Chereads / A Pleasure Escapade (TAGLISH) / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Ugh ang sakit ng ulo ko. Bigla kong naramdaman ang pagtunog ng tiyan ko at parang mabubuwal ako.

I abruptly stand and run to the bathroom at niluwa ang mga kinain ko sa inodoro.

Napadami pa ang inom ko kagabi? Eh parang mga dalawang baso o apat lang natatandaan ko eh? Ang liit pa nung baso ah? Haysh! Sana na lang talaga hindi na ako pumunta pa doon.

Ikaw kasi Shai eh! Ang tigas mo!

Wait. Kaninong CR ba 'to? Nilibot ko ang tingin ko at parang nasa cr namin ako ngayon. Nasa bahay na ako? Sino ang nagdala sa'kin dito?

Pilit kong inaalala ang mga pangyayari kagabi pero lalo lang sumakit ang ulo ko. Buti na lang walang nangyaring masama sa akin 'no? At buti na lang din na hinatid nila ako dito sa bahay kasi kapag hindi magagalit talaga ako sa kanila kahit na kaklase ko pa sila.

Lumabas ako ng CR at pinuntahan ang kwarto ni Mom. Alam niya ba ang nangyari sa akin kagabi? Alam niya bang tumakas ako ng bahay? Huhu please wag naman.

Alam kong parang mantika yun matulog pero baka ginising ni Manang Melody para sabihin sa kanya? Syempre karapatan niyang magsumbong kay Mom sa kung anong mga nangyare sa buhay ko dahil siya palagi ang kasama ko.

Ganito ba talaga ang malasing ng first time? Parang pagod na pagod ang buong katawan mo? At parang nangangalay ang buong muscles mo? Tas ang sakit-sakit talaga ng ulo mo? Tas parang susuka ka pa na parang hindi?

I look inside Mom's room and I felt relieved na umalis na siya. Maaga rin naman talaga siya umaalis para sa trabaho niya. Ang kailangan ko lang gawin ay maging handa para sa sermon mamaya pag-uwi niya. Kung makakauwi pa siya despite of the operations she have to do.

Speaking of suka, tumakbo ulit ako sa banyo at sumuka for the second time.

Pangsecond time ko ba talaga? Baka suka ako nang suka kagabi hindi ko lang maalala.

Nang mahimasmasan ay naligo na lang ako para sa school ngayon. Wait−ano na oras?

Inangat ko ang tingin ko sa bintana ng banyo at mag-uumaga na. Kaya binilisan ko ang pagligo at pagkuskos ng katawan ko sa banyo at agad akong tumakbo sa kwarto ko. Shocks! Malalate ako sa klase! Alas syete pa naman ang unang klase ko ngayon.

Nagbihis na ako ng uniform at tinatahak ang hagdanan nang matapos ako.

Anong oras na?!

Tumingin ako sa wall clock sa sala at 6:45 na! Gosh! Malapit na lang at late na ako! Lumabas na ako ng pinto at naabutan si Manang Melody na nagdidilig ng mga halaman.

"Oh Shai−"

"Hindi na ako kakain Manang! Thank you sa pag-alaga sa akin kagabe!" Sa pagkakaalam ko hindi nakakabuti na walang laman ang tyan kapag nakainom. Pero hayaan na nga! Sa school na lang ako kakain ng almusal.

Dahil sa kakatakbo ko muntik pa akong masagasaan ng walangyang driver ng sasakayan. Natabig ko pa ang front ng sasakyan niya kaya buti na lang mabilis ang reflexes ko at hindi ako naipit.

Nakita ko pa ang gulat na pagmumukha ng mga tao sa loob ng sasakyan nang bigla-bigla akong lumitaw sa harap nila.

Pumagilid ako at dumaan rin naman yung sasakyan. Wait I know that car!

Sumimangot naman ang mukha ko nang malaman kong kay Kody pala yung sasakyan. Pangalawang beses niya na yun ginawa ah! Ang unang beses na muntik na akong masagasaan ng sasakyan nila ay nung bata pa ako habang nakasakay pa ako ng bike ko nun.

Dun ko unang nalaman ang masamang pag-uugali niya. Imbis na tulungan ako sa pagkakabagsak ko sa kalsada ay sinermonan pa ako na "Yan kasi! Harang-harang kasi sa kalsada!" Kasama niya pa nun yung tatay niya ah? Ang tatay niya ang tumulong sa akin and instead na lumabas siya ng sasakyan he just crossed his arms at siya pa may gana na magtantrums sa harap ko.

Buti na lang mabait ang tatay niya. Bakit kaya hindi siya nagmana sa kabutihan na taglay ng tatay niya? Siya lang ang mayroong masamang budhi sa pamilya.

Nang makaabot ako sa highway napansin ko na ang mga batang kasama ko sa paghihintay ng masasakyan ay tinitignan ako. Bakit? May madumi ba sa mukha ko?

I flinched when my phone vibrates inside my bag kaya binuksan ko ito at kinuha.

"Hello?" Hindi ko na binasa ang pangalan kung sino ang tumatawag.

[Zy!]

"Oh Liz? Napatawag ka?"

[Are you okay na ba? Nakaabot ka ba nang buhay sa bahay niyo?] Napatawa naman ako dun.

"Fortunately, yes. Hindi ko lang alam kung ano na nangyare pagkatapos akong nalasing. By the way, thank you sa paghatid!"

[Your welcome! To be honest hindi ko naman rin maalala ang mga pangyayari kagabi pero may nalaman ako about sayo. Wag kang mabibigla ah?]

"Okay lang. Bakit ano ba yun?"

[Ate kakain na!] I heard Lizette's sister in the background. Kakain pa lang siya? Nasa bahay pa rin ba siya? Hindi ba niya alam na mayroon kaming class today?

[Ah sige-sige wait lang! Zy! Mamaya na lang natin pag-usapan, okay?]

"Sandali lang Liz! Hindi ka ba papasok kay Mrs. Falco ngayong 7?"

[Huh? Hahaha! I guess umepekto na talaga sayo ang pagkalasing mo Zy. Today's anniversary week! Wala tayong class this week, kay? 8 yung school parade kaya may time ka pang mag-ayos at magbihis ng founder's t-shirt. I bet hindi ka rin nagbreakfast 'no? Umuwi ka na sa bahay mo Zy!]

Napatampal naman ako sa noo ko dahil nakalimutan kong founder's week pala ngayon.

Kaya pala napaka suspicious ng tingin ng mga kaschoolmate ko na nagbabantay rin gaya ko. Huli ko lang narealize na suot-suot nila ang founder's t-shirt nila. Napakagat na lang ako sa labi habang tinitingnan ko ang suot kong uniporme.

Tinakbo ko naman ulit ang daan pabalik ng bahay at dali-daling nagpalit ng civilian. Imbis na ang bag na pang school ang dadalhin ko, shoulder bag ang kinuha ko.

Bumaba na ako at naghahain na si Manang Melody ng magiging almusal namin.

"Oh Shai bumalik ka rin naman?"

"False alarm lang Manang. May occasion pala ngayon sa campus. Bigla kong nakalimutan. By the way, alam ba ni Mommy na..?"

"Na tumakas ka at pag-uwi lasing?"

Napakagat na lang ng labi dahil sa ginawa ko.

"Uhm.. ganun na nga."

"Hindi Shai. Nagmakaawa ka sa akin kagabi eh. Hindi ko na ginising si Ma'am Koreen."

Nagkamalay ako kagabi? Hay buti na lang kung ganun. Hindi ko gustong malaman ito ni Mommy ang pinaggagawa ko.

"Talaga Manang?!" Lalapit sana ako sa kanya para yakapin siya.

"Ay-ay umupo ka na dyan. Humigop ka muna ng lugaw para mainit-initan yang tyan mo. Bakit ka ba tumakas kagabi ha, Shai? Kung gusto mo lang naman na makasama ang mga kaibigan mo sana sinabi mo na lang sa akin o di kaya kay Mommy mo."

"To tell you the truth, Manang−"

"Hep-hep! Wag mo kong iingles-inglesan. Managalog ka."

"Sa totoo lang po, hindi naman talaga ako pupunta doon. At sa katunayan… lumalabas talaga ako tuwing gabi po.."

"Ano?! Jusko mareya naman Shai! Eh kung mapano ka sa labas ha? Eh kung dukutin ka sa labas at chop-choppin ng mga maligno sa labas? Paano ka namin hahanapin? Ha?"

"Grabe naman ho kayo makareact Manang. Chop-choppin? Maligno? Pfftt− Hindi ko lang po nasabi sa inyo yun dahil wala akong lakas ng loob na sabihin sa inyo. At alam ko naman na mag-aalala lang kayo at hindi papayag…"

"Hindi naman talaga ako papayag! Kasi nako! Ako talaga malalagot nito kay Ma'am! Kapag nalaman niya 'tong pinaggagawa mo." Instead of looking her in the eye, finofocus ko ang tingin ko sa kutsara.

"Eh bakit napadpad ka sa bar na yun? Akala ko ba dito-dito ka lang nagbibisekleta?"

"Kasi minsan lumalagi ako sa beach Manang.."

"Nakaabot ka pa sa dagat?! Para ano?"

"Para kumain.. ng streetfoods..?"

"Ay jusko kong bata ka! Yan lang pala yung tinatakasan mo bakit hindi mo pa ako sinama?" Agad ko namang inangat ang tingin ko sa kanya at nakikita ko sa mukha niya na hindi siya galit.

"Manang hindi ka galit?"

"Hindi naman ako galit.. Kundi nag-aalala lang at nagtatampo lang. Akala ko ba maaasahan mo ako sa mga sekreto mo? Ba't hindi mo na lang sa akin sinabi? Ah nga pala. Kailan mo pa yan ginagawa?"

"Nung last year pa po.."

I think alam niyo na kung anong sumunod na nangyare.. Bigla na lang siya nanghina at parang mahimatay at sunod-sunod ang sermon sa akin. Para ko talaga siyang nanay.

Pagkatapos akong mag-almusal ay nagpaalam na ako kay Manang Melody at nagcommute paschool.

Since hindi na naghahatid sa akin si Mommy dahil malaki naman na ako.

Pagkadating ko sa school dagsa-dagsa na ang mga tao at nakapila na sila by departments with matching colors pa para sa starting ng parade.

Ang kulay naman ng department namin ay color green kaya siksik ako nang siksik hanggang mahanap ko na ang department namin at section ko.

In order kasi ang mga departments, from officials/faculty tas student council hanggang sa college at nasa bandang gitna kami sa pila.

Sa dami-dami naman ng estudyante dito mahihirapan akong hanapin ang section ko pero nagmessage sa akin kanina si Lizette na magmemeet na lang kami sa soccer field, kung saan ang mga bazaars.

Hindi ko na marinig ang sarili ko sa isip ko kaya di ko namamalayan na nagsasalita na pala ako.

Once I saw the students with the same color as mine hinanap ko ang mga mukha ng mga kaklase ko at nakikita ko na sila pero instead na pumunta sa kanila tumambay muna ako dito sa field at tinext si Liz.

"Liz nasan kayo?"

Nilibot ko ang paningin ko at inooccupy na ng mga students ang mga table sa gitna ng field para sa bazaar kaya wala akong choice kundi tumayo na lang dito sa gilid ng field at maghintay sa text.

Nang magvibrate na ang phone ko ay may kumalabit sa akin. Hinarap ko naman kung sino ito.

"Uy hi Zy!"

"Hello rin Nicole. Nakita mo ba sina Lizette?"

"Kanina ka pa hinahanap nina Lizette. Nandoon na sila sa pila. Nandoon yung section natin." Ay hindi man lang ako inantay?

Tinuro niya naman ang mga nakagreen na mga estudyante kung nasan ang senior high department at section namin. Alam ko naman kung saan.

"Ah okay-okay. Salamat." Akmang aalis na ako pero hinawakan niya ako sa braso.

"Wait Zy, can you sing?" My eyes suddenly widened and abruptly turned at her.

"Tinanong ko mga close friends mo na sina Lizette kung may kilala silang babaeng marunong kumanta at ang sinagot nila ay ikaw." Sinabi nila yun? Nanlamig naman ako sa pwedeng mangyare.

Bago pa ako may masabi sa kanya ay inunahan niya na ako.

"Kung totoo man ang sabi nila, we need female vocalist talaga sa band namin as soon as possible kasi dalawang araw nalang at contest na. Please please Zy! We don't have time na para maghanap ng ibang member. Buti na lang eh kaklase kita hindi na kami mahihirapan na maghanap pa."

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa at pag-asa.

"Bakit ngayon lang kayo naghahanap?"

"Napaos kasi ang dapat na female vocalist namin at nagkaubo pa. Wrong timing pa siya nagkasakit. Hindi niya gustong kumanta na ganyan ang condition niya kaya nagback-out siya. Ang mechanics kasi two-three ang vocalists eh madidisqualify kami kasi isa lang ang bokalista namin. So please.. Zy."

"I-I'll try Nic.."

"Sige Zy. After this parade we will meet at the monument in front of the Roza Garden." Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Aasahin kita sa meet up Zy ha?" Then umalis na siya.

Napasandal na lang ako bigla sa puno na nasa likod ko lang.

After many years kakanta ulit ako? Sa harap ng maraming tao? Eh kung magkakamali na naman ako? Eh kung mapahiya ko sila? At magalit sa akin? San na lang ako nito pupulutin?

Hindi ko na gusto muling isipin yung nangyare noon.

Hindi ko na gusto maulit pa ang pagkakamaling iyon.

Habang kinuyom ko kamay ko pumunta na ako sa pila at hinanap ang pagmumukha ng section ko at nahagip na rin ng mga mata ko sina Lizette.

I approached them at nang makita na nila ako ay bumati naman din agad.

"By the way, Zy, nakita mo na si Nicole? May ifafavor siya sana eh." Liz

"Oo kani-kanina lang."

"Oh ano naman sabi mo? Pumayag ka?" Gianne

"Susubukan ko lang.."

"Ikaw na lang daw pag-asa niya. Wag ka na rin magback-out kasi nakakakaawa naman sila." Liz

"Oo nga Zy! Kaya mo yan! Mga ilang weeks naman na sila nagpapractice tapos ganun pa naging desisyon ng naging member nila. Ang sad lang." Jade

I thought about what Nicole said to me earlier. Balak ko rin naman talaga na tulungan sila kung wala na talagang choice. Pero nga lang… ilang years na akong hindi nakapagkanta sa harap ng maraming tao.

Baka hindi ko makakaya. Natrauma na kasi ako. Haysh.

"Wait. How many years ka nga tumigil sa pagkanta?" Gianne

Kumakanta pa rin naman ako sa mga times na hindi ko namamalayan na kumakanta o naghuhum na pala ako. At ang mga kaibigan ko lang yung may alam dun sa nangyare noon kasi naging kaklase ko naman sila nung highschool.

"5 years or 4 years na ata?" And I really don't want to think about that time na kasi kapag inaalala ko pa yun baka mahimatay pako sa hiya.

"Ang tanong kaya mo pa ba?" Doon naman ako napalingat kay Gianne at wala ako naging sagot doon.

Lumipas ang mga oras at malapit nang matapos ang parade. Ganun pa rin ang ruta ng parade gaya ng dati. Libot doon at libot dito hanggang makabalik ng campus.

Sa pagtapos ng parade sabay naman nanlamig ang buo kong katawan nang napagtanto kong may meet up pa pala akong pupuntahan. Meet up ng mga members ng banda na sasalihan ko.

Papunta na ako sa monument na sinasabi ni Nicole at habang papunta pa lang parang nagdadalawang-isip na ako na magjoin sa kanila.

Kaya ko ba 'to? Goodness gracious.

Malapit na ako sa monument at nakikita ko na ang mga kaband member ni Nicole pero wala pa siya.

Nasaan na kaya yun? Nakakahiya na sumama sa kanila kung hindi pa dumadating ang kilala ko.

Dito na lang muna ako sa pwesto ko hanggang wala pa si Nicole.

Hihintayin ko na lang muna si Nicole na dumating.

Sila siguro ang grupong magrerepresent ng senior high department. Kapag hindi ako dumating dito maaapektuhan ang buong senior high dahil walang representative sa contest kaya parang nakasalalay sa akin kung hindi ako sasali.

"Zy! Ano pa ginagawa mo dito? Halika na!" Biglang lumutaw si Nicole sa tabi ko and drag me along with her to her band mates.

"Hi guys! Siya pala ang tinutukoy ko sa inyo na papalit kay Apple. Si Zylith nga pala, kaklase ko."

I greeted them awkwardly kasi hindi ako sanay na may mga bago akong makikilala.

Dalawa sila at isa na doon ay isang babae.

Tinignan naman ako ng babae at kita sa mukha niya na parang nagdududa sa kakayahan ko.

Well, what would you expect for first impressions? Wala naman akong magagawa dahil first time nila akong makilala at first time ko rin sila makilala.

"Si Fiona at Clark pala, Zy." Napatango na lang ako at pilit kong pinasok ang mga names nila sa utak ko dahil makakalimutin ako.

"Nasan na si Jayven?" Tanong naman ni Nicole sa kanila.

Jayven? Familiar..

"Nauna na sa kotse ni Marco." Sabi naman ni Clark.

Instead maghintay sa mga lalaking tinutukoy ni Nicole ay umalis na kami sa monument at papunta ngayon sa parking lot kung nasan ang sasakyan ng Marco daw.

"San tayo pupunta?" Bulong ko kay Nicole habang ang dalawa nasa unahan namin.

"Sa bahay ni Marco. Doon tayo magpapractice sa apartment na pagmamay-ari nila na katabi lang naman ng bahay nila kasi bakante at malapad pa." Explanation naman sa akin ni Nicole. Napatango lang ako sa kanya.

Now we're approaching to a Adventure car painted with orange.

Nakatambay sa labas ng kotse ay ang dalawang lalaki na napag-alaman kong si Jayven at si Marco daw.

"Tara na guys. Complete na kami at kasama na namin ang bagong vocalist natin." Pagopen up naman ni Nicole.

Humarap naman sa amin ang dalawa at naging pamilyar ang mukha ng isa sa kanila.

"Zy?" Sabi pa nito. Hindi nga ako nagkakamali. Kaya pala pamilyar kasi kapangalan ng kapitbahay namin, at kapatid pa ni Kody.

Bakit naeencounter ko na sila ngayon? Pero okay lang naman 'to si Jayven kasi mabait hindi katulad ng kuya niya. Tsk.

"Magkakakilala kayo?" Tanong naman ni Fiona ata.

"Yes and she's my neighbor or was? Basta ang complicated." Napatawa naman ako dun.

Hindi ko na kasi nakikita 'tong si Jayven kasi napag-alaman ko ng high school na hindi niya biological mother ang nanay ni Kody kundi ang tatay lang.

In short, anak siya sa labas. Kaya minsan lumilipat siya ng matutulogan. Minsan sa bahay nila Kody, minsan sa bahay ng nanay niya.

Ang nakapagtataka lang anong role niya sa banda at nakasali siya dito?

Pumasok na kami lahat sa kotse at ako lang yung walang imik sa loob dahil sila-sila lang ang nag-uusap o nagkukwentuhan.

Parang naleleft-out ako dito. Si Nicole na kaklase ko dito hindi rin ako pinapansin tas si Jayven naman nasa unahan.

Nakarating kami sa bahay ng Marco at hiyang-hiya ako na pumasok kasabay sila. Nagulat na lang ako na katabi ko na pala si Jayven.

"Wag kang mahiya, Shai. Alam kong kaya mo." Ang amo ng mukha niya.

Napatango naman ako sa kanya at sumabay na sa mga kasama niya.

Umupo naman ako sa sala niya at nilibot ang paningin ko. Maya't-maya ay inaya nila akong mananghalian at dumiretso na sa apartment nila Marco.

Pagdating namin doon nakapwesto na ang mga instruments while ang dalawang gitara ay nakasandal lang sa pader. May drum set, amplifier, piano, at dalawang microphone stand. At ang isang stand ay magiging para na sa akin.

Binigyan ako ni Nicole ng mga papel na naglalaman ng kantang kakantahin namin at ni hindi ko pa alam kung sino makakasama ko sa pagkanta. Habang tinitignan ang tatlong title na kakantahin namin at buti na lang kasi mga pamilyar 'to sa akin ay biglang nagsalita si Nicole sa gitna ng room.

"Before we start rehearsing at dumating si Sir Oman, let me introduce you Zylith our roles in the band." Ang tinutukoy niyang teacher ay isang senior high teacher na pro sa field ng music slash coach namin para contest.

Tumayo lang ako at pinakinggan ang sasabihin ni Nicole.

"Ang drummer natin ay si Marco. Pianist ako. At ang maggigitara naman ay si Fiona and Clark. While our vocalist which makakasama mo sa pagkanta ay si Jayven." Nanlaki naman ang mata ko dun. Si Jayven? Marunong pala siya kumanta?

Nilingon ko naman si Jayven at naabutan siyang ngumingiti sa akin, natutuwa sa gulat na reaksyon ko.

Imbis na hintayin si Sir Oman ay magstastart na lang daw kami magrehearse.

Pumwesto na kami sa posisyon namin and I stand before the microphone stand while hawak-hawak ang tatlong papel na naglalaman ng lyrics. Tatlo ang dapat na kanta na pipiliin per band. English man o tagalog. At ang mga kanta na pinili nila ay mga OPM. Good thing I listen to most of the OPM songs.

"Marunong ba yan?" Rinig ko na sabi ni Clark sa likod ko. I looked sideways at pilit na tignan kung sino ang kausap niya.

"Di ko alam. Hindi ko pa naman narinig boses niya eh." Rinig ko na bulong ni  Nicole. Hindi ba nila alam na rinig ko pa rin ang bulungan nilang dalawa? Close kaya 'tong room.

Rinig ko pa rin ang pinag-uusapan nila kaya pilit kong finofocus ang sarili ko sa lyrics ng kanta at balewalain ang mga sinasabi nila. Napansin kong may nakasulat na Apple sa ibang stanza or line ng kanta. Dito na siguro ako iinsert.

"Hayaan mo na sila." Nabigla naman ako sa boses na bumulong sa akin. Si Jayven lang pala. Napatingin ako sa kanya at naamoy pa ang perfume niya.

Imbis na pansinin siya napansin kong mga December Avenue songs ang pinili nilang kanta. Sabi nila sa akin kanina na each department's representative is free to choose a professional band singers na nakalista at pauna-una na lang daw reserve sa banda na gustong piliin ng isang representative.

I listen to some of December Avenue's songs pero hindi na nakaupdate sa mga bagong release lang nila na songs. The contest is in two days at kailangan kong imemorize itong mga kanta nila. And I don't want to disappoint the whole group.

"Familiar ba ang mga songs?" Tanong sa akin ni Jayven. While ang ibang members naman nagtutune ng sari-sarili nilang instruments o di kaya nagpapractice. Hindi ko alam kung ano pa ang hinihintay nila. Baka hinihintay nila ang cue magstart.

"The two new songs of it hindi pa. Hindi ko pa naririnig ang mga 'to." Ipinakita ko naman sa kanya ang dalawang papel.

"Gusto mo bang makita kami magpractice muna? Para kahit kaunti maenlighten ka namin." Sumang-ayon naman ako sa kanya.

Nilapitan ko naman ang mga chairs sa isang corner ng room na hindi pa sineseparate. Kumuha ako ng isa at umupo habang si Jayven naman kinausap ang mga bandmates niya na.

Nagstart na sila sa intro at narinig ko nang kumanta si Jayven.

This first song they are performing is entitled Kung 'Di Rin Lang Ikaw which is my most favorite sa mga songs nila. Ito lang yung alam ko na song nila na may feat na babaeng singer pero the rest of the two I think hindi yun pang duet. I'm excited to hear these two new songs at expected na maganda ang mga ito.

Imbis na ako yung kakanta sa line ko kinanta na rin ni Jayven. Infairness ang ganda ng boses. May pagka Michael Pangilinan yung boses niya sa baba at ang ganda ng mga kulot niya. Nakikita ko kanina si Jayven na nagvovocalize habang ako hindi pa ako nagvovocalize baka pipiyok ako mamaya nito.

Nang matapos na nila ang kanta sumunod na sila sa pangalawang kanta. Nakapangalan itong Kahit Di Mo Alam hindi pamilyar ang title pero pamilyar ang tono ng kanta. Naririnig ko 'to minsan sa mga radyo. Habang kinakanta ni Jayven napapasabay na lang ako by humming at binabasa ang kinakanta niyang line.

I must familiarize these rhythms. Wala naman kaso sa akin ang tono pero ang lyrics lang. Makakalimutin ako at yan ang dahilan kung bakit hindi na ako nagjojoin ng mga broadway. Kinakabahan kasi ako.

Ang huling kanta na ang pineperform nila at ito naman ang Huling Sandali.

Imbis na basahin ang lyrics, I was mesmerized by how Jayven sings it.

Nakatulala na lang ako dito at nakatitig sa kanya na nakapikit pa habang kumakanta. Dinadama ang bawat linya.

Kilala ang December Avenue sa mga high notes nila at lalaki pa ang vocalist nito. Pero nahihit ni Jayven ang mga yun na dapat line ko. Ineexpect kong hindi nya yun mahihit dahil sa mababang range ng boses niya. Parang gusto ko na lang pumalakpak sa gitna ng practice nila.

Nang oras na para sumama sa kanila magpractice, bigla naman pumasok sa room si Sir Oman. Nakasuot pa ito ng founder's t-shirt. Bigla naman akong nanlamig. Hindi pa ako ready at hindi ko pa medyo kabisado ang tono. Ano sa isang beses ko lang napakinggan ang mga kanta memorize ko na agad?

"Oh! Here's our new vocalist! Magaling ba yan?" Pagbungad ni Sir Oman. Ramdam na ramdam ko na ang pagkabog ng dibdib ko. Wala naman imik ang mga kasama ko, hindi alam kung tatango o iiling. Nakatingin na lang ako sa sahig.

"Why everybody's quiet? You! What's your name again?" Tinuro niya ako at lumingon naman sa akin ang lahat.

"Z-Zylith Atasha Morel po.." Nakataas pa ang kilay niya habang sinasabi ko yun.

"Uhm okay. Nakavocalize kana ba? Is this your first time performing on stage? Sa lahat na hindi ko gusto ay may stage fright at nanginginig ang boses habang nagpeperform. If you have those, you have to quit now." Biglang sabi niya sa akin.

I think natense na siya at nainis dahil sa lahat ng oras na magkakasakit ang dating vocalist nila bakit yung malapit na magcontest? Tapos ako ngayon ang napepressure na. Alangan naman na sasabihin ko ang totoo diba? Pero kapag magququit ako dito, it's still their loss.

"Pero sir! The contest is on Wednesday na−" Sabat naman ni Nicole sa kanya. Ang ibang kasama niya parang walang pakealam kapag magququit ako. Pero nang magsalita si Nicole biglang nagbago ang expression ng mga mukha.

"N-No sir." Nabigla naman ako sa lumabas sa bibig ko.

"What do you mean no−?"

"No, I won't quit Sir. Although I have stage fright, I still won't quit. If I quit, it's your loss not mine." Ako ba talaga 'tong nagsasalita?

Nakita ko naman na napanganga ang coach namin, didn't expect of what he's hearing right now. Pero totoo ang sinabi ko. Napatango naman ang ibang kasama ko pero may iba na parang nadismaya.

"Well, prove it to me that you are worthy to be in here."

"What would I have to do?"

"Let's say this is an audition. You won't sing those songs if you don't pass." Nabigla naman ako sa kanya at lalong-lalo na si Jayven. He didn't also expecting this.

Okay, fine. Hindi naman talaga ako makakapasok dito kung hindi pa nila narinig ang boses ko. And they won't let me rehearse with them if hindi sila sure sa akin.

I step forward and think about any of my favorite songs. Until may naisip na ako. I coughed a little before I sing.

You call me out upon the waters

The great unknown

Where feet may fail

I closed my eyes and feel His presence around me. I don't care about their reactions basta gusto kong kantahin 'to.

And I will call upon Your name

And keep my eyes above the waves

When oceans rise

My soul will rest in Your embrace

For I am Yours and You are mine

As I finish my song, I opened my eyes and all of them are jawlocked. I don't want to brag but this is why I'm born into.

That's when I realized that I have never stop singing. I never quit singing because I still appreciate the gift He has given to me.