Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Na-Isekai Ako

🇶🇦saysayvt
--
chs / week
--
NOT RATINGS
21.1k
Views
Synopsis
A Filipino Novel Inspired Creation with an Isekai Twist. Katherine, previously, Nora, now a young noble in Albania woke up after 1 week of comma due to trauma. Realizing instantly that she got transmigrated in a famous book, Katherine's life is far from boring any more. Disclaimer: Florante and Laura is an original work of Francisco Balagtas and is considered as one the masterpieces in the Philippine History. The creator of this work has no affiliation to the original author and has created this story as an inspiration and recreation of the story out of the author's imagination.
VIEW MORE

Chapter 1 - Unang Kabanata: Wansapanataym

Bitbit ang kanyang LV trolley bag, naglakad si Nora pababa ng eroplano suot ang kanyang Prada shoes nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello, mamshy."

"Anak, nakarating ka na?" boses iyon ng kanyang butihing ina.

"Yes, po."

"Bakit naman naisipan mong lumarga ng mag-isa, sana sinama mo na lang kami ng tatay mo at kapatid mo. Gusto rin naming na gumala sa ibang bansa kasama ka."

Nararamdaman ni Nora ang pagtatampo ng kanyang ina dahil sa hindi niya ito sinama sa kanyang plano. Ginusto niyang magbakasyon ng mag-isa, masyado na siyang nag-focus sa kanyang career na wala na siyang ginawa para sa sarili niya. This time, she's on her own.

Alam ni Nora na gugustuhing sumama ng kanyang pamilya kung sinabi niya ang plano niyang pag-tour kaya napagdesisyunan niyang i-inform na lang sila kapag pasakay na siya ng eroplano. She has 3 months all for herself.

Pero ngayong nasabi na niya ay medyo may kumirot sa kanyang puso nang marinig ang boses ng ina.

"Mama, lagi naman po tayo magkakasama, next time, isasama ko kayong lahat, for now, I just want to be alone po."

"Sana kahit pinaalam mo man lang sa amin." tugon ng kanyang ina.

"Naku, mama, kayo talaga. Osyasya, ako'y paroroon na sa Immigration at bawal ang cellphone roon. Tatawagan ko po kayo uli."

Click. Narinig pa ni Nora na may gusto pa sabihin ang ina niya pero alam niyang magdadrama pa ito kaya pinutol na niya.

Mula pagkabata, maambisyon na si Nora. Ginusto na nyang makaahon sa hirap ang kanyang pamilya kaya nagpursigi sya. Naging scholar siya at working student, nakapagtapos at nagtrabaho agad. Kinalaunan, umalis siya ng bansa nang napagdesisyunan ng amo niyang ilipat siya ng destino. Doon nagsimula ang pag-angat ng career ni Nora, sunud-sunod na achievements ang nakamit niya. Dahil din dito ay napagtapos nya ang nakababata niyang kapatid. Bukod doon, ay naitaguyod niya ang kanyang pamilya kaya panatag siyang wala na itong mga alalahanin hanggang pagtanda.

Napahawak siya sa kwintas na hugis "N" na niregalo sa kanya ng kanyang magulang nang siya'y makapagtapos. Wala itong mairegalong magaarbo sa kanya sa kanyang graduation pero nag-ipon ang mga ito ng mamahaling kwintas ng mga araw na iyon.

Napangiti siya. Natawa siya sa loob ng isipan niya dahil ngayong lagpas na siya ng trenta anyos ay hindi pa siya makapag-asawa dahil inuna niya ang kanyang pamilya. Hindi pa siya nakagawa ng kahit ano para sa sarili niya, ngayon palang kaya pagkatapos niyang asikasuhin ang bagong negosyo ng pamilya, ay nagdesisyunan niyang lumipad.

"New adventure… or not?" Nag-unat si Nora paglabas ng Immigration. Medyo naiinip na rin siya sa buhay niya, gusto niyang humanap ng bagong passion since nagawa na niya halos lahat ng gusto niya.

Hopefully.

Masiglang naglakad palabas ng airport si Nora habang iniisip ang mga magandang posibilidad ng kanyang lakad nang—

BANG!

May narinig siyang pumutok.

BANG!

Not only one but twice. Naghiyawan ang mga tao at napalingon siya sa kinaroroonan ng sigawan.

"NO ONE MOVE OR I WILL BOMB THIS PLACE!" sigaw ng lalaki na may hawak na baril. Mukhang nagpanggap itong security guard ng airport base sa suot nito.

Hindi gumalaw si Nora, at napatingin sa kanyang paligid. Naglabasan din ang ilang lalaki na may baril din para patigilin ang mga tumatakbong sibilyan.

Mukhang ito ang mga terorista ito na naibalita noong isang araw sa telebisyon... what a timing. Napahinga ng malalim si Nora at napaisip. Minsan na lang siyang gagala nang mag-isa, naabutan pa siya ng terorista, malas ba talaga siya o ano?

'Sana hinintay muna nila akong makalabas bago sila naghasik ng lagim. My goodness.'

Isip niya.

Dadapa na si Nora nang makita niyang may naglalakad na batang umiiyak at tinatawag ang ina.

Mukhang naiwanan ito kanina noong nagkakagulo ang tao. Napatingin si Nora sa lalaking terorista at mukhang wala itong balak magpasensya sa bata. Aakma nang iangat ng lalaki ang kamay para barilin ang bata nang may kumalabit sa mga paa ni Nora para tumakbo sa kinaroroonan ng bata para yakapin ito.

BANG.

Nadama ni Nora ang sakit at init sa kanyang likuran habang nakayakap sa bata. Tumigil na ang bata sa pag-iyak pero mukhang siya naman ang maiiyak sa sakit.

"Hay… Pumunta ako para magbakasyon…" Hinaplos ni Nora ang ulunan ng bata habang nakangiti, "Pero ibang bakasyon na ang paroroonan ko…"

Nanatiling nakayakap si Nora sa bata para takpan ito sa mga posibleng paghamak ng mga terorista. Habang unti-unting kinukuha ng kawalan ang malay ni Nora ay naalala niya ang kanyang pamilya.

"Sana pala nagpadespidida muna ako bago umalis."

Nakakapanghinayang.

Hindi dahil hindi na niya makikita ang kanyang pamilya at kaibigan, kung hindi isang paghihinayang para sa kanyang sarili.

Nakakapanghinayang na inubos niya ang kanyang kabataan at pagkadalaga para sa ibang tao na wala na siyang iniwan para sa sarili niya.

Nakakapanghinayang na ginugol niya ang lahat ng panahon niya para umangat sa buhay at mapabuti ang trabaho niya.

Nakakapanghinayang na hindi man lang niya naranasang umibig.

Nakakapanghinayang na kahit na nakamit na niya halos lahat ay hindi naman siya tunay na masaya.

Nadama na niya ang pag-agos ng luha sa kanyang mga pisngi.

Ipinikit na ni Nora ng tuluyan ang kanyang mga mata, at tanging narinig niya ang ang hiyaw ng mga sirena at sigawan ng tao hanggang sa tuluyan nang mawala ng kanyang malay.