Hindi kagandahan?
Binuksan ko ang pintuan at nanlaki ang mga mata ng mga babae at dali-daling tinakpan ng roba ang mga katawan nila. Binilang ko silang lahat. Pucha, limang babae?! Anong ginagawa ng mga ito rito? Magpapatira kay Keoz?
Gago! Sarap-sarap!
"Why are you screaming?- Ooh, hi ladies," sumulpot sa tabi ko si Keoz na parang nakakita ng kayamanan. Nag-init ang ulo ko at hinarap naman ang mgamia khalifa sa labas na nagsisi-tili ng lumabas si Keoz sa pinto. Binatukan ko siya.
"Anong ooh, hi ladies?! Tangina mo dito mo pa naisipang makipag-sex? At lima pa ha? Kulang sa isang puke, tite mo?" tinakpan ni Keoz ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata niya.
"Grabe talaga bunganga mo, pumasok ka nga!" he scolded. Inis kong inalis ang kamay niya sa bibig ko at nameywang sa mga babaeng pinagpa-pantasiyahan na ata si Keoz sa harap nila.
"Kayo..pwede bang magsilayas kayo sa harap ko?" tumaas ang kilay noong isa. Aba, kapeng barako 'tong babaeng 'to, matapang.
Humalukipkip 'yung tumaas ang kilay, "Eh who are you ba? Napaka-paepal mo naman girl," nairita ako lalo. Ang tinis pa ng boses niya! My lips parted.
Humagikhik 'yung ibang mga babaeng kalapit niya.
"Who am I?" humalukipkip din ako at mas tinaas pa ng bonggang-bongga ang kilay ko. Aba! Hindi ako magpapatalo sa hampas lupang 'to 'no. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Bago binalik muli sa kanya ang tingin.
"Well, I am his.." I breathed in, "I'm his girlfriend. May problema ka girl?" maangas kong tanong. Napasinghap silang lahat at nanlaki naman ang mga mata ni Keoz.
The girl laughed at tiningnan ako, "Ikaw? Girlfriend niya? Eh hindi ka naman kagandahan," aba.. eh teka. Putangina pala 'tong babaeng 'to eh. 'Yung totoo, may galit ba 'to sa'kin?
"Hey stop that. Fionna pumasok ka muna.." kahit 'yung tono ni Keoz ay parang natatakot na magsalita kasi iba ako kapag angry.
"Ako? Hindi kagandahan?" dahan-dahan kong tanong. Alam niyo 'yon? Nagagalit na ako dito sa girl na 'to eh. Keoz reached for my elbows pero iniwas ko iyon sa kanya.
"Fion.. sige na. Go back inside. Ako na magpapauwi sa kanila.." maingat ang pagkakasabi no'n ni Keoz.
Magbabago na sana ang isip ko pero nag-pantig talaga 'yung tenga ko ng mag-salita na naman 'yung babae eh!
"Sino pa ba dito ang hindi kagandahan. Edi ikaw lang! Diba girls?" sumang-ayon ang lahat ng alipores niya at nagsi-tawanan.
"Stop it girls-"
"Eh di magsabunutan na lang tayo!" I held a handful of her hair and pulled it hard. She screech. At nakakairita iyon! Keoz groaned and tried to pulled us away, pero hindi ko hinayaan 'yon. Halos alisin ko na sa anit niya ang buhok niya ng sabunutan niya rin ako at magsisigaw.
"I SAID STOP FIONNA! DAMN IT!" napatigil ako sa sigaw niya. Sinisigawan niya na ako ngayon?
Tinigil ko ang pag-sabunot at pinakawalan ang babaeng 'yon. Inasikaso siya ng mga alipores niya at mukhang nag-alala sa kaniya. Namumula kaming pareho.
Hindi ko hinarap si Keoz, at nakatulala lang sa harap. Inayos ko ang buhok ko bago siya hinarap.
"Sige, kampihan mo sila. Hatid mo na rin sa bahay nila.. buntisin mo na rin isa-isa," bago pumasok sa loob at pataas ng kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto para hindi na siya makapasok. Nakakainis siya. Mas kakampihan niya pa 'yung mga 'yon? Bakit? Dahil mas sexy sila kaysa sa akin? Mas malaki 'yung papaya at pwet nila sa'kin?
I stifle a sob again. Hanggang dito ba naman iiyak pa rin ako? Pati ba nman si Keoz papaiyakin na din ako? Aba, ang swerte ko naman ata sa mga lalaki? Sino pa bang susunod baka si Fritz na? Natawa ako sa sarili kong naisip. Bakit pati si Fritz naiisip ko pa?
I called my friend, Max. I need someone to talk with.
"Hello? Oh, bakit ka napatawag? Tapos mo na ba 'yung kay Ms. Olivia?" I laughed kasabay ng pag-hikbi ko. Natigilan siya sa pagsasalita ng marinig ang hikbi ko.
"Max naman eh, kamustahin mo naman ako.." my voice broke. She gasped.
"Huy! Naiyak ka ba? Anong nangyare sa'yo? Tungkol ba 'to sa text mo sa akin tungkol kay Jerico?" I inhaled a large amount of air before i exhaled but trembling.
"Hindi.. si.. Keoz kasi," patuloy akong lumuluha. Humiga ako sa kama at ibinaon ang mukha sa unan.
"Ha? Bakit?! Anong ginawa niya sa'yo?! Don't tell me.. buntis ka at siya ang ama?!" I almost rolled my eyes with her reaction.
"Of course not, it's just a group of girls came here and they wore sexy outfits" Ikinuwento ko kay Max ang buong pangyayari, at nakinig lang siya at hindi nag-side comment. Pero ng matapos ako ay halos malayo ko ang phone ko sa tenga ko.
"Ano? Mas kinampihan pa niya 'yung mga babaeng 'yon kaysa sa'yo? Aba ayos 'yun ah!"
"Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa kanya, eh ano bang pake ko kung mag-sex sila rito diba? Max.. i'm confused. Bakit gano'n?" natahimik siya sa kanilang linya.
"Max? Are you still there?"
"Fionna ha, nagagalit ka kamo?" she repeated what i have said.
"Uh-huh."
"Then.. oh geez. Don't tell me.."
My forehead creased, "Ano? Come on! Spill the beans Max!"
She sighed, "You're in love with Keoz Fionna! You're in love!" then she squealed on the other line. Imbes na masayahan ako ay parang nainis pa ako lalo.
"Aren't you happy Fionna? Be happy!" she said.
"No.. baka nagkakamali ka lang kasi hindi ka pa nai-in love," I said to her. She gasped. Even if I can't see her, i know she's pouting.
"Anong hindi in love? In love na ako 'no!" kumunot ang noo ko. Pero naalala ko na si James pala.
I tsked, "Sino 'yung James mo?"
"Hindi 'no! Move on na ako doon! Hindi naman nangiti sa akin!" I laughed to mock her.
"Swerte pala ako kasi nginitian ako noon," patungkol ko ng pumunta siyang shop para mag-pasukat ng barong.
"Edi ikaw na ang nginitian! Kala mo naman maaasar mo ako. Well, may mas gwapo pa rin naman sa James na 'yon.."
"Edi kanino ka nga na-in love?" I asked as i wiped my tears. Buti na lang tinawagan ko si Max, kung hindi baka nag-i-emo pa rin ako rito. She squealed on the other line again.
"Sa'tin-sa'tin lang 'to ha?" I rolled my eyes. Para siyang bata!
"Kanino nga?!"
"Kay Geoffrey!" then she squealed again. Pero natigilan ako ng parang narinig ko na 'yong name na 'yon from someone.
The.. hell?
Geoffrey is Keoz' friend!