Gab treated me as if I am a stranger in his eyes. Tahimik ang mga nangyari sa loob ng isang buwan. I would peacefully listen at him while he's discussing every detail.
Pagkauwi ko ay maaabutan kong tulog na si Simon. Buti na lang at nandoon si Manang Lena para bantayan siya. Simon is turning five a month after my board exam. Sa US ay may hinire akong tutor para sa kanya.
He must be on his first grade in basic education next year. Maybe I need to hire a tutor for him again. Magastos iyon pero tiyak kong mas okay na rin dahil ayokong mabigla ang bata. He doesn't know how to speak Tagalog yet.
True to what I had planned, I hired a tutor from a private school here in Naga. I told her to start as soon as possible and she gladly compiled naman.
"Donna. Kailangan ko na kasing umuwi. Pwede bang ikaw na lang magbigay ng attendance kay Sir Lacson?" I confusedly looked at Glenda. She's one of my classmate.
Hindi pa rin ako makasagot sa kanya. "Iyong anak ko kasi nilalagnat kaya kailangan kong makauwi agad. Nandyan na rin kasi ang asawa ko sa labas."
I bit my lower lip. I understand her worries kaya naman labag sa loob kong kinuha ang attendance sheet na hawak niya. Mabilis itong nagpasalamat sa akin.
Glenda is twenty five years old at may asawa't anak na siya. Nararamdaman ko ang kabog ng aking dibdib. Parang kailan lang, gustong-gusto ko ang pumunta sa pamilyar na opisina sa harap ko. Ngayon ay tila naduduwag na ako.
I knocked on the familiar door. Nang mapansin na hindi naman nakalock ang doorknob ay tahimik ko na itong pinihit. I once again knocked on the door of his office.
Everything feels so familiar. Except for one thing. Feelings.
Hindi ko alam pero nakitaan ko ng gulat ang mukha niya nang makita akong nakatayo sa harapan niya.
"Good evening, Sir. Pinapabigay po ni Glenda." I composed myself and silently walked near his table.
Tahimik kong inilagay ang attendance sheet sa ibabaw ng mesa. I bowed my head and walked out of his office.
Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at saka mabilis na pumasok sa loob ng aking sasakyan. Palagi akong sinusundo ni Manong.
Wala naman akong dapat ikakaba. I washed away all of my thoughts. I thanked Manang for taking care of Simon. Alam kong napagod ito ngayon dahil nag-aaral na naman siya.
Tahimik kong pinagmasdan ang aking anak. Kapag nakita ito ni Gab, paniguradong alam niya na agad na sa kanya ang batang ito. Habang lumalaki si Simon ay mas lalong nagiging kamukha niya si Gab. Mukhang ugali lang ata ang nakuha niya sa akin.
He's not as intimidating as his Dad. Sabik siyang may makilala na mga tao ngunit nahihiya rin kapag kaharap na sila. I wonder why he didn't ask me anything about his father.
Ano kayang pakiramdam ang buong pamilya? May asawa na nag-aalaga sa anak niya? Magkakasamang sisimba, pupunta sa mall, kakain...I closed my eyes to stop myself from crying.
Ano kayang pakiramdam kung nandito si Gab? Magkakatabi kaming matulog...yakap-yakap niya kami...sa umaga nasa kusina na siya at abalang magluto para sa amin. Kakargahin niya si Simon at saka papaliparin sa ere na parang si Superman.
Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang paghikbi ko. Ayokong magising si Simon. The mere thought of Gab's image as a father hurts me. Alam kong ayaw niya sa amin. Ayaw niya kay Simon. Why would he run away if he truly love us...love me?
Mas lalo lamang bumuhos ang mga luha ko ng maramdaman ang mahigpit na yakap ng anak ko. His hugs are the warmest...my comfort zone.
"Mommy..." His voice was covered with worried.
Natatawa akong umiling sa kanya para mawala ang kaba niya. "Mommy's just tired from school. Sorry for waking you up."
Isiniksik ni Simon ang mukha niya sa dibdib ko. I felt my son shaking. I don't know what's wrong.
"Stop thinking about my father...Whenever you're crying...you would mention his name...stop thinking about him..." He said while sobbing.
Kunot ang aking noo nang harapin ako ng anak ko. I don't know what's happening. "I heard you and Tito Andy talking before...I heard how you cried because my father don't want us." My heart felt so heavy. I didn't know that my son heard us. Fuck!
"Mommy...it's okay...as long as we love each other...we don't need him...stop crying." Nahihirapan niyang tugon sa akin.
"I'm sorry...I'm sorry...I...wasn't able to give you a complete family..." Puno ng pait ang boses ko.
Pinunasan ng anak ko ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. "As long as I have you...I have my complete family, Mommy." He said that made me cried even harder.
Hindi ko alam kung paano kami nakatulog. Siguro nakatulugan na lang namin ang iyakan na nangyari. Kinabukasan ay maaga akong nagising. I want to cook our breakfast but I know that they had it prepared already lalo na dahil maaga ang pasok nina Andrew at Andrea.
Hapon ang dating ng tutor ni Simon. I've decided to bring him to the mall. Kahit dalawang oras lang ay ayos na.
We went to the mall around ten. Kaunti lang ang nakapila sa pagbukas nito dahil may mga pasok naman.
"Let's go buy toys and books!" I excitedly told Simon.
Mahilig siya sa mga science books kaya sa halip na sa department store kami unang tumungo ay sa National Bookstore kami pumunta.
I let him choose the books he want. More on about solar system, animals, and plants ang kinuha niyang mga libro.
Pagdating kay Simon ay hindi sa akin kaso kung abutin ng libo. I want to give him both love, attention, and his daily needs.
We went to McDo dahil doon niya gustong kumain. I let him have his chicken and rice meal, fries, and ice cream. Malakas kumain ang batang ito kaya medyo mataba-taba.
Pagdating namin sa bahay ay sakto namang pagdating ng tutor niya. Masaya niya itong binati. I let them have their space on the study room.
Pumunta muna ako sa aking kwarto para matulog. I woke up because my phone keeps on ringing.
"Hello?" Inaantok kong saad.
"Donna! Pasensya na! Can you drop by sa office ni Sir Lacson around four? Hindi kasi ako makakapasok ngayon tapos may pinapakiusap siya sa aking gawin."
"Ho? Wala po bang ibang pwedeng utusan?" Nahihiya kong tanong kay Glenda.
No one from the class know that I already have a kid. Ayoko ng maraming tanong.
"Ikaw na rin naman kasi ang beadle next week. Napaaga lang. Salamat, Donna!"