Chereads / Tears for a story / Chapter 5 - Ika-Lima

Chapter 5 - Ika-Lima

TIME TO FINALLY SLEEP LOVE

Elementary ako ng makilala ko si Reid. Bata pa lang kami sobrang gwapo na nya. Yung tipong pwede s'yang kunin as a model ng mga damit pang bata kahit nasa elementary pa lang kami. Ang puti nya at ang pula pula ng labi nya. Para s'yang nilagyan ng lipstick ng mama nya sa tuwing papasok sya dahil sa sobrang red ng lips nya. At hindi ko na rin itatanggi na isa ako sa mga babaeng may gusto sa kanya simula elementary. And I'm really the lucky girl dahil sa akin sya nagkagusto. Ako yung niligawan at ako yung minahal. Pero kahit ako yung pinili nya? Kahit ako yung mahal nya? Kung ayaw ni tadhana di talaga pwede.

"Hi love! Happy 582 days of sleeping! Grabe! Ayaw mo bang gumising muna? Baka maubusan ka na ng tulog nyan HAHA."

Yes. You read it right. Tulog sya.No- He's in coma. 582 days na s'yang ganyan lang. Yes ako yung pinili at minahal pero ako yung iniwan sa simbahan.

Hinihintay ko sya nun e. Isa, dalawa, tatlong oras pa yata. Kahit mukha na akong tanga sa harap ng mga dumalo sa kasal na hindi naman naganap ay hinintay ko pa rin sya. And here he is. Nadatnan ko na lang syang nakahiga sa kama ng ospital na ito at patuloy na lumalaban para sa buhay nya dahil naaksidente sya sa mismong araw ng kasal namin. Who says I'm lucky?

"Love? Its already 870 days since you fall asleep like a sleeping beauty HAHA. But don't worry 'cause I am willing to wait kahit  pa pumuti ang buhok ko. I will wait."

I will wait kahit na sabihin na ng mga doktor na kailangan mo ng magpahinga. Alam kong lalaban at lalaban ka.

" 5,456 days Love! Tingnan mo kailangan na kitang gupitan dahil ang haba na naman ng buhok mo. Don't worry gwapo ka pa rin naman hehe. "

Yes love! Kahit namumutla ka na at hindi na katulad ng dati ang mapupula mong labi ay ikaw pa rin ang pinaka gwapong lalaki sa paningin ko.

Umabot na sya ng 13 years. Pero wala pa rin. Naghihintay pa rin ako na sana may mangyaring himala at gumising sya.

Pero tadhana na yung nagsasabi sa akin na tama na. Na oras na para magpahinga sya. Na hindi talaga kami pwede.

Pagdating ko sa ospital para dalawin sya ay iba ang nadatnan ko. Nakita ko yung mga magulang nya. Umiiyak. Kausap yung doktor na s'yang nakakaalam sa kalagayan ni Reid.

"I'm sorry but we need to let him go. Yung katawan nya na yung kusang bumibigay."

Parang dahan dahan din akong nanghihina sa mga narinig ko. Feeling ko pati yung puso ko isasama nya once na iniwan nya na talaga ako ng tuluyan.

For the last time, Pinagmasdan ko s'yang mabuti. Inalala ko yung mukha nyang nakangiti, tumatawa, galit at yung kakaibang tingin nya na ilang taon kong hindi nakita. I hold his hand while the doctor and nurses are starting to stop the machine na nagbibigay dahilan para huminga pa sya.

Kasabay ng pagtigil ng ingay mula sa machine ay ang tuloy tuloy na agos ng luha ng mga mata ko. Luha ng Pagmamahal, pagod, sakit at sakripisyo.

I kissed his cold and pale lips for the last time. "Time to finally sleep Love."