Nakaharap si Katherine sa salamin habang inaayusan ng mga katulong dahil nagyayang lumabas si Tiya Yevon upang mamili. Bagama't litong-lito sa pangyayari, ay pumayag na lamang si Katherine dahil natutuwa sa kaisipang mamasyal siya sa isang hindi pamilyar na lugar. Para sa kanya, adventure iyon at hindi niya dapat palalagpasin.
Saka lang niya napansin nung siya ay bumalik sa kwarto na suot niya ang gintong kwintas na ibinigay ng kanyang ng ina nung siya pa si Nora. Umupo siya kama at hinawakan ang kwintas sa kanyang leeg habang nagmuni-muni.
Nakaramdam siya ng kaunting lungkot dahil sa alaala ng kanyang mga magulang. Natatandaan pa niya ang usapan nilang mag-ina sa telepono kailan lang na hindi niya akalaing magiging huli na pala.
"Mabuti na lang na hindi ko sila sinama, at least ligtas sila sa bahay..." Inaliw na lang ni Katherine ang sarili niya sa kaisipang iyon.
***
"Tiya Yevon, saan po ba tayo pupunta?" masiglang tanong ni Katherine habang naaaliw sa kanyang nakikitang view sa sinasakyang karwahe.
"Sa bayan, kung saan maraming tindahan." sagot ng kanyang tiya.
"Nakaka-excite!"
"Hmm?"
"Ah, ibig ko po sabihin gusto ko na po makarating agad."
Hindi na sumagot ang Tiya Yevon at sa halip ay ngumiti na lang bilang tugon.
Hindi nakakaintindi ng English ang mga tao sa paligid niya, ngunit mukhang hindi rin naman Tagalog ang lengwaheng ginagamit nila. Sa hindi niya malamang dahilan ay marunong siya ng salitang binibigkas ng mga ito kahit hindi siya pamilyar.
Maraming bagay pa siyang hindi naiintindihan sa paligid ngunit sinubukan na lang ni Katherine na huwag indahin.
Pinagmasdan niya ang tanawin sa labas ng sinasakyan nila. Hindi man katulad ng nakagisnan niyang matataas building o humaharurot na sasakyan ang lugar ay masasabi niyang napakaganda nito. Makikita niya ang malaberdeng kabundukan at malawak na kabukiran na tila ay isang probinsyang minsan niyang napanaginipan. Parang isang painting ang kapaligirang kaya-aya sa mata --- ang bughaw na langit ay kasing aliwalas ng simoy ng hangin na may natural na bango na hindi mararanasan sa syudad.
"Parang scene sa barbie movie na napanood ko." bulong ni Katherine sa sarili.
Ngayon palang pumapasok paunti-unti sa sistema ni Katherine na nasa ibang mundo na siya, at muli niyang nilalabanan ang lumbay na namumuo sa kanyang puso.
***
Nakarating na si Katherine at Tiya Yevon sa bayan nang mapagpasyahan ni Katherine na humiwalay sa kanya tiya. Hindi ito pumayag nung una pero nakiusap siyang isasama niya si Philemon sa kanyang lakad. Mukhang matatagalan pa kasi ito sa pagpili ng damit at medyo naiinip na siya sa paghihintay.
"Philemon, may bilihan ba rito ng milk tea?" tanong ni Katherine nang dalawa na lang sila ni Philemon na naglalakad sa bayan.
"Milk tea?"
"Ibig kong sabihin tsaa... Hay, gusto ko ng siopao at siomai... pero mukhang wala rito."
"Kung tsaa ho, hayaan niyo akong gabayan kayo kung saan tayo maaaring makabili."
Napabuntong-hininga si Katherine pero sumunod na lang siya kay Philemon. Habang naglalakad, napansin niya ang pagdaan ng mga kabayo at pag-martsa ng ilang kalalakihan patungong norte.
"Umm... Philemon, anong nangyayari?" tanong ni Katherine habang nakapunto sa mga kalalakihan.
"Mga sundalo ho sila ng Albania. Malamang nakabalik na sila galing sa kanilang ekspidisyon at didiretso na sa hari."
"Hari..." Ah, so this world is one huge fairytale land. Hindi na nakakabigla, isip ni Katherine sa sarili.
"Kung mapapansin mo, ang angking kasaganahan ng kaharian ay dahil ito sa matalinong pamumuno ni Haring Linseo. Mayaman ka man o hindi ay nakakatanggap ka ng pantay na karapatan sa kaharian," masiglang pagdedetalye ni Philemon, "At ang anak ni Haring Linseo, si Prinsesa Laura ay sadyang napakaganda. Ayon sa mga kwento, mukha siyang diwata--"
"Sorry, prinsesa?"
"Prinsesa Laura ho," sagot ni Philemon.
"Laura... Albania..." Napaisip si Katherine sa mga katagang iyon, "Hindi siguro baka coincidence lang... Albania is also a name of a country sa dati kong mundo," pakikipag-usap ni Katherine sa kanyang sarili.
"Ano ho iyon?" pagtatanong ni Philemon kay Katherine.
"Ah wala naman. Medyo pamilyar lang kasi..."
Hindi na sumagot si Philemon sa halip ay ngumiti na lang.
'Iniisip ba nilang nakakaalala na ako? Sorry, Philemon Philemon, wala akong kilala ni isa sa inyo rito.'
'Nag-time jump ako? 'Yung balang tumama sa akin ay isang time travelling item?'
Habang pag-iisip ng malalim ni Katherine, bigla silang sinalubong ng mga nangmamadaling taong papunta sa direksyon ng mga sundalo. Naguguluhan siya kaya tinanong niya ang pinakamalapit na tao na pwede niyang pagtanungan.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Katherine sa isang ale na nagmamadali rin maglakad papunta sa direksyon ng mga sundalo.
"Ang hari ay nasa bayan para salubungin at batiin ang mga sundalo!" ang sabi lang ng ale at tumakbo na ito palapit sa kinaroroonan ng madla.
"Ah so fans lang kayo ng hari?" sabi ni Katherine habang pinapanood ang mga tao sa kanyang paligid, "Kala ko naman may sale kaya sila nagmamadali."
"Gusto ko rin makita kung anong hitsura ng hari pero..." umikot ang mata ni Katherine sa paligid upang hanapin si Philemon dahil mukhang nagkawalay sila, "kailangan ko munang hanapin ung chaperone ko kasi mukhang sa kalsada ako pupulutin if hindi ko siya makita."
Bumuntong-hininga uli si Katherine.
Narinig ni Katherine ang hiyawan ng mga tao sa hindi kalayuan at mukhang sila'y nagbubunyi, "Ano ba ang na-discover nila sa ekspidisyon nila at tuwang-tuwa sila? Malamang nandoon din si Philemon kasi mukhang fanboy siya ng royal family base sa 'chura niya nung nagkwento siya kanina... pero wala akong balak makipagsiksikan."
Nagbalak na lang si Katherine na maglakad-lakad sa bayan habang hinihintay na humupa ang concert ng hari at mga sundalo para hanapin si Philemon. Tumingin-tingin na rin siya sa bawat tindahan at nagtanong-tanong siya sa mga tao tungkol sa kaharian. Ang madalas nilang ikwento ay ang hari at ang prinsesa at napansin niyang halos lahat ng tao sa lugar na iyon ay bilib na bilib sa kanilang hari.
Napansin din niyang maganda ang kalidad ng mga produktong binibenta sa mga tindahan at ang presyo ay abot-kaya. Ang kwento ng mga residente ay may batas na ipinaukala na ang bilihin ay hindi dapat aangat sa aprubadong presyo ng hari.
Napangiti si Katherine. Hindi man moderno ang mundong kinalalagyan niya ngayon, hindi naman masama ang kanilang pagsasaliksik sa kung ano ang tamang batas para sa lahat. Hindi na niya masisi ang mga tao kung mahal nila ang hari.
Dumako si Katherine sa bilihan ng mga pagkain at may nakita siyang pamilyar na binibenta sa may isang tindahan. Isang tumpok ng karne na nakasabit malapit sa init at hahatiin paunti-unti para ilagay sa tinapay na may kasamang mga gulay at sarsa.
Shawarma!
Natuwa si Katherine sa loob-loob niya at lalakad palapit sa may shawarma-han nang--
BUMP.
May malakas na kung anuman ang bumunggo kay Katherine na bumagsak siya sa lupa nang wala sa oras.
"Ouch!"
Hinimas-himas niya ang likuran niya habang sinubukang tignan ang tampalasang panira ng beauty niya.
"Pasensiya na, binibini."
Napaangat ng tingin si Katherine sa lalaking nag-abot ng kamay sa kanya.
"Hindi ko sinasadya. Ayos ka lang ba?"