Chereads / Tears for a story / Chapter 10 - Ika-sampu

Chapter 10 - Ika-sampu

February 14,2020: Friday.

Valentines day to be exact. Wala naman bago sa paligid. Mga nagkalat na lovers, mga bulaklak at chocolates. Isa lang yan sa mga nakasanayan ko nang makita sa bawat taon na dadaan ang Valentines day. Bawat dadaan din ang araw na ito ay ramdam ko ang sakit.

Naalala ko pa kung paano mo ipagdiwang ang ganitong mga araw. Hindi nawawala ang panghaharana mo kasama ang mga kaibigan mo bitbit ang luma mong gitara, ang pagyaya mo sa akin na manood ng teatro, pagsasalo-salo natin sa pagkain na ikaw pa mismo ang naghanda na kadalasan nating ginagawa sa matataas na lugar kung saan kita ang buong syudad at mga bituin sa langit, Ang pagsisimba natin ng sabay at paghingi mo ng basbas sa pari para sa panibagong taon na tayo ay magkasama.

Hindi ko alam na huling Valentines na pala natin yun na magkasama. Dahil iniwan mo ako kaagad. Iniwan mo ako bitbit ang pangako mo sa akin at ang puso ko na sayo ko lang ibinigay.

Iniwan mo ako ngunit hindi lang ito basta bastang pag-iwan dahil kahit kailan di na kita muli pang masisilayan.

50 taon na din ang lumipas simula ng mawala ka. Ang pagmamahalan ngayon ay hindi na katulad noon na totoo at puro. Buti na lamang hindi tayo isinilang sa makabagong panahon dahil baka hindi natin naranasan ang totoong pagmamahal. Marahil may pagmamahal pa rin na totoo ngunit hindi na ganoon kadami.

Marahil ito na ang huling sulat ko mahal ko dahil alam ko na magkikita muli tayo. Gusto ko na sa araw ng kamatayan mo at araw kung kailan tayo naging isa ay ang araw din ng pagkawala ng buhay na pinapaingatan mo.