Chereads / A Pleasure Escapade (TAGLISH) / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

"Are you done decorate there guys?"

Nakuha ang atensyon ko kay Kim na tumatawag sa phone maybe ang ibang kasama namin yan sa Student Council na nasa gymnasium na nagdedecorate para sa founder's week namin starting bukas. May iba din kaming kasama na nagdedecorate sa air-conditioned hall.

He's our president this year's National Student Council at ako naman ang vice kaya napakabigat ng responsibility namin at ngayon mas triple ang trabaho namin dahil anniversary ng school.

This will be our last year dito na magsilbi sa school dahil ang iba sa amin ay maggagraduate na at isa ako dun.

Nandito kami sa soccer field ng campus at chinecheck kung tapos na mag-ayos ang lahat na magbabazaar para bukas which pinapalibutan ang buong soccer field at naayos na din namin kanina ang mga upuan at lamesa, and also tents sa gitna para sa mga estudyantedng kakain.

Ang ginagawa ko naman ngayon ay nagdodocument or shooting montage before the big day starts. Kanina ko pa pinapalipad ang drone ko at ako naman din ang mag-eedit ng video dahil isa din 'to sa magiging responsibility ko and task ko dahil anchored sa kurso kong Bachelor of Arts in Film and Multimedia Arts.

"Kody! Okay na ba yung mga kakailanganin natin para sa mga program this week? Okay na ba yung sound systems natin para sa Battle of the Bands at ang mga sasali? What about the spotlights and whatnot?"

"Oo, okay na okay na Kim. Last last week pa yun nahandle ng mga naassigned na senators natin para dyan." Habang ang mata ko ay nakatutok pa rin sa iPad ko kung saan pinapakita ang camera footage ng drone sa ere at controls.

"Eh mga decorations para sa ibang program? Nabili niyo na? Eh ang bandang ihahire natin para sa Chill Night Party nacontact niyo na ba? Approve ba yung sched niya para doon? At ang mga selected students na kakanta nalista na ba lahat? Eh ang mga contests such as declamation, character impersonation, impromptu, hiphop, vlogging competition at kung anu-ano pa, complete na ba ang mga sasali?"

Nang matapos na ako magdocument pinapababa ko na ang drone.

"Tapos na Kim last week pa don't worry about that. Ginawa na ng ibang kasama natin at isa pa ang student council ng senior high, junior high at elementary tumutulong din sa atin. Sila na ang incharge sa other contests na regarding sa academics at kung ano pang mas madali para sa kanila. At last week pa nila binigyan ng request letter ang mga teachers na gagawin nating judges para sa mga contests na yan. And on the other night they responded na. Pwede sila sa nasabing program. Kaya huminga ka na nang malalim Kim, okay? Ang mga program na bigatin tayo na naghahandle sa mga yun."

Tumingin ako sa taas at nahagip ng mata ko ang drone na unti-unting bumababa na. Pinuntahan ko kung saan ito maglalanding at kinuha.

"Tapos kana dyan, Kody?" Tumango lang ako sa kanya at pinagmasdan ang twilight sa horizon. Malapit na maggabi.

Dahil dumidilim na, may ibang magbabazaar na hindi pa tapos at may ibang nagpapack up na. Allowed naman sila na magstay dito hanggang gabi kung hindi pa sila tapos.

Bumalik kami ni Kim sa office namin at pinagather ni Kim ang ibang kasama namin sa office at nang maging kompleto na kami, sama-sama kaming nagdasal na maging successful ang mga activities namin para sa buong school, at mismo para sa 185th anniversary ng school.

Pagkatapos ay lahat nagpaalam na sa isa't-isa at mayroong iba sa amin na mag-oovernight dito sa office at may iba naman sa bahay ko para tapusin ang ibang gagawin namin at sisimulan ko nang iedit ang nakuha ko.

"Tara na Kody!" Atat na atat na sabi ni Luca (kabatch ko) na sasama sa overnight. Sumunod naman si Matt (two years younger sa akin) at Jessie (kabatch ko) na kasama din namin sa council.

Kinuha ko na ang bag ko at sabay na kaming lumabas ng office.

Pumunta ako ng parking lot at hinanap ang sasakyan.

Dito ko na lang sila hihintayin sa kotse. Sila naman ay pumuntang guard house para kunin ang iniwan nilang gamit.

Habang nakasandal ako sa kotse, naaanigan ko si Julia na papunta dito kaya inayos ko naman ang sarili ko.

"Mag-oovernight kayo?" Tumango naman ako at patuloy naman kami nagkwentuhan.

Si Julia ay girlfriend ko at isa sa mga student models na nagrerepresent ng school. Kung may oras siya, tinutulungan niya din kami sa mga program whereas she helped out our other members to decorate the gym.

Nang nakikita ko na ang mga kasama ko na papalapit sa pwesto namin tinanong naman ako ni Matt,

"O nasan na si Jerrod? Oh hi Julia!" Julia also responded to him.

"Ewan ko nga ba dun. Ang tagal-tagal. Iwan na lang kaya natin yun?"

"By the way Kody, pupunta kami ng mga pinsan ko sa Paraiso. Magce-celebrate kami ng birthday ni Quill. Okay lang ba?" Tumango naman ako sa kanya, senyas na pinapayagan ko siya sa gusto niya.

"Uy! Sunod kami dun!" Bigla naman lumutaw sa tabi namin si Jerrod.

Akmang mag-aargue sana ako dahil hindi kami pwedeng sumama dahil marami pa kaming gagawin na hindi pa natatapos.

"Oh edi tapusin natin agad. Para kahit papaano gumaan din 'yang pakiramdam n'yo at makuha 'yang stress na yan." Alam na alam niya talaga ang iniisip ko.

"Siguro pagkatapos nitong week na lang-"

"Oo nga, Kody! Hindi naman tayo iinom ng alak o ano. Sanay na tayo sa puyat 'no kaya magigising tayo bukas nang maaga." Hirit naman ni Luca. Napasang-ayon naman si Matt.

"Pupunta ka pa dun hindi ka naman pala iinom. Para sa ano pa?" Atake naman sa kanya ni Jessie.

"Let's see mamaya kung matatapos natin nang maaga ang mga gagawin natin. Then, susunod tayo dun. Okay ba sa inyo yun?" Sabi ko naman sa kanila. Eto talaga si Jerrod sana pala hindi na lang siya sumama.

Nagpaalam na kami kay Julia kahit na pinilit ko siya na sumabay na lang sa amin at ihahatid ko siya pero may iba pa siyang gawin kaya sumakay na kami ng kotse at humarurot na papunta sa bahay ko.

Pagkadating namin sa bahay ay binati namin si Mama at pumunta na sila kaagad sa sala sa taas para ayusin ang mga gamit nila. Ako naman naghahanda ng makakain nila.

Tinulungan naman ako ni Mama na maghain. Nang matapos na ay sumunod na ako sa taas at sinimulan na rin ang pag-eedit namin ni Jerrod. Inilipat niya ang mga videos na nakuha niya sa sarili niyang camera sa laptop ko at sinimulan na naming iarrange.

Several hours had passed at tapos na kaming kumain ng hapunan at balik ule kami sa kanya-kanya naming trabaho.

Umakyat naman si Mama at binigyan kami ng meryenda.

"Ito meryenda pang pagana sa kung ano man ginagawa niyo. Bukas na ang anniversary week?"

"Opo tita." Sagot naman nila.

We took a break muna at pumunta sa terrace para doon kumain at magkwentuhan.

"Nasan nga pala ang kapatid mo Kods?" Luca

"Ba't hinahanap mo naman?" Pang-aasar na tanong ni Jessie sa kanya.

"I think he's in his friend's house practicing for the Battle of the Bands. Balak ata nila sumali dun."

"Ang amazing naman ng kapatid mo Kods. Gwapo na, ang ganda pa ng boses."

"Ang tanda-tanda mo na para sa kanya Luca! Papatol ka sa bata? Ano ka child abuser? Hahahaha!" Sinagot naman siya ni Jessie.

"Si Ate Girl oh! Mga ilang years ko na siya din hindi nakikita." Nilingon naman naming lahat si Jerrod at tinignan kung sino ang tinutukoy niya.

Ah si Shai lang pala. Kapitbahay namin. And as usual pinagmamasdan ang kalangitan. Uhm.. it is because I always see her doing that every night. Why am I explaining? Nevermind.

Nang nakita niya kaming nakatingin sa kanya ay nagbago ang expression ng mukha niya at agad niya naman sinara ang bintana niya. Anong problema nun?

Galit pa din ba siya sa nangyari?

"Tsk. Years ka dyan. Eh palagi mo nga binabanggit sa akin kung nakakasalubong mo si Shai eh. Parang may paki naman ako. Haha." I rolled my eyes at the thought at napahalakhak na lang siya sa sinabi ko.

"Sa school din ba siya natin nag-aaral?" Luca.

"Oo." Sabay na sabi namin ni Jerrod. Nilingon ko naman si Jerrod at naabutan siyang nakapang-asar na ngiti. I mouthed ano sa nakakalokong pagtingin niyang yan.

Pshh kung anu-ano naman ang iniisip nito.

"Hmm.. kaya pala pamilyar siya sa'kin." Dagdag naman ni Jessie.

"By the way, Kods, natapos niyo na ba yung documentary?"

"Pst! Kody!"

Napatulala na pala ako at hindi ko namalayan na binabalik ko sa isip ko ang mga times na nakikita ko siyang namamalagi sa maliit na terrace niya. Walang dahilan yun ah. Sadyang nahuhuli ko siya sa terrace niya syempre dahil nakikita ko rin sa bintana ng kwarto ko o di kaya kung tumatambay ako sa terrace.

"Lutang ka dyan? Tinatanong ka oh." I shook at napahalakhak na lang nang walang dahilan.

"Ah- ano hindi pa. Tapos na ba kayo kumain? Pwede na tayo bumalik sa loob at tapusin ang trabaho." Nagsang-ayon naman ang lahat kaya kinuha na namin ang mga plato at nilinis ang dumi sa lamesa.

Bumalik kami sa loob at pinagpatuloy namin ang gawain. Malapit na namin matapos ang mga transitions ng mga behind-the-scenes ng pagpeprepare ng founder's week.

Nang matapos na kami ni Jerrod, sabay kaming lumagpak sa sahig.

Humikab pa kaming dalawa dahil sa pagod at tumayo para umiyod. Hindi biro ang pag-eedit ng mga transitions.

Dami kasi nitong kinuha si Jerrod at hindi naman lahat ilalagay sa finishing kaya kahit ako nahirapan akong pumili ng magadang shots na ilalagay.

"Tara na!" Bigla naman napasigaw ni Jerrod at ang iba na nakaupo na sa sahig ay nagulat.

"Saan naman Jer?" Jessie

"Edi sa Paraiso. Kung saan maramdaman mo ang tunay na langit~" Bakit parang dumumi ang utak ko dun? I shook the inward thought at shinut down na ang laptop.

"Hindi pa sila tapos Jer, okay ka lang?" Sabat ko naman sa kanya. Eto talaga sana hindi na lang namin sinama 'to. Hindi magandang impluwensiya 'to sa mga kasama ko.

"Patapos naman kami Kods. Gusto ko naman din kumawala sa ginagawa namin ngayon kaya bilisan niyo na." Matt

Hindi talaga sila magpapaawat kung bar ang pinag-uusapan 'no? Malapit lang kasi dito eh kaya hindi na nila papalampasin ang pagkakataon. Haha kahit ako din naman. Gusto kong uminom pero baka hindi na ako makakabangon bukas nang maaga nito.

As expected tinapos talaga nila nang madalian. Nilabas ko na ang sasakyan sa gate at hinihintay nilang maayos na ang pagkapwesto ng sasakyan bago sila pumasok.

Nagpaalam na kami kay Mama at humarurot na. Nakapaghapunan naman na kami kaya okay lang.

Wala pa kami nakalabas ng subdivision ay nahagip ng mata ko na may nagbabike na humaharang sa daan. Nang napagtanto ng nagbabike na may sasakyan sa likod niya kusa din siya na pumagilid para dumaan kami.

Gabing-gabi na pero may lakas na loob pa rin na gumala sa labas? Napailing na lang ako.

Pagdating namin sa Paraiso agad namin nakita si Julia kasama ang mga pinsan niya sa isang cottage.

"Uy Guys! Kody! Jerrod! Buti naman sumunod kayo dito." Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Yoow~ Sana owl may kahalik sa pisngi. Sana ako rin.." Nilingon ko naman ito at naabutang nakatulala pa sa hangin.

"Uhaw na uhaw na rin kami Juls eh. Buti na lang may sasakyan tong si Kody, may driver kami papunta dito." Siniko ko naman sa tagiliran 'tong si Jerrod.

"By the way, let me introduce you to my cousins." Pinakilala naman kami ni Elise sa mga pinsan niya at sila din. Imbis na mapaiwan siya sa celebration nila ay sumunod siya sa amin hanggang sa counter.

Nag-order kami ng mga drinks na hindi alcoholic syempre kung iinom kami ngayon baka mapagalitan pa kami ni pres. Kim bukas.

Nagkwentuhan kami nang nagkwentuhan about sa bagay-bagay at napagtanto ko na naiwan ko yung camera ko sa kotse kaya nagpaalam muna ako sa kanila at lumabas ng bar.

Nang makuha ko na ang camera ko sa kotse, papasok na sana ako sa bar nang may humarang na taong nakahood na may dalang bike sa harap ko.

Humaharang pa talaga sa entrance? Tsk tsk. Kung pinark na lang nya yan sa tabi? Nakakaabala sa mga tao. Psh.

Hinanap ko ang mga kasama ko at nandoon pa rin sa counter.

"Hindi ba tayo kukuha ng cottage?" Luca

"Hindi naa.. gastos lang yan." Jessie

"Matagal pa naman ba tayo dito?" Luca

"Magte 10 pm pa lang naman.." Matt

"Sige ako na kukuha ng cottage." Sulpot ko naman. Halatang nagpaparinig ang mga 'to.

"Ayoown naman pala rich kid! Sana kanina ka pa kumuha ng cottage para hindi tayo nangangalay kakatayo dito-" Jerrod

"-Pero! Walang iinom ah? At 'wag tayo masyado magpatagal dito. At isa pa kasalanan ko pa talaga ha?" Nilingon ko naman si Jerrod at pinandidilatan.

Tinawag ko na ang staff na nasa loob ng counter at tinanong kung may cottage pang bakante.

He led us to a vacant cottage pero mayroong pang mga kalat na naiwan. Nilinis niya ito at nang matapos na siya binigay ko na sa kanya ang bayad.

Nagsimula nang mag-order ang mga kasama ko at sabi naman nila sila na daw magbabayad sa oorderin nila kasi ako na ang nagbayad sa cottage.

Dumating ang drinks na inorder namin nang may biglang nagsisigawan sa isang cottage na hindi masyado malayo mula sa amin.

Napatigil naman ang mga kasama ko at nilingon kung saan nanggaling ang ingay and despite of the people walking and blocking my view, I still try to see what's happening in there.

I adjusted my vision at mga high schoolers lang pala. Allowed na ba sila na pumunta dito?

Akmang babalewalain ko na until some hooded person caught my attention. Wait parang pamilyar yung hood na yun ah. Lumingon ulit ako sa direksyon nila at siya nga.

Yung humarang sa entrance kanina. The girl wearing a gradient blue n white hoodie pero hindi na nakacover ang ulo niya.

Wait a minute. Is that Shai? Then I realized something. Was that her na nadaanan ko kanina? From subdivision hanggang dito? What's she even doing here?

As I stared at her, lumingon-lingon siya at dumapo ang tingin niya sa akin. Nakipagtitigan siya at-

"Uy Kods! Ngiti-ngiti mo dyan?" That distracted me from my thoughts at bumalik ako sa realidad.

"Huh?" Lumingon naman ako kay Jerrod. And because of his curiosity, sinundan niya ang tingin ko kanina.

"Woooahhh!!" Pagbalik ko ng tingin sa direksyon nila, nakahawak na siyang baso at iniinom na niya ito. Hmm.. unpredictable girl.

Nasa kanila ang atensyon ng lahat nung nagsisigawan sa kanilang direksyon. I never thought na pumupunta siya sa mga places na 'gaya nito. Nasa tamang edad na ba siya kaya allowed siyang pumunta dito?

Pshh.. Why the hell am I thinking about that?

"Kody, diba siya 'yong kapitbahay mo?" Nilingon ko naman si Matt at naabutang nakatingin din sa direksyon nila Shai. Parang kani-kanina lang nakita namin siya tapos of all places dito pa?

"That girl named.. who was she again? Zhai? Kiray?"

"Shai." Pagcocorret ko sa kanya.

"That girl who's got a crush on you before? Hahaha!" Sumulpot naman ang isang epal na si Jerrod.

'Di ko nga alam kung bakit sumama pa 'tong mokong na 'to eh hindi naman siya isa sa student council.

Pero minsan siya yung nagsusubstitute sa akin sa pag-eedit at pagdodocument kung hectic talaga ang sched ko sa council at sa club na hinahandlelan namin. At kahit hindi man siya isa sa council tumutulong pa din siya sa amin.

"Tsk! Hindi 'no."  Then, they burst out of laughter. I wandered my eyes in other direction so they won't see the uneasiness evident on my face.

"Alam mo ba parang babae itong si Kody noon? Parang nagpapaligaw sa girl? Sometimes, the girl had given him old-fashioned letters folded as airplane into their terrace. Inside those letters were poems describing him and expressing her love-" Sabay hand gesture na quotes

"-towards him. Feeling ko nga old-fashioned siyang tao eh. Sinong babae ang gumagawa ng mga ganyan ngayon? I think siya lang!"

"Haha excuse lang Jerrod. Elementary pa lang siya nun." Ginagaya ko rin ang hand gesture niya.

"Kahit na elementary siya nun.. ang baduy pa rin nun Kods!"

I don't think makaluma siya.. I find it sweet and somehow.. cute?

Napailing na lang ako sa iniisip ko. I cringed at the thought and also the letters, okay? Napakacorny at makaluma. Parang lola ko lang ang nagsulat.

And one more thing, I didn't like her since then. She's so rowdy and importunate. But a pang of guilt pinches my gut and at the same time pride, nang maalala ko ang pangyayaring iyon.

"Then, there's one time na natulog kami sa bahay niya at may napulot kaming sulat sa terrace nila and found out na yung katapat na bahay nila pala ang gumagawa. Hindi pa niya inamin sa amin agad na may secret admirer pala siya! Hahaha!"

"Totoo? Hahahahaha!" And then there goes Luca, nakikinig pala sa kwento n'yang yan.

"Psh shut it Jer! Andyan si Julia baka marinig ka nyan. And I don't want to argue with her. We're having fun here and you casually told them what's in the past? Kaya nga past kasi hindi na pwede balikan."

"Bro! Easy naman! Baki parang affected ka pa rin?" No, I am not?

"Anong pinag-uusapan niyo? Parang ang saya ah?" Lumaki na lang bigla ang mata ko sa pagdating ni Julia. Umalis kasi siya saglit para bumalik sa cottage nila.

"Ang tanong, nasa'yo pa ba ang mga sulat niya? Nakatago pa rin baa???" Nakaupo kami ngayon at katabi ko si Jerrod kaya tinulak niya ako bahagya sa balikat while wearing his michievous smirk at me.

"Anong mga sulat?" Pagtatakang tanong ni Julia

"Ahh wala wala, Julia."

"Okay, guys! Tama na. Yes let's enjoy the night dahil natapos na lahat ng trabaho natin. Ay hindi pa pala. Pero let's expect the rest and forget this girl next door. Hahaha!" Now, they're laughing at me. Binulong pa sa akin ni Matt para hindi marinig ni Julia. Buti naman kung ganun.

"What? Who's the girl next door? May hindi ka sinasabi sa akin Kody haa?" At isa pa 'to nang-aasar pa. Narinig pala niya. I glared at Jerrod baka hihirit pa. 

"Ang nagkacrush sa kanya nung high school, Juls−" Humirit nga. Napamura naman ako sa sarili ko.

"Wala Julia. Hindi ko alam pinagsasabi ng mga yan."

"Suuus nahiya ka pa. Hindi ka pa nasanay sa mga admirers mo. Well, who was she?"

"You don't need to know Julia. Mga bata pa kami nun."

"Yun Juls oh."  Ay gusto ko nang sapakin 'to. Ito yung kaibigan mong parang magdududa ka pa kung kaibigan mo talaga dahil 'lagi kang nilalaglag.

"Ahh si Zylith?" And that made me turned at her. Ah.. Zylith pala ang tunay na pangalan niya. Kaya pala puros may Z. ang nakalagay sa mga sulat− uhm nevermind.

"Woah! What a coincidence! Ang liit naman talaga ng mundo." Luca.

"Kilala ko Mom niya kasi she operated my lola years ago at nakikita ko siya minsan sa hospital. Pero baka hindi na ako maalala ni Zylith dahil tagal na nung huli kaming nagkita." Now the world really is small.

"Uy~ sana ol madaming chix." Dagdag na pang-asar ni Jessie.

"Saan ka pa ba hahanap ng isang photographer na, vice pres na, pogi pa? Syempre kay Keiran Dale Andrada lang!" Luca. I smirked at what Luca has said.

"Pero wala eh nakuha na ni Elise." Dagdag naman ni Jessie. Nagtawanan naman ang lahat.

Ganun na ba ako kagwapo para magdusa ng ganito?

I resist my mind to think more about Shai and not letting my eyes wander off to their direction. Instead, I keep myself overwhelmed around my friends—preventing myself from being affected.

While having ourselves some fun, I took stolen pictures of them at nag group picture na rin. Ang ganda ng ambiance dito sa Paraiso especially the neon lights hanging everywhere.

I took pictures of my girl in the midst of the band singing, people roaming around and the reggae aura in the background. I held her hand and lead her outside to the beachfront.

I look around at may mga tao din na gumagala sa baybayin.

Sinosolo ko ngayon ang girlfriend ko at nagkukwentuhan about certain things. Madalang kasi ang pagkikita namin at wala kami naging time sa isa't-isa dahil sa hectic schedules naming dalawa at pagod na pagod rin kami sa mga gawain din namin. Kaya ito na ang tamang oras para bumawi sa kanya.

"Babe! Picturan mo ko dito sa dagat." Sabay turo naman sa dagat.

When we're just the two of us, babe ang endearment namin sa isa't-isa. Pero kung may kasama kaming ibang tao, we just call ourselves by our names. I don't know why. Yan kasi ang gusto niya eh.

"Eh mababasa ka?" Pagtataka ko naman sa kanya.

"Okay lang yun may dala naman akong damit dahil mag o-overnight din kami sa bahay ni Quill."

"Bakit hindi ko yan alam?" Kumunot naman ang noo ko.

"Biglaan kasi eh kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo in person."

"Kahit na. You should've texted me about that."

"I already texted you several hours ago pa pero ikaw 'tong hindi nagrereply. And hindi ka naman nagpaalam sa akin eh."

"Biglaan din naman yun at hindi ko na naisip na magpaalam pa kaya−"

"Pag-aawayan pa ba natin 'to Keiran?" She's using my real name now−meaning malapit na siyang mainis. Tinignan niya ako sa mata and her forehead is starting to crease.

Tumalikod naman siya sa akin at pinagmamasdan ang mga ilaw mula sa mga barko sa dagat.

"I'm sorry, Babe." Lumapit naman ako sa kanya at yinakap siya mula sa likod.

"Tara na sa loob." She pats me on my chest and went back inside.

THIRD PERSON'S POV

"Hays galit na nga siya." pagkadismaya na sabi ni Kody. He felt guilty at what he had said. He shouldn't have push her to her limits.

Imbis na sundan siya sa loob, nanatili pa rin siya sa dalampasigan at kinakalikot ang camera. He's giving her space muna until mahimasmasan ang nararamdaman ng kanyang girlfriend.

Iniisip niya na habang tumatagal parang umiikli daw ang pasensya ng girlfriend niya sa kanya.

He shook the thought and rather scan the photos he had taken a while ago until he stops at one of the photos na kung saan nakangiti ang lahat ng kasama niya. Wala siya sa loob nito dahil siya mismo ang nagkuha para sa kanila.

He zoomed at Elise's face and observing it. Oh I miss those smiles, says his inward thought while reminiscing the moments he had with her.

Okay naman sila kanina pero kasalanan niya kung bakit nagbago ang ihip ng hangin. Ito na nga yung pagkakataon na mabibigyan niya ng time ang nobya but he ruined it.

He scanned the photos of her nung pinipicturan niya si Julia sa buhangin.

May iba siyang nakuha na ang background ay ang mismo mga beach bar na nakalinya sa gilid and what adds more to the background are the bokehs na nagmumula sa mga ilaw ng mga bar. Ang ganda ng mga kuha niya.

Habang tinititigan ang mukha ni Julia ay may napagtantuhan siya sa isa sa mga group photos nila.

Binalik niya ang group photo na tinititigan niya kanina and he compared it with the other group photos.

Wala naman diperensya sa picture pero what caught his attention is the person na hindi niya namalayan na nandodoon pala. Hindi niya kaagad napansin na mayroong taong pamilyar ang nasama sa litrato.

Binalik-balik niya ang photo at napansing lumalakad ito papunta sa direksyon ng gate na papuntang dalampasigan.

He diverted his attention from his camera and began to turn around hoping to find that person here.

Dumapo na lang ang tingin niya sa isang tao na nakahilata sa buhangin.

Akmang lalapitan niya na ito nang may dalawang binata ang lumapit dito at parang nag-uusap pa kung anong gagawin nila sa tao. Hindi pamilyar ang mga mukha ng dalawang lalaki at sa tingin niya hindi naman nila kasama ito.

"Hoy! Anong ginagawa niyo?" Biglang sigaw niya sa mga binata. Imbis na manlaban ang mga ito sa kanya ay tumakbo ang mga mokong.

Psh! Sa tangkad niyang yan sino ang hindi matatakot? Briskong sabi niya sa isip niya.

Nilapitan niya ang nakahilata pa ring tao at imbis na gisingin ay tinititigan niya pa ito.

"I can't believe this girl. Tulog pa rin kahit malapit na siyang pagsamantalahin?"

A lopsided smile slowly appeared on his face dahil ang dugyot na ng mukhang tinititigan niya. Pawis na pawis na ito at nakahood pa at tabingi na ang salamin niya.

Bigla siyang may naramdaman na awa dito.

But it isn't his right to pull her hoodie over her. Baka pag-isipan pa siya ng masama ng mga taong dumadaan dito. At kung magigising ito habang huhubad niya ang hoodie niya baka sisipain pa siya nito nang wala sa oras.

Sino ang hindi mabibigla na hinuhubad ka na pala ng isang tao? At lalaki pa siya ha?

"What a sight! Bakit ka ba nag-iisa? Nasan na mga kaibigan mo? Iniwan ka na? Pfft—" Pinigilan niya ang sarili na matawa hindi dahil sa tanong niya kundi sa view na nasa harapan niya.

Tinanggal niya ang salamin sa mukha niya at dahan-dahan niyang binuhat ang ulo nito at kinuha ang hood na nakataklob sa ulo niya. Pinaupo niya ito at pinahid ang mukha niyang puno ng pawis gamit ang hood niya.

"Umiinom ka pa hindi mo naman pala kaya. I guess mga ilang baso lang nainom mo. Haha. Nako na lamang.."

Inilipat niya ang lace ng camera na nasa leeg niya sa kanyang braso at kinuha ang salamin niya at unti-unti niyang binuhat ito hanggang makatayo na siya nang maayos.

Ang bigat naman ng nilalang na 'to, pang-iinsulto niya pa sa kanyang isip.

Mga ilang hakbang pa lang ay bigla siyang napahinto dahil sa mabaho at mabasang malagkit na naramdaman niya sa dibdib niya. Napamura naman siya nang wala sa oras dahil sinukahan na pala siya nito.

"Kung hindi lang kita kilala baka iniwan na kitang nakahilata dun at hinayaang pagsamantalahan ng mga tao dito. Psh."

Kapag talaga gumising ito at malaman kung sino ang bumubuhat sa kanya baka hindi lang suka ang matitikman niya kundi sapak na. Alam niya kasi sa sarili niya na may galit pa rin ito sa kanya.

Pinuntahan niya ang cottage kung saan niya ito nakita kanina at natagpuang hindi pa masyado lasing ang iba pang kasama niya.

"Zylith!" Ang isa sa mga lalaki ay agad-agad tumungo sa direksyon niya.

"Anong nangyari?" Imbis na ibigay si Zylith sa lalaki ay pinangdidilatan niya ito. Nilibot niya ang tingin niya sa mga kasama nito at natagpuang nakahilata na ang mga babaeng kasama niya.

"She's your responsibility, now you're asking me what happened to her?"

"Sino ka ba ha? Ibigay mo na si Zylith! Kundi−" Nagsisitayuan na ang iba niyang kasamang lalaki at pumunta sa pwesto nila.

"Or what? You'll hit me? Pfftt.. Hay mga kabataan talaga ngayon. I found her alone−sprawling like a dead cat along the beachfront. At nakikita mo 'tong malagkit na−argh−na 'to? It's hers. Kung hindi ko tinaboy ang mga batang may balak sa kanya, siguro pinagpipiyestahan na siya ngayon." Their mouth agape at what he just said.

"If you're going to drink at magsasama kayo ng babae, make sure na walang masamang mangyayari sa kanila because they're also your responsibility! And isn't she your friend? Haven't you all realized na nawawala na pala siya?"

Nabigla siya sa pagtaas ng kanyang boses at sa mga nasabi niya. At bakit? Hindi niya rin alam kung bakit and why does he care if this girl was in danger? Nagagalit siya dahil pinabayaan ng mga kaibigan? Bakit siya affected?

Hindi niya alam na pinagtitinginan na sila ng mga tao. Si Zylith naman na hawak-hawak niya ay unti-unti nang nagkakamalay dahil nagising sa commotion na nangyayare sa paligid niya. Pilit niyang minuklat ang mga mata niya para makita ang taong buhat-buhat siya pero nabubulag siya sa mga nakakasilaw na ilaw sa palibot nila, at bakit ba siya sumisigaw sa kausap niya? Pilit niyang kumulas sa braso niya pero ni hindi niya nagawang gumalaw.

"Do you even know where she lives?" Napailing naman ang lahat.

"Ayun.. It's your obligation to take care of her.. tsk tsk. Next time 'wag na 'wag niyong ibaling ang mata niyo kay Shai—I mean sa mga babaeng kasama niyo para wala kayong naaabalang tao." Napailing na lang din siya at binigay si Zylith sa kanya. Parang mapagkatiwalaan niya naman ito dahil kung papano niya tignan si Zylith ay puno lang ito ng pag-aalala.

"San Andrada Subdivision."

"Ha?"

"Ay bungol. That's where she lives. Sabihin niyo lang ang apelyido ni Shai–I mean Zylith sa guard and they will lead you to her residence. Geh." Imbis na hintayin ang magiging tugon ng binata ay umalis na ito pero bigla siyang tumigil at hinarap ulit ang mga binata.

"Make sure that you'll bring her to her house. Mismo sa bahay niya at hindi sa kung saan-saan. Am I made myself clear?" Bigla lumitaw ang kaba sa mga mukha ng mga binata and that made him smirk. Akmang aalis na nga siya but they called him just one last time.

"Wait wh-who are you?" Pagtatakang tanong ni Abel.

He turned his head and emotionlessly stared at him and said, "I'm just her neighbor."

Lumabas siya ng bar at kumuha ng extrang damit sa trunk ng kotse niya at nagbihis ng pang-itaas. Kita niyang lumabas ang magkakaibigan sa bar kasama ang mga babae nilang lasing at si Shai at tumungo na sa isang pick up.

Very good. He inwardly thought with satisfaction.

He goes back inside while wearing his new shirt.

"Oh Kody! San ka ba galing? Kala ko ba magkasama kayo ni Julia?" Jerrod

"Something happened. By the way, where is she?"

"Bumalik na sa mga pinsan niya. Parang hindi maganda ang mood, nag-away ba kayo?" Jessie

"Uh we argued a little. But we'll be fine," Sabay iwas ng tingin.

"San ka ba galing, Kods?" Instead na sagutin ang tanong ni Jerrod ay inaya na niyang umuwi ang lahat. Ang ibang kasama niya ay tutol dito pero ang iba naman ay pagod na kaya sumunod na lang ang lahat kay Kody eventually.

Habang nasa byahe sila ay hindi pa rin nawala sa isip niya si Julia. Kung magtetext o tatawag siya mamaya o pagkabukas na lang niya gagawin?

Pero dahil hindi niya naman gusto na tumagal ang inis ng girlfriend niya sa kanya at hindi niya naman gusto na matatapos ang gabing ito na may inis na nararamdaman si Julia sa kanya kaya pagdating na pagdating nila sa bahay habang nagsiligo na ang mga kasamahan niya ay tumawag ito sa nobya.

Instead of picking up her phone, he thought that maybe they're still in the bar drinking.

Kapag tatawag ito mamaya baka hindi naman siya sasagutin dahil ayaw din nun na maistorbo ang pahinga niya. Kaya nagtext na lang siya nang nagtext at paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya.

Hoping bukas magiging okay na silang dalawa.

Habang hinihintay matapos ang kaibigan niya sa banyo ay tumambay siya muna sa kanilang balkonahe habang nasa balikat niya lang ang tuwalya.

Dahil nasa labas naman siya, tinignan niya ang bahay ng mga Morel, apelyido ni Shai. Hindi niya alam kung nakauwi siya nang ligtas pero kita niyang bukas na ang mga ilaw sa first floor nila. Napabuntong-hininga na lang siya at hindi namalayang ngumingiti na pala siya nang maalala niya ulit ang dugyot na mukha ni Shai.