Chereads / That Aggressive Girl / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

Ara's POV

Napabuntong-hininga na lang ako sa ingay ni Lola para gisinging ako. Daig pa ang alarm clock sa ingay. Hindi ko na kailangan bumili ng alarm clock para magising dahil sa bunganga palang ni Lola gising na ako. Napangiti nalang ako, si Lola talaga walang pinagbago.

"Ano nginingiti-ngiti mo d'yan? bumangon  ka na d'yan, hinihintay ka na ng Mama mo," masungit na sabi ni Lola habang nakacross-arm.

"Babangon na po, Lola," nakangiting kong sabi sabay kuha ng towel.

"Mabuti naman naisipan mo pa bumangon," masungit na sabi ni Lola  sabay alis.

Ngayon alam ko na kung saan kami nagmana ni Mama sa kasungitan.

Dali-dali naman ako pumasok sa banyo, bago pa umusok ang ilong ni Lola dahil sa galit.

Makalipas ng isang oras, natapos na ako maligo.

Nagsuot ako ng kulay pula na dress na hanggang tuhod. 'Yong kasi ang pinapasuot ni Mama.

Nang matapos kong magbihis, naglagay ako ng kaunting kolorete sa aking napakagandang mukha. Pagkatapos sinuot ko na din ang aking paboritong salamin.

Ilang saglit ay may kumatok sa aking pintuan kaya napalingon naman ako dito.

Sino kaya iyon? imposible naman na si Lola ay kakagaling lang nito kanina sa aking silid.

"Sandali lang!" Saad ko bago tumayo at tinungo ang pintuan.

Sa pagbukas ko ay laking gulat ko na lamang nang namataan ko si Mama na nakacross-arm.

Ngumiwi si Mama nang mapagmasdan niya ako.

"At bakit suot mo ang salamin  iyan ?,"masungit nitong tanong habang nakacross-arm na.

"Malabo po kasi  ang mata ko," pangdadahilan ko.

"Use contact lenses instead,anak," suhistyon n'ya bago tinanggal ang salamin ko.

"Mama!" Nagulantang ako na binali nya itong bigla sa harapan ko.

"Hindi mo na ito kailangan, Anak. Sige na bumaba ka na para makakain," aniya bago pumanhik pababa ng bahay.

Napabuntong-hininga na lang ako na sa isang iglap lang mawawala na ang paborito kong salamin. Mahal pa naman bili ni Lola sa aking salamin. Marami kaya alaala sa akin 'yong salamin. Simula pagkabata at hanggang sa pagdalaga, ginagamit ko na 'yong salamin, tapos ngayon mawawala lang sa isang iglap.

Loren's POV

Papunta na kami ni Ara sa mafia of devil organization. Miyembro ang pamilya namin ng Mafia  bukod lang kay Mama na nagresign na sa pagiging Mafia. Kailangang kasi ni Mama bantayan ng mabuti si Ara habang wala ako kaya nagresign ito sa pagiging Mafia, alang-alang sa kaligtasan ni Ara.

Ito na ang tamang panahon para ipakilala si Ara sa mga kasamahan namin. Kailangan din malaman ni Ara ang tungkol sa Mafia of devil organization namin na ipapamana ko na sa kanya.

"Mama, saan po ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Ara sabay subo ng fish cracker na binaon nya.

"Basta maghanda ka na lang," seryosong kong sabi habang nagmamaneho.

Nakita ko ang laki na pinagbago ni Ara. Sosyal na s'ya pumorma. Hindi na siya madali mapikon. Marunong na siya mag-alaga ng sarili nya. Hindi na siya mainipin.  Dati lang napakachildish n'ya pero ngayon lagi na siyang seryoso.

Alam ko lahat ng ugali at kilos ni Ara dahil binabalita at kinukwento sa aking ni Mama. Bawa't araw tumatawag ako kay Mama para kamustahin si Ara.

Makalipas ng ilang oras, nakarating na kami.

"Mafia queen, nasa loob na po 'yong mga kasamahan natin sa Mafia organization. Hinihintay na po kayo," sabi ng aking tauhan sabay yuko bilang paggalang.

"Okay," blangkong ekspresyon kong sabi.

Nahalata ko na nagulat si Ara na naging cold ako dahil napanganga ito. Kailangan ko talaga gawin 'yong para wala magdalawang-isip traydorin ako. Dapat matakot sila sa'kin para nasa aking lang ang loyalty nila. Hindi dapat palagpasin ang mga traydor sa grupo para ito ang maging silbi aral sa may balak na tumiwalag ulit. Ganyan ang trabaho namin mga Mafia, wala dapat kaming kinakatakutan at pinapalagpas.

"Good morning mafia queen, sino po siya?" masayang tanong ni Josh na anak ni king gangster sabay turo kay Ara.

"She's my daughter," blangkong emosyon kong sabi habang nakataas ang isa kong kilay.

Agad naman sinaway si Josh ng kanyang ama.

"Pasensya na po Partner sa pagiging makulit ng anak ko na si  Josh," seryosong sabi ni king gangster.

"Next time, Partner pagsabihan mo 'yong anak mo na wag masyado tsismosa," masungit kong sabi habang nakacross-arm.

Agad naman ito napatango.

Crush kasi ako ni King gangster kaya walang palag s'ya pagdating sa'kin. Lakas kasi ng amats ko eh. Campus crush kaya ako noong highschool. Well, nasa dugo talaga namin ang pagiging maganda kaya hindi ko siya masisi

"I'd like to introduce you my one and only child, Ara. The sole inheritor of my title: Mafia Queen," pormal kong pagpapakilala at nagpalakpakan naman sila.

Agad naman ako hinila ni Ara na ipinagtaka ko.

"Oh? anong kailangan mo? bat kang nanghihila" Seryosong kong tanong habang nakacross-arm.

"Mama, bakit ako ang papalit sa posisyon mo? eh wala naman ako kaalam-alam sa self defense. Ang sarili ko nga hindi ko mapagtanggol,noong pinagtangkaan nila ako patayin,ibang tao pa kaya," pagrereklamo nya

"Don't worry, someone will teach you," nakangitin"Don't worry, someone will teach you," nakangiting kong ani sabay hila sa kan'ya papunta kay Josh.

"Josh, I command you to take cake of my daughter. Teach her everything, and most of all, protect her. Is that clear?, "Maawtoridad kong sabi

"Yes po, Mafia boss," nakangiting niyang sabi sabay yuko bilang paggalang.

"Can you stop calling me Mafia queen? As of now I'm a Mafia boss. My daughter is a Mafia queen so give respect to her," cold kong sabi habang nakacross-arm.

"I'm so sorry, Mafia boss," wika n'ya sabay yuko upang humingi ng tawad.

"Ara, from now on you will living in Mafia of devil organization hotel. I command someone to bring your things," seryosong kong sabi habang hinahatid siya kay Josh.

"Pero, ma--"

Hindi na n'ya natuloy ang sasabihin n'ya na magsalita ako.

"Wala na pero pero, diba gusto mo maghiganti? dapat handa ka sa lahat ng bagay na pwede nila gawin laban sa'yo. Kailangan may kaalaman ka na sa pakikipaglaban para kaya mo na protektahan ang iyon sarili laban sa kapahamakan. Hindi habang buhay kasama mo kami para ipagtanggol ka," seryosong kong sabi.

"Oo, magbabayad silang lahat! lintek lang ang walang ganti," gigil n'ya sabi habang nakakuyom ang kamao.