Chereads / That Aggressive Girl / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Ara's POV

Sa wakas, magaling na 'yong sugat ko! Pwede na kami mamasyal ni Mama at Papa. Sa ngayon inaayos at hinahanda ko na yung sarili ko para sa therapy ng kondisyon ko.

"Anak, bilisan mo na riyan at aalis na tayo." Sigaw ni mama galing sa baba.

"Sandali lang,Ma!Patapos na rin po ako!"Sigaw ko naman pabalik para marinig n'ya ako.

Nasa kusina kasi si Mama at may kalayuan ito sa silid ko. Kaya panay sigawan namin para lang magkarinigan.

Nang matapos ako ay agad akong bumaba dahil baka umusok na ang ilong ni Mama dahil sa galit.

"Mama, saan tayo unang pupunta?" Seryosong 'kong tanong pagkarating ko.

"Sa salon." Blangkong ekspresyon  ang mayroon siya nang sabihin niya iyon.

"Bakit naman po, ma?" May pag-aalinlangan kong tanong sabay subo ng egg sandwich na ginawa ni mama.

"Para maging maganda ka, 'tulad ko! Nakangiting aniya sabay kindat.

"Mama, maganda naman ako matagal na. Hindi ko na kailangan magpasalon para gumanda." Pagmamalaki ko sa kaniya sabay wacky pose pa.

Napailing naman si Mama sa inasta ko.

"Kailangan mo matutong mag-ayos at magpaganda. You need to learn how to become a fashionista. Lalo na pagdating sa mga kasuotan." Seryosong n'ya sabi sabay kagat ng egg sandwich.

Napabuntunghininga nalang ako. Mukhang ayaw magpatalo ni Mama.

Makalipas ng ilang oras nasa salon na kami.

"Ara, nandito na tayo." Ang sabi n'ya sa'kin habang nakacross-arms pa.

Agad naman ako lumabas ng sasakyan para pumasok sa loob ng salon.

Lumapit naman kami ni Mama sa isang bakla na mukhang taga-ayos ng buhok.

"Loren, siya na ba ang anak mo? Ang ganda naman. Mukhang may pinagmanahan!" Nakangiti n'yang sabi

kay mama sabay turo sa'kin.

Nailang naman ako sa sinabi ng bakla. Actually, gwapo 'yung bakla kung hindi lang 'yun bakla baka niligawan-este-jinowa  ko na 'yun.

"Ano ba yan, Ara? pati bakla nilalandi mo." pagsisita ko sa'king sarili.

Napabalik ako sa realidad na tapikin ako ni Mama.

"Ara, are you okay?" may pag-alala tanong ni Mama sabay hawak sakin leeg para tingnan kung may lagnat ako.

"I'm okay, Mama." Sabi ko.

"Besh, Pwede mo ba turuan ang anak ko na pumorma? Paki-ayusan na rin si Ara?"Pakiusap ni Mama sa bakla na kaibigan n'ya pala.

"Sure, besh! ikaw pa, napakalakas mo kaya sa'kin." Nakangiti n'yang sabi kay Mama sabay kindat pa!

"Wow! ang gwapo n'ya. Kung hindi lang 'to bakla pinatulan ko na 'yan." Nanghihinayang kong sinabi saaking sarili.

Napabalik ulit ako sa realidad na kalabitin ako ni Mama.

"Ara, Okay ka lang ba? Bat kanina ka pa tulala?" nag-alala n'yang tanong.

"Besh, baka nakakita ng gwapong papa." nakangising sabat ng bakla.

Inikutan naman s'ya ng mata ni Mama.

May pinagmanahan pala ako pagdating sa pagiging mataray.

"I'm okay, Ma! don't worry." nakangiting kong sabi sabay tapik sa kaniyang balikat.

"Oh siya, sumama ka na sa'kin, iha. Para maturuan kita pumorma." Pag-aayaya ng bakla sa'kin.

"Ma, ayoko po." Pagmamatigas ko.

"Diba gusto mong maghiganti sa mga taong nanakit sa'yo? kailangan mo matuto pumorma para marunong ka makipagkompetensya sa kanila." Seryosong n'ya sabi habang nakacross-arms.

"Mama, Wala po ako maalala kung sinong walang-puso pinagtangkaan akong patayin." Seryoso kong sabi habang nakacross-arm.

"Wag mo na 'yun alalahanin, may pupuntahan tayong espesyalista para makaalala ka."Nakangiting n'yang sabi sabay himas ng akin buhok.

"Pero,ma-"

Hindi ko na natuloy 'yun akin sasabihin ng sumabat si Mama.

"Walang pero pero, wag ka ng matigas ang ulo, sumunod ka nalang sa'kin."Naiinis n'yang sabi sabay hila sa'kin papunta sa bakla.

Napabuntong-hininga nalang ako. Wala akong magagawa kundi sumunod.

Makalipas ng ilang oras ng bakla sa pagtuturo at pag-aayos sa'kin.

"Namangha akong tingnan ulit ang aking mukha sa salamin."

"Omg! is that me?"Hindi makapaniwalang tanong ko sa'kin sarili.

"You're so really beautiful, anak! like me." Nakangiti n'yang sabi sabay yakap sa'kin.

"Maraming salamat sa lahat, Mama."Nakangiti kong sabi sabay yakap pabalik.

Agad naman kumalas sa pagyayakapan namin si Mama.

"Hindi mo naman kailangan magpasalamat, kulang pa ang lahat ng ito para makabawi ako sa'yo. I'm your mother, that's my responsibility."Sabi ni Mama na may halong hikbi sabay yakapan sa isa't isa.

Agad naman kami kumalas sa amin yakapan.

"Tama na nga dramang ito, baka mag-iyakan tayo dito sa salon, nakakahiya naman."Nakangiti 'kong sabi sabay punas ng aking luha.

"Ikaw kasi, pinaiyak mo ako." nakangiting n'ya sabi sabay kuha ng tissue para punasan ang luhang patuloy lumalabas sa kan'yang mga mata.

Makalipas ang ilang oras, natapos na din ang iyakan namin ni Mama.

Papunta naman kami sa doctor para makaalala na ako. Natulog muna ako saglit at naglagay ng earphones sa tenga para marelax ako.

Loren's POV

"Makalipas ng anim na minuto."

Nakarating na din kami.

Medyo, malapit kasi 'yon sa salon.

Nakatulog pala si Ara dahil sa pagod.

"Ara?"Panggigising 'ko sa kan'ya.

"Ma-mama? nandito na ba tayo?"Tanong ni Ara habang nakapikit pa.

"Antukin pala si Ara? mana sa Papa n'ya."

Nakangiting kong sabi sa'kin isipan.

Napabalik ako sa realidad na may tumawag sa'kin.

"Ma? Halika na,"Pag-aayaya ni Ara na nakalabas na pala ng sasakyan.

Sabay kami pumasok sa loob. Naghintay kami ng ilang segundo...

May lumabas ng doctor at nurse.

"Are you Mrs. Ongcuangco?"Seryosong n'yang tanong.

"Yes, I am," nakangiting kong sabi.

"What can I do for you?" nakangiting n'ya tanong sabay cross-arm.

"Doc, I need your help about her condition. Please do anything and everything  for my daughter to be stable so she could remember us. I'm willing to pay any amount ! Name your price! Just save her,"Seryosong kong sabi.

"Yes, I will do my best." Nakangiting n'ya sabi habang may sinusulat sa papel.

"Good."Nakangiting kong sabi habang naghahanap ng pangbayad.

"By the way, where's your daughter?"Seryosong n'yang tanong habang tinitingnan ang kapaligiran.

Agad ko pinapunta si Ara sa tabi ko na kanina lang busy sa kakacellphone.

"Is she your daughter?"Seryosong n'ya tanong sabay turo kay Ara.

Agad naman akong tumango.

"Wow! she's so beautiful like her mother,"Nakangiting n'yang sabi.

Ara's POV

Pinahiga ako ng Doctor sa higaan. May nilagay na apparatus sa tenga ko na may kasamang tunog. May pinapanood sa'kin na hindi pamilyar na mga tao.

Makalipas ng ilang oras, natapos na din ang therapy.

Pakiramdam ko yun ulo ko ay pinaghati sa dalawa. Napakuyom ko ang aking kamao na unting-unti kong maalala ang mga taong nanakit sa'kin.Lalo na ang taong pinagtangkaan akong patayin.

"Napakahayop naman ng taong nasa likod ng lahat ng pasakit ko! Magbabayad silang lahat! I'll make their life miserable!"Sigaw kong ani agad naman ako pinapakalma ng mga nurse.

"Ara, Nakakaalala ka na?" Nakangiting tanong ni Mama.

"Oo,"Cold kong sabi.

"Mabuti naman kung ganun. Lahat ng mga tao may atraso sa'yo,"Mariin n'ya sabi.

"Humanda sila sa'kin,"gigil 'kong sabi.

"Punung-puno ng galit ang puso ko kay Chai. Siya lang ang may motibo para gawin ito sa'kin. Naalala ko na lahat, lahat ng pasakit na pinaggagawa sa'kin ni Chai. Humanda silang lahat sa pagbabalik ko."Mariin 'kong sabi sa'kin isipan.

Nahimatay si Ara sa sobrang stress. Panay alala naman ang kan'yang ina kung kailan ito magigising.