Chereads / That Aggressive Girl / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Ara's POV

Nagising ako sa sinag ng liwanag na tumama sa aking mukha. Ginala ko ang aking mga mata sa paligid upang tingnan kung nasaan ako. Napagtanto ko na nasa clinic pa rin ako.

"Anak, mabuti naman gising ka na, kamusta na ba 'yun pakiramdam mo?,"

may halong pag-alalang tanong ni Mama sabay abot sa akin ng tubig.

"I'm okay,"  seryosong kong sabi sabay inom ng tubig.

Dahil hindi naman malubha ang kalagayan ko'y pinayagan na rin akong makauwi sa amin. Pero habang nasa byabe kami ay hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang mga nangyari, iyong pagtangka nila sa buhay ko. Naikuyom ko ang mga palad ko sa inis, at naitiim ko ang bagang ko. Nagngingitngit sa puot ang puso ko!

Isinusumpa ko, magbabayad ang mga taong nasa likod ng pagtangka nila sa buhay ko. Ang alam ko lang na may motibo na ipapatay ako ay walang iba kundi si Chai. Siya lang ang mortal 'kong kaaway. Walang hiya ka, Chai! tinuring naman kitang tunay na kaibigan tapos ito ang igaganti mo sa'kin!.

Dati ko naging kaibigan si Chai, pero nagbago ang lahat na 'yun nang siniraan ako sa kan'ya ng kababata n'ya na kaklase ko din dati. Naniwala naman ang bruha. Kaya pinagkalat n'ya sa aming mga kaklase na special child daw ako. Naniwala naman ang amin mga kaklase kaya simula ng ipagkalat nila ang pekeng balita, wala na ako naging kaibigan at kabarkada.

'Hayop siya! kinuha lang n'ya ang loob ko para hanapin ang baho ko. Hanapan pala ng baho ah?  pwess, wait for me! sisiguraduhin ko na mas malala pa ang gagawin ko sa'yo kaysa sa ginawa mo sa'kin," galit kong ani sa aking isipan habang kinukuyom ko ang aking kamao dahil sa galit.

Napabalik ako sa realidad na tinawag ako ni Mama.

"Anak?  bukas  maghanda ka, may pupuntahan tayo,"  seryosong niyang sabi habang nagmamaneho

"San po tayo pupunta?"

Seryosong kong tanong.

"Malalaman mo din bukas, basta maaga ka matulog," seryosong niyang ani sabay himas ng aking pisnge.

"Okay po,Mama,"

Nakangiting kong ani.

Makalipas ng ilang oras, nakauwi na kami.

Hindi na ako uminom ng gatas kasi wala ako gana. Nag-iisip ako ng magandang plano para mapabagsak si Chai. Hindi ako makatulog kasi lagi ko parin naalala ang pagpapatratraydor sa'kin ni chai.

Napabuntong-hininga ako, pasukan na naman. Kinakabahan ako kasi newbie lang ako. Sana makahanap na ako ng tunay na mga kaibigan.

Pumila mo na ako sa pilahan ng grade:8-students. Sumabay ako sa kanila para makarating sa room. I'm so excited sana maging masaya ako sa bago kong school.

Umupo mo na ako sa banda likod. May tumabi sakin na maliit at sexy na babae.

"Hello? what's your name?" nakangiting niyang tanong sabay upo sa upuan.

"My name is Precious Ara Dela Cruz how about you?" nakangiting kong sagot habang inaayos ang mga gamit ko.

"My name is Charlene Mae Mendoza, nice to meet you." nakangiting niyang sagot sabay lahad sa'kin ng kan'ya kamay. Agad ko naman 'yong tinanggap.

Naging matalik kami magkaibigan. Lagi ko s'ya nakakasabay sa recess at lunch.

Lagi kami nagkakakwentuhan hanggang sa nakwento n'ya na kilala n'ya pala si Stefany na nambubully sa'kin sa dati kong pinapasukan na school.

Ang masama pa sinabi ni Stefany daw sa kan'ya na special child daw ako. Naniwala naman ang bruha sa kan'yang nakakabata na si Stefany. Kasi weird daw ako tumingin at ang kilos ko daw kakaiba, paki ba nila? Hindi purket weirdo ako special child na. Makikitid lang talaga ang utak nila.

Simula ngayon, pinagkalat n'ya sa aming mga kaklase na  special child daw 'ko at nanunungtok daw ako ng walang dahilan. Napakasinungaling mo talaga, Chai. Naniwala naman 'yun mga kaklase namin kay Chai kaya nilayuan at iniiwasan na ko ng mga kaklase ko.  Kaya mag-isa nalang ako kumakakain ng lunch sa canteen.

Napahinto siya sa pagbabalik tanaw nang may paparating papunta sa kanyang silid. Napagtanto nya na ang masungit nyang Lola ang paparatin.

"Oh! Apo, bat gising ka pa?" Nag-alalang tanong ni Lola habang hinahaplos ang aking buhok.

"Hindi po kasi ako makatulog eh," seryosong kong sabi habang nakatalukbo ng kumot.

"Oh, pinagtimpla kita ng gatas para makatulog ka. Inumin mo yan para may lakas ka bukas," wika n'ya sabay lapag ng gatas ko sa mini table ko at nilisan na n'ya ang aking silid.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko na patuloy ko naalala ang lahat ng pasakit na naranasan ko.

"Magbabayad ka, Chai! wait for me, wag kang mag-alala gagawin ko din kung ano ginawa mo sa'kin," malademonyong kong ani sa'kin isipan na may halong malademonyong halakhak.