kilala mo yan?"

"Walanghiya talagang Amy na yan! Hindi pa siya na nakuntento sa ginawa niya,nagkalat pa siya ng chismis! Gagantihan ko talaga ang babaeng yan! Lahat silang umapi sa akin,magbabayad. "

"Hey relax. Makakaganti ka rin."

"Haynaku. Pero ano kinalaman noon sa pamilya ko?"

"Lumipat sila ng bahay dahil ayaw daw ng tatay mo na maalala ang mga masamang nangyari sayo doon kasi nalaman niya doon sa pinagbilhan mo ng bigas na walang awa ka daw pinagsasabunot ng isang babae. Sinisisi niya ang sarili niya kaya daw nawala ka kasi dapat daw siya ang bibili, tama ba ako? Ayaw niya rin marinig ang mga chismis tungkol sayo."

"Kawawa naman si tatay. Dapat ko talaga siyang kausapin para hindi niya na sisihin ang sarili niya. Eh pero wala silang pera,pano sila lilipat?"

"I heard na may tumutulong daw sa kanila, financially."

"Kailangan ko silang hanapin."

"Teka,hindi ka ba nakikinig? Magpagaling ka muna. Saka ka na bumalik at magpakita sa kanila kapag ready ka na. Kapag may ipagmamalaki ka na."

"Pero kasi mahihirapan si tatay-"

"Sabi ko nga may tumutulong na sa kanila. Hindi ko alam kung sino pero magpasalamat ka na lang at hindi sila pinabayaan."

"Sino kaya siya? Siguro yung tumulong din sa akin sa hospital. Pero bakit niya naman kami tutulungan eh hindi niya naman kami kilala."

"Ehemm. Sige na,magpahinga ka na kasi bukas sisimulan na raw ni doc ang pagpapagaling ng mga binti mo."

"Wait lang. Ikaw?"

"Anong ako?"

"Bakit mo to ginagawa? Bakit mo ko tinutulungan?"

"Sabihin na lang natin na naawa ako sayo at kailangan mo ng tulong. Makikilala mo rin ako soon."

Pagkasabi niya noon ay lumabas na siya at ako naman ay nag aalala pa rin kina tatay. Pero naisip ko na tama din naman si Yves, kailangan kong bumangon para sa kanila.

~tay hintayin mo ako ah. palagi kayong mag iingat. gusto kong ipagmalaki mo ako kapag bumalik ako sainyo~

----*

Ngayong araw ay nagsimula na ang pagpapagaling ng mga binti ko. Hindi ako napapagod sa ginagawa ko dahil para 'to sa pamilya ko. Kailangan kong magpalakas.

"Kumusta ang ehersisyo mo?"

Tanong sa akin ni Yves na kakarating lang.

"Ayos naman. Medyo nalalakad ko na. Pero feeling ko gagaling na to."

"Good. At dahil diyan,may good news ako sayo."

"Ano yun?"

"Ito oh."

May inabot siya sa akin na folder.

"Come on. Open it."

Binasa ko ang nakasulat. Naluha ako

"Totoo ba 'to? Natagpuan mo na kung saan nakatira sina tatay?"

"Yep."

"Thank so much. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya."

"Welcome. So anong plano mo ngayon? Pupuntahan mo ba sila?"

"Hindi muna. Magtatrabaho muna ako dito para makaipon."

"Tama ang desisyon mo. At may offer akong trabaho sayo."

"Talaga? Kahit anong trabaho gagawin ko yan."

"That settle then. I'll tell you pagmagaling ka na."

"Okay. Soon makakalabas na ako dito,hehe"

"Masayahin ka talaga no? Kahit ganyan na ang naging kalagayan mo."

"Oo naman. Pero hindi ko naman nakakalimutan ang mga nangyari at mga nangtraydor sa akin. Pero hindi ako magpapadala sa kanila. Gagawin ko itong inspiration para maging successful."

"Katulad ka talaga niya."

"Huh? Nino?"

"Wala. Sige alis na ako. May aasikasuhin lang. Mga ilang araw din akong mawawala. Dapat pagbalik ko lalabas ka na ng hospital."

"Oo. Asahan mo yan. Ingat na lang."

Hindi ko inaasahan na may tao pa palang gustong tumulong sa akin. Akala ko basura na ang buhay ko. Pero hindi ako magtitiwala ng lubusan sa kanya kasi baka sa huli traydurin niya rin ako. Nagfocus na lang ako sa pagpapagaling.

After 5 days ay madali akong gumaling. Sinabi ng doctor na pwede na akong umuwi ngayong araw. Nag aayos na ako ng gamit ko.

"Ready?"

Tanong ni Yves na nakasanday pa sa may pintuan.

"So much ready, Sir."

"Okay, let's go."

Dinala niya ako sa malaking bahay.

~bahay niya ba to? ang laki ahh. siya lang ba dito?~

"Oo, akin 'tong bahay na to."

"Hala,nabasa mo ang iniisip ko? Ang yaman mo naman pala"

"Actually,kay mommy to pero binigay niya na sa akin kasi nasa america siya ngayon."

"Yaman niyo."

"Haha,paulit ulit? Pwede namang sayo na."

"huh?! Baliw ka ba? Bakit mo naman ibibigay sa akin yan?"

"Ehh marami naman akong bahay, luma na rin naman ito. Ano gusto ko ba?"

"Sinong aayaw? Pero tatanggihan ko kasi hindi ko naman pinaghirapan yan. Kung gusto ko ng malaking bahay,sa sariling sikap ko din."

"Sabi ko na nga ba at yan ang sasabihin mo. Ayaw mo kasi ng madaling ibinibigay. Gusto mo pinaghigirapan mo talaga."

"Hmmm. Parang makapagsalita ka,kilalang kilala mo ako ahh. "

"Ahhh,hahaha. Sa tingin ko lang naman na ganoon ang ugali mo. Okay,baba na. Nandito na tayo."

Grabe. Mula sa gate,malayo pa ang binyahe namin para lang makarating sa talagang bahay niya.

~bibigyan din kita nito tay, hintayin mo lang.~

"Ano bang iniisip mo?"

"Wala. Bakit mo pala ako dinala dito? Magiging katulong mo ba ako?"

"Ayaw mo ba?"

"Gusto ko. Basta trabaho okay sa akin kahit ano, sir."

"Haha, Joke lang. Hindi naman katulong ang trabahong ibibigay ko sayo."

Habang nag uusap ay naglakad na kami papunta sa loob ng mansyon.

"Magiging wait-"

"Waaaaaah. Ang ganda ng loob. May hagyan pa. Yung mga gamit mukhang mamahalin."

"Haaai, mamaya ka na magpantasya diyan kasi may sinasabi pa ako."

"Ay oo nga pala,sorry po sir."

"Huwag mo na akong tawaging sir."

"Pero boss kita di ba?"

"Ayokong tinatawag akong sir. Magkaedad lang tayo."

"Talaga ba? Ilang taon ka na?"

" 24 na ako."

"hahahaha, eh mas matanda pa pala ako sayo."

"Akala ko 24 ka rin?"

"Hindi, 25 ako."

"24 ka pa lang."

"Parang alam mo naman ang birthday ko."

"Ahhh. Basta."

Tinitigan ko siya.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?"

"Wala. Kasi kapag tinititigan kita ,parang matagal na kitang kilala. Familiar ang mukha mo eh. Nagkita na ba tayo dati?"

"ha-hah? Anong pinagsasabi mo? Ngayon pa lang tayo nagkita."

"hmmmmmmmm."

"Tama na nga yan. Anyways, doon ang kwarto mo. Kung may kailangan ka nasa kabilang kwarto lang ako."

"Talaga ba? Magkano ba ang renta?"

"Renta? Bakit?"

"Eh kasi hindi ko naman kwarto yan, dapat may bayad."

"Don't mind that. Libre lang ang stay mo dito. Pati ang pagkain, ang damit. Lahat."

"hala? bakit ang bait mo? siguro may ipapagawa ka sa aking ilegal no?"

"Grabe to. Wala. Alam ko na hindi ka kaagad magtitiwala sa akin dahil sa mga pinagdaanan mo. Pero isa lang ang sinisigurado ko sayo,hindi kita sasaktan."

Para naman siyang sincere sa sinasabi niya. Sana totoo lahat ng yun.

"Sige na. Magpahinga ka na kasi mamaya ko na sasabihin ang magiging trabaho mo."

"Sige. Napagod din ako sa byahe eh."