Chereads / Tears for a story / Chapter 2 - Ikalawa

Chapter 2 - Ikalawa

"Sacrifices turns to ashes"

Pumasok ako ng Faculty room habang nakatungo. Ewan ko ba, nawalan ako ng confidence sa sarili ko. Dinig ko din ang mga sinasabi nila sa akin. Ito na ba yun? After kong mag-aral ng mahigit 20 years? After kong magturo ng 30 years? Ganito lang pala mangyayari sakin?

"Ms.De mesa? Totoo ba ang sinasabi ng nagrereklamo sayo? " tanong sa akin ni sir Raffy

"Totoo po na pinalabas ko ng klase ko ang bata dahil di nya nadala ang pinapadala ko para sa klase. Pinatayo ko po sya ng mahigit isang oras sa labas ng classroom kung saan ako nagtuturo" sagot ko sa kanya

"Pinahiya mo pa ang anak ko! Dapat pinalabas mo na lang! Hindi naman ikaw yung nanay para  sermunan mo ng ganun! " sigaw sa akin ng nagreklamong magulang ng bata

"Hindi ko sya pinahiya. Pinagsabihan ko lang sya. Masyado lang madamdamin ang mga kabataan ngayon kaya kahit simpleng salita dinadamdam nila. "

"Dapat di mo na lang pinagalitan! Dapat pinalabas mo na lang! "

"Kung pinalabas ko lang ba may matututunan sya sa nangyari? Kaya kami nanditong mga guro para turuan sila at maging responsable."

Hindi sya nagsalita at umiwas na lamang ng tingin.

"Marami ka pa ring kasalanan!yung anak ko nangangayayat na dahil sa sunod sunod na project at assignments na pinapagawa mo. Wala ng pahinga yung bata! "

"Tingin mo kaming mga guro may pahinga? Dapat po tinanong nyo din kung sa akin lamang ba sya may projects at assignments na sinasabi nyo at hindi sya mahihirapan kung umpisa pa lang ginagawa nya na mga dapat nyang gawin at di na naghihintay ng malapit na deadline bago kumilos "

"Nagmamarunong kasi kayong mga teacher hindi nyo iniintindi nararamdaman ng estudyante" reklamo pa rin nya

"Lagi po namin silang iniintindi misis."

Gusto ko na lang matapos to.Masyado ng mahirap para sa parte namin ng mga guro

"Ms. De mesa sa ngayon po ang pamunuan po ng pinapasukan nyong eskwelahan ang magdedesisyon kung matatanggal kayo o hindi. "

Sa huli kami pa rin ang mali. Natanggal ako. Matanda na ako sa trabahong ito. Sobrang dami ko ng natulungan. Nakalimutan ko na nga ang sarili ko. Hindi ko naman alam na isa sa mga estudyanteng natulungan ko noon ay ang s'yang magiging dahilan ng pagkawala ng propesyon na pinaghirapan ko ng tatlumpong taon.