Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Si Kevin si Ver? paano nangyari 'yon?
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang gabing iyon at hanggang ngayon ay nalulutang pa rin ako sa nalaman ko
Si Ver na naging kaibigan ko na muntik ng mag suicide at nagkwento tungkol sa pagkamatay ng pamilya niya...at si Kevin Wilson na anak ng may ari ng University na ito ay iisa?. I still don't get it,pakiramdam ko ay nananaginip lamang ako,I mean bakit naman makikipag usap o makikipag kaibigan sa akin ang isang Kevin Wilson? and all this time akala ko buhay pa ang mga magulang niya so it turns out na wala na pala siyang mga magulang. How come na hindi alam iyon ng karamihan?
Sa dalawang linggo na nakalipas ay maraming nagbago. Walang araw na hindi ako nakatanggap ng mga pagkain na ipanabibigay daw ni Ver,laking pasasalamat ko na lamang na lahat ng mga nakaka kita na binibigyan ako ng pagkain ay walang ideya kung sino talaga ang nagbigay ng mga pagkain na iyon
Sigurado akong kapag nalaman ng lahat na kinausap o naging kaibigan ko si Kevin ay malalagot ako lalo. Alam ko naman ang posisyon ko,kaya sa twing nagtatagpo ang landas namin ni Kevin ay agad akong umiiwas o tumatakbo palayo
"SO SINONG TANGA ang nanliligaw sayo nerdy?" tanong ni Chloe nang mapansing may nagdala na naman ng pagkain sa desk ko
Napalunok ako "K-kaibigan ko lang ang nag bigay niyan"
"Kaibigan na Dom?" sabay-sabay silang nagtawanan lahat dahil sa sinabi ni Chloe
Naiyukom ko na lamang ang palad ko. Hindi ako dapat magpa apekto sa sinasabi nila. Laking pasasalamat ko nang dumating na ang prof namin
Pero halos manlumo ako nang makitang pumasok din si Kevin sa room namin. Anong ginagawa niya dito? halos mabingi na ako sa tilian ng mga babae kong kaklase
"Settle down class! alam kong masaya kayo na makakasama niyo na si Mr Wilson sa buong class hour,Pero please lower down your voices. Ayokong mag reklamo ang ibang section na oras-oras kayong nagtitilian" biro ni Prof salazar pero ako lang ata ang hindi natawa
Inikot ko ang paningin ko at nakahinga ako nang maluwag nang makitang sa harap nalang may bakanteng upuan. Nasa likuran ako kaya kapag doon sya umupo ay magkalayo kami,mas mapapanatag ako ng kahit paano kapag ganun
Pero agad din akong nanlumo nang makitang lumapit sa kinauupuan ko si Kevin at itinuro ang katabing upuan ko "I prefer this seat"
"No problem Mr Wilson. Is that okay with you Mr mendoza?" tanong ni Prof sa katabi kong lalaki na agad namang tumango at lumipat ng upuan
Ramdam ko ang mabilis na kabog ng puso ko nang makaupo na sa tabi ko si Kevin . Napatingin ako sa gawi nila Chloe at tama nga ang hinala ko,lahat sila ay masama ang tingin sa akin
"Sir pwede po bang lumipat din ako ng mauupuan?" lakas loob kong tanong sa Prof namin
Natigilan ang lahat habang bumaling naman si Prof Salazar kay Kevin .Kita ko ang bahagyang pag iling ni Kevin na para bang hindi sang ayon sa gusto kong paglipat "I'm sorry Miss Morgan but it'll be better if you'll stay on your seat.Nakagawa na rin kasi ako ng seat plan baka malito ako sa attendance nito"
Napilitan na lamang akong tumango kahit alam kong nagpapalusot lamang siya. Kahit sino naman atang Prof ay susunod sa gusto ni Kevin dahil anak siya ng may ari ng University na ito. Not to mention na wala na ang mga magulang niya kaya malamang ay siya na ang may ari nitong buong school. Sigurado akong kapag nalaman ito ng lahat ay mas lalo siyang titingalain
Nagsisimula ng mag lesson si Sir nang bigla na lamang bumulong sa tabi ko si Kevin "So how's my Bre?"
Napalunok ako at nag kunwari na lamang na hindi ko siya naririnig.Buong class time niya akong sinubukan na kausapin pero ni isang beses ay hindi ko siya inimik. Ayokong malagot lalo pa't alam kong pasimpleng tumitingin sa direksyon namin ang iba
Nang mag break time ay agad akong tumakbo paalis sa room at dumiretso sa Cafeteria
Agad kong pinuntahan si Aling Enang "Aling Enang may gagawin po ba ngayon?"
Umiling siya "Naku! wala Hija,pero may good news ako sayo.Bukas ka na susweldo"
Agad akong napa ngiti sa narinig "Talaga po? salamat po ah"
"Huwag ka magpa salamat, pinagtrabahuan mo iyon.Oh siga sige na baka may gagawin ka pa.Ay teka kakain ka ba?"
Muli akong umiling "Hindi na po tapos na po akong kumain,mag re-review na lang po muna ako dito" tumango sya sa akin kaya naman agad na akong umupo sa isa sa mga upuan sa Cafeteria. Mas gusto ko talagang magbasa dito kaysa library. Open Area kasi dito kaya naman mas sariwa ang hangin,hindi katulad sa library na sobrang lamig dahil sa aircon.
"Bakit hindi ka pa kumakain?"
Nagulat ako nang bigla na lamang sumulpot sa tabi ko si Kevin at mayroong dala-dalang mga pagkain na nasa tray "What are you doing here?!" natataranta kong tanong habang lumilinga sa paligid. Sana lang ay hindi pumunta dito si Chloe kung hindi ay malalagot ako
"Masama ba kung gusto kitang kasabay na kumain. We're friends right?" agad ko siyang inilingan "Nah,hindi mo na pwedeng bawiin ang sinabi mo"
Napa pikit ako ng mariin "Kevin I can't! please lang layuan mo na ako" agad kong inayos ang gamit ko at katulad ng palagi kong ginagawa ay muli ko siyang tinakbuhan.Pero sadyang makulit ata siya dahil agad din niya akong sinundan
"Iris wait!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin
Nang makarating ako sa likod ng Field ay agad akong tumakbo at nagtago sa mga puno. Ilang beses akong huminga ng malalim para mawala ang hingal ko.Pero ganun na lamang ang gulat ko nang maramdaman kong may bigla na lamang yumakap sa akin mula sa likuran
"Give me one good reason para layuan kita"
Napalunok ako at nagbuhol-buhol lalo ang hininga ko "Kevin we can't be friends"
"Because?"
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at agad na nag isip ng sasabihin "K-kasi pobre lang ako! hindi pwedeng maging magka ibigan ang mahirap at mayaman.Saka ano ahm a-ayaw kitang maging kaibigan,saka ahm...ayokong masira image mo ng dahil lang sa akin.At a-ano hindi ako makabubuti para sayo"
"Are you done? is that all?" I nodded my head "Well sorry to disappoint you but that's not good enough" ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko "You can resist me all you want but I'll do everything to change your mind and you can't stop me"
Pagka sabi niya nun ay mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin