Chereads / Tears for a story / Chapter 12 - Labing-Dalawa

Chapter 12 - Labing-Dalawa

Rebound. Yun lang ako sa kanya. Panakip butas pagnasasaktan at iniiwan sya. Pero bakit ganun? Nananatili pa rin ako? Bakit di ko kayang umalis at iwan sya?

"Leigh?" Bulong nya sa akin habang nakayakap sya sa likuran ko. Di ako sumagot dahil gusto kong umiyak. Gusto kong sumbatan sya ng mga kinikimkim ko na sama ng loob sa kanya.

"I'm sorry" Narinig kong dugtong nya. Kasabay nito ang pagpatak ng luha ko. Lagi naman, pagkatapos ng isang gabi balik na naman ulit sa dati. Kapag okay na naman sila di nya na naman ako papansinin. Kapag magkaaway at nasasaktan sya? Ito ako, katabi nya sa iisang kama at nagpapagamit ng paulit ulit mapasaya lang sya. Hanggang kailan ako magiging laruan ng taong di ako kayang mahalin?

Narinig ko na lang ang pagbukas sara ng pinto. Iniwan na naman nya ako. Luhaan at umaasang sana ako na lang. Dapat ako. Dapat kami.

Lumipas ang mga araw. Di man lang sya nagparamdam sa akin. Walang chat o tawag galing sa kanya. Anong magagawa ko? Pangalawa lang ako. Substitute kung baga.

"You are 6 weeks pregnant" Mukhang may batang makakaranas ng di buong pamilya. Masakit. Iniisip ko pa lang na magtatanong sya tungkol sa tatay nya ay nasasaktan na ako. Paano na lang ang anak ko?

Pero may mas malala pa palang problema na darating. Tangina lang! Paano na yung anak ko?Bakit ako pa? Kasalanan ko lang naman na nagmahal ako ng taong pagmamay-ari na ng iba.

"I'm sorry Leigh, pero yun ang lumabas na resulta sa mga ginawa naming tests sayo." Sabi ng kaibigan kong doktor ng bumalik ako sa ospital kung saan ako nagpagamot.

"Stage 3, Brain Cancer. I'm sorry leigh." unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ko. Paano na ang baby ko?

"P-paano ang baby ko Jess?" Tanong ko sa kanya habang nanginginig pa rin dahil sa mga nalaman ko.

"Kailangan mong ipalaglag ang bata dahil hindi ka pwedeng mag undergo ng chemo kapag may bata sa sinapupunan mo. Mamimili ka lang Leigh, Ipagpapatuloy mo ang pagbubuntis habang pinapatay ka ng sakit mo o ipapalaglag mo ang bata at lalaban ka para sa buhay mo?Now choose." Di bale ng mamatay ako wag lang ang anak ko.

" let me die, then." tumayo na ako at lumabas ng opisina ng kaibigan ko. Napaupo ako sa gilid ng pintuan at hinayaan ang sarili ko na umiyak ng uniyak. Wala na akong pakialam kung may makakita man sa akin na humagulgol sa tabi ng daan. Wala na akong pakialam sa mga makakakita dahil ang tanging naiisip ko na lang ay ang magiging kalagayan ng anak ko.

Lumipas ang mga buwan. Lumaban ako. Lumaban lang ako ng lumaban para sa anak ko. Isang buwan. Isang buwan na lang ang hihintayin ko para maisilang ko ang anak ko. Isang buwan na lang ang paghihirap na hihintayin ko.

Pero bakit ganun? Ilang buwan akong lumaban. Ilang buwan kong tiniis yung hirap pero isang maputla at malamig na sanggol ang nailuwal ko. Wala ng buhay ang batang ipinaglaban ko. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagtuwid ng linya sa makinang katabi ko.