Chereads / Tears for a story / Chapter 3 - Ikatlo

Chapter 3 - Ikatlo

CONSEQUENCES

"Nakamagkano na ba tayo ngayong week?" Tanong ko sa mga tauhan ko.

"Mahigit 30milyon na po" sagot ng isa habang nagbabalot ng pera para ilagay sa tiyan ng bagong biktima namin.

"Napadala na ba ang bagong organs kay Mr. Ching? "

"Yes po. Nailagay na rin po sa account nyo ang paunang bayad." Sagot ng isa sa mga nagtatahi ng tiyan ng mga biktima namin.

Lumabas na ako ng kwartong yun at nag-umpisang mag-isip ng bagong plano para di kami mahuli.

"Ma'am? Nasa kabilang linya po si Dr. Magsino" sabi nya na hinihingal pa.

Agad kong kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag

"Dr. Magsino? Nangangailangan ka ba ng bagong organs? "Tanong ko sa kanya

"Yes. Maraming organs ang kailangan ko. Magbabayad ako ng 50 milyon para sa organs na maibibigay nyo."

Panibagong kita!

"Aasikasuhin kaagad namin. "

"Aasahan ko yan"

Binaba ko na ang tawag at kinausap ang tauhan ko.

"Kailangan natin ng maraming bagong organs. Maglibot na kayo at maghanap ng bibiktimahin" sabi ko dito habang inaabot ang cellphone

"Areglado boss! "

Naglakad na sya papasok sa operating room kung saan nakaimbak ang mga biktima namin.

Isang linggo akong mawawala. Kaya na nila yan.

"Kamusta ang transakyon kay Dr. Magsino? "Tanong ko sa kanila pagkadating ko galing sa isang linggong transakyon sa ibang bansa.

"Natuwa po sya. Nagdagdag po sya ng 5milyon dahil sa sobrang bilis ng pagpapadala natin ng mga organs at gusto-"

Hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil may nakaagaw ng atensyon ko. Isang bracelet. Pinulot ko ito mula sa lapag. Reyanne. Pangalan to ng anak ko. Unti-unti akong kinabahan sa di malamang dahilan.

"Sino ang may-ari nito? " tanong ko sa kanila habang pinapakita ang bracelet.

"Ito po ma'am!"sigaw ng isa habang nakaturo sa isang katawan na nababalutan ng puting kumot.

"Nalagyan na rin po namin yan ng sampung libo sa loob" dugtong ng isa.

Nanghihina ako habang papalapit ako sa katawan. mas lalo akong nanghina ng nakita ko ang mukha sa likod ng puting kumot na iyon. Ang sampung taong gulang kong anak ang nakahiga at wala ng buhay habang may lamang sampung libo sa tiyan.