I climbed down the stairs to meet the two peculiar buildings dito sa entrance ng Park Güell dito sa Carmel Hill at nasa likod lang niya ang syudad, na sa pagkakaalam ko was designed by the famous architect Antoni Gaudi. Kilala rin ito bilang isa sa mga masterpiece na ginawa ni Gaudi at hindi mapagkakaila na ito talaga ang way ng pagdidisenyo niya.
Tila mga ginger bread houses ang mga ito at sa nakikita ko ang kakapal ng ginamit na bato dito.
Parang nasa isang wonderland ako dahil ibang-iba talaga ang estruktura at paggawa nito. I searched about him and he was a Catalan architect and known for Modernism style and he designed and built lots of peculiar buildings at nakalocate ito mainly sa iba't-ibang parte ng Barcelona.
I researched about this park and one of Gaudi's bestfriend, Eusebi Güell, na mismo ipinangalan sa kanya ang park, commissioned him to build a garden city atop a mountain ridge overlooking the city for the aristocrats of Barcelona.
Makikita ang city ng Barcelona sa entrance terrace ng park which kaharap lang ng dalawang malalaking bahay. Mula sa kinatatayuan ko dito napakataas ng terrace that also supported by thick columns. The terrace was a mosaic full of colorful tiles. Nanggaling na ako doon kanina at bumaba dito sa dambuhalang bahay.
I never thought that this place was ravishing! I mean the whole city of Barcelona! Parang dinala ako somewhere in mid-centuries. I never thought na ganito pala kaganda ang sining at architecture of the old times, I mean hanggang ngayon pa rin naman.
I decided to travel here and know more about Architect Gaudi because that's the only way I can remember a piece of her.
I took photos of each of the big houses at ang scenery ng terrace. This place will be remarkable kapag nasa aerial view ito. Ang lapad kasi ng area nito. Kulang na lang mahihilo na ako sa kakaangat ng ulo ko sa iba't-ibang attractions dito.
I checked my phone if my brother, Jayven, has already arrived at the airport. Pero walang calls akong natanggap o text.
Maraming turista ang dumadayo dito and I noticed some painters lined up at the front of a landscape na pinagigitnaan ng dalawang hagdanan. It seems they were painting the houses across them. I also noticed they're wearing similar IDs. Maybe they were students of an architecture university somewhere in the city.
Tumunog at nagvavibrate ang phone ko sa bulsa, sign na tumatawag si Jayven.
"O Ven? Nasaan na kayo?" Huli ko lang kasi nabalitaan na isasama niya pala ang girlfriend niya. I smiled at the thought na tumagal sa wakas ang relasyon niya ngayon.
[San ka ba? Kami na lang pupunta dyan sayo,]
"Uh teka lang, alam niyo ba kung paano?"
[Ay oo nga pala, nasa ibang bansa pala tayo. Pumunta kana dito sa airport Kuya! Don't make us wait! Kuya? Uy–]
Napatigil ako nang dumapo ang tingin ko sa isang babae na nagpipinta at hindi na sinasagot si Jayven sa telepono.
"Oo, susunduin ko kayo. I think I saw someone familiar."
[Ha? Sino–] Rinig kong sabi niya pa nang in-end ko ang call. Unti-unti kong binababa ang telepono at nilagay sa bulsa. I stepped forward and also squinted my eyes just to see the person clearly and know if it's the person I really think it was.
Baka namamalik mata lang ako pero hinakbang ko ang mga paa ko papunta sa direksyon niya at tinabi ang mga humaharang sa akin na mga tao until I reach them. Yes them. The painters I was talking about earlier. The familiar face was one of the painters.
Nandito lang ako sa gilid nila at kunwaring pinagmamasdan ang pagpipinta nila but what I want to find is that person! Where the hell is she? Wala na siya dito sa mga estudyanteng nagpipinta.
Dahil ba sa kakaisip ko sa kanya at nagha-hallucinate na ako? Was that really her I saw? But that's impossible! Napapitik naman ako sa noo ko at baka nag-iilusyon lang ata mata ko.
Imbis na hanapin ang kung ano man ang hinahanap ko, umakyat na lang ako at nagdesisyon na bumalik sa terrace.
Habang umaakyat ako, I spotted someone familiar again. Nakatalikod siya sa akin at kilalang-kilala ko ang likod niya. Naka bun ang kanyang buhok. Naka brown trousers siya. Naka tuck-in ang blouse na kulay orange na maputla at hanggang siko ang sleeves. Naka puting sapatos at dala-dala niya ang isang beige na bag sa kanang balikat niya at hawak-hawak niya ang stand at canvas sa magkabilang kamay.
Pansin kong may kasama siyang lalaki dahil dikit ito nang dikit sa kanya. I abruptly stop when they also stop, at the side of a multicolored mosaic salamander. Now, I see the side view of her face and I almost tripped on the way sa nakita ko.
Siya nga!
Nang umalis na sila sa statue dali-dali kong hinakbang ang mga paa ko hanggang parang tumatakbo na ako. Muntik ko na mawala ang paningin ko sa kanila hanggang makaabot ako sa napakalapad na terrace. Hinanap ko siya until I stopped on my tracks at pinagmamasdan siya na nasa harap ko na pala.
Akmang tatalikod na siya at agad-agad akong tumungo sa direksyon niya. I suddenly grabbed her arm and spin her towards me. I gasp for air before I say her name,
"Shai?"