Isa sa mga kinatatakutan ng estudyante ang 'Hell week'. Pero para sa akin isa 'tong blessing in disguise,hindi dahil matalino ako or easy lang sa akin lahat ng school works kundi dahil mas nadadagdagan ang part time job ko
"Iris magpahinga ka na muna wala pa namang estudyante ang kakain,mukhang mga busy na talaga kayo" saad ni Aling Enang, isa siya sa mga nagluluto ng mga pagkain dito sa Cafeteria ng University
Tinanguan ko siya "Opo sunod-sunod na po mga school works eh...sige po Aling Enang upo na po muna ako sa tabi habang nagre review,paki tawag nalang po ako pag may customer na" agad kong inilabas ang mga librong hiniram ko sa library at saka nag basa-basa. Kailangan kong mag multitask, mag review at mag part time job at the same time
Makalipas ang ilang minuto ay natapos ko ang isang subject na kailangan kong i-review. Akmang magbabasa na ako ng panibagong libro nang bigla na lamang lumapit si Aling Enang na may dala-dalang cake at juice at inilagay sa harapan ko "Ano po 'yan? may customer na po ba?" luminga ako sa paligid pero wala naman akong nakitang kahit na sinong estudyante na kakain
Nginitian niya ako "Para sa'yo 'yan,kumain ka na muna"
"Po?" marahas akong umiling "Naku! hindi na po Aling Enang ang dami ko na pong utang dito sa Cafeteria baka hindi ko na po mabayaran pag nagkataon hehe" Isa pa man din ang cake sa may pinaka mahal na pagkain dito sa Cafeteria
"Ikaw bata ka! nagpapalipas ka na naman ng gutom. Kainin mo na 'yan hindi naman 'yan utang at hindi rin naman 'yan galing sa akin. May nagpapabigay niyan sayo" paliwanag niya
Kumunot ang noo ko "Po? sino po?"
Nagkibit balikat siya "Hindi ko rin alam eh may nagpabigay lang,kaibigan mo raw.Oh siya sige na kainin mo nalang yan para hindi masayang,may niluluto pa ako eh" magtatanong pa sana ako nang agad na siyang umalis
Napatingin ako sa strawberry cake at red juice na nasa harapan ko,napansin kong may maliit na note na nakalagay sa tray. Agad ko itong binasa
Eat up Bre! Ayokong nagugutom ka. I'm sorry,medyo natambakan din ako ng mga school works ngayon kaya hindi muna kita masasamahan, babawi ako promise. Take care my Bre
—Ver
Napangiti na lamang ako.Mukhang nagiging okay na siya. Nang matapos ako sa pagre review ay naubos ko na rin ang pagkain at inumin na ibinigay ni Ver
Agad akong lumapit kay Aling Enang "Aling Enang mauna na po ako ah? magpa part time pa po ako sa library eh" paalam ko na agad naman niyang sinang ayunan
"Oh siya sige—teka nakain mo na ba yung pagkain at juice na ibinigay ko?" tumango ako na ikina ngiti niya "Oh eto meryenda mo raw para mamaya" abot niya sa akin ng isang sandwich na naka pack
Napa maang ako "Pi--siya rin po nagpapabigay?"
Tumango siya "Bago ka raw umalis, ibigay ko daw sayo ito at malalaman niya daw kung kinakain mo o hindi lahat ng mga binibigay niya. Kaya siguraduhin mong kakainin mo 'yan. Oh siya sige na at baka hinahanap ka na ni Mr Cruz sa library" napa iling na lamang ako bago itinabi sa bag ko ang sandwich, sana magkita na ulit kami para mapagsabihan ko siyang itigil na itong kakabili sa akin ng kung ano-anong pagkain. Nakakahiya na
Nang makarating ako sa library ay halos nagkakagulo na ang lahat sa dami ng estudyante. Halos lahat kasi nagre review na "Mr Cruz good afternoon po" bati ko sa librarian namin,siya rin ang nag alok sa akin na mag part time dito sa library sa twing maraming estudyante
"Iris,Hija! mabuti naman at narito ka na. Napaka rami ng estudyante. Dating gawi nalang ah? paki tulungan yung mga estudyante sa mga libro na hinahanap nila saka paki ligpit na rin yung ibang libro na nagkalat"
Naka ngiti akong tumango "Noted Sir!" agad akong nag umpisa na magtrabaho
Kasalukuyan kong inaayos ang mga librong nahulog sa sahig nang biglang mahagip ng mata ko si Kevin na nasa pinaka dulong bookshelf at nakatitig sa akin.Bigla akong nailang kaya agad akong nag iwas ng tingin.Pero mayamaya lang ay ramdam kong naglakad sya papalapit sa akin
"Hindi mo man lang ba ako i-assist?" he asked
Tumikhim ako "Ano ahm...hindi ko alam itatawag ko sayo—"
"Just kevin or anything you want"
I nodded my head "So ahm Kevin anong kailangan mo? paki sabi nalang ng subject and title para matulungan kita hanapin kung ano man ang libro na hinahanap mo" saad ko habang sa ibang direksyon naka tingin
"How to be friends with you" he said seriously
"Ha?" ilang saglit ako natigilan bago ko napagtanto na nang aasar lamang siya. Huminga ako ng malalim "Look Sir kevin—"
"Just Kevin"
"Okay ahm...kevin please marami po akong ginagawa—"
"Drop the 'po' "
Napapikit ako ng mariin "Please lang,marami pa akong gagawin kaya paki sabi nalang ng librong hinahanap niyo"
Napa iling-iling siya "You're so cold Iris, hindi ka naman ganito noong unang pag-uusap natin"
Muli akong nag buntong hininga "No offense pero katulad ng sinabi ko sayo noong nakaraan ay hindi ako makikipag kaibigan sa'yo... kaya mas maiging maghanap ka nalang ng ibang kakaibiganin mo. I'm sorry pero kung wala ka ng ibang kailangan pa, magtatrabaho na ako" agad akong yumuko at lumayo sa kaniya
"Ihahatid kita mamaya" medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya naman kinabahan ako at napatingin sa paligid. Mabuti na lamang at busy ang lahat kaya walang naka pansin sa amin. Paniguradong kapag may nakakitang nag uusap kami ay dadami na naman ang mambu bully sa akin
"May maghahatid na sa akin" pormal kong saad
"And who the hell is that?"
"Si Ver,kaibigan ko" malamig kong saad. Ngumiti lamang siya at tumango bago ako iniwan
Pagka alis niya sa library ay agad akong nagseryoso sa pag aayos ng mga libro. Malapit ng mag 6:30 nang matapos ako kaya medyo dumidilim na pagka labas ko
Papunta palang ako sa main gate nang makita ko ang pamilyar na bulto na naka upo sa motor. Napa ngiti ako at agad siyang pinuntuhan
Naka helmet na naman siya kaya hindi ko pa rin malaman kung ano ba talaga ang hitsura niya "Hey! bakit hindi ka pa umuuwi?"
Agad siyang napatingin sa gawi ko "Hey! andyan ka na pala,halika hatid na kita"
Agad akong nakaramdam ng hiya "Hindi na! ano ka ba nilapitan lang kita para magpasalamat sa mga pagkain na ibinigay mo. Last na 'yon ah! wala akong pambayad sa mga 'yon"
Natawa siya sa sinabi ko "Hindi naman ako naniningil. Halika na ihahatid na kita, inintay talaga kita sayang naman kung hindi kita maihahatid"
Tatanggi pa sana ako pero nakita ko ang isa pang helmet na hawak niya,mukhang pinaghandaan niya nga talaga. Nakakahiya naman tumanggi lalo pa't kanina pa pala siya naghihintay. Tumango na lamang ako
Mas mahinanon na siyang mag maneho ng motor ngayon. Nang makarating kami malapit sa bahay ay agad akong bumaba at tinanggal ang helmet na ipinahiram niya "So Mr mysterious slash Ver,kailan mo ipapakita ang hitsura mo sa akin?"
He chuckled "I'm not hiding my face Bre,gusto ko lang maka sigurado na kahit pa makita mo ang totoo kong hitsura ay hindi mo ako lalayuan at magkaibigan pa rin tayo"
Napa iling na lamang ako "Loko! kahit naman anong hitsura mo walang magbabago"
"Sabi mo yan ah" tumango ako
Dahan-dahan niyang hinubad ang helmet na suot niya. Kahit pa madilim na ay sapat na ang mga ilaw sa poste para makita ko ang buong kabuuan niya
Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang mukha niya
"K-kevin?" halos pabulong ko ng saad