Chereads / One Love To Go / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Nang makarating kami sa simbahan ay agad ko siyang hinila papasok sa loob

"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya. Naka suot pa rin siya ng costume at maskara habang mukha pa rin akong white lady, mabuti nga at walang misa ngayon kaya walang kaming gaanong tao na nakasalubong... nakakahiya pa man din ang hitsura namin. Para kaming pupunta ng Halloween event

Pinaupo ko siya sa upuan "Talk to him" nakangiti kong saad sa kaniya

"What?"

Napakamot ako sa ulo ko "Come on talk to him" tumingin ako sa altar "Noong panahon na hinang-hina na ako,dito ako nagpunta. Sa kaniya ko ibinuhos yung galit ko,yung sakit na nararamdaman ko. Pati mga desisyon niya nga noon pinagdudahan ko. Pero pagkatapos nun,naging magaan ang pakiramdam ko" tumingin ako sa kaniya "You should talk to him too,sa kaniya mo ilabas at ibuhos lahat ng nararamdaman mo"

Bumuntong hininga siya na para bang hindi sang ayon sa sinabi ko,pero kalaunan ay dahan-dahan siyang lumuhod at taimtim na yumuko. Mukhang nagdadasal siya

Napasinghap ako ng sunod-sunod siyang humikbi na para bang nauubusan na ng hininga. Gusto ko siyang yakapin at patahanin,pero mukhang kailangan din niyang mailabas yung sakit na nararamdaman niya

Nang matapos siya sa pag iyak ay doon ko lamang napagtanto na hapon na pala. Ilang oras na pala kaming wala sa University. Mahina akong napamura,parehas kaming hindi na nakaabot sa Cosplay Event. Hays! bahala na nga siguro naman pwedeng mag special project nalang

Tumikhim ako "Ahm,ano hapon na pala...baka wala na rin tayong abutan sa school kung babalik pa tayo,maaga din kasi uwian ngayon since program lang. Siguro umuwi nalang tayo" marahan siyang tumango sakin "Saan ang bahay mo?"

"Why?"

"Ihahatid na kita" alok ko sa kaniya. Nagulat ako ng marahan siyang tumawa

"Do I look like a gay or a girl to you?" he asked

I shook my head "Hindi—nag-aalala lang ako sayo. Mas okay ng may kausap ka hanggang makauwi ka"

"Silly! ako ang maghahatid sayo" pagkasabi niya nun ay agad niya akong hinila patayo at dinala sa kung saan

"Teka saan tayo pupunta? sabi ko naman sayo kahit bumalik pa tayo sa school,wala na rin tayong aabutan" paliwanag ko sa kaniya

"I know. Pero yung motor ko nakaparada malapit sa school natin" tinanguan ko na lamang siya kahit hindi naman niya nakikita dahil mas nauuna siyang maglakad. Hanggang ngayon naiilang parin ako sa hitsura naming dalawa,isang mukhang white lady at isang mukhang bampira. Ano kayang hitsura niya?

Nang makarating kami sa motor niya ay agad niyang ipunasuot sa akin ang helmet niya "Wait paano ka?" tanong ko

Umiling-iling siya "Nah, I'm good. Besides may maskara pa ako--"

"Edi tanggalin mo"

"I can't! I look like a sh*t right now! mas okay ng mag maskara na muna ako. Ayokong makita mo yung mata ko na namamaga that's awkward you know. I mean I don't want you to think that I'm gay"

Kumunot ang noo ko "At bakit ko naman iisipin na bakla ka?"

He shrugged his shoulder "Men don't cry"

I rolled my eyes on him "Geez! you actually believe on that? pare-prehas lang tayong may puso at nasasaktan,

kaya hindi porke umiyak ang lalaki bakla na agad"

Hindi na siya umimik pa at inalalayan na lamang ako sumakay sa motor niya bago niya minaneho. Halos mamatay ako sa kaba dahil pakiramdam ko ay mahuhulog ako "Sa akin ka kasi kumapit" saad niya at saka kinuha ang kamay ko at ipinulupot sa baywang niya bago niya pinaandar ulit yung motor ng mabilis . Hindi ko alam kung talaga bang mabilis 'yon o sadyang hindi lang talaga ako sanay na sumakay sa motor kaya nabibilisan ako

Itinuro ko sa kaniya ang daan papunta sa bahay namin. Halos buong byahe ata kami nag usap ng kung ano-ano

"D'yan nalang sa tabi" saad ko

"Saan diyan ang bahay mo?" tanong niya. Itinuro ko ang isang masikip na eskinita "Sa pinaka dulo ng eskinita na 'yan,andyan yung bahay namin" paliwanag ko. Tumango siya at inalalayan akong makababa

"Salamat sa pag hatid ah" nakangiti kong saad habang inaabot sa kaniya ang helmet na ipinahiram niya. Muli lamang siyang tumango kaya naglakad na ako palayo...nang bigla na lamang niya akong hawakan sa braso "Bakit?"

"Friends na tayo hindi ba?"

Tinignan ko ang motor niya .May nakatatak na Ducati ,alam kong mamahalin iyon "Mayaman ka ba?" tanong ko na ikinatigil niya

"P-paano kung sabihin kong hindi" tinignan niya ako at mukhang napansin niyang naka tingin ako sa motor niya "H-hiniram ko lang 'yan...so ahm p-paano kung hindi ako mayaman---"

"Then we're friends. Ayoko sa mga mayayaman" biglang siyang nawalan ng imik "Look,hindi ko naman nilalahat, pero kasi buong buhay ko wala naman akong nakilala na mayaman at maayos ang trato sa akin. So no offense sa mga richkid na 'yan. Pero kasi para sa akin kapag mas mayaman mas masama ang ugli. In short mas basura ang tingin sa aming mga mahihirap"

"Damn you're one of a kind. Ang tagal ko ng hinahanap yung mga katulad mo" inilahad niya ang kaniyang kanay sa akin "So friends na tayo Bre?"

"Bre?"

Tumawa siya "Short for break, yung break ng motor ko na ito sa tuwing nasosobrahan ako sa bilis ng pagpapatakbo, kusa siyang humihinto o nasisira . Para bang pinapahinto ako at sinasabing huwag kong ipahamak ang sarili ko. Parang ikaw lang,siguro kung hindi ka dumating at hindi mo ako pinigilan baka nga pinahamak ko na ang sarili ko"

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya "Bagay sayo na tawaging 'driver' since kaskasero ka at wala kang pakialam kung maaksidente ka man o mapahamak. So from now on I'll call you Ver...short for driver"

Parehas kaming natawa sa kalokohan namin "But seriously anong pangalan mo?"

Napatingin ako sa ilang bahay na nakasarado na ang bintana "Ahm gusto ko pa sana na makipagkilala sa iyo ,kaso sigurado akong hinahanap na ako sa bahay. Siguro naman magkikita pa rin tayo bukas or next time sa school. Saka na tayo mag get to know each other" natawa siya sa sinabi ko "Alright! thanks for today. Sobrang gumaan nga ang pakiramdam ko. See you when I see you!"

Nang maka alis siya muli akong napangiti. Hindi ko siya kilala,ni hindi ko nga nakita ang pagmumukha niya.Pero ewan ko ba kung bakit parang ang sarap niyang kasama